Friday, July 23, 2010

Tae ng Cow

Isa sa pinaka ayokong iniuutos ni Mama noong grade school pa 'ko ay ang pamumulot ng tuyong tae ng kalabaw sa bukid. Ginagawa nya kasi itong fertilizer o pataba ng mga hala-halaman nya at Orchids, sa katunayan naniniwala sya na ang nutrients ng mga taeng ito ang nag papayabong ng mga fresh flowers ng mga halaman nya, kaya naman every weekend inuutusan nya kong mamulot ng tae ng cow. Aktwali, pag magha-hapon na ng sabado eh, nag tatago na ako sa may silong ng bahay namin para hindi nya ako mautusang mamulot ng tae ng kalabaw, dyahe naman much kasi.

Ang pogi pogi ko pa naman at sikat na sikat sa school tapos makikita lang ako ng mga classmates kong namumulot ng tuyong tae ng kalabaw?! So dyahe and so Provincial! Teka, nasabi ko rin ba na dapat isang sako ang tae na ma collect ko?! Yes, dapat isang sako ito. Effort talaga ang pag hahanap ng tuyong tae ng cow. Minsan nga, pinupulot ko na rin ang tuyong tae ng kambing (yung bilogbilog na dikit-dikit), Ostritch, baboy na nakatali sa puno na parang aso lang, pati tae ng tao para lang mapuno ko ang collection kong fertilizer sa tamang oras at makaalis kaagad sa bukirin ASAP at makasali sa mga kalaro ko sa teks at shato.

Kapag may dumadaan akong classmates at tinatanong kung ano ang ginagawa ko sa bukid, ang sinasabi ko, tinitignan ko lang kung na mumunga na ang okra, kamatis, sili, patatas, kamote, toyo, mantika at grapes na makikita sa taniman bukid bukod sa palay. Deny to the max talaga! nahihiya kasi akong i-broadcast ang pamumulot ko ng tae ng kalabaw baka tuksuhin pa ako ng mga putangina at ma expelled pa ko at matapos ang kinabukasan ko dahil sa pwede kong magawa sa kanila.

Once upon a time, medyo na feel na ni Mama na kinahihiya ko na ang pag pulot ng tae ng kalabaw, kaya one time nang nabwisit sya sakin, hinila nya ang patilya ko pataas nung minsang tumanggi ako sabay na aktohan nya akong mag tatago na. Pota ang sakit!

Sabi ko,
"Ouch! Mom that hurts", sinapok nya ko pa hurt hurt pa daw ako.

Hindi naman mahirap makakuha ng tae ng kalabaw dahil marami talagang kalabaw at tae na nagkalat sa kung saan-saang sulok ng bukirin at forestry ng lugar namin. Basta alam mo lang ang diperensya sa itsura ng tuyo sa basang tae solb ka na. Dahil pag basa ang dinampot mo eh jackpot ka ng tunay na tunay! Mga one week ang amoy na maiiwan sa kamay mo. Dapat maginggat ka sa pamumulot dahil may mga tuyong tae na nag papanggap lang na tuyo, dahil sa katotohanan sa loob nito fresh pa sya, parang tivoli lang meron something sa loob na malambot lambot at basa. Kaya dapat tusukin muna ng stick upang mapatunayan na tuyo talaga ang tae ng cow.

Isang araw nahuli ako ng isang putang classmate ko na namumulot nito at pag pasok sa school kinabukasan eh pinag kalat nya sa mga classmates ko ang nakita nya. Tinukso nila ako na namumulot daw ako ng tae ng cow tuwing weekend, tinatawag nila akong Tae. Hindi ko yun matanggap ate charo. Galit na galit ako. Pulang pula ang aking muka sa galit. Gusto kong pag bubuhulin ang mga intestines nila at isabit sa puno na may tag na wag gayahin. Pero wala akong magawa ate charo dahil totoo naman ang nasaksihan nila. Namumulot naman talaga ako ng tae ng cow. Puntangina!

Pero hindi ako papayag na ganun ganunin nalang nila ako dahil wala namang masama sa ginagawa ko sa katunayan sinusunod ko lang ang utos ng magulang ko kaya I should be proud pero hindi parin ako maka move on, kelangan kong i redeem ang glory ko. Inisip kong ilagay sa bag nila ang tae ng cow ung fresh. Kaso gross masyado.

Kaya gumawa ako ng brilliant plan kung paano ko ma pag hihiganti ang kasamaang ginawa nila sa akin. Dahil ako ang pinaka matalinong student sa class namin, ako ang naatasang mag collect ng spelling booklet ng class namin sa napaka terror na teacher namin, lahat kame takot sa teacher na ito. Itago nalang natin sya sa pangalang Ms. Ramos.
Simple lang ang ginawa ko, pinahiran ko lang ng fresh na tae ng cow ang pages ng test booklet nila na parang nag papalaman lang ng tinapay at sa agriculture class namin sila ang inatasan kong mag dala ng fertilizer wala silang choice kundi sumunod dahil hindi nila kayang i outshine ang bright mind ko sa klase. Guess what kung anong klaseng fertizer ang dinala ng mga potangena sa class namin?! Alam na.

Finish!

37 comments:

  1. sa tae ng cow at kalabaw din pala namulot ang mga hinayups mong klassmate. :D.

    Di ako makaget-over about sa parang tivoli. nyahahahaha

    ReplyDelete
  2. @Khantotantra

    Nakuha Sir! galing.. Ako din hindi maka getover sa tivoli pag na aalala ko na tatawa parin ako mag isa. LOLz

    Salamat sa pag babasa kumpadrey!

    ReplyDelete
  3. very good!

    sa totoo lang kumakain ako habang binabasa ko `to. Finish!

    ReplyDelete
  4. huhulan ko kung anong kinatakin mo, champurado?! LOL I'm sure hindi ka kumakain sinungaleng! Hmp...

    ReplyDelete
  5. Syet! may ostrich na! may grapes pa! parang farmville lang... di provincial! lolz... wag ka mag-alala malay mo magreply si ate charo...lolz

    Ate Charo: Isa kang mabuting bata jepoy, dahil dyan padadalhan kita ng napakaraming tae ng cow sa condo mo para naman lagi mong maalala ang kabataan mo... nagmamahal...charo...

    Nyahahahhahahahahaha...

    ReplyDelete
  6. tsk tsk tsk.... malas.... ngayong umaga ko nabasa ito... mag aalmusal pa. hahaha!

    tae, tae, tae!

    ReplyDelete
  7. Mula umpisa hanggang sa wakas ng post mong 'to ay ubod ngiti ako. Nakakaaliw! Hahaha!

    Matalinong bata ka nga at buti nga sa kanila. Nyahahaha!

    ReplyDelete
  8. Popoy Inosentes7/23/10, 8:39 AM

    nandere eke keye. ewwwwwwww.

    ReplyDelete
  9. Mag breakfast pa sana ako eh' nawalan tuloy ako ng gana hahaha : D

    ReplyDelete
  10. naalala ko din ang lintik na project namin nung elementary..ang magdala ng tag-iisang sakong tae ng kung ano anong hayuf!

    ReplyDelete
  11. anggulo mo! ano ba talaga? cow o kalabaw?
    ang sarap basahin ng post mo habang nagbbreakfast.

    ReplyDelete
  12. tnt! para saan ang pamumulot ng ebs ng kalabaw? nun ako naman sa probinsya nun nagbakasyon ako, nagnanakaw ako ng santol sa katabing puno at nagpapaligo ng kalabaw

    ReplyDelete
  13. ang linis linis talaga ng budhi mo bossing jepoy.. walang halong paghihiganti sa classmate.. hehehe

    Naiimagine ko tuloy kung ano reaction ng terror mong teacher nung makita nya yung booklet na may mala-palaman-sa-tinapay na tae ng cow.. hihihi

    Shoot! nagpasaya ka nanaman bossing jepoy!

    ReplyDelete
  14. grabe tawa ako nang tawa haha ouch mom that hurts! hahaha pero panalo revenge plot mo a haha! :P

    ReplyDelete
  15. Ang tae ng cow, bow.

    Serioso, kelangan muna tusukin kung tuyo o basa ba yung loob?

    Ewwwww much :p

    LOL.

    ReplyDelete
  16. maganda sana...

    pero sa pagsusulat mo lumalabas na may crisis ka to distinguish between cow at kalabaw... cow=kalabaw and carabao=baka... ok? ok? ok, gets ko na... lol

    wag kang pakelam! critic ako e! o bakit? may reklamo???! nyahahaha!

    tae!

    ReplyDelete
  17. I love it. Pati pala ang tae ng cow eh nagbabalat kayo na tuyo na! Hehehe! You just made me laugh!

    ReplyDelete
  18. nice one Jepoy. you really never fail to make me laugh. ^^,

    naalala ko tuloy nung bata pa ko, yung tuyong tae ng cow ang nilalaro ng mga klasmeyts kong abnormal. ginagawa nilang frisbee during recess time. nagugulat na lang ako na nagliliparan na yung mga tae dahil sa pagbabatuhan nila. lol

    ReplyDelete
  19. hahahaha! sumakit ang panga ko kakatawa sa post na ito.

    mga mapagkunwaring mga tae,akala mo tuyo.amp.

    ReplyDelete
  20. hahaha nakakatuwa naman kuya jepoy ganun din atah ako nung bata namumulot din ng tae ng kalabaw..:)

    ReplyDelete
  21. gusto ko yang ginawa mo sa kanila. ^_^ Whahahahahaha!!!

    ReplyDelete
  22. pinagawa rin sa amin to noong high school ginamit din fertilizer sa mga pananim but then di alng naman ako dahil buong klase so walng tuksuhang nangyari..hehehe

    anyway..ang bright bright mo talaga kuya jepoy..hahaha apir!

    ReplyDelete
  23. ansama. mas bad ka pala ke glentot. kaya pala mabait ka ke lola at street children today hehe. nagbabayad ka. anyway, plus points sa fresh shit na nagpapanggap na tuyo. magagamit yan sa daily living.

    ReplyDelete
  24. "Puntangina!" -- magmumura ka na lang wrong spelling pa!!!

    Yuck tae na naman ang topic parang si Drake lang so provincial talaga kayo...

    Sana naman nag-surgical gloves ka habang namumulot. If I know kumakain ka pa ng pan de coco habang namumulot.

    ReplyDelete
  25. taeng nagdidisguise?LOL
    ang kulit natawa ako ng slight.
    joke :D

    ReplyDelete
  26. ahaha.. malamang dumikit na sayo ang amoy ng tae ng kalabaw! jowk ahahha.. oo n ikaw na gwapo! ikaw na matallino! ikaw na! ahhha.. dumadalaw uli! ahahha. tgl q uli hnd npsyal ^^

    ReplyDelete
  27. totoo bang nabubuhay ulit ang dried tae ng mga cows kapag binuhusan ng tubig? yan kasi dati ang kuwento sakin ng klasmeyt ko!

    ReplyDelete
  28. lesson learned from this:


    "Pag may taeng isinuksok...may taeng idudukot"

    sana tumawa ka sa harap nila sabay sigaw: take that shit bitches!

    aahahhahhahahhaa

    ReplyDelete
  29. nakaka relate ako sa post na ito..

    nung HS pa ako, namulot din kami ng dahil kelangan para sa school.

    nagpustahan kami ng klasmeyt ko kung Tae ba o tskolate yung nasa harapan namin..

    sabi ko,tae...pero pinagpilitan niyang tsokolate..

    ang ginawa..

    dumapot ng konting gamit ng hintuturong daliri..sabay tikim..

    ang sabi... uu nga tama ka tae nga.. buti hindi natin natapakan..

    ang bright nya 'no?

    ReplyDelete
  30. ahihihi.
    sobrang nakakatuwa naman... mula sa kwnetong tae ng cow eh aral na wlang katulad.. "dapat hindi nagpapaapi"

    ReplyDelete
  31. huh? anung meron?
    sinasala na ang mga comments?
    awwww

    ReplyDelete
  32. hahaha. bad ka idol! parang chickenjoy lang ah... crispy on the outside, juicy on the inside! hahaha. at saka, wag mo nang tangkain na magtago idol, makikita ka pa rin! hehe. peace tayo. at saka, bakit naman pinahiran mo ang notebook nila ng tae ng cow? sana tae mo na lang para mas personal! wahahaha!

    ReplyDelete
  33. hahaha. meron ba talgang mapagpanggap na tae? kala mo tuloy yun pala basa. badtrip..dapat hindi ko na lang inimagine eh

    ReplyDelete
  34. sabi nila yan daw ang may pinaka-mabahong tae, at pinaka-panget na itsura....

    COW


    ;)

    ReplyDelete
  35. sabi nila yan daw ang may pinaka-mabahong tae, at pinakapangit na itsura....

    COW

    ;)

    ReplyDelete
  36. na locked jaw ata ako jepoy! haha

    ReplyDelete
  37. gusto kong magreak kasi may COW ang storya pero wala akong masabe kasi never ko ginawang mamulot ng TA*

    Congrats at least you have done something unique at di nagawa ng karamihan diba?!

    ReplyDelete