***************************************
Babala: If you consider chick flick films as a big bullsh*t thing and/or if you are a person who doesn't watch chick flick at all, then I must tell you that you shouldn't read this entry. Go ahead and click on the little red x icon up there on the right hand side of the screen.
Thanks!
***************************************
Alam nyo naman na mahilig akong mag basa ng books sa katunayan kung meron akong extra money instead na damit mas gusto ko pang bilhin ang books, alam 'yan ng mga close friends at opis meyts ko. Habang ang karamihan sa tropa ko eh busy sa collection nila ng PSP Games, Hot toys, Comics, Anime, Online Games, ako naman books. Bigyan mo lang ako ng isang magandang book kahit kids book pa yan tulad ng Percy Jackson at Harry Potter kaya kong mag kulong sa bahay mag hapon. Hindi ako choosy sa mga binabasa dahil mababaw na tao lang naman ako at karaniwan mga simpleng books lang naman ang binabasa ko hindi naman 'yung kasing kalibre ng Hamlet, Webster at Calculus ang trip kong basahin, Nerd?! Well no judgement sa mga nag babasa nyan kasi kanya kanya lang ng trip yan. Anyweis ang haba na ng intruduction ko. LOL
Pinanood ko kahapon ang Eclipse habang hinihintay ang mga high school classmates ko na hindi ko pa nakikita mula noong nag graduate kame kaya excited me much. Pero excited din ako manood ng Eclipse.
Baket?!
Hindi sa dahil "in" ang movie na ito kundi dahil favorite ko sa Twilight book Series ang Eclipse. Hindi ako na disappoint tulad ng ilan dahil binabaan ko talaga ang expectations ko sapagkat ang books-turned-movies ay parating panget/overrated. Ang twilight Saga ay memorable sa akin dahil meron nag bigay sa akin ng copy ng book na malapit sa puso ko (landi?!). Tsaka mababaw nga lang ako, 'pag nanonood ako ng movie hindi ako kritiko na hahanapan ng kung ano anong shit ang isang palabas, nandun lang ako para mag relaks. Sabi nga ni Glentot, wala naman daw panget na movies sa akin well, almost true naman ang statement ng putangina.
Favorite ko ang Eclipse sa 4 na books ng series na ito dahil ang daming actions and medyo less ang cheesyness, dito kasi gumawa ng Vampire Army si Victoria (kalaban) 'yung babaeng Vampire na galit kay Bella dahil namatay yung kumakalantaring Vampire sa Kanya sa Book 1. Maganda ang labanan at traning time nila para sa ambush preparation ng kalaban sa movie kahit medyo bitin. Kung na aalala nyo yung baseball scene noon sa first movie parang ganun, ang action. Pinakita ang Speed and stregth ng Vampire and Wolves.
Dito rin na intensify 'yung love triangle ni Edward, Bella, and Jacob. Obviously, this is a chick flick so maraming scenes na pampakilig at para sa akin pwede na ang pag kaka execute, no wonder kaya sya block buster hit. Well, dito kasi sa love triangle nila na represent or naipakita yung isang side na nagagawa ng love kung saan marami nakakarelate, makikita ito sa character ni Jacob. 'Yung tipong kahit ang sakit sakit na gagawin mo parin ang lahat kasi mahal mo sya? Kahit nag durugo na ang puso mo when you know the fact the 'yung mahal mo hindi ka talaga pwedeng mahalin ng ganun pero kahit na katiting na hope sa puso mo eh nag ho-hold on ka kasi for all you know mahal ka rin nya and you are doing everything you can for your love, that includes risking your own life, and that for a fact wouldn't matter to you. Mga ganong tipo. Ang kesooooooooosoooooooo Puta!!!! tumitindig balahibo ko sa kahihiyan kahit sinusulat ko lang 'to. LOL
Na kaka excite din dahil si Dakota Fanning ang gumanap na isa sa mga Volturi, kahit mga 3 scenes lang meron sya eh sulit para sa akin. And maganda rin sa movie eh, pinakita nila yung part na kung saan merong little history about some of the cullens kung baket sila naging vampire which i think is also crucial sa story line para maintindihan ng mga tamad mag basa. Kahit maiiksi lang napakita nila yung history ni Rosalie tsaka ni Jasper (dalawa sa mga cullens)
Medyo na kakasawa lang yung kaartehan ni Edward at ni Bella on some parts, tsaka yung garden na maraming bulaklak scene kung saan kumikinang si Edward eh off para sa akin. Yung transformation naman ng wolf packs is cool sana pero, hindi kasi ganun ang warewolves na expectation ko sana mas fierce pa ng konti pero ayos lang naman. Hindi ko na binasa yung book ulet bago ko panoorin yung movie kaya medyo hindi ko na alam yung complete details pero sa tingin ko nakuha naman nila overall 'yung gist ng book. It's not the best chick flick but it's for sure more than okay.
All in all, masasabi ko na maganda ang movie at hindi ako na disappoint sa version nila ng isa sa mga memorable novel na nabasa ko. And I'll pass it on to my future children.
And this is not sort of a movie review okay. Gusto ko lang i share ang aking two cents.
sana 3 cents na yung shinare mo. juk onli.
ReplyDelete@Bulakbolero.sg
ReplyDeleteSo nag skip read ka nanaman?! Napag ipunan mo na ba sir ang pang treat mo sakin?! Bwahahaha
Tama yung scene na naglalaro sila ng baseball yun rin yung ang di ko makalimutan sa part 1 at dun naman twilight full moon yung hina-hunting nung mga werewolves yung isang kalaban.. yung nakadredlocks ata yun.. Hihi
ReplyDeleteI'm not a fan pero pinapanood ko rin naman yun..
Dahil late magupdate ang mga sinehan dito.. (Puta now showing yung last harry potter pa) magiintay nalang ako ng magdodownload kahit cinema copy hihihihi..
ingat po bossing jepoy!
ba't ganun jepoy binabaan ko naman expectation ko pero nadissapoint pa ren akoT_T...
ReplyDeletepeborit ko ren kase ang eclipse!!! bitin ako sa labanan, di ko masyadong nafeel yung intensity ng fight...team jacob ako!!!! whoooooh!ahaha:P
@Poldo
ReplyDeleteYeah i like that scene too even on book maganda sya.
Ay hindi ako mabubuhay dyan pag hindi updated sa movies LOL
Salamat sa pag comment Poldo yan tama na ha.
@Deth
Apir, favorite pala natin. Sobra mo parin sigurong fresh sa memory mo ung book kaya somehow na disappoint. Ganun pa man it's not that bad naman eh hihihi
like! :D
ReplyDeleteTo be honest, di ko binasa ang post mo after ng intro hehe gusto ko lnag mag comment : D apir!
ReplyDeletesinuway kita at nakibasa pa rin. 'di ako fan ng twilight saga pero fan naman ako ng nag-iisang jepoy!
ReplyDeletenaks, pa-cheeseburger ka naman parekoy! \m/
kahit may lumalait sa twilight, go pa rin ito. bumili pa nga ako ng boxed set ng libro. interesting para sa akin kung paanong hinabi ni stephenie meyer ang kuwento at kung paanong na-hold niya ang attention ng readers all throughout the four books. and the movies are entertaining too! :)
ReplyDeletehaven't watch nor read any of the twilight movies or book di ko alam kung bakit..hahaha di kasi ako mahilig sa mga films like this yung mga out of this world thing..
ReplyDeletegusto kong mapanood to kaso di ko napanood ung 2nd book.
ReplyDeletenice! lalo tuloy akong na-eksayt manood ng eklips na yan. :D
ReplyDeleteKahit naman siguro ako kapag mahalaga yung nag bigay ng libro sa akin. Talaga namang ung interest ko at pag papahalaga sa bingy nya. Wala akong gagawin kung hindi pahalagahan yun. Mahilig din ako mag basa ng libro tulad ng libro ni bob ong.
ReplyDeleteAng ganda ng structure. (sabay click ng X button).
ReplyDeleteI clicked "X" pero hindi dahil ayoko ng movie na ito. Ayokong mabasa ang mga spoilers mo hehe! saka na lang kapag napanood na namin ni misis.
ReplyDeleteKelan kaya gagawan ng pelikula yung libro ng Webster at Calculus?
ReplyDeletekumusta idol? halos dalawang linggo din akong hindi napadpad dito sa blog mo ah. andami ko na palang na-miss na bulates, este kwento mo. hehe. di bale, babalikan ko na lang ang mga yun mamaya. anyway, napaka-cheesy mo pala. hahaha. nagustuhan ko yung twiligh movie, pero yung new moon, hindi maganda. nagdadalawang isip pa ako kung papanuorin ko yang eclipse... pero since sabi mo eh maganda naman, baka nga panuorin ko na rin. hehe.
ReplyDeletewala akong balak panuorin yang series na yan. yaan ko na mga teenagers dyan. hehehehe
ReplyDeleteskipread!
ReplyDeletehihintayin ko na lang ang malinaw na kopya sa suking torrent, hahhaa.
at para maiba, i hate the structure, haha.
wow, so you've seen it na pala! showing na rin dito, ive read the books and ive seen the first 2 movies, but im not an uber fan, hehe.....this third one,I will see it on wednesday.....maganda naman ang pagka review mo (although sabi mo nga hindi ito review, hehe) I think you were fair, sinabi mo ung good and bad sides, na-excite tuloy akong manood......thanks po!
ReplyDeletedont worry jepoy--I am also a big fan. Awayin natin ang mga kokontra. I sooo love this movie----love ko yung mga fight scenes. exciting yung alliance ng mga vampires and wolves and I always love to see the Culen family joining together. Individually, they are strong--as a group, they are formidable.at nakakatuwa na pati yung mom nila lumalaban. haha. at sila Alice, ang galing mag-acrobatics. corny yung lines para sa iba pero okay lang--justified naman ng acting nila e. We also watched it yesterday and I wanna watch it again.
ReplyDeleteBago ipalabas ang Eclipse kampante akong mapapanood ko ito dahil sigurado sa dami ng girl friends kong patay na patay kay Edward ay may magyayaya sa akin. BUT NOOOO. Nang-iwan sila sa ere, ipinagpalit nila ang aming pagkakaibigan para sa Midnight Screening ng Eclipse. Ngayon, kinakabahan na ako. Puro guy friends ko na lang ang hindi pa nakakanood at kahit ilibre ko sila ng ticket, popcorn, dinner at kung ano ano pang suhol ay ayaw akong samahan. Taragis.
ReplyDeletehahaha..natawa na lang ako, kasi marami din talagang brusko ang fan ng twilight.at putsa, hindi dahil kay bella, dahil kay papa jacob.haha.ang mga kaklase kong brusko, nagkanya-kanya ng nood, at pagkatapos manood, bumida na! Hehe.
ReplyDeleteYung 1st book--napanood ko, pero di nag-sink in sa utak ko, kasi di ako nagfocus, nag-ym kasi ako.hehe.
Yung new moon, enjoy, pinanood namin ng mga kagrupo ko sa thesis habang gumagawa..
ECLIPSE? Sana matuloy, panoodin namin ng mahal ko.lol..gawa din ako ng post about twilight chorva kapag ginanahan ako.
Nga pala, di ko din nabasa ang libro.pero sana mabasa ko..kay bob ong lang yung librong nabasa ko ng kumpleto--puro hiram pa.hehe. :D
@BeyondMarGien's
ReplyDeleteEnjoy then...
@WAIT
Well, thanks for the comment you pro'lly is one of the many guys who doesn't like this series or not into flicks films at all, which is totally OK!
This was you're old site right?! why change?
@NoBenta
Salamat Sir!!! Sige pag uwi mo bigyan kita cheese ikaw nalang bumili ng burger LOL
@Aris
Oo nga sir, at marami talaga twilight haters as in nag lipana, kanya kanya lang naman parang sa taste lang ng ice cream we can't tell 'em what's masarap or hindi.
Actually you are correct, iba talaga si Meyer mag sulat very addictive. Pero di ko nabasa 'yung Sci fi nya yung the host, I'm not sure kung pareho ng approch.
Thanks for taking time to read Aris!
@Superjaid
ReplyDeleteYou should try it kashit sa dvd quiapo copy lang, :-D I should consider this a classic na :-D
@Khantotantra
Mag torrent ka muna para sa new mood kasi mabwibwisit ka pag hindi mo napanood yung new moon mag tataka ka baket nila pinag aawayin si Bella. LOL
@Dc.Theckerr
Nakuha mo Sir! na introduce sa akin yung book dahil sa kanya and I don't have idea what this series is all about.
Si Bob Ong ay sa tingin ko ang ama nating mga pinoy bloggers, nag simula din sya as a blogger
@Batanggala
Hihihi Sige ma excite ka pa at panoorin mo
@Glentot
ReplyDeleteWell thank you for you honesty. Putangina ka!
@Noel
Wala namang spoiler dito sir Noel konting feedback lang on what to expect :-D
@Ollie
Merong numbers malapit lapit sa calculus yun, yung webster di ko lang sure kung paano ma eexecute yun.
@Mr. Night Crawler
Mabuti naman ako brader, I hope all is well with you. Yes cheesy talaga ako and I enjoy cheesy stuff kaya wag ka ng mag taka. Maganda naman yung movie pero wag mong pilitin panoorin kung hindi mo talaga tipo ung ganto kasi baka masayang lang sya...hihihi
@Gillboard
ReplyDeleteAh okay.
@Oliver
Thank you for your honesty mag sama kayo ni Glentot.
@Weng
Long time no chatt. I hope will enjoy the movie as I enjoyed it :-D
@Pusang Kalye
Oh yeah, you read this too pala. It's cool you like it, I bet your wife liked it too hehehe
@Salbehe
ReplyDeleteCongrats pala sa pag ka featured blogger mo kay badoodles ako nalang libre mo. Samahan kita may libre pang akbay hihihi
@Goyo
Na receive ko sa email yung comment mo pero hindi yata nag appear dito. LOL
I'm sure kung napanood ito ng girpren mo kikiligin sya kaya duun kayo pumwesto sa kataastaasan kasuluksulakan. Alam na! LOL
hindi ko pa napapanood 'yan, at hindi ko alam kung mapapanood ko 'yan, pero isa lang ang sigurado ko. maraming nanginginig ang tinggil sa loob ng sinehan. lol
ReplyDeletei liked both the movie and the book :D can't wait for Breaking Dawn!
ReplyDeletehaha..nainis lang talaga ako ke Jacob rito haha....desperadong desperado kasi...eh mas hot pa naman talaga ako sa kanya wahahhaah peace...nadisappoint ako kunti sa action scenes kasi kokonti lang un pa naman ung tanging habol ko haha...at ung impression ko sa cullens stays..gusto ko pa ring maging isang cullen since part one kasi heavenly vampires sila; ang aamo, nyahaha
ReplyDeletehaha..nainis lang talaga ako ke Jacob rito haha....desperadong desperado kasi...eh mas hot pa naman talaga ako sa kanya wahahhaah peace...nadisappoint ako kunti sa action scenes kasi kokonti lang un pa naman ung tanging habol ko haha...at ung impression ko sa cullens stays..gusto ko pa ring maging isang cullen since part one kasi heavenly vampires sila; ang aamo, nyahaha
ReplyDeletereading through the comments...gusto kong makipaglaro ng baseball with them haha
ReplyDelete@Super Balentong
ReplyDeleteDahil maraming na nginginig tinggil dalhin mo sila sa dun sa kataas taasan kasuluksulukan kung sakaling manonood ka dahil sa kanila hahahaha
@Chikletz
Apir! Hindi ko masyadong gusto ang breaking dawn LOL ang OA na kasi pero yeah I still am looking forward for the movie version
@Sendo
Ganun talaga pag inlove desperate moves hihihi.
Parang harmless nga ng cullens at kumikinang sila sa araw. Sige makipag laro ka g baseball gudluck! LOL
after watching the first movie..pinangako ko na sa sarili ko na never na akong manonood ngputangenang twilight series na yan...
ReplyDeletebakit jepoy? bakit nakapasa sa taste mo ang twilight!!!!! wahahahhahaha
@Maldito
ReplyDeleteDahil sa book hindi dahil sa movie buset!
Che!
o sya makikiiba na rin ako ke oliver kasi copyright na ni glentot ang i like the structure. i really really hate the structure.
ReplyDeletehindi sya movie review pero parang movie review.. ipilit much?! LOL
ReplyDelete