Monday, July 12, 2010

Panunumpa ni Jepoy

I made a special video habang background song ang kanta ko kaso ayaw mag upload kahit sa youtube at vimeo at blogger upload, Nampota! Ayaw tanggapin ng internet ang malamig na boses ko na parang buko shake lang na may sprinkle ng crushed ice sa ibabaw. Haist! Mamya nalang sa office para mas mabilis ang internet connection hindi tulad dito sa bahay na kung saan ang upload speed ko ay 1kbps, Nyeta! Malamang next week pa matatapos 'yung pag uupload ko.

Anyway highway, wala akong maisip na maipost kaya ang gagawin ko nalang ay ang...

Dyaran...

"Panatang Makabayang pang blog ni Jepoy"

Ako'y na nunumpa sa watawat ng Pilipinas
At sa rebublika na kanyang kinabibilangan
Nangangako akong hindi na mag skip read (Promise!)
Mag re-reply ako sa lahat ng nag comment sa lahat ng aking sulatin kahit tinatamad me, respect

Hindi ako kailanman makikipag away sa blog
Mamahalin ko ang blogger friends ko
Mag tha-thank you ako sa nag follow sa google connect
Mag ko-koment ako ng may sense sa sinulat ng ibang blogger (pag nagustuhan ko)

Mag rereply ako sa cbox ko para mag thank you sa nag iwan ng mensahe
Gagawin ang lahat para makapag bigay ng konting ngiti pang alis problemang pangkalikasan
Makikidalamhati sa nag dadalamhati at makikisaya sa nag sasaya
Pupurihin ang gawa ng iba kung karapat dapat naman talagang purihin

Hindi maiingit sa magandang template ng ibang bloggista lalo na yung may drawing shit
Pipiliting intindihin ang sulat ng iba sa banyagang salita kahit nosebleed
Hindi pupunta ng blog ng iba at sasabihing xlink kahit hindi naman binasa ang likha nila
I a-add sa blogroll ang magandang blog ng walang kapalit dahil magaling ang may akda period

Makikiisa sa paminsang minsang grand EB dahil masaya ang makipag kaibigan at makakiskisang siko ang mga blogista
Nangangakong gagamitin ang kakaramput na talento para mag update at mag kwento ng walang kwenta
Ipropromote ko ang favorite kong blogsite on a monthly basis
Gagampanan ang pagiging isang mabuting Pilipino

Yown lang.

Thanks!

22 comments:

  1. guilty ako dun sa iba pero as much as possible ginagawa ko ang lahat para hindi maviolate ang panunumpang ito..^_^

    abangan ko ang video mo mamaya kuya jepoy ^_^

    ReplyDelete
  2. gusto ko ito. sana'y tamaan ang ibang bloggers na dapat tamaan! hehehe. tinamaan kasi ako sa ibang points! \m/

    ReplyDelete
  3. susundin ko to sa abot ng aking makakaya...

    ReplyDelete
  4. tutuparin ko ang aking tungkulin bilang isang blogger na nakaakda sa iyong entry. bow.

    ReplyDelete
  5. @Superjaid

    Pinalitan ko title kasi para saakin lang naman ito hahaha baka magalit yung iba.

    Salamat superjaid

    @Nobenta

    Heheheh Salamat pareko'y naisip ko lang naman yan pero not biggie, di dapat seryosohin ahaha

    @Abou

    Mag update ka na kaya! Excited na ko ahahah

    ReplyDelete
  6. Pwedeng dagdagan bossing?

    Tutuparin ko ang sinumpang tungkulin na pagiging isang blogger
    sa isip
    sa salita
    at sa gawa.

    I lick it este like this post pala.. :)

    ReplyDelete
  7. skipread...
    onga, ni hindi ka man lang sumumpa sa panunumpa mo na tutuparin mo ung mga sumpa mo.
    Kasumpa-sumpa! hehehe

    ReplyDelete
  8. ouch! tinamaan ang kaliwa kong mata hahaha...

    slight guilt here...LOL...

    ReplyDelete
  9. omg! what did you just do???? bakit nagbago??!!!! amazing! :))

    ReplyDelete
  10. number 1 ka tlga IDOL!

    ReplyDelete
  11. hi kuya jepoy..this is me...avid reader ng blog mo..hehhehe

    ReplyDelete
  12. Mabuti naman at nanumpa ka na ng iyong mga tungkulin. Sana isinama mo na rin ang pagpapabuti ng maitim mong puso!

    ReplyDelete
  13. Henyo! Pramis ba yan? hehe : D

    ReplyDelete
  14. @kikilabots

    you're welcome. Bow!

    @Poldo

    Sige lang dagdagan mo lang ahaha salamat sa pag like parang facebook lang...

    @Oliver

    Kokontra ka naman, Ayhetchuooo!

    @Jag

    Sus wag kang damaan hindi naman baril ang salita ko (corny k)

    ReplyDelete
  15. @Allen

    OMG talaga bwahihihi

    @Allen

    Anong nag bago

    @Donato

    Oist bulero ka kuya, lahat nalang sinasabihan mo ng number 1 ahahaha

    @Tinatagong puso

    Uy salamat naman po at nag babasa pala you. Ingat kaw

    ReplyDelete
  16. @Glentot

    Isa ka pa, pag bubuhulin ko kayo ni Oliver gagawin ko kayong centipede kaya ng movie.

    @Wait

    Oo promise *Crossing my fingers* bwahihihi

    ReplyDelete
  17. san na yung special video?

    talagang kelangan may panunumpa ng isang blogista?

    ReplyDelete
  18. @bulakbulero.sg

    Nag mamadale???!!!

    ReplyDelete
  19. "Hindi pupunta ng blog ng iba at sasabihing xlink kahit hindi naman binasa ang likha nila
    I a-add sa blogroll ang magandang blog ng walang kapalit dahil magaling ang may akda period"

    super like ko to. Minsan may dumadaan ng x-links tapos pag na-add na, pagsilip mo sa blog nila, wala namang link pabalik sa blog mo. :D

    Gusto ko din ung panata na i-add ang blog ng iba na walang kapalit. Ginagawa kong favorites link ung blogroll ko e :D

    ReplyDelete
  20. bakit ganun, dalawa ang version ng blog post na to???

    ReplyDelete