Thursday, July 1, 2010

Blogger of the Month -July Edition

Para sa kaalaman ng mga naligaw at ngayon lang napadaan ng blog kong walang kwenta, ang blogger of the month ay regular na ginagawa ng may akda bilang appreciation sa mga blogs na nakagawian nyang basahin na kung saan ang mga babasahing ito ay nakapag bigay ng aliw, aral at kung ano ano pang shity shits sa may akda.

Pero ang bwan na ito ay kakaiba.

Baket?


Halika lumapit ka ibubulong ko sa'yo basta wag kang maingay, ha? Lapit pa. Kasi nga sapilitan itong hiningi sa akin. Tignan mo ang cbox ko. Pressure much?! Kaya kahit na ang tamad tamad mag post ng entry eh, sige na nga't pagbigyan na dahil ma ililibre naman ako pag dalaw ko sa bansang pinag tra-trabahuhan ng animal na 'to.

Without further adieu ladies and manyaks, by the power vested in me, may I present to y'all the July blogger of the month ng Pluma ni Jepoy, ang website na tatalo sa hits ng google (in my dreams) at ang website na may pinaka poging may akda sa mata ng nanay nya.

[insert drum roll here]

Walang iba kung hindi si Bulakoblero.sg *Palakpakan mga kups*

Imagine walang laman ang about me ng putanginang 'to sa blog profile nya. tapos hindi pa up-to-date ang entry ng wolong hoyo, pero nakuha pang mag expect na maging blogger of the month, strong bones!!!!! Pero sige sige pag bigyan ang hiling. Paki click po ang kumikitang kabuhayan nya sa nuffnang dahil ipanlilibre nya sakin 'yun bwahahahaha.

Si Bulakbolero.sg ay isang SAP Fuctional developer na nag tra-trabaho sa Singapore. Naging blogger dahil akala nya magiging milyonaryo sya sa nuffnang. Hindi ko ma classify ang blog nya kung humor, personal or kung ano pang shit, basta nag susulat sya ng mga bagay-bagay na nangyayari sa paligid nya. Mahilig syang magbulakbol kung saan saan kaya nga bulakbulero ang pangalan nya. Mahilig din sya sa photography, marami kasi syang pambili ng lens dahil mayaman sya samantalang ako ni kit lense eh, wala poor kasi me. Teka hindi nga pala about me ito, about sa kanya nga pala ito.

Itago nalang natin sya sa pangalang Joel. Sabi nya kilabot daw sya ng chiks sa singapore. chiks na may betlogs bwahihihi. Gaya ng mga featured blogger ko the past months eh meron akong picture na ninenok dahil magaling akong stalker.

Meet koya joel...


Ikaw gusto mo bang maging blogger of the month? Simple lang ang dapat mong gawin kunin mo ang bank account number ko tapos lagyan mo ng pera, ang dali diba? Or pwede rin namang mag sulat ka lang ng mag sulat makikita mo naman akong mag kokoment pag nagustuhan ko ang sulatin mo, hindi mo ako kelangang i-please, sus! sulat ka lang ng sulat more writings more chances of winning.

At para sa ating featured blogger this month of July na si Joel, Congratulations sa'yo akalain mong kahilera mo na ang mga favorite bloggers ko????! WTF!!! Pwes dahil dyan busugin mo ako sa September and please note na ayoko ng indian food at ayoko ng curry at kahit anong may curry okay. Joke lang Sir!

Click nyo lang ang link to read more of his blogs!

35 comments:

  1. wahahaha!!! "more writings more chances of winning"... winner! like ko yun... hahaha!!!

    ReplyDelete
  2. WAHAHAHA! Sapilitan pala ang pagiging Blogger of the Month ni Bulakbolero. Ako kaya kelan? LOL

    SAP Developer pala ang mokong na 'to! Wah! Malaki sweldo niyan! Nasa $5000-$6000 (P165K-198K)!

    Libre! Libre! Libre!

    ReplyDelete
  3. meron bang chance maging BOM ang sumusulat ng kalaswaan? bwahahaha :P
    (asa pa hahaha!)

    ReplyDelete
  4. Congrats kay Bulakbolero!

    Congrats kay sir jepoy, may manlilibre na sayo!

    :D

    ReplyDelete
  5. hindi naman obvious na may hidden agenda at personal intention ang may ari ng blog na to sa pagiging blogger of the month ni bulakbulero? hek hek hek!

    pati pala dito may corruption din??
    boooooo!!! luto! luto! luto!! LOL

    ReplyDelete
  6. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  7. hahahaha ayuz...after ilang weeks ng "pagsstalk" mo, naging blogger of the month pa si parekoy..LOL hahaha click niyo daw nuffnang niya, para mailibre niya si jepoy ^_^

    ReplyDelete
  8. ahem..malapit na ang august..nadadaan ka pala sa pressure at nasisilaw ka sa pagkain. hahahaha! anong gusto mo? ipagluluto kita! hahaha!

    ReplyDelete
  9. bumisita at bumasa sa featured blog ni jepoy

    ReplyDelete
  10. oo ako na! ako na ang mapilit. lahat nalang nang kakilala ko na kakilala ka nagmessage sakin, brinaso daw kita... bad daw un!

    tingin ko lang... pilit na pilit talaga tong paglagay mo na 'to. talagang nilagay mo pa na wala akong updated na entry para walang dumalaw sa bahay ko. lol.


    pero salamat nagdagdagan ako dalawang followers... sana klinick din nila yung nuff ko.. nyahaha..

    salamat dito.. sna next time may cash prize yung ma feature dito. wahaha...piz!

    ReplyDelete
  11. @Jepoy... pootek binabaha ako ng kung anu anong mga fon in question, pabura naman job desc ko. di tunay un. di ako sap functional developer... functional na developer pa... lol...

    @Gasul, di tunay yan. kasi mali naman binasehan mo... :P

    @Jepoy ulet. alisin mo nalang pic ko madami natatakot. dapat sinabihan mo ko na nanakawin mo yan binigyan sana kita mas gwapo.. lol.. joke lang.

    ReplyDelete
  12. wow! may blogger of the month pala dito sa bahay mo Kuya Jepoy. Ako kaya kailan? wahahahaha. :P

    HAHAHA! basag si bulakbolero sa deskripsyon mo sa blog nya. hahaha.

    ReplyDelete
  13. congrats kay pareng bulakbolero. hehe
    ako nga din nagbabalak yumaman sa nuffnang..wooohhh.. kumita n ako ng kwatro pesos

    ReplyDelete
  14. "more writings more chances of winning"...

    love this parang yung sa mga contest sa tv lang..hahaha

    congrats kay kuya bulakbolero..^_^

    ReplyDelete
  15. makadalaw nga dun.. hihihi..


    Sir jepoy pupunta ka ng singapore??? wow sosyal..


    Congrats bossing bulakbolero..

    ReplyDelete
  16. eh balita ko lumalangoy pa sa baha si bulakbolero! nako sana lang ang kaniyang mga lens ay hindi nabasa. okay ang mechanics ng blogger of the month mo, panalo!

    ReplyDelete
  17. congratulations kay bulakbolero!!!
    blog hopping here... have a great week!!!

    "When I look at you, I see forgiveness, I see the truth.
    You love me for who I am, Like the stars hold the moon
    Right there where they belong and I know, I’m not alone."

    ReplyDelete
  18. ang kulet! hahahaha. aliw na aliw naman ako sa post na 'to! award!

    ReplyDelete
  19. sige na master jepoy, ikaw na ang mag-suggest ng babasahin namin! binabasa ko na siya ngayon. \m/

    ReplyDelete
  20. Ganun pala... May kinikilingan... Haysss

    ReplyDelete
  21. Hay pagkain lang pala ang katapat para maging blogger of the month.

    Kelan magiging blogger of the month yung magaling na poet na kilala natin huh????

    ReplyDelete
  22. pagamit muna ng comment box mo poy ah! hehe...

    @mervin, salamat sa pagbisita at pagfollow sa bahay ko.

    @gasul, ayown oh, kaw nga tong di pa nanlilibre. saka wag ka amgsasalita ng ganyan. bad yan.. baka maniwala sila sa sinasabi mo.

    @Soltero, ayus lang, malalaswa din ung iba kong post.

    @Khantotantra, salamat po.

    @indecent, ganun talaga, lahat nabibili.. haha

    @muse, nyakaka... nasuhulan ko na si jepoy.

    @goyo, sobrang basag nga ako... parang puro babala ang nilagay ni jepoy.. parang sabi keep out of this blog..

    @kiki, salamat pare

    @superjaid, salamat ate. emo mga entries mo ngayon ah!

    @poldo, salamat bossing, dalaw ka lang, saka wag ka sana mabored. nyahaha..

    @prinsesamusang, salamat sa pagdalaw sa bahay ko.. sa uulitin

    @ailee, salamat salamat!

    @nimmy, dalaw ka blog ko. parang awa mo na. lol

    @nobenta, dalaw dalaw ka lang dun. hehe

    @roanne, anyenye... lapit ka na din punta dito ah! at ikaw na! ikaw na ang pang 2nd sa list ni kiki.

    @glentot, nasaktan naman ako ng bahagya dun. parang wala ako karapatan maging blogger of the month ni jepoy... lol.. joke only.


    @poy.... salamat sa pag gamit ng comment box mo. hehe

    ReplyDelete
  23. @bulakbulero waaahhh naalala mo pa yun? Ililibre mo rin ba ko? Lol may kinikilingan din si kikilabotz kaya ako naging nasama sa list nya harhar

    ReplyDelete
  24. @Mervin

    heheheh, kaya ikaw sulat ng sulat sir. Salamat sa parating pag babasa ng mga walang kwenta kong sulatin sir.

    @Gasdude

    Oo sapilitan. Ikaw mag hintay ka lang may time karin basta ba mag sulat ka na mag sulat tulad noon hihihi

    Mayaman talaga yan, kampaya tayo pag pasyal ko dyan busugin nyo ko hati kayo, joke!

    @Soltero

    pwede naman ang kabastusan, sus basta ung bank accounts ko lagyan mo ng dollars, diba nasa states ka?! LOL

    @Khantotantra

    Heheheh tenchu tenchu parekoy

    ReplyDelete
  25. @AIM

    ALam mo ba dapat ma feature ka na sa'kin noon pa kaso ang landi landi mo! LOL walang corruption dito sus! may hidden agenda ng kaunti pero this month lang naman eh, next month fair and square na ahahha

    @Hartlesschiq


    Oo nga click nyo daw ang nuffnang nya, puta sya ang lakilaki na nga ng sweldo umaasa pa sa nuffnang lol. Dapat talaga mailibre ako kunghindi naku sayang ang July month ahahaha

    @Caloy

    Gusto ko ng sinigang na may catch! wag kang mag panggap na marunung kang mag luto bwahaha at next month ay fair and square na kaya galingan mo sa mga entries mo ahahaha

    @Anthony

    Salamat sa pag bista parekoy :-D

    ReplyDelete
  26. @Bulakbolero

    Nung nakita ko ang mga comments mo parang tinamad na ko mag comment, blog mo ba to??! Lahat ng commenters ko ni replyan mo aahhaha. Natawa ako gago ka! Dahil dyan fancy restau ang chichibugan ko ha! complete set from soup to dessert (kamaganak?!)

    Sorry naman nag kamali lang SAP Functional Consultant pala. Pasensya na ha! alam mo naman mga third world country mga tanga lang...

    @Goyo

    Madali lang ipasa mo ang board exam pasok ka sa list LOL. Basag na basag sir!

    @Kikilabots

    Atleast meron kang kwatro pesos ahaha pwedeng pwede, "Kaya pa sir?!) LOL

    @SUperjaid

    True parang contest sa tv lang. Okay na ba ang puso superjaid? hihihi sana okay ka na...

    ReplyDelete
  27. @Paldo

    Sige dalawin mo. Oo pupunta ako singapore dahil nakapulot ako ng libre ticket at sa pag tawid ko sa alambre at pag kain ng blade un ang premyo ko hihihi

    @Prinses musang

    Oo nga daw baha nga daw ngayon sa kanila. Naku secured na secured ang lens nun mas mahala pa sa girpren nya ang lense nya ahahha...

    @Ailee

    Thanks!

    @Nimmy

    Makiliti lang kita sa kahit na anong post ko masaya na ko.Hhehehe

    @Nobenta

    Sige lang basahin lang basahin pre para di ka masyadong ma homesick.

    ReplyDelete
  28. @Roanne

    LOL wala akong kinikilingan ahaha ngayon lang bwan na 'to, ang kulet nyan kasi eh..

    @Glentot

    Alam na alam mo yan!!!! gusto ko nga gawing blogger of the month yun lalo ang favorite nating tula nya na may pinamagatang PANIKI. LOL

    @Bulakbolero

    ABA NAG PALIT KA NA NG PROFILE PIC, ANG LANDI! At blog mo ba to???! kung maka comment ka parang wala ng bukas!

    ReplyDelete
  29. Kuya jepoy? Ang galing pala merong blogger of the month. Sana magng ganun dn aq hehe. Have a nice day po!

    ReplyDelete
  30. @Dc Theckerr

    Sige lang boi basta sulat ka ng sulat mo malay mo minsan sa isang bwan ikaw pala ang featured blogger :-D

    ReplyDelete
  31. @kuya jepoy! oo po gagalingan ko mag sulat hehe este mag type kahit d aq ganu magaling ^^, GODBLESS po!

    ReplyDelete
  32. ahhhhh...
    masilipan nga ang blogger of the month sa kanyang kuta.. hehe

    basta pagkain talaga oohh..lols

    congrats kay Bulakbolero! astig na astig talaga!

    ReplyDelete
  33. teka teka, matanong ko lang... ano ba talaga qualification dito? bat mega join si bolero er... i mean bulakbolero! peace! hehehe! ;)

    ReplyDelete
  34. @bulakbolero, natawa ako sayo men.dalawa na blog mo. Sayo na din to.haha. Natawa ako sa mga reply mo sa mga nagcomment dito.haha. :D

    @jepoy, board exam ampota.haha.di pa nga ako grad e! Hahaha.

    ReplyDelete
  35. backread lang, walang magawa. nadadaan pala sa perahan ang pagiging blogger of the month. bwahahaa

    ReplyDelete