Wednesday, July 7, 2010

Masahista

Kung kelan naman matatapos na ang aking bakasyon saka naman ako nag kasakit. Mahina na ang katawang lupa ko, mahinang mahina, I'm like mamatay na ba me now? Is this sign of aging or panahon lang ng sakit ngayon? I'd like to believe na panahon lang ng sakit ngayon.

may ubo ako at sinat (parang baby lang)

Mahaba ang bakasyon ko this week mula Saburdey hanggang Tuesday, wupi! Ngunit hindi dyaan natatapos ang istorya dahil sumama ang pakiramdam ko like now lang. Hindi na ako mag smoke kahit kelan promise! 'Yung plema ng ubo ko ayaw kumawala sa lalamunan ko, Putangina dry much. Ayaw kong sabihin kay Mudrax na may sakit ang baby nya dahil baka lumuwas pa sya ng Maynila. Kaya naman kagabi tumawag ako sa suking suking masahista ko.

Jepoy: 'Te pasensya na at madaling araw na, pwede ba mag pamasahe
Masahista: Naku sir nag resign na po ako eh
Jepoy: huh kelan pa?! This is not so happening...
Masahista: Arte!
Jepoy: Fine joke lang. Sige Salamat nalang.

Nalungkot ako ng 2 minutes tapos na alala ko meron mga pumplet na iniiwan sa mailbox namin ng mga home service massage. Bumababa ako para i check ang mailbox, and guess what?! nandun ang mga putanginang bills na babayarin, lalo ata akong mag kakasakit. Putakels!

Nakita ko ang isang papel, "Blue Feather Spa, We offer Home Service from 7am-3am". Ayos dali dali akong umakayat at tumawag dito.

Receptionist: Blue Feather Massage how may I help you..
Jepoy: Hello pa home service naman po
Reception: San po location nyo Sir?
Jepoy: Dito lang sa Kalinga Apayao
Reception: huh?
Jepoy: Syempre joke lang, dito lang din sa Park Avenue, Unit ***
Receptionist: Sige Sir pakihintay lang po, papaakyat na.

Maya-maya pa dumating na si Ate naka suut ng scrub suit na kulay pink, may hello kita pa. Maputi. Bata mukang nasa early years ng college. At mukang virgin. Pero syempre nilinis ko kaagad ang isipan ko dahil hindi naman pokpok ang tinawagan ko kundi masahista. Although, hindi naman maiwasan mag isip ng happy ending. JOKE!

"Ate maupo ka muna, lalagyan ko lang ng sapin 'yung kama ko dahil baka mag amoy mineral oil. Gusto mo ng maiinom anything to drink (nag offer ako kahit tubig lang naman laman ng fridge ko)"

"Sige lang po Sir okay lang ako"

"Sus, wag mo na kong tawaging Sir, Jepoy nalang. Ok lang ba dito nalang tayo sa kwarto? Ok lang patayin ko narin 'yung ilaw kasi na sisilaw me? Tska mag play lang ako ng music sa laptop ko para mas maganda ang effect."

"Okay lang Sir (naka smile sya), ilang hours po ba?"

"Isang oras lang, May sakit ako ngayon kaya wag masyadong hard ha pero ayoko ng soft. 'Yung tamang timpla lang ha para maalis 'yung lamig sa likod ko."

"Sige Jepoy akong bahala, tara start na tayo, pakialis nalang yung shirt at shorts"

Inalis ko ang aking sando at shorts at dumapa sa kama.

"Ate ito nalang 'yung gamitin mong mineral oil, amoy lupa 'yung oil nyo eh"

"Sobra naman!"

"Joke lang!"

Inumpisahan ni Ate ang hagod sa aking legs. Tinupi nya ng kaunti pataas ang boxers at humagod si Ate mula sa paa papuntang hita. Swabe! Nakiliti me ng kaunti pero ang sarap, so relaxing. Ang init ng mga palad nya at ang init din ng Oil na gamit nya hindi ko maiwasang ma.. forget it! Parang hinigop ang mga lamig mula sa aking talampakan papuntang likod ng aking hita. Naririnig ko ang mga hiningi ni Ate habang hinahagod ang aking mga hita. Nahirapan ata sya sa aking mga fats. Nahiya me much. Hinagod ni ate muli ang aking hita pataas ng konti at ingat na ingat na wag masagi ang mga bagay na dapat hindi sagihin. hihihi Nakaka relaks!

maya paya pa eh sumampa si ate sa likuran ko at hinagod ng maiinit na palad nya ang aking likod papuntang wetpaks. Sarap! relaxing talaga. inulit ulit na ito ng ilang strokes paakyat ng likod ko at pababa ulit. Halos mapaungol ako sa sarap. Ang galing ni Ate mag massage.

"Sir Gusto mo soapy massage?!"

"Maria Ozawa ikaw ba yan?! Syempre hindi pwede soapy massage dito sa kwarto wala akong extra bedsheet mag kakalat ang bula"

"Ah ganun ba. Okay lang ba ang pressure sir?"

"Idiin mo pa ng slight mga additonal 5% lang"

Awww, sarap.

Hinagod nya ang likod ko sa tamang pressure at ramdam ko ang pag gaan ng pakiramdam ko.

"te paki diin ng konti dyan sa may bandang baywang ko"

"Yan sir, ok ba pressure?"

"Perfect"

Ang bilis lumipas ng isang Oras parang feeling ko 10 minutes lang 'yun. Gumaan ang pakiramdam ko. At dito nag tatapos ang kwento!

Wag ka nang umapila dito talaga nag tatapos ang kwento.

Kthanksbye!

33 comments:

  1. awww..kainggit parang gusto ko ring magpamassage kaso hindi afford ng student budget ko..hahaha

    magaling ka na ba kuya?get well soon..^_^

    ReplyDelete
  2. Naiinggit me. Pero mas inaasahan ko yung 'happy ending'. heeeehhehehe!

    ReplyDelete
  3. bitin ang kwento. hahahahaha.
    Buti pa dyan may home service massage.
    hindi ba mahal ang home massage? ano ang diff. sa spa at massage parlor?

    ReplyDelete
  4. Teka teka teka bossing may kulang pa hanggang dyan lang ba talga??..

    Wala bang....



    Bayaran?? libre lang Yung masahe?? hehehe

    Lagnat laki lang yan bossing

    Get well soon po!.

    ReplyDelete
  5. oo nga, ba't walang happy ending? hahaha!

    ReplyDelete
  6. gusto ko din magkasakit..mag dry ang lalamunan that much..saka magpamasahe..waaaaaaaaaaaaaaaaaaahhh

    ano number nyan at matawagan ko na..now na!!

    ReplyDelete
  7. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  8. Hindi ko alam kung maniniwala ako sa ending ng kwento mo pero maniwala ka, gusto kong maniwala. :)

    ReplyDelete
  9. yana ang isa sa mga gagawin ko sa pinas pag-uwi ko....ang maging masahista!

    parekoy, bitin ang xerex story mo. umamin ka na. \m/

    ReplyDelete
  10. Weh? as in ? wala bang ngyaring happy ending? LOL.

    Ingat k parekoy! Uso tlga ang sakit ngaun...kagagaling ko lng din sa sakit eh...

    ReplyDelete
  11. gaya ng sabi ni pareng nobenta, bitin ang storya mo. bitin na, pang xerex pa. lol.

    wala bang nangyari? lol

    ReplyDelete
  12. mineral oil? i thought yung "oil" ni Mr. Thomas. JOKE =P

    ReplyDelete
  13. aminin mo na kasi....may nangyari.
    nahiya ka pa e.okey lang samin.
    sige sa next post na yan...wahhahahaha..

    get well soon sa atin. may sakit din ako...huhu.pero ayoko ng masahe......bad experience e.ahahahhaa

    ReplyDelete
  14. OK nadiagnose ko na ang iyong condition, it's Foot and Mouth Disease. I'm very sorry.

    ReplyDelete
  15. wala kang maisulat no? hehehe

    ReplyDelete
  16. @gillboard ang harsh...

    ReplyDelete
  17. Ang papa magaling mag masahe hehe.. Lalo na yung karate chop nya sa lik0d? Hehe tangal lameg pa.. Dapt po kuya jepoy?wag k matulogng walang damit para maka iwas sa sakit. Ge po! Palakas ka po. God bless

    ReplyDelete
  18. Booo, walang aksyon!
    pero in fairness natawa ako dun sa additional 5% na pressure. Nasukat mo? haha

    ReplyDelete
  19. oo nga walang aksyon! hehe bitin, parang pelikula ng mga pinoy! walang nangyari? :)

    ReplyDelete
  20. nako yung sakit na yan sakit sakitan para mag extend ang bakasyon/..

    pero pagaling ka tol.

    saka nga pala naiingit ako gusto ko din mag pamasahe...... kaso makilittin ako e.

    ReplyDelete
  21. Popoy Inosentes7/8/10, 3:10 PM

    hindi ako naniniwalang dyan nagtatapos ang kwento. gusto mong dugtungan ko yan jepoy? malandeeee much ka.

    diba sinabi mo, kinain ni ate yung hotdog?


    BOO!! ikwento mo. kinain nya yung hotdog na tira nung breakfast mo. yung nakita nya sa lamesa. gutom na gutom na kasi sya.

    :P

    ReplyDelete
  22. Wow! ang sarap naman. Akala ko erotic yung article mo ngayon, pero may nagbabadya hehe! Baka sa susunod meron ng mangyari hehe!

    ReplyDelete
  23. I forgot to remind you na you should beware. Galaw-galaw ng kaunti para mabawasan ng toxic ang katawan. Gym ka or jogging ka or kung di ka inspired pwede mong habulin ng itak si glentot or ikaw ang pahabol hehe!

    Sa panahon ngayon kailangan nating maging healthy, ehersisyo or laro. Kami ng misis ko ay merong 3 days/week na badminton session para mawala ang kaunting tensyon sa trabaho, makapag-bonding mag-asawa, to have a good time and at the same time mabawasan ng fats sa katawan. It is 4 birds in one stone. Ang saya!

    ReplyDelete
  24. nang minsan nagpa-massage ako...

    masseuse: ser ano po gusto niyong massage, sop o moderet?

    me: ano ba pinagkaiba ng soft at moderate mo?

    masseuse: sir, gusto mo ba sopsopin ko pa o gusto mo deretso na?

    bwah

    ReplyDelete
  25. sa Metrowalk may happy endings...

    hahaha natawa ako sa comment ni glentot.. :)peace

    ReplyDelete
  26. naniniwala akong walang aksyon pagkatapos nong masahe kasi di sila TALO... :) kung lalaki yong masahista, baka meron pa, di ba fafa jhepzuoyw.. jejejeje

    ReplyDelete
  27. @Superjaid

    Murang mura lang ito jaid 250 lang LOL plus 100 na tip pwede!!!

    Thanks sa comment superjaid ingat kaw

    @Bulakbulero.sg

    Oo yun lang. LOL

    @Ayie

    Walang happy ending to Mami im sick, i just need to relaks *wink*

    @Khantotantra

    Marami naman dyan sir pa home service, hindi ko lang alam dyan sa location mo sa pasig kung meron.

    @Poldo

    Wala ng kulang... LOL yung bayaran di ko nabanggat 250 plus 100 tip LOL pwede na ba?!

    @Gasul

    Boo!!! Tutulad mo ko sayo!

    @Kathaniakap

    Baket alam mo yung happy ending?! LOL

    @Kikilabotz

    Text ko sayo yung number kaso nga lang ang layo mo..LOL

    @Salbehe

    LOL, natawa ako promise, sige dahil ayaw mong maniwala libre mo nalang ako ng sine, sabi mo diba ayaw kang samahan ng mga tropa mo, ako sasamahan kita lol

    @Nobenta

    Sige Sir mag sawa ka pag uwi mo dahil nag kalat sila

    @Jag

    Weh ka dyan LOL

    San na yung pa kame mo?!

    @Super Balentong

    Nangyaring ano?! Clear your question please LOL

    @Ollie

    So laitan ganun? LOL

    @Maldito

    may sakit ka din?! Get well soon inom dami water ang vitamins sir uso daw talaga sakit at karamdaman ngayon...

    @Glentot

    maraming salamat sa morale support mo putangina ka!

    @Gillboard

    Parati naman akong walang maisulat eh LOL

    @Dctheker

    nag sasando na nga ko pag natutulog para hindi mag kasakit. Salamat sir sa iyong munting paalala at pag comment.

    @Oliver

    Boo ka rin! LOL ganun talaga may additional percentage talaga hehehe

    @Anthony

    Baket bitin, enlighten me LOL

    @Paps

    Salamat ng marami Parekoy, ingats mag kasakit mahal gamot! mag praktis ka muna sa feather duster para sa susunod di ka na makikilit

    @Popoy Inosentes

    ang halay ng comment mo, di ko kinaya! LOL

    @Noel


    Sir salamat sa mga suggestions mo, I'll do my best to excercise na nga ulet hhihih

    @YJ

    At bumanant nanaman si kaibigang YY, oist pa sensya na at hindi ako naka reply sa txt mo last time busy lang :-D

    @Silentassasin

    Mukang napapalagi ang metrowalk natin sir ah LOL

    @Anonymous

    WoW, gusto mo sumikat noh?

    sa susunod ilagay mo link ng blog mo or name mo para mabahaginan ka ng fame kasi mahirap ang anonymous IP lang ang makikita, also, don't worry mababait ang mga commenters/friends ko dito kahit bakla ka hindi ka i judge kaya wag ka na mandamay ng preference mo okay. LOL

    ReplyDelete
  28. jepoy, kaya pala medyo humahaba ang ilong mo ngayon. isang kasinungalingan kasi ang ending ng post mo. haha!

    ReplyDelete
  29. @Adyboi

    Aba nabuhay ka!!!

    ReplyDelete
  30. Bitinnnnnnnnnnnnnn!!!!!!

    What happened sa inyo ni Maria Ozawa ah este ni ate pala?????

    I demand a Part 2!

    Wow parang Harry Potter lang may series. LOL

    ReplyDelete