Friday, July 30, 2010

Ang muling pag babalik ni Jepoy sa Quiapo

Kahapon hindi ako nakapasok sa office dahil pumunta ako ng Quiapo (Ayos sa reason). After 48 years eh, nakabalik rin ako ulet doon. Parang nag-flashback bigla ang lahat ng alaala ko 'nung college, malapit kasi doon ang unang boarding house ko, hihihihi. Bumili nga pala ako ng bisikleta sa Bisikleta Manila dot com na located sa street strip sa may hidalgo, kung baket ako bumili eh wala kang pakialam. Jowk!

Tapos ginamit ko narin ang opportunity na ito na mag ikot-ikot at syempre bumili ng debede. Nakabili ako ng Avatar: The Last Airbender, I'm soooooooo happy. Oo, nagandahan ako sa movie adaptation nya recently, kaso, 'nung inumpisahan kong panoorin ang cartoons na nabili ko eh, medyo nadisappoint na rin tuloy ako sa movie. Sana hindi ko nalang pinananood ang cartoons.

Natuwa naman ako sa cartoons at parang na excite ako sa mga susunod pa na movie ng The Last Airbender dahil dyan eh, gusto ko na ring maging Airbender. Akalain mong tag 25 pesos lang ang isang debede doon, para ka lang nag merienda ng malamig na shake at substandard na burger sa suking tindahan, di hamak na mas mura talaga compared sa Cinema sa Mall. You'll love et.

Anyhow carabao, habang nag iikot ako sa kapusuran ng Quiapo (doon sa may muslim area) para mag tingin tingin ng iba pang debede eh isa lang ang napansin ko at nairita much ako ng beri beri slight. Kasi nga, habang nag titingin ako ng bibilhing debede eh, tinatanong nila ako ng gan'to, "Porn, Sir?! Dito sir, marami bagong bagong mga scandal pati bagong Soapy Massage ni Maria Ozawa". I'm like, muka ba akong manyak?! Inisip ko nalang baka mali lang ang pag kaka interpret nila Koya sa Aura ko kaya sinubukan kong lumusung pa sa kapusuran ng mga piratang debede store, pawis na pawis ako hanggang betlogs kakaikot sa masisikip na eskinita at Putangina! Same thing, "Porn, Master?! Dito marami blue ray copy Master walang talon talon..." I'm like what the hell?! Master talaga?! Bumili narin tuloy ako, kasi na mimilit sila eh, mahina lang ang katawang lupa ko. Jowwwwwwwwwk!!! Really! hindi ako bumili hindi ako na nonood ng porn bad 'yun.

Ang dami kong alaala dito sa Quiapo, isa sa alaala ko ay 'nung bumili ako ng Debede Player noon. Tinanong ako ng kuyang Muslim kung anong brand daw ang gusto ko para sa DVD ko. Sabi ko naman gusto ko Sony. Aba ang Puta tinanggal lang 'yung Sanyo na logo na naka lagay sa mismong player at kinabit ang logo ng Sony edi Sony na nga naman. Panalo!

Syempre ang lahat ng mga ECE students alam ang Raon, Malapit lang ito sa Quiapo Church. Halos araw araw ata nandito ako noong college, nag hahanap ng murang IC at kung ano ano pang shit na kelangan sa design namin. At dito rin ako nakakuha ng Atenna na swak na swak sa Com4 namin. Ang kuya ng tindahan ng atenna so amazing, pinakita ko lang ang computation ng Atenna Design ko at classification nya, sabi ko Yagi Yuda at ito ang computation sabay about ng bond papper na may result, aba wala pang isang Oras nagawa na nya ang project ko, astig!. Uno tuloy ang grade ko sa Atenna na subject namin. Alabeeet!

Sa mismong Quiapo Church naman isang alala ko na hindi ko malilimutan ay 'nung minsang dito ako natulog ng 2 nights dahil wala akong pambayad ng boarding house. Kasama ko dito ang mga Quiapo kids habang sumisinghot sila ng rugby, nag aaral naman ako ng Physics. Dito rin sa tabi ng chuch ako bumili ng gamot sa pilay, shabu, marijuana, gamot na pamparegla para hindi maging batang ama (para sa gf yun ng board mate ko ha! *defensive*). Dito rin makakabili 'nung...Uhmmm hindi ko alam 'yung tawag 'dun, nakikita ko lang sa gilid gilid. 'Yung sinusuut sa etits na parang ring tapos may balahibo ng kambing na nakapaligid dito. Basta 'yun, may theorya sila na nag papa ikot daw iyon ng pwet ng mga babae sa bed pag gamit mo ang ating ating na ito. Dito rin ako bumibili ng chocolates na expired na ng one month, pero pwede parin naman dapat lang bilisan mong kumain bago lumayo sa expiration date para hindi ka malason, pag nalason ka naman ibig sabihin na reach mo na ang saturation point na expired chocolates, hindi lang chocolates meron ding imported na delata na expired na tulad ng spam at maling. At syempre ang mga perfume na murang mura lang. 'Yun nga lang pag spray mo, 2 minutes palang nakakalipas wala na ang amoy sa katawan mo.

At ang pinaka hindi ko malilimutan sa lahat ay noong isang beses na fiesta ng Quiapo, pauwi ako sa aming boarding house na parang bahay ng mouse. As you all know, hinihila nila 'yung rebulto na black, hindi ko alam baket black si Papa Jesus doon. Basta, Black Sya period! tapos, hihilain ng mga tao ito gamit ang dalawang makakapal na lubid na nakakabit sa bonggang throne ng Puon na maitim na Papa Jesus. Pila pila ang mga tao sa dalawang lubid na ito at sabay sabay nila itong hinahatak para mag move ang throne at maiilibot sa Maynila ang Poon ni Papa Jesus black version. Eh hindi ko naman alam ang mga gan'tong fiesta fiesta noon. Pauwi ako sa bahay dahil taeng tae na me.

Nilakad ko lang kasi wala namang jeep na makakaraan sa sobrang daming tao at wala narin natira sa alowance ko noon, na pang inom ko na. Habang papauwi ako saktong sakto naman na nariyan na rin ang Poon at nag kakagulo ang mga tao nag sisiksikan sila at nagsisigawan para mahaplos ang Poon na black, medyo na gigitgit na me hanggang sa hindi maipaliwanag na pangyayari dahil narin sa kakaiwas ko ay nakita ko nalang ang sarili ko sa gitna ng lubid. Putangina! na iipit na me. Hila sila ng hila eh tapos sabay sabay pa silang nag cha-chant para sa pwersa ng pag hila, natakot much me. Hindi ko alam kung saan ako pupunta hanggang sa natalisod ako at nadapa. Bawal pala 'yun sapagkat walang tutulong sa'yo. Kebs sila sayo basta more more hila lang sila. Natapakan me. Gusto ko sana silang suntukin kaso banal ang pangyayari bilang respeto sa paniniwala nila gumulong gulong nalang me hanggang sa makaalis ako sa lupit ng mga paanila. Kinabukasan hindi me nakapasok dahil puro ako pasa at naka cast ang kamay ko. Kawawa me.


43 comments:

  1. hahaha... bbumigay din sa mga debede... hehehe... di ko pa napanood ang last airbender movie... pero dami nagsasabi na di maganda pero, panonoorin ko pa rin... hehehe

    ReplyDelete
  2. Nakakatakot talaga yung fiesta ng Quiapo dyan. Andameng namamatay sa stampede. Buti nalang at may pagka superhero ka. Biruen mo gumulong gulong ka lang. Action star much? LOL.

    P.S. Asan pasalubong ko galing Quiapo? Binili mo ba ko ng Cytotec? Hahahaha!

    ReplyDelete
  3. Meron ako dating pinagawang project diyan sa Raon. Saka diyan din ako bumili ng DSLR. Na-miss ko din ang kaguluhan ng Quiapo.

    ReplyDelete
  4. Quiapo. Ang mahal kong quiapo. Dito ako madalas ibaba ng jeep, madalas din kasi akong makatulog sa byahe, lumalampas ako, dapat sa p.campa ako bababa e. Madaling araw lagi, nakikita ko ang ibang itsura ng quiapo, walang tao, madilim, amoy basura at puno ng basura..

    ReplyDelete
  5. nakalapit ka sa lubid, sana humawak ka dun sa lubid. swerte daw un.
    kaya sya itim kasi wansapanataym daw, ung original church na naghouse sa poon na yan e nasunog. as in all turned to ashes talaga, except that statue. kaya miraculous daw yang statue na yan.
    at ung mga nagaalok ng porn, nakikita sa mukha, hahaha. bakit ako madalas ako sa quiapo, wala namang lumalapit sakin.
    at nagquiapo ka pala, sana tnxt mo ko, 1 jeep lang ako dyan.

    ReplyDelete
  6. namiss ko naman din magpunta sa quiapo para magdvd shopping..hehe ang syempre magsimba na din. =)

    ReplyDelete
  7. quiapo!! dyan din ako namili ng psp games. kaso napeke iba ang laman..

    quiapo!! malapit me dyan. tour kita

    ReplyDelete
  8. base!^_^

    aww..for real yun kuya?kawawa ka naman kung ganun..di ka naman ba nagkasugat that time?

    uhmm..hahaha puro porn inaalok sayo?baka naman kasi tinitingnan mo rin kuya?hehehe

    ReplyDelete
  9. @canonista

    galit ba you?! Sorry naman kung hindi pumasa sa standards mo ang entry ko.

    @Phrench

    Koya panoorin mo na airbender maganda naman eh.

    @Kacai

    Baket mo alam ang Cytotec?! LOL natawa ako dun, hmp! napagisipan mo na ba ang inooffer kong dinner sa'yo bwahihihihi

    ReplyDelete
  10. @gasdude

    Asteg talaga ang raon. Picturan mo ko sa DSLR mo pag dating ko gusto ko ung pang magazine. Isolurve et!

    @Goyo

    Site Sir pasyal mo ko dyan sa Quiapo. Alam mo bang matagal akong tumira dyan sa may pcamba dun sa may mcdo area ha at ministop lakad ka pa padiretso. hihihi

    @Oliver

    talagang mega super duper explain mode?! bwahihihi Puta ka may kasalanan ka sakin last weekend hindi ka nag txt puta ka hinihintay ka namen.

    ReplyDelete
  11. @Niq

    Sige samahan kita punta ng quiapo bili tayo ng debede

    @Tong Tong

    Quiapo boy ka ba sir?! Sige bili tayo ng talakitok dun sa palengkeng mabaho dun sa may ilalim lol

    @Superjaid

    Sad to say hindi ka base bwahihihi

    Oo napilayin me at nadurug ang pagkatao. Pero ayos lang charge to experience na interview pa nga ako ng GMA nun sa hospital bwahahaha artista na me...

    ReplyDelete
  12. Haha. Natawa ako sa pagpalit ng sanyo into sony. Pak na! May sony ka ng brand. Haha. Di na nga ako nabalik sa Quiapo. Ang huling tanda ko pa, nakipila kami ng mahaba ng aking ina para lang magkumpisal. Twembang day yun. Ang dami hinimatay. Ode sige na. Sa inyo na yung moment!

    Nilagay po kita sa aking blog roll ha? Nagpapaalam lang po. :)

    ReplyDelete
  13. @Yow

    Maraming salamat sa pag add ng link, kaso baket hindi ko ma access ang iyong blog?! Enable to access profile ang sabi pag visit ko, tapos pag enable ko ayaw naman :D

    ReplyDelete
  14. andami mo ngang unforgettable experiences as quiapo!sa totoo lang natatakot akong pumunta dun mag-isa. mukhang may anting-anting ka naman jeff, samahan mo ko, pwede? hihi

    ReplyDelete
  15. @Weng

    Syempre naman ikaw pa! Ang lakas lakas mo sa'kin, ako lang mahina sayo. Sige samahan kita pag uwi mo mag hapon tayo sa Quiapo hihihi

    ReplyDelete
  16. ay sige, na- excite naman ako....kaya lang....pano pag inalok tayo ng dvd na porn? wahahaha! riot!

    ReplyDelete
  17. magisa kang napadpad sa Quiapo?

    dapat may kasama ka sa susunod... maraming masasamang loob dun... pera sa pitaka naaamoy nila..

    ReplyDelete
  18. weh?
    totoo d ka nanunood ng porn?
    dami ko pa sana ibibigay sayo.. :D

    ReplyDelete
  19. @Weng

    Sige sige, wag ka masyadong ma excite :-D

    @Kosa

    Wala namang pera ang pitaka ko bukod sa pang jeep ang 150 na pambili ng debede ahahha

    @Siletnassasin

    Peram brad! LOL

    ReplyDelete
  20. di pa ko nakaka punta ng quiapo hay...

    pero pag naka punta ako bibili ako ng porn na debede. mahal kc dito hehe

    ReplyDelete
  21. RAON? Hahah! Nung isang bese na punta ko diyan, naghahanap ako ng 2 kiloohms na potentiometer. Bawat store, "wala daw". Buti na lang matalas ang mata ng kasama ko, ayun, nakadisplay pala yung lintek na potentiometer na yun na sinabi nung tindera na wala daw.

    ReplyDelete
  22. sure ka ba na hindi ka bumili ng porn?ahaahhaaha.....masama angg magsinungaling jepoy...

    hindi ko pa napuntahan ang quiapo..pero sabi nila daw medyo delikado? esdatrue?

    PS: Kaano ano mo siya jepoy?

    http://www.facebook.com/profile.php?id=100000628129414&ref=search

    ahahhaa..hihanap kita pra i add, hindi ko makita..anobeh..ahaha

    ReplyDelete
  23. @Abou

    Hayaan mo brader pag napadaan ka ng maynila sasamahan kita mag ikot ikot sa quiapo para makabili ka ng debede sa Quiapo

    @Kaitee

    Naalala ko nanaman ang potentiometer na yan ahaha. Wag kayong maniwala sa mga ate doon lalo na sa alexan tatanga-tanga much sila madalas.

    @Maldito

    Hindi ako searchable sa Facebook dahil malandi ako. Ayoko na nireject mo ang invitation ko nag tatampo na ako. Oo matampuhin ako. FO na to! Bwahihihi

    ReplyDelete
  24. wow! parang gusto ko pumunta ulit ng quiapo. hakhak!

    mura lang ba mga IC at mga electronic components sa Quiapo? Kasi sa totoo lang wasak na wasak na wallet ko kakabili ng mga components na 'yan!

    at ayos naman ang antenna mo. madaya ka! madaya!

    yay! binili niya one more chance... peram nga ako. di ko pa yan napapanood eh. hakhak!

    magkano naman daw dibidi nila dyan? yung anime ah...

    o hayan! natuwa ako sa dibidi at IC na yan eh!

    ReplyDelete
  25. Waaaaaaaaa ohhh RAON! i miss you RAON.. Tambayan din namin yan lalo na pag kailangang bumili ng pangproject.. putakels talaga kaliwat kanan ang tingin baka may snatcher hehehe..

    di ko pa napapanood ung AVATAR.. Pero ask ko lang sir ok ba yung grow ups?? kakatapos ko lang idownload yan kagabi.. Pero tingin ko naman ok yan ADAM sandler and Cris ROCK ang cast eh hihihi

    ReplyDelete
  26. Kuwawa naman si Jepoy! haha nami-miss ko narin ang Quiapo. I was thinking about it this morning nga eh. Nakakamiss maghunting ng DVD.

    At yung porn? Wushu... mahina ang katawan! haha

    ReplyDelete
  27. kapag medyo sosi, sa greenhills ang punta. eh sobrang jologs ko kaya sa quiapo ako namimili!

    parehas tayo parekoy, minsan grupo kaming naghahanap ng mga dvd pero ako lang ang inaalok ng porn! paksyet, di ko naman kamukha si george estregan!

    daming pwedeng mabili sa harap ng simbahan ng quiapo. bukod na mga paborito kong hepatitis vendors, kung anu-ano pa ang mahahanap mo dito. \m/

    ReplyDelete
  28. kawawa naman...sakit siguro nun.. naawa ako haha. makadalaw nga minsan sa quiapo... gusto ko din mamakyaw ng debede...

    ReplyDelete
  29. matagal na akong di nakakapunta sa Quiapo. gusto ko din bumili ng madaming debede! :P

    ReplyDelete
  30. grabe, the best ka talaga idol! sayo lang nangyayarai ang mga ganyan. haha
    ayaw ko nung movie adaptation ng last airbender. leche si mnigh shyamalan! tae ang story at hindi maganda ang casting. madaming mali sa story at characters at sana huling movie na niya ito! hindi ako galit! HINDI!
    talaga bang natulog ka sa church idol? grabe, napaka-makulay naman ng buhay mo. ano ginawa mo pagkatapos?
    nakakatawa naman nung gumulong-gulong ka. haha. bakit naman kasi hindi ka muna tumabi idol? masyado pa namang wild ang mga tao kapag ganun. hehe.

    ReplyDelete
  31. bat bibili pa ng porn sa quiapo, mag net na lang..

    anyways.. . .

    HOY JEPOY! kAMUSTA NA!

    tapos

    excuses mo e
    2 days kang di pumasok dahil sa quiapo

    musta na ba u?

    ReplyDelete
  32. mahal ang porn sa pusod ng quiapo. hihikayatin ka sa kadulu-duluhan at mapipilitan ka bumili kasi sobrang sama nila makatingin pag wala ka napili. :( na-experience ko once

    ReplyDelete
  33. Kuya Eloiski,

    Mahal ang IC sa Alexan, ewan ko lang sa Deeco at Raon.

    Kuya Jepoy,
    Putakels mga Beki. Hindi alam ata alam ang potentiometer.

    ReplyDelete
  34. marami tlgang mura sa quiapo...nkakahilo lng andaming tao...sa tanang buhay ko isang beses p lng ako nkpunta ng quiapo at ang nbili ko lng ay isang tig-45 pesos n shorts haha...

    ReplyDelete
  35. kawawa naman you much on the pilay and stampede... some kindova writing style you have talaga... gujab on the porn jepoy wala naman maniniwalang dika nanonood nun heheh

    ReplyDelete
  36. Puro malas inabutan mo sa Quiapo pero balik ka pa nang balik hay naku nanggaling na rin ako diyan nung nagshoppin kami ng Cytotec.

    In fairness hindi ako nag-skip read ngayon. Ganda ng structure.

    ReplyDelete
  37. next time sa Hidalgo na punta mo i know *winks*

    ReplyDelete
  38. namiss ko bigla ang quiapo, buhay na buhay ang quiapo. lahat makikita mo dun. pati iba't ibang elemento ng tao. lalo na ang mga dibidi.

    ReplyDelete
  39. ang dami ko namiss na post mo... backread muna ako..

    hehe

    padaan ulit..

    inuman tayo tas pulutan palaka.. paramihan..nyahaha

    ReplyDelete
  40. @Eloiski

    Mas mura kumpara sa iba,dun ka sa raon sa may quiapo mag punta. Mag pa transfer ka na sa mapua para malapit ka doon hihihi para school mates na tayo.

    @Poldo

    HIndi ako natuwa masyado sa grownups. Mas okay ang Avatar: THe last Airbender na cartoons I lurve et!!!!

    @Citybuoy

    Dali punta na dun, at yung porn totoo yun noh. Hindi ako bumili chineck ko lang para i totorent ko nalang bwahihihi

    @NObenta

    HIndi ako sosi sir kaya dun nalang ako sa Quiapo hhihihi. Nakakaaliw talaga sa quiapo at sa mga bagay na pwedeng bilhin

    @Karen ANne

    Sige pag nadalaw ka sasamahan kita hihihi

    @Dakilang tambay


    Oi salamat sa pag tambay dito ha. Dali punta ka ng quiapo samahan kita bumili ng debede LOL

    @Mr Night Crawler

    True mga pangyayaring hindi ko ma forget (english talaga?!) Ang ganda kaya ng Last Air bender

    @ Paps

    Ok naman ako paps, kaw musta dyan? Malamig parin ba ang gabi? hihi

    HIrap ng net lang eh ang bagal kasi ng connection ko bwahahaha

    @Khantotantra

    Baket alam mong mahal???! I therefore conclude.. ahaha

    @Jag

    Ang mayayaman bang tulad mo na papadpad din ng quiapow?!

    @Kamugchaow

    Wala ngang porn koya, I hatecheet uu napilayan me huhuhu

    @Glentot

    Pakyou!!!

    @Chyng

    *wink* samahan mo ko pwede ba? hihi

    @Superbalentong

    ang mayayaman bang tulad mo nag pupunta rin ng quiapo

    @SHea

    Mam salamat po sa pag babasa at talagang nag back read pa you. Tats me everywhere. dahil dyan may libre kang kiss *Smack*

    ReplyDelete
  41. ako rin disappointed sa Avatar da movie, naging paborito ko ang cartoon version simula nung inirekomenda ng grade 2 kung pamangkin 2 years ago. sana makabawi sila sa book 2 :)

    ReplyDelete
  42. inantok ako sa kwento Jepoy or inaantokz lang talagah koh... lolz... napadalaw lang parekoy... im glad ur ok... GODBLESS!

    ReplyDelete