Monday, November 7, 2011

Happenings

Eto nanaman ako walang magawa sa buhay kaya nagsusulat sa nilalangaw kong blogsite. Pagod na pagod ang katawang lupa me today sa kaka laro ng badminton para pumayat. Pero ang laki parin ng tyan me. So depressing like that. Mahigit apat na oras kameng nag lalaro. Tinitiis ko ang flavored smell ng mga ibang lahi na nag lalaro sa paligid. Halo-halo ang smell. May amoy tae, amoy keli-keli, amoy kiamoy, amoy panis na kanin at amoy inaamag na yema. Effort much.

Kakatapos lang ng long weekend at may pasok nanaman bukas. And most pro'lly pag sisisihan ko nanaman ang mga bagay na isusulat ko dito mamyang pag gising ko bukas ng umaga. Lagi naman ganun eh.

Nag custome party pala ang life groups namin last Sunday. Anime or Cartoons daw ang dapat na isusuut. Hindi ako nag effort masyado. Ito lang me. Ang lahat ng manlalait tutubuan ng pigsa sa singit. Hindi lang isa kundi anim.

Pinatabang SuperMan lang. LOL gusto ko nga sanang mag leggings tapos mag brief na red outside para todo effort na. Pero hindi pala kaya ng bubut at sariwa kong katawan mag costume ng ganyon. Mabuti pang i-lechon nyo nalang me on a very very mild heat kesa mag suut me ng ganun. Shy me.

Masaya ang party masasabi kong one of the best and memorable custome party for me. Napaka cool ng mga sumali at naging makabuluhan ang gathering dahil sa pagkain. Juk! Syempre dahil sa worship time namin.

Ektweli, medyo nahiya naman ako kasi ako lang ang hindi masyadong effort LOL ako na tamad. Gusto ko lang naman kasi kumain eh. May Pansit kasi. Ang sarap pala ng pansit, first time kong kumain. Charut!

Naisip ko lang hindi bagay sakin ang shirt. Hindi kasi ako si superman.

1. Wala akong abs. Mataba me at panget.
2. Hindi ako mayaman wala akong Ferrari
3. Hindi ako matalino. Sakto nakakaintindi lang
4. I can't save the world.
5. Hindi ako blue eyes. Just an average black eyeballs.
6. I don't have super strength. Wala nga kong lakas ng loob sabihin na gusto kita. Puro nalang tingin. Puro nalang titig. Puro nalang "Hi" with matching smile (HISKUL?!)

Oo may ganyang emo.

At dito nag tatapos ang blog entry. I wasted your time. LOL



14 comments:

  1. Hindi mo nga masasave ang world, pero nasasave mo nmn ang mga readers mo sa lungkot. Oha Oha!!ahah

    ReplyDelete
  2. dapat sir jepoy naglagay ka ng curly bangs para may effort. ahihihih. pero not bad na din yung costume.

    :D

    ReplyDelete
  3. Hahahaha. May emo part nga sa dulo? Bagay naman sayo. Busog ka lang, pag natagtag mawawala din ang tyan. Hahaha. Juk lang.

    ReplyDelete
  4. HAHA. You never fail to make me smile and laugh with your posts Jepoy. I never thought may cute palang version ni Superman sa katauhan mo. And I'm not kidding, so no pigsa for me. :D Cherrio!

    ReplyDelete
  5. HAHAHA ang ganda ng shirt..akin nalang yan kasi hindi naman talaga fit yan sa iyo...jokeeee :P


    P.S.
    may anti-pigsa potion ako kaya hindi ako matatablan

    ReplyDelete
  6. HAHAHA! Ipagpe-pray na ba natin 'yan sa Worship Night sa Friday???

    ReplyDelete
  7. Nice one!hehehehe.

    Busog version ni superman :P

    Wag ka na magpapayat mas maganda yung huggable (parang teddy bear) na superman kesa un maskulado pero matigas na katawan. hindi mauunanan!hehehe.

    ReplyDelete
  8. Effort talaga sa atin magkaroon ng 16packs na abs! LOL. :D

    ReplyDelete
  9. sana nag Super Blag ka na lang :P

    ReplyDelete
  10. Fixated ang eyes ko don sa "pro'lly"! Haha. Ngayon ko lang ata nakita yan sa sentence. Gagamitin ko ren yan in the future! Haha.

    Parang pumayat ka na nga dyan. Ako kase tinatamad mag exercise. :(

    Hello Jepoy! :)

    ReplyDelete
  11. LOL

    salamat sa inyong lahat faithful readers...LOL

    ReplyDelete
  12. bagay naman syo yung superman costume pramis, nilagyan mo na lang na drawing na abs yung tshirt para orayt na yung effect syo! :D

    ReplyDelete