Tuesday, July 20, 2010

Kwento Kwento lang...

Kung iniisip mong nakakatawa itong entry ko ngayon. Pwes, you're wrong! dahil siryoso itong isusulat ko. Hindi naman kasing siryoso ng pag sagip sa mother neycha sa problemang kinakaharap nito sanhi ng global warming at lalong hindi rin kasing siryoso ng pag imbento ng gamot sa mga malubhang sakit na tulad ng kulani at singaw.

Basta.

Siryoso muna ang entry ko ngayon period. Aktuli, wala pa akong naiisip kung ano nga ba ang interesanteng kwento na pwede kong ibahagi sa tatlong taong magiliw na nag babasa ng walang ka-sense sense na blog ko.

ikwekwento ko sana ang tungkol sa librong binabasa ko ngayon, kaso nga lang nakakatamad kaya next time nalang.

Inisip kong gumawa ng kabutihan noong weekend. Wala lang naisip ko lang tutal wala naman akong lakad at walang kasabay minabuti kong gawin ang ginagawa namin ng mga tropa ko noong college pag wala kameng bagsak at the end of Semester. Matagal tagal ko narin kasi itong hindi nagagawa, and besides na niniwala ako sa Yin Yang and good karma so, a small act of goodness wouldn't make me less of a person.

Anyway, alam kong hindi naman dapat pinag sasabi ang kabuting ginagawa ng isang tao, pero, sa pag kakataong ito parang gusto ko lang ishare ang kabutihang nasaksihan ko na ako mismo ang nakagawa. Maliit na bagay lang naman ito kaya walang dapat ipagyabang, hindi naman 'yung tipong binigay ko ang kalahati ng atay ko sa isang babaeng kaka kilala ko lang at na ngangailangan ng transplant. Hindi rin naman ako nag bigay na sperm contribution ko sa sperm bank. Simpleng act of goodness lang ito.

Sabado ng umaga, pagkatapos kong mailagay ang gamit sa kotse naisipan kong mag kape muna bago bumyahe pauwi sa amin sa Probinsya. Bumili ako ng tatlong loaf bread at isang malaking Peanut butter (peyborit ko peter pan) tapos, pinalaman ko sa tinapay ang peanut butter at bumili ako ng dalawang box ng zest-O, orange flavor sa seven eleven.

Matapos masalansan ang mga madudumi kong damit sa kotse eh, sinimulan kong bumyahe dala ang konting tinapay at inumin, paulit ulit kong pinakikingan ang isang track ng hillsong united at naka full volume ang stereo ko, wala akong ideya kung saan ako papunta hindi ko rin alam kung saan ko dadalhin at ibibigay ang pagkain. Basta, naisip ko mag maneho lang at bahala na kung saan ako dadalhin ng manubela.

Sa UN avenue ako dumaan at napadpad. Nag park ako sandali sa may methodist church, sumilip ng konti dahil dito kame nag pra-praktis ng choir namin noong college. Nilabas ko ang paper bag na nag lalaman ng tinapay at juice. Nag sindi ako ng yosi at naupo sandali. Wala naman akong nakikitang mga bata. Makalipas ang pangatlong hithit at buga habang pinag mamasdan ko ang usok na pumapaitaas sa kawalan eh, may biglang isang batang babae ang naramdaman kong kumakalabit sa akin at nanghihingi ng limos.

"Kuya pwede po bang humingi ng pambili ng pagkain"

Pinagmasdan ko sya sandali, makalipas ang ilang segundo tinanong ko kung may mga kasama pa ba sya, sabi nya kasama daw nya 'yung lola nya na may sakit at kapatid nyang batang lalake. Sabi ko wala akong pera pero may dala akong konting chibog.

Hinila nya ako sa may ilalim ng LRT kung saan sila naka pwesto ngayong araw. Iniabot ko ang tinapay na may palamang peanut butter at yung inumin. Hindi ko maiwasang maawa sa nasaksihan ko. Nginitian ko lang si lola at hinawakan ang ulo at ginulo ng bahagya ang buhok ng batang lalake, iniwan ko ang stress ball na nasa bulsa ko sakanya, ngumiti sya. Naimagine ko lang na kung sa akin iyon nangyari eh, marahil wala ako sa estado ng pamumuhay ko ngayon na kung saan panay pa ang reklamo ko napaka ungreatful. Iniwan ko sila at bumalik ng Park, nakita ko doon ang ilang batang sumisinghot ng rugby. Lumapit ako at binigay ang natitira pang tinapay at juice dumating ang ilan pa sa tropa nila, sabi ko hati-hating kapatid sila dahil limited lang ang resources kaya para lahat makakain dapat mag hati hati sila. Nag pasalamat naman sila, iyon ang pinaka masarap na pasalamat na matagal ko ng hindi na ririnig since college. Ginagawa din namin kasi ang gan'tong gawain kasabay ng pag share ng tungkol kay Papa Jesus noong mga panahong iyon na malinis na malinis pa ang puso ko.

Nag sindi akong muli ng isa pang yosi habang pinag mamasyadan ang mga batang tuwang tuwa sa pagkain na kung saan ako ang nagsilbing source ng kaligayahan nila. Masarap sa pakiramdam, magaan. Alam kong bale wala iyong nagawa ko, pero somehow nakatawid ang mga batang ito ng gutom kahit papaano at nakatulong ako sa kapwa.

Habang binabagtas ko ang NLEX sabay ng full volume ng stereo at bukas na binta ng sasakyan sabay ng pag kanta ng malakas at wala sa tono ng chasing pavements accoustic style habang nag mamaneho naiisip ko lang, hindi na ko makukunsyenya pag bumili ako ng iphone. Jooooke!

Yown lang po! Finish!


37 comments:

  1. Ampf. Kaya naman pala pa-Good Samaritan kunyari eh bibili ka pala ng iPhone. LOL

    Isipin mo na lang Jepoy sa halaga ng iPhone madami ka nang mabibiling tinapay, peanut butter, at Zest-O nun, at marami ka nang mabubusog na bata. (Hehe paguilty).

    ReplyDelete
  2. Ambait naman! kami rin bigyan mo ng fud... hehehehehhe

    ReplyDelete
  3. malaking tulong na sa kanila yun dahil kahit pano nabawasan ang gutom nila.^_^ kung bawat tao magdodonate ng isang loaf bread kasaya lang.^_^

    ReplyDelete
  4. wow, good samaritan ka. :D

    Sweswertehin ka at babalik ang grasya.

    ayon yan sa bituin na sabi ni Zenaida seva. :D

    ReplyDelete
  5. Base!

    Na-touch naman ako sa sulating ito...
    tinamaan ako kasi panay reklamo ako sa work ko hays! masarap talaga sa pakiramdam ang makatulong sa kapwa...

    God bless u! Ambaet mo pala Jepoy! Penge naman ng pagkain hehehe...

    ReplyDelete
  6. kunyari, hindi ako tinablan sa post na to.(magpapakabuti na rin ako, promise) :(

    ReplyDelete
  7. ang landeeeeeeee! uma-approval ka na rin! hahahaha!

    ReplyDelete
  8. ika nga sa bibliya... pero isang bata ang nadulutan mo ng kaligayah, at isang kaluluwa ang iyong pinagaan, isang pagkatao ang iyong binigyan ng pag-asa, at isang personalidad ngayon ang naniniwala na may mabubuti talgang tao na handang ibahagi ang meron ng walang kapalit na hinihintay.

    mabuhay, pa burger na!

    ReplyDelete
  9. Kung wala ako sa opisina, umiyak na ko sa nabasa ko. May mga kagaya mo pa pala? Penge naman ng peterpan peanut butter at tinapay, ibibigay ko din sa mga street children malapit dito.

    teka teka... wala na ko masabi. pede bang palakpakan kita?

    ReplyDelete
  10. Kung wala ako sa opisina, umiyak na ko sa nabasa ko. May mga kagaya mo pa pala? Penge naman ng peterpan peanut butter at tinapay, ibibigay ko din sa mga street children malapit dito.

    teka teka... wala na ko masabi. pede bang palakpakan kita?

    ReplyDelete
  11. skipread!
    bumili na kasi ng iphone para hindi kung ano-anong shit ang ginagawa mo.
    pero seriously, that was a nice thing to do. Isang malaking clap-clap para sayo.
    word of advice: wag mong bilhin ung bagong version ng iphone. andaming bad reviews and Apple just lost $87M in response sa hardware issues ni Iphone 4.

    ReplyDelete
  12. Ambait-bait mo naman! Touched ako! :) Kung ganyan lang sana mga pulitiko, tumutulong muna bago bumili ng iPhone, magiging mas masaya ang bansa natin. :-)

    ReplyDelete
  13. hahahaha.. i like the ending! go! reward for yourself bossing jepoy..

    napakasarap talagang tumulong na kahit sa maliit na bagay e may napapasaya ka..

    ReplyDelete
  14. pagpapalain ka lalo ni papa jesus dahil sa mabuti mong puso. :))





    (bongga! una ako db?)

    ReplyDelete
  15. nakakatouch sobra. Parang gusto kitang upakan jepoy, kasi naman, lalo ko lang naisip na ang sama ko talagang tao. :(

    parang gusto kong magsimba, ang tagal ko ng di nakakadalaw sa simbahan. :(

    ReplyDelete
  16. nakakainspire ..wala ako masabi..haha

    ReplyDelete
  17. shet, bakit kung kelan matino ang post mo jepoy eh walang comment? bwahihihihi!

    ikaw na ang santo! pahaplos! haha!

    ReplyDelete
  18. ay k fine, naka-moderate pala!

    ReplyDelete
  19. e kasi---di ka sumama sa blog anniversary contest ko---e di sana me new book ka. hahaha

    ReplyDelete
  20. awww... ambaet mo naman...

    (ngapala, peanut butter ko kanina peter pan hehe)

    so ngayon, bibili ka na ng iphone kasi reward mo sa pgging gudboy? hahaha! pero honestly, that was a sweet move. :)

    ngapala, wag ka bumili iphone 4G... nagka-cut off ung calls pag hinawakan mo kasi ung antenna nasa baba. cinocomplain ngayon sa apple...

    ReplyDelete
  21. ang bait mo naman parekoy! kahit ako, natutunaw ang puso ko kapag nakakakit ako ng lola at mga apo na walang makain sa ilalim ng tulay. di ko kaya.

    dati, nagpakain ako ng hamberger sa street children noong mag-birthday ako. kahapon na birthday ko, wala namang pulubing mabait sa saudi kaya mga kasamahan ko nalang ang pinakin ko sa jabee! \m/

    ReplyDelete
  22. dapat palaging ganito... :)

    should i give or should i just keep on chasing pavements even if it leads no where or would it be a waste even if i knew my place should i leave it there?

    hehe la lang sinabayan lang kita kumanata :)

    ReplyDelete
  23. Hayop ka! (literal) Bakit mo binababoy ang Chasing Pavements ni Adele! Irecord mo na yan dali at ipost na! Now na! You have 5 seconds. Dali!

    ReplyDelete
  24. wala ka pa ring kupas jepoy.. buhay pa rin ang tandem nyo ni glentot.. anak ng sampung bakang kupal oo.. galeng...kasing galeng ng kubang duleng.. je je je je

    ReplyDelete
  25. ang buti buti nman ng kalooban mo..
    ito para sau..mwahh!

    natawa ko sa comment ni andy, pahaplos din!hehe..

    =)

    ReplyDelete
  26. Aylavthispost! :) And i love you! Ay teka, na-carried away ata ako. LOL! Hahahaha!

    Sarap ng feeling no? It's nice to pay it forward. I like your blog. Keep it up, catsup!

    ReplyDelete
  27. ang buti buti nman ng kalooban mo..
    ito para sau..mwahh!

    natawa ko sa comment ni andy, pahaplos nga din..hehe!

    =)

    ReplyDelete
  28. clap clap clap kuya jepoy.. bait bait namn :)

    ReplyDelete
  29. Noong una akala ko nagbibiro ka lang na hindi ito seryosong post. Nang nasa gitna na ako akala ko nagkamali na ako ng blog na pinuntahan. Sa huli, nasa tamang blog nga ako. =) Salamat pala sa koment, nasa email mo ang reply ko.

    ReplyDelete
  30. wow! bait-bait mo naman sana kunin kana ni....infairness you're kinda kind...penge nga ng iphone!wweee!

    ReplyDelete
  31. ang sarap talaga sa pakiramdam na tumulong sa kapwa..gawin mo kaya yan weekly kuya jepz..^_^

    ReplyDelete
  32. ang masasabi ko eh ambait bait ni kuya jepoy : D

    ReplyDelete
  33. maantig na sana ako..potahngena may bibilhin pala...pangpatanggal konsensya jepoy?wahahhahaa...

    sama mo ako sa kawang gawa mo!!!gusto ko yan....pero ako lang ang kakain.lols

    ReplyDelete
  34. pwede paampon. ampunin mo na ako. hahaha!
    walangya! ang bait naman ni tito jepoy. hakhak!
    gusto ko na talaga maelib tapos ayun pala sa iphone ang bagsak.
    sige na! ikaw na ang may pambili...
    mayamannnnnnn!

    ReplyDelete
  35. para sa inyong lahat na nag comment, i always try my best na isa-isahin at gawing personal ang response ko sa comments nyo pero tinatamad me. Bawi nalang ako sa susunod na pag babasa nyo, I appreciate you guys taking time to read and comment. Thanks and God Bless you!

    ReplyDelete