Thursday, July 15, 2010

Araw kung saan Dumaan si Typoon Basyang

Martes ng gabi tulad ng nakagawian nag mamadali akong tumakbo sa MRT as usual nakalimutan ko nanamang mag dala ng umbrella (what's new?!). Bumaba ako ng Shaw Blvd Station. At nag simulang bumuhos ng beri beri hard ang ulan. Kaya may excuse akong malate, sumegwey muna me sa Jalibug para mag patila ng ulan at omorder ng 2 pcs burger steak at mainit na macorni soup. Time check 9:00 PM. Yes, 9:00 PM din ang pasok ko pero kebs, Go lang ako sa pag higop ng mainit na sabaw nakapikit pa nga me para feel na feel.

After 15 minutes natapos na akong kumain at ready na 'kong umuwi pero na realize ko papasok palang pala ako. Na sad me ng 1 minute. Pag labas ko, na shock me, nampotang shet ang lakas ng ulan as in buhos to the max. WTF! Sakto may taxi, love talaga ako ni Papa Jesus. 9:30 PM nasa office na ko. At late ako ng 3o minutes.

Boss: Oi Jepoy baket late ka?!

Jepoy: Bossing ang sama po ng pakiramdam ko, I have flu.

Bossing: Oh baket pumasok ka pa? you should rest instead.

Jepoy: I still have important issues to resolve Sir kaya pinilit kong pumasok.

Bossing: Oh I see

Okay, lusot me. Maya maya habang nag tratrabaho me at nanonood ng yowchob eh lumalakas ang hangin sa labas. Dumating na pala si bagyong basyang. Kakaiba ang hangin malaks ito. Nasa 36th flr ako at damang dama ko ang pag wasiwas ng putang hangin sa glass parang mababasag talaga ito. Scared me much. Parang gusto ko ng umuwi. Nagtxt ako sa bahay namin sa probinsya kung malakas ang bagyo at para kamustahin sila, malakas daw ang hangin pero steady panaman daw ang mga yero namin.

Makalipas ang ilang minuto nag flu-fluctuate na ang kuryente sa opisina kasabay ng pagbayubay ng putang hangin. Pag sampa ng alas singko dali dali na akong umuwi, wala na ang malakas na hangin. Tanging baha nalang at banggaan sa edsa ang bakas ng bagyo at syempre ang kadiliman sa kamaynilaan dahil nasira ang grid ng central luzon.

Pag dating ko sa bahay. Putangina! wet na wet ang bed ko at basang basa din ang binabasa kong libro na hiniram ko kay Stibi. Nyeta!!!! Inalis ko ang bedsheet at punda ng mga unan at binilad ang kama. Please note na sa sahig lang nakalagay ang bed ko dahil wala akong pambili ng kama.

Inaantok na ako at wala akong matutulugan tapos brownout pa, putangina! Naisip ko punta nalang ako ng MOA at bibilhin ko yung book na nabasa, papalitan ko nalang para hindi magalit si Stibi tapos dun narin ako mag papalamig dahil hindi ko talaga kayang matulog pag mainit, maarte na kung maarte, kanya kanya lang yan basta ako ayoko ng mainit 'yung habang natutulog ka pinapawisan ka sa leeg, singit at betlogs.

So lumipad ako ng MOA. At pag dating ko sa MOA. Fucking Shet! Brownout din pala! Sayang effort! no aircon at all! Okay sabi ko sa sarili ko mag withdraw nalang muna ako ng konting kayamanan at hindi dapat mag pa stress sayang ang Fern-C. At kung swerte ka nga naman, walang ATM machine na naka On. Okay huminga ako ng malalim at nag lakad lakad ng kaunti. Ayun, merong ATM na isa ang online. Nakapag withdraw ako. Pumunta ako ng power books sarado, fullybooked sarado rin, national bookstore bukas parang palengke nga lang at ang dilim, lumapit ako sa isang ate doon at nag tanong kung meron silang stock ng librong hinahanap ko at wala daw sila. Putangina! na waste lang ang energy ko sana natulog nalang ako sa sahig ng bahay, nyeta!

Nag decide nalang akong kumain. First restau Fish and Co. sarado daw sila. Puta! Second restau TGI Friday's sarado din daw sila Putakels! napapagod na me sa pag lalakad, nag punta ako sa gilid ng mall, David's tea house sarado din, Nyeta! Pumasok ako sa loob French Baker Sarado din daw, Putangina much! Pagod na me at pawis na pawis na hanggang betlogs. Sbarro Sarado din, PUta ano nalang ba ang bukas?! Gusto kong sumigaw sa loob ng mall kaso nahiya me. Lumakad ako papuntang likod Mexicali Sarado rin. Tia Maria's Sarado rin Puta talaga! Jalibug bukas pero dun na ko kumain last week mula lunes hanggang byernes?! Ayoko na! So lakad ulit sa Gilid. Burgoo Bukas Yes!!!!!!!!!!!!!!!!!!! sa labas lahat ng tao dahil brownout kumain ako ng New York Steak at dalawang can ng coke dahil napagod me.

Habang kumakain napansin kong may nag iisang babae sa kabilang table, sa tabi lang table ko. Syempre friendly ako inoffer ko sa kanya ang potato wedges ko hindi ang steak ano sya sinuswerte. Nag smile lang sya.

"Jepoy nga pala"

"Trish"

"Inet noh?"

"Onga eh"

"So what are you up to here?" *gumaganown para may mapag usapan lang*

"Wala lang bibili sana ng book, Ikaw?!" *OMG student lang sya*

"Book din, nabasa kasi yung book na hiniram ko, pinasok kasi ng tubig 'yung room ko ahaha, it's just fair to replace it nakakahiya naman sa hiniraman ko"

*ngumiti lang sya*

" Btw, May kasama ka ba?"

"Nope"

"Can I sit here, para hindi naman ako masyadong loser, kung Ok lang"

" hahaha Sure, go ahead"

"Great! Thanks ha!"

matagal-tagal din kameng nag kwentuhan ni Trish nalaman ko na sa Manila Doctors ang school nya which is tatlong tumbling lang from MOA at Nursing ang course nya at graduating na sya. Nalaman ko na pareho lang kame ng Street na inuuwian at doon lang sya sa kabilang building next from mine at pareho kame ng Church na pinag aatendan pag Sunday *Drooling*

So, it's not a bad day after all heh?! :-D

Yes sabay kaming umuwi hinatid ko sya dahil gentle man ako.

Pag uwi ko brownout parin. Putakels!!! At Oo hindi ako nakatulog dahil sobrang inet Nyeta!

***End****


Sabi ng mga ka office mate ko kamuka ko daw si Jalibi kaya ishare ko sa inyo kung paano sumayaw si Jalibi para nyo narin me nakitang sumayaw. Tapusin nyo ha! hihihi

29 comments:

  1. parang ayaw ko tuloy umuwi ngayon. feeling ko wala pa rin kuryente samin. huhuhu

    ReplyDelete
  2. 8pm na nagkakoryente sa amin. 4 na oras lang ang tulog pero pede na kesa walang tulog.

    nahingi mo ba number ni trish? heheheh.

    go jalibi!

    ReplyDelete
  3. jepoy, soulmate mo na yon... hehehe!


    may kuryente na sa amin kagabi lang... sa inyo? :D

    ReplyDelete
  4. sana nagbabasa yung boss mo ng blog mo para nakikita nya yung mga dahilan mo kung bakit ka nalelate. hehe.

    yown oh, may sundot hatid na si jepoy!

    ReplyDelete
  5. jepoy o, brownout na umaariba pa, haha.
    samin naman, nagbrownout ng 12AM, so tiniis ko na lang matulog since medyo malamig lamig naman.
    nung nag-alarm na ng 6am ang celfone ko, gumising na ako. saktong paggising ko bumukas ung electric fan. saka lang nagkakuryente kung kelan kakagising ko lang.
    bad trip.

    ReplyDelete
  6. buti na lang walang nabasa sa bahay, ako lang :))

    midnight na yata bumalik kuryente samin, di ko na alam nakatulugan ko na :)

    bili ka na bedframe, para di na ka na magbibilad at mahihilo maghanap ng pamalit sa librong nabasa :)

    ReplyDelete
  7. bakit ganun pag may kinukwento ka about sa isang gurlie parang laging may kulang.. LOL

    At least kahit gano kalupit ang sinapit mo sa bagyo eh meron kang nakilalang friendly friends diba?

    at Ikaw na ang multi-talented! kumakanta na sumasayaw pa?? hehehe

    GO jabi!

    ReplyDelete
  8. tinext kitang manuod ka ng Cinco na lang di ba

    ReplyDelete
  9. tinext kitang manuod ka ng Cinco na lang di ba

    ReplyDelete
  10. maswerte naman ako at paguwi ko ay may kuryente na. nagpaparty na ulit ang mga tambay. paranag wala lang, tuloy pa rin ang everyday bertdey.

    may pagkasenswal sumayaw si jalibi ah. haha

    ReplyDelete
  11. ang lufet mo pala parekoy pumorma sa chikas!

    ReplyDelete
  12. nakanang ikaw pala ang tunay na chikboy..dapt tinuturuan mo ko ng mga diskarte at mga damoves mo..

    ReplyDelete
  13. Popoy Inosentes Pogi7/15/10, 2:54 PM

    NAPAKALNDI MO JEPOY!!! hahahaha

    sabi nga ni lauryn hill, let's make the negative into positve picture... oh look, magkakajowa ka na yata ulit. hahahaha

    ReplyDelete
  14. akala ko may happy ending LOL...talandeh ka JepoY!LOL...

    ako bad trip kac andami kong nilinis sa labas ng bahay hayz!

    ReplyDelete
  15. So ang antagonist sa kwentong ito ay si Stibi...

    Sinong Trish??? Imahinasyon mo na naman! Naoverdose ka sa Fern-C wag mo kasing singhutin.

    Ganda ng structure.

    ReplyDelete
  16. @Gillboard

    I'm sure hindi na yan brownout

    @Khantotantra

    atleast pre naka 4hrs kesa sa wala. Hindi ko nakuha pag nagkita nalang kame sa church :-D

    @Marco

    Hahahha soulmate talaga

    Samin gabi narin nag karoon mga around 730PM

    @Bulakbulero.sg

    Sana hindi sya nag babasa

    Sundo't hatid ka dyan...

    ReplyDelete
  17. @Oliver

    Ayan na approve ko na comment mo. Arte ka! Buset!

    @Hartlesschiq

    Wala nga kong pambili ng frame eh hihihi

    @Poldo

    Alen ang kulang? Ikaw kasi ang dumi dumi ng puso mo wag ganun sir...

    JOke lang natuwa lang ako sa mascott ng jabi ang galing eh

    @GLIP

    Yun pala ung cinco eh hindi ko sya pinanood

    ReplyDelete
  18. @Super Balentong

    Nag paparty ka sa bahay hindi ka manlang nanginvite sus!

    @Nobenta

    Walang ngang lupet idol, mas malupet ka parin...Kelangan mo ba ng picture greeting sir?

    @Kikilabotz

    Hindi. Ikaw parin ang tunay na tunay kaya ako dapat turuan mo ay hindi mo na pala kelangan dumamoves ahahha

    @Popoy Inosentes

    Susme ikaw kaya malandi! ahahaha

    no comment sa second part ng message mo

    ReplyDelete
  19. @Jag

    Happy ending ka dyan LOL

    Sus mag lilinis lang tamad tamad mo! edi palinis mo sa mga boy nyo sus yaman yaman nyo!

    @Glentot

    nakakain ba ang salitang antagonist sensya na bobolang

    Pakikilala ko si Trish sayo one time pag hindi ka na nag tatago tulad last time na nag txt ako deadma ka sa banga.

    Stucture your face, fuck You! LOL

    ReplyDelete
  20. sana may kasunod yung story ni trish *grin*

    ReplyDelete
  21. @Ellehciren

    hala... *grin*

    ReplyDelete
  22. kawawa naman si Trish, kahit stranger kinakausap LOL

    Mainit much pa rin baka brownout pa rin kina Jepoy heheh

    ReplyDelete
  23. @Kumagcow

    Friendly naman daw kasi ako. LOL

    ReplyDelete
  24. nagbabackread ako.tagal ko di nakapamasyal sa mga blog blog..dito ko na kokoment lahat para mahaba.hehe. Yung movie, di ko trip ang pagkakakwento mo.lols..joke lang..trip ko manood ng mga movie ala lang pera..tae.

    Sana nga may part 2 pa yung kay trish. Inggit ako sa mga blog nyo, di ako masyado makapagkwento dun ng personal sa blog ko.pota alam kasi ng madlang pipol url ko.bk mgkademandahan at lintikin pag nagkis-n-tel ako.
    Yung brownout sexcapades ko ayos.haha..
    --ang haba no? Di na ako magbblog sa comment box mo.hehe.ingats jolibi. :D

    ReplyDelete
  25. naku panoorin mo nakakatawa yung office-based story dun. the rest mag-cartwheel ka habang pinapalabas.

    ReplyDelete
  26. @Goyo

    Sige pupublish ko yung comment mo na to sa blog mo LOL

    @GLIP

    sige papanoorin ko, sabi mo ok eh

    ReplyDelete
  27. parekoy, inaabangan ko nga ang poging-pogi mong pic greeting :)

    ReplyDelete
  28. You had me at putakels! :)

    Hahahahaha!

    ReplyDelete