Friday, July 30, 2010

Ang muling pag babalik ni Jepoy sa Quiapo

Kahapon hindi ako nakapasok sa office dahil pumunta ako ng Quiapo (Ayos sa reason). After 48 years eh, nakabalik rin ako ulet doon. Parang nag-flashback bigla ang lahat ng alaala ko 'nung college, malapit kasi doon ang unang boarding house ko, hihihihi. Bumili nga pala ako ng bisikleta sa Bisikleta Manila dot com na located sa street strip sa may hidalgo, kung baket ako bumili eh wala kang pakialam. Jowk!

Tapos ginamit ko narin ang opportunity na ito na mag ikot-ikot at syempre bumili ng debede. Nakabili ako ng Avatar: The Last Airbender, I'm soooooooo happy. Oo, nagandahan ako sa movie adaptation nya recently, kaso, 'nung inumpisahan kong panoorin ang cartoons na nabili ko eh, medyo nadisappoint na rin tuloy ako sa movie. Sana hindi ko nalang pinananood ang cartoons.

Natuwa naman ako sa cartoons at parang na excite ako sa mga susunod pa na movie ng The Last Airbender dahil dyan eh, gusto ko na ring maging Airbender. Akalain mong tag 25 pesos lang ang isang debede doon, para ka lang nag merienda ng malamig na shake at substandard na burger sa suking tindahan, di hamak na mas mura talaga compared sa Cinema sa Mall. You'll love et.

Anyhow carabao, habang nag iikot ako sa kapusuran ng Quiapo (doon sa may muslim area) para mag tingin tingin ng iba pang debede eh isa lang ang napansin ko at nairita much ako ng beri beri slight. Kasi nga, habang nag titingin ako ng bibilhing debede eh, tinatanong nila ako ng gan'to, "Porn, Sir?! Dito sir, marami bagong bagong mga scandal pati bagong Soapy Massage ni Maria Ozawa". I'm like, muka ba akong manyak?! Inisip ko nalang baka mali lang ang pag kaka interpret nila Koya sa Aura ko kaya sinubukan kong lumusung pa sa kapusuran ng mga piratang debede store, pawis na pawis ako hanggang betlogs kakaikot sa masisikip na eskinita at Putangina! Same thing, "Porn, Master?! Dito marami blue ray copy Master walang talon talon..." I'm like what the hell?! Master talaga?! Bumili narin tuloy ako, kasi na mimilit sila eh, mahina lang ang katawang lupa ko. Jowwwwwwwwwk!!! Really! hindi ako bumili hindi ako na nonood ng porn bad 'yun.

Ang dami kong alaala dito sa Quiapo, isa sa alaala ko ay 'nung bumili ako ng Debede Player noon. Tinanong ako ng kuyang Muslim kung anong brand daw ang gusto ko para sa DVD ko. Sabi ko naman gusto ko Sony. Aba ang Puta tinanggal lang 'yung Sanyo na logo na naka lagay sa mismong player at kinabit ang logo ng Sony edi Sony na nga naman. Panalo!

Syempre ang lahat ng mga ECE students alam ang Raon, Malapit lang ito sa Quiapo Church. Halos araw araw ata nandito ako noong college, nag hahanap ng murang IC at kung ano ano pang shit na kelangan sa design namin. At dito rin ako nakakuha ng Atenna na swak na swak sa Com4 namin. Ang kuya ng tindahan ng atenna so amazing, pinakita ko lang ang computation ng Atenna Design ko at classification nya, sabi ko Yagi Yuda at ito ang computation sabay about ng bond papper na may result, aba wala pang isang Oras nagawa na nya ang project ko, astig!. Uno tuloy ang grade ko sa Atenna na subject namin. Alabeeet!

Sa mismong Quiapo Church naman isang alala ko na hindi ko malilimutan ay 'nung minsang dito ako natulog ng 2 nights dahil wala akong pambayad ng boarding house. Kasama ko dito ang mga Quiapo kids habang sumisinghot sila ng rugby, nag aaral naman ako ng Physics. Dito rin sa tabi ng chuch ako bumili ng gamot sa pilay, shabu, marijuana, gamot na pamparegla para hindi maging batang ama (para sa gf yun ng board mate ko ha! *defensive*). Dito rin makakabili 'nung...Uhmmm hindi ko alam 'yung tawag 'dun, nakikita ko lang sa gilid gilid. 'Yung sinusuut sa etits na parang ring tapos may balahibo ng kambing na nakapaligid dito. Basta 'yun, may theorya sila na nag papa ikot daw iyon ng pwet ng mga babae sa bed pag gamit mo ang ating ating na ito. Dito rin ako bumibili ng chocolates na expired na ng one month, pero pwede parin naman dapat lang bilisan mong kumain bago lumayo sa expiration date para hindi ka malason, pag nalason ka naman ibig sabihin na reach mo na ang saturation point na expired chocolates, hindi lang chocolates meron ding imported na delata na expired na tulad ng spam at maling. At syempre ang mga perfume na murang mura lang. 'Yun nga lang pag spray mo, 2 minutes palang nakakalipas wala na ang amoy sa katawan mo.

At ang pinaka hindi ko malilimutan sa lahat ay noong isang beses na fiesta ng Quiapo, pauwi ako sa aming boarding house na parang bahay ng mouse. As you all know, hinihila nila 'yung rebulto na black, hindi ko alam baket black si Papa Jesus doon. Basta, Black Sya period! tapos, hihilain ng mga tao ito gamit ang dalawang makakapal na lubid na nakakabit sa bonggang throne ng Puon na maitim na Papa Jesus. Pila pila ang mga tao sa dalawang lubid na ito at sabay sabay nila itong hinahatak para mag move ang throne at maiilibot sa Maynila ang Poon ni Papa Jesus black version. Eh hindi ko naman alam ang mga gan'tong fiesta fiesta noon. Pauwi ako sa bahay dahil taeng tae na me.

Nilakad ko lang kasi wala namang jeep na makakaraan sa sobrang daming tao at wala narin natira sa alowance ko noon, na pang inom ko na. Habang papauwi ako saktong sakto naman na nariyan na rin ang Poon at nag kakagulo ang mga tao nag sisiksikan sila at nagsisigawan para mahaplos ang Poon na black, medyo na gigitgit na me hanggang sa hindi maipaliwanag na pangyayari dahil narin sa kakaiwas ko ay nakita ko nalang ang sarili ko sa gitna ng lubid. Putangina! na iipit na me. Hila sila ng hila eh tapos sabay sabay pa silang nag cha-chant para sa pwersa ng pag hila, natakot much me. Hindi ko alam kung saan ako pupunta hanggang sa natalisod ako at nadapa. Bawal pala 'yun sapagkat walang tutulong sa'yo. Kebs sila sayo basta more more hila lang sila. Natapakan me. Gusto ko sana silang suntukin kaso banal ang pangyayari bilang respeto sa paniniwala nila gumulong gulong nalang me hanggang sa makaalis ako sa lupit ng mga paanila. Kinabukasan hindi me nakapasok dahil puro ako pasa at naka cast ang kamay ko. Kawawa me.


Wednesday, July 28, 2010

U- turn

Habang bagot na bagot ako sa cab dahil sa bigat ng trapik sa Edsa inisip kong makipag chit-chat ng kaunti kay manong driver, sayang naman ang gift ni Papa Jesus na pagiging friendly ko and kyot kung hindi ko gagamitin sa tamang pag kakataon upang mag pasiklab sa isang small talk.

"Kuya dun tayo sa susunod mag U-turn ha.."

"Bawal yatang mag YO-Turn doon bossing.."

"Kuya U-turn 'ho hind "YO"-turn.."

"Onga, YO Turn bossing, ano ba sabi ko?!"

"Kuya ang sabi mo 'YO' Turn kaya. Ganto gawin mo kuya, tingin ka sandali sa rear view mo and read may lips, UUUUU Terrrrn. Gets?!"

"Ahhh nag papatawa ka naman bossing ang dali dali lang pala, YOOOOOOOO TErrrn. Tama na ba?"

"Sige wag na tayo mag U-turn"

"Baket ayaw mo na mag 'YO' Tern bossing baka malate ka sayang naman?!"

"Fine kuya! Sige na nga mag YO turn na tayo dyan.."

Monday, July 26, 2010

Random things in Jepoy's Mind

Tinatamad na akong mag blog. Tinatamad na akong mag kwento. Tinatamad na akong kumain. Sasali ako sa fun run para pag tapos tumakbo makaka-kain ako ng triple decker pancake. May bago akong guitar 'yung maliit pero hindi Ukelele, I'm so happy I wanna die. Ayoko ng mag yosi. Gusto kong mag punta ng Disney land. I want to have my own kid na dadalhin ko sa Toy Kingdom at tatanungin, "Tell me what do you like to have, Son..". I will be a good Papi like my Dad.Puro nalang ako twitter kasi nakakausap ko ang sarili ko doon. Hindi ako makapag upload ng profile pix sa twitter, Putangina! Gusto kong mag carwash kaso walang tubig. Ayokong pumasok mamya dahil wala na akong MRT card. Gusto kong bilhan si Mudrax ng bahay pero wala akong pera. Gusto kong mag trabaho ulet sa States pero walang job offer. Gusto ko ng lebron shoes. Baket ako nag book papuntang singapore ano ba makikita ko doon? Gusto kong tumira sa power books. Gusto kong mamulot ng tae ng cow gaya noong bata ako. Kelangan ko ng palitan ang pillow ko amoy na sya laway and some juices *wag madumi isip*. Gusto kong maging Airbender. Magluluto ako sinigang na madaming madaming Okra, wupi! I will appreciate life more, and will have so much fun celebrating life everyday. Gusto ko mameet ang ibang blogger na binabasa ko araw-araw at makipag tawanan, kulitan at makipag inuman. Mag papagupit ako mamya. My work sucks, I'm such a peon. Close ko na kaya blog ko. Kelangan ko ng palitan deo ko, I'm tired of the fucking smell. should I wear shorts? or Jeans on lunch date? I don't usually care about what I wear...Okay, I miss her that's why. I'm not cheating because it's just a lunch date i mean c'mon, besides we're not together together, Single remember just dating, duhr! 3 weeks na bedsheet ko and it stinks. Now what do I do next weekend?



Friday, July 23, 2010

Tae ng Cow

Isa sa pinaka ayokong iniuutos ni Mama noong grade school pa 'ko ay ang pamumulot ng tuyong tae ng kalabaw sa bukid. Ginagawa nya kasi itong fertilizer o pataba ng mga hala-halaman nya at Orchids, sa katunayan naniniwala sya na ang nutrients ng mga taeng ito ang nag papayabong ng mga fresh flowers ng mga halaman nya, kaya naman every weekend inuutusan nya kong mamulot ng tae ng cow. Aktwali, pag magha-hapon na ng sabado eh, nag tatago na ako sa may silong ng bahay namin para hindi nya ako mautusang mamulot ng tae ng kalabaw, dyahe naman much kasi.

Ang pogi pogi ko pa naman at sikat na sikat sa school tapos makikita lang ako ng mga classmates kong namumulot ng tuyong tae ng kalabaw?! So dyahe and so Provincial! Teka, nasabi ko rin ba na dapat isang sako ang tae na ma collect ko?! Yes, dapat isang sako ito. Effort talaga ang pag hahanap ng tuyong tae ng cow. Minsan nga, pinupulot ko na rin ang tuyong tae ng kambing (yung bilogbilog na dikit-dikit), Ostritch, baboy na nakatali sa puno na parang aso lang, pati tae ng tao para lang mapuno ko ang collection kong fertilizer sa tamang oras at makaalis kaagad sa bukirin ASAP at makasali sa mga kalaro ko sa teks at shato.

Kapag may dumadaan akong classmates at tinatanong kung ano ang ginagawa ko sa bukid, ang sinasabi ko, tinitignan ko lang kung na mumunga na ang okra, kamatis, sili, patatas, kamote, toyo, mantika at grapes na makikita sa taniman bukid bukod sa palay. Deny to the max talaga! nahihiya kasi akong i-broadcast ang pamumulot ko ng tae ng kalabaw baka tuksuhin pa ako ng mga putangina at ma expelled pa ko at matapos ang kinabukasan ko dahil sa pwede kong magawa sa kanila.

Once upon a time, medyo na feel na ni Mama na kinahihiya ko na ang pag pulot ng tae ng kalabaw, kaya one time nang nabwisit sya sakin, hinila nya ang patilya ko pataas nung minsang tumanggi ako sabay na aktohan nya akong mag tatago na. Pota ang sakit!

Sabi ko,
"Ouch! Mom that hurts", sinapok nya ko pa hurt hurt pa daw ako.

Hindi naman mahirap makakuha ng tae ng kalabaw dahil marami talagang kalabaw at tae na nagkalat sa kung saan-saang sulok ng bukirin at forestry ng lugar namin. Basta alam mo lang ang diperensya sa itsura ng tuyo sa basang tae solb ka na. Dahil pag basa ang dinampot mo eh jackpot ka ng tunay na tunay! Mga one week ang amoy na maiiwan sa kamay mo. Dapat maginggat ka sa pamumulot dahil may mga tuyong tae na nag papanggap lang na tuyo, dahil sa katotohanan sa loob nito fresh pa sya, parang tivoli lang meron something sa loob na malambot lambot at basa. Kaya dapat tusukin muna ng stick upang mapatunayan na tuyo talaga ang tae ng cow.

Isang araw nahuli ako ng isang putang classmate ko na namumulot nito at pag pasok sa school kinabukasan eh pinag kalat nya sa mga classmates ko ang nakita nya. Tinukso nila ako na namumulot daw ako ng tae ng cow tuwing weekend, tinatawag nila akong Tae. Hindi ko yun matanggap ate charo. Galit na galit ako. Pulang pula ang aking muka sa galit. Gusto kong pag bubuhulin ang mga intestines nila at isabit sa puno na may tag na wag gayahin. Pero wala akong magawa ate charo dahil totoo naman ang nasaksihan nila. Namumulot naman talaga ako ng tae ng cow. Puntangina!

Pero hindi ako papayag na ganun ganunin nalang nila ako dahil wala namang masama sa ginagawa ko sa katunayan sinusunod ko lang ang utos ng magulang ko kaya I should be proud pero hindi parin ako maka move on, kelangan kong i redeem ang glory ko. Inisip kong ilagay sa bag nila ang tae ng cow ung fresh. Kaso gross masyado.

Kaya gumawa ako ng brilliant plan kung paano ko ma pag hihiganti ang kasamaang ginawa nila sa akin. Dahil ako ang pinaka matalinong student sa class namin, ako ang naatasang mag collect ng spelling booklet ng class namin sa napaka terror na teacher namin, lahat kame takot sa teacher na ito. Itago nalang natin sya sa pangalang Ms. Ramos.
Simple lang ang ginawa ko, pinahiran ko lang ng fresh na tae ng cow ang pages ng test booklet nila na parang nag papalaman lang ng tinapay at sa agriculture class namin sila ang inatasan kong mag dala ng fertilizer wala silang choice kundi sumunod dahil hindi nila kayang i outshine ang bright mind ko sa klase. Guess what kung anong klaseng fertizer ang dinala ng mga potangena sa class namin?! Alam na.

Finish!

Tuesday, July 20, 2010

Kwento Kwento lang...

Kung iniisip mong nakakatawa itong entry ko ngayon. Pwes, you're wrong! dahil siryoso itong isusulat ko. Hindi naman kasing siryoso ng pag sagip sa mother neycha sa problemang kinakaharap nito sanhi ng global warming at lalong hindi rin kasing siryoso ng pag imbento ng gamot sa mga malubhang sakit na tulad ng kulani at singaw.

Basta.

Siryoso muna ang entry ko ngayon period. Aktuli, wala pa akong naiisip kung ano nga ba ang interesanteng kwento na pwede kong ibahagi sa tatlong taong magiliw na nag babasa ng walang ka-sense sense na blog ko.

ikwekwento ko sana ang tungkol sa librong binabasa ko ngayon, kaso nga lang nakakatamad kaya next time nalang.

Inisip kong gumawa ng kabutihan noong weekend. Wala lang naisip ko lang tutal wala naman akong lakad at walang kasabay minabuti kong gawin ang ginagawa namin ng mga tropa ko noong college pag wala kameng bagsak at the end of Semester. Matagal tagal ko narin kasi itong hindi nagagawa, and besides na niniwala ako sa Yin Yang and good karma so, a small act of goodness wouldn't make me less of a person.

Anyway, alam kong hindi naman dapat pinag sasabi ang kabuting ginagawa ng isang tao, pero, sa pag kakataong ito parang gusto ko lang ishare ang kabutihang nasaksihan ko na ako mismo ang nakagawa. Maliit na bagay lang naman ito kaya walang dapat ipagyabang, hindi naman 'yung tipong binigay ko ang kalahati ng atay ko sa isang babaeng kaka kilala ko lang at na ngangailangan ng transplant. Hindi rin naman ako nag bigay na sperm contribution ko sa sperm bank. Simpleng act of goodness lang ito.

Sabado ng umaga, pagkatapos kong mailagay ang gamit sa kotse naisipan kong mag kape muna bago bumyahe pauwi sa amin sa Probinsya. Bumili ako ng tatlong loaf bread at isang malaking Peanut butter (peyborit ko peter pan) tapos, pinalaman ko sa tinapay ang peanut butter at bumili ako ng dalawang box ng zest-O, orange flavor sa seven eleven.

Matapos masalansan ang mga madudumi kong damit sa kotse eh, sinimulan kong bumyahe dala ang konting tinapay at inumin, paulit ulit kong pinakikingan ang isang track ng hillsong united at naka full volume ang stereo ko, wala akong ideya kung saan ako papunta hindi ko rin alam kung saan ko dadalhin at ibibigay ang pagkain. Basta, naisip ko mag maneho lang at bahala na kung saan ako dadalhin ng manubela.

Sa UN avenue ako dumaan at napadpad. Nag park ako sandali sa may methodist church, sumilip ng konti dahil dito kame nag pra-praktis ng choir namin noong college. Nilabas ko ang paper bag na nag lalaman ng tinapay at juice. Nag sindi ako ng yosi at naupo sandali. Wala naman akong nakikitang mga bata. Makalipas ang pangatlong hithit at buga habang pinag mamasdan ko ang usok na pumapaitaas sa kawalan eh, may biglang isang batang babae ang naramdaman kong kumakalabit sa akin at nanghihingi ng limos.

"Kuya pwede po bang humingi ng pambili ng pagkain"

Pinagmasdan ko sya sandali, makalipas ang ilang segundo tinanong ko kung may mga kasama pa ba sya, sabi nya kasama daw nya 'yung lola nya na may sakit at kapatid nyang batang lalake. Sabi ko wala akong pera pero may dala akong konting chibog.

Hinila nya ako sa may ilalim ng LRT kung saan sila naka pwesto ngayong araw. Iniabot ko ang tinapay na may palamang peanut butter at yung inumin. Hindi ko maiwasang maawa sa nasaksihan ko. Nginitian ko lang si lola at hinawakan ang ulo at ginulo ng bahagya ang buhok ng batang lalake, iniwan ko ang stress ball na nasa bulsa ko sakanya, ngumiti sya. Naimagine ko lang na kung sa akin iyon nangyari eh, marahil wala ako sa estado ng pamumuhay ko ngayon na kung saan panay pa ang reklamo ko napaka ungreatful. Iniwan ko sila at bumalik ng Park, nakita ko doon ang ilang batang sumisinghot ng rugby. Lumapit ako at binigay ang natitira pang tinapay at juice dumating ang ilan pa sa tropa nila, sabi ko hati-hating kapatid sila dahil limited lang ang resources kaya para lahat makakain dapat mag hati hati sila. Nag pasalamat naman sila, iyon ang pinaka masarap na pasalamat na matagal ko ng hindi na ririnig since college. Ginagawa din namin kasi ang gan'tong gawain kasabay ng pag share ng tungkol kay Papa Jesus noong mga panahong iyon na malinis na malinis pa ang puso ko.

Nag sindi akong muli ng isa pang yosi habang pinag mamasyadan ang mga batang tuwang tuwa sa pagkain na kung saan ako ang nagsilbing source ng kaligayahan nila. Masarap sa pakiramdam, magaan. Alam kong bale wala iyong nagawa ko, pero somehow nakatawid ang mga batang ito ng gutom kahit papaano at nakatulong ako sa kapwa.

Habang binabagtas ko ang NLEX sabay ng full volume ng stereo at bukas na binta ng sasakyan sabay ng pag kanta ng malakas at wala sa tono ng chasing pavements accoustic style habang nag mamaneho naiisip ko lang, hindi na ko makukunsyenya pag bumili ako ng iphone. Jooooke!

Yown lang po! Finish!


Friday, July 16, 2010

The Sorcerer's Apprentice

Itong palabas na ito ay gawa ng Walt Disney Pictures where fantasy comes alive [insert colorful fireworks here]

Earlier, maaga akong natulog, so maaga din akong nagising kaya sumaglit muna ako sa mubi house para manood ng movie. Naisip ko sa weekend ko nalang papanoorin ang Inception dahil mukang astig ito sa IMAX, pinili ko nalang muna ang Sorcer's Apprentice tutal mahilig naman ako sa magic magic na movie so, saktong sakto lang ang palabas na ito.


Na entertain naman ako sa movie at napatawa naman sa ilang attempt nila na magpatawa. Mas okay naman para sa akin ang palabas na ito ng way way far kesa sa Ghost Rider ni Nicolas Cage dati.

Simple lang naman ang kwento ng palabas, tungkol ito sa isang malanding Sorcerer na gustong i invade at buhayin lahat ng mga masasamang Sorcerer subalit meron syang malaking problem dahil naka kulong sya sa isang botelyang may pinta.

Bali si Merlin ang Master ng malanding Sorcerer na ito, kasama nyang apprentice si Balthazar (Nicolas Cage) at si Becky (Teresa Palmer). Ngunit dahil masama ang hangarin ng Malanding Sorcer pinatay nya si Merlin, basta ka partner in crime nya si Maxim Horvath (Alfred Molina) na may gusto rin kay Becky. Oo love triangle sila ni Nicolas Cage kay Teresa.


Bago ma deadbol si Merlin iniwan nya kay Balthazar yung apprentice ring, isang silver dragon ring na gagalaw mag isa pag hinawakan ng bagong sorcere's apprentice at ayun lamang daw ang makakatalo sa kalaban at mag liligtas ng human race from the evil sorcerer.

Matagal na nag search si Balthazar hanggang sa mahanap nya ang weirdong bata na nag ngangalang Dave Stutler (Jay Baruchel) at binigay nya ang singsing. Pagkabigay nya ng singsing dahil sa may likas na pagka-tanga itong si dave napakawalan nya accidentaly si Horvath. Kaya nag laban si Balthazar at si Horvath at nakulong sila muli sa isang inodoro ay mali sa isang anciet Jar pala.

After 10 years.

Binatilyo na si Dave, isa na syang Nuclear Physics Nerdie loser guy nung bumalik si Balthazar sa eksena para i train syang maging isang magaling na sorcerer . Nag magic magic sila , with the help of physics genius brain ni Dave eh, mas lalong na enhance ang kanyang power at naging close silang lalo ng master nya. Gaya ng ibang ganitong klaseng palabas meron syang love interest na crush na crush nya noong Grade school palang sila pero dahil nga sa kahihiyan noong araw na nag pakita si Balthazar sa kanya napagkamalan syang aning-aning ng buong class at napilitang lumipat ng skul na naging dahilan ng hindi nila pag kikita for like 10 years.

Sa sa muling pag kikita nila parang may spark lang kay dave at nainlove sya kaso sabay naman ito sa pagiging apprentice ni Dave hanggang sa dumating ang kalaban at hina-hunt si Dave upang hanapin ang Botelyang may pinta dahil doon nakakakulong ang malanding sorcer na sisira sa human race. Bali maraming action scene with poor CGI sa mga actions at labanan nila para sa botlyeng may pinta.

sa huli nakawala ang kalaban at nag labanan sila ng kapangyarihan at nag wagi si Dave and they live happily ever after. Finish!

Thursday, July 15, 2010

Araw kung saan Dumaan si Typoon Basyang

Martes ng gabi tulad ng nakagawian nag mamadali akong tumakbo sa MRT as usual nakalimutan ko nanamang mag dala ng umbrella (what's new?!). Bumaba ako ng Shaw Blvd Station. At nag simulang bumuhos ng beri beri hard ang ulan. Kaya may excuse akong malate, sumegwey muna me sa Jalibug para mag patila ng ulan at omorder ng 2 pcs burger steak at mainit na macorni soup. Time check 9:00 PM. Yes, 9:00 PM din ang pasok ko pero kebs, Go lang ako sa pag higop ng mainit na sabaw nakapikit pa nga me para feel na feel.

After 15 minutes natapos na akong kumain at ready na 'kong umuwi pero na realize ko papasok palang pala ako. Na sad me ng 1 minute. Pag labas ko, na shock me, nampotang shet ang lakas ng ulan as in buhos to the max. WTF! Sakto may taxi, love talaga ako ni Papa Jesus. 9:30 PM nasa office na ko. At late ako ng 3o minutes.

Boss: Oi Jepoy baket late ka?!

Jepoy: Bossing ang sama po ng pakiramdam ko, I have flu.

Bossing: Oh baket pumasok ka pa? you should rest instead.

Jepoy: I still have important issues to resolve Sir kaya pinilit kong pumasok.

Bossing: Oh I see

Okay, lusot me. Maya maya habang nag tratrabaho me at nanonood ng yowchob eh lumalakas ang hangin sa labas. Dumating na pala si bagyong basyang. Kakaiba ang hangin malaks ito. Nasa 36th flr ako at damang dama ko ang pag wasiwas ng putang hangin sa glass parang mababasag talaga ito. Scared me much. Parang gusto ko ng umuwi. Nagtxt ako sa bahay namin sa probinsya kung malakas ang bagyo at para kamustahin sila, malakas daw ang hangin pero steady panaman daw ang mga yero namin.

Makalipas ang ilang minuto nag flu-fluctuate na ang kuryente sa opisina kasabay ng pagbayubay ng putang hangin. Pag sampa ng alas singko dali dali na akong umuwi, wala na ang malakas na hangin. Tanging baha nalang at banggaan sa edsa ang bakas ng bagyo at syempre ang kadiliman sa kamaynilaan dahil nasira ang grid ng central luzon.

Pag dating ko sa bahay. Putangina! wet na wet ang bed ko at basang basa din ang binabasa kong libro na hiniram ko kay Stibi. Nyeta!!!! Inalis ko ang bedsheet at punda ng mga unan at binilad ang kama. Please note na sa sahig lang nakalagay ang bed ko dahil wala akong pambili ng kama.

Inaantok na ako at wala akong matutulugan tapos brownout pa, putangina! Naisip ko punta nalang ako ng MOA at bibilhin ko yung book na nabasa, papalitan ko nalang para hindi magalit si Stibi tapos dun narin ako mag papalamig dahil hindi ko talaga kayang matulog pag mainit, maarte na kung maarte, kanya kanya lang yan basta ako ayoko ng mainit 'yung habang natutulog ka pinapawisan ka sa leeg, singit at betlogs.

So lumipad ako ng MOA. At pag dating ko sa MOA. Fucking Shet! Brownout din pala! Sayang effort! no aircon at all! Okay sabi ko sa sarili ko mag withdraw nalang muna ako ng konting kayamanan at hindi dapat mag pa stress sayang ang Fern-C. At kung swerte ka nga naman, walang ATM machine na naka On. Okay huminga ako ng malalim at nag lakad lakad ng kaunti. Ayun, merong ATM na isa ang online. Nakapag withdraw ako. Pumunta ako ng power books sarado, fullybooked sarado rin, national bookstore bukas parang palengke nga lang at ang dilim, lumapit ako sa isang ate doon at nag tanong kung meron silang stock ng librong hinahanap ko at wala daw sila. Putangina! na waste lang ang energy ko sana natulog nalang ako sa sahig ng bahay, nyeta!

Nag decide nalang akong kumain. First restau Fish and Co. sarado daw sila. Puta! Second restau TGI Friday's sarado din daw sila Putakels! napapagod na me sa pag lalakad, nag punta ako sa gilid ng mall, David's tea house sarado din, Nyeta! Pumasok ako sa loob French Baker Sarado din daw, Putangina much! Pagod na me at pawis na pawis na hanggang betlogs. Sbarro Sarado din, PUta ano nalang ba ang bukas?! Gusto kong sumigaw sa loob ng mall kaso nahiya me. Lumakad ako papuntang likod Mexicali Sarado rin. Tia Maria's Sarado rin Puta talaga! Jalibug bukas pero dun na ko kumain last week mula lunes hanggang byernes?! Ayoko na! So lakad ulit sa Gilid. Burgoo Bukas Yes!!!!!!!!!!!!!!!!!!! sa labas lahat ng tao dahil brownout kumain ako ng New York Steak at dalawang can ng coke dahil napagod me.

Habang kumakain napansin kong may nag iisang babae sa kabilang table, sa tabi lang table ko. Syempre friendly ako inoffer ko sa kanya ang potato wedges ko hindi ang steak ano sya sinuswerte. Nag smile lang sya.

"Jepoy nga pala"

"Trish"

"Inet noh?"

"Onga eh"

"So what are you up to here?" *gumaganown para may mapag usapan lang*

"Wala lang bibili sana ng book, Ikaw?!" *OMG student lang sya*

"Book din, nabasa kasi yung book na hiniram ko, pinasok kasi ng tubig 'yung room ko ahaha, it's just fair to replace it nakakahiya naman sa hiniraman ko"

*ngumiti lang sya*

" Btw, May kasama ka ba?"

"Nope"

"Can I sit here, para hindi naman ako masyadong loser, kung Ok lang"

" hahaha Sure, go ahead"

"Great! Thanks ha!"

matagal-tagal din kameng nag kwentuhan ni Trish nalaman ko na sa Manila Doctors ang school nya which is tatlong tumbling lang from MOA at Nursing ang course nya at graduating na sya. Nalaman ko na pareho lang kame ng Street na inuuwian at doon lang sya sa kabilang building next from mine at pareho kame ng Church na pinag aatendan pag Sunday *Drooling*

So, it's not a bad day after all heh?! :-D

Yes sabay kaming umuwi hinatid ko sya dahil gentle man ako.

Pag uwi ko brownout parin. Putakels!!! At Oo hindi ako nakatulog dahil sobrang inet Nyeta!

***End****


Sabi ng mga ka office mate ko kamuka ko daw si Jalibi kaya ishare ko sa inyo kung paano sumayaw si Jalibi para nyo narin me nakitang sumayaw. Tapusin nyo ha! hihihi

Tuesday, July 13, 2010

Let it be

Let it be.

Ito ang favorite beatles song ng lolo at tatay ko. Yes, kakantahin ko sya may problema ka?! Aktwali, gumawa pa nga ako ng bidyo, balak ko sanang ilagay sa facebook pero bigla akong na hiya ng 3 minutes kaya naisip kong iupload nalang sa blogsite tutal hindi naman ako kilala ng personal ng mga nag babasa so sakto lang.

Ang kantang ito ay inawit ko ng madaling araw around 2am, dahil barado ang ilong ko at hindi ako makahinga kaya just for fun naisip kong kumanta nalang sa loob ng cr habang nag titikol joke lang! Kumanta ako sa loob ng cr para hindi makabulahaw ng kapitbahay besides, sabi nila nakakaalis din daw ng plema ang pag kanta kaya ganun.

I just felt gumaling ako dahil sa awit na let it be. Dahil mahal na mahal ko kayo eh ginawan ko ng video ang recording ko. Wala kasi akong webcam gagawa sana ako ng video blog habang kumakanta ako, next time nalang siguro yun pag kasya na ko sa screen ng kamera.

Eto na po ang video na pinag hirapan ko at syempre ang malamig na boses kong parang buko shake lang na nilagyan ng crushed ice sa ibabaw. Ang lamig. Ang lamig lamig. Nakaka freeze. Okay, Stop et. Ako na ang pumupuri ng sarili kong boses hahahah. Ang pathetic ko putangina!

Para ito sa mga walang sawang nag babasa ng blog ko. Ang masasabi ko sa inyo ay... let it be :-D



Untitled from jbla on Vimeo.

Monday, July 12, 2010

Panunumpa ni Jepoy

I made a special video habang background song ang kanta ko kaso ayaw mag upload kahit sa youtube at vimeo at blogger upload, Nampota! Ayaw tanggapin ng internet ang malamig na boses ko na parang buko shake lang na may sprinkle ng crushed ice sa ibabaw. Haist! Mamya nalang sa office para mas mabilis ang internet connection hindi tulad dito sa bahay na kung saan ang upload speed ko ay 1kbps, Nyeta! Malamang next week pa matatapos 'yung pag uupload ko.

Anyway highway, wala akong maisip na maipost kaya ang gagawin ko nalang ay ang...

Dyaran...

"Panatang Makabayang pang blog ni Jepoy"

Ako'y na nunumpa sa watawat ng Pilipinas
At sa rebublika na kanyang kinabibilangan
Nangangako akong hindi na mag skip read (Promise!)
Mag re-reply ako sa lahat ng nag comment sa lahat ng aking sulatin kahit tinatamad me, respect

Hindi ako kailanman makikipag away sa blog
Mamahalin ko ang blogger friends ko
Mag tha-thank you ako sa nag follow sa google connect
Mag ko-koment ako ng may sense sa sinulat ng ibang blogger (pag nagustuhan ko)

Mag rereply ako sa cbox ko para mag thank you sa nag iwan ng mensahe
Gagawin ang lahat para makapag bigay ng konting ngiti pang alis problemang pangkalikasan
Makikidalamhati sa nag dadalamhati at makikisaya sa nag sasaya
Pupurihin ang gawa ng iba kung karapat dapat naman talagang purihin

Hindi maiingit sa magandang template ng ibang bloggista lalo na yung may drawing shit
Pipiliting intindihin ang sulat ng iba sa banyagang salita kahit nosebleed
Hindi pupunta ng blog ng iba at sasabihing xlink kahit hindi naman binasa ang likha nila
I a-add sa blogroll ang magandang blog ng walang kapalit dahil magaling ang may akda period

Makikiisa sa paminsang minsang grand EB dahil masaya ang makipag kaibigan at makakiskisang siko ang mga blogista
Nangangakong gagamitin ang kakaramput na talento para mag update at mag kwento ng walang kwenta
Ipropromote ko ang favorite kong blogsite on a monthly basis
Gagampanan ang pagiging isang mabuting Pilipino

Yown lang.

Thanks!

Friday, July 9, 2010

Questions

Dahil hindi pa masyadong maganda ang pakiramdam ko, isang maikling post lang muna ang gagawin ko yung tipong tatlong araw mo lang babasahin. Jowk! Katiting na post lang itong gagawin ko promise at ang aking entry ngayon ay puro tanong lamang at kayong mga readers ang sasagot. Yes, umiinteractive na ang blog ni Jepoy ngayon, para naman yung silent readers may participation din. WOot..Woot!

Ito ang aking katanungan na matagal ng bumabagabag sa akin.

1. Baket kapag taeng tae ka na the more you make lapit sa kubeta the more na parang lalabas na ang tae mo sa pwet mo?

2. Mananalo kaya ako sa biggest loser asia? Jowk! hindi ito kasali *scrap et*

3. Baket ang mga nanay pag may sakit ang anak lagi nag hahanda ng lugaw,sopas, aroz caldo at royal na hindi galing sa fridge or zesto?

4. Ano ang dahilan baket minsan kulay green ang tae?

5. Totoo bang mag kasing amoy ang burp at utot?

6. Baket kapag kinamot mo ang betlog mo lalong kumakati at lalong masarap kamutin nakakarelaks? (Uy tinry!)

7. Kung ang tagalog ng buhok sa pwet ay burnik at ang buhok sa nipples ay weneklek ano naman ang tagalog ng tae sa kuku?

8. Baket hit ang one more chance?

9. Baket pag lampas mo ng 25 ayaw mo na mag birthday?

10. Baket ka nag babasa ng walang kwenta kong blog?

Yown lang! Go!

Papagaling muna me.

Ingat kayo mahal ang bioflu kaya wag mag kakasakit.

Happy weekend and God Bless You!

Wednesday, July 7, 2010

Masahista

Kung kelan naman matatapos na ang aking bakasyon saka naman ako nag kasakit. Mahina na ang katawang lupa ko, mahinang mahina, I'm like mamatay na ba me now? Is this sign of aging or panahon lang ng sakit ngayon? I'd like to believe na panahon lang ng sakit ngayon.

may ubo ako at sinat (parang baby lang)

Mahaba ang bakasyon ko this week mula Saburdey hanggang Tuesday, wupi! Ngunit hindi dyaan natatapos ang istorya dahil sumama ang pakiramdam ko like now lang. Hindi na ako mag smoke kahit kelan promise! 'Yung plema ng ubo ko ayaw kumawala sa lalamunan ko, Putangina dry much. Ayaw kong sabihin kay Mudrax na may sakit ang baby nya dahil baka lumuwas pa sya ng Maynila. Kaya naman kagabi tumawag ako sa suking suking masahista ko.

Jepoy: 'Te pasensya na at madaling araw na, pwede ba mag pamasahe
Masahista: Naku sir nag resign na po ako eh
Jepoy: huh kelan pa?! This is not so happening...
Masahista: Arte!
Jepoy: Fine joke lang. Sige Salamat nalang.

Nalungkot ako ng 2 minutes tapos na alala ko meron mga pumplet na iniiwan sa mailbox namin ng mga home service massage. Bumababa ako para i check ang mailbox, and guess what?! nandun ang mga putanginang bills na babayarin, lalo ata akong mag kakasakit. Putakels!

Nakita ko ang isang papel, "Blue Feather Spa, We offer Home Service from 7am-3am". Ayos dali dali akong umakayat at tumawag dito.

Receptionist: Blue Feather Massage how may I help you..
Jepoy: Hello pa home service naman po
Reception: San po location nyo Sir?
Jepoy: Dito lang sa Kalinga Apayao
Reception: huh?
Jepoy: Syempre joke lang, dito lang din sa Park Avenue, Unit ***
Receptionist: Sige Sir pakihintay lang po, papaakyat na.

Maya-maya pa dumating na si Ate naka suut ng scrub suit na kulay pink, may hello kita pa. Maputi. Bata mukang nasa early years ng college. At mukang virgin. Pero syempre nilinis ko kaagad ang isipan ko dahil hindi naman pokpok ang tinawagan ko kundi masahista. Although, hindi naman maiwasan mag isip ng happy ending. JOKE!

"Ate maupo ka muna, lalagyan ko lang ng sapin 'yung kama ko dahil baka mag amoy mineral oil. Gusto mo ng maiinom anything to drink (nag offer ako kahit tubig lang naman laman ng fridge ko)"

"Sige lang po Sir okay lang ako"

"Sus, wag mo na kong tawaging Sir, Jepoy nalang. Ok lang ba dito nalang tayo sa kwarto? Ok lang patayin ko narin 'yung ilaw kasi na sisilaw me? Tska mag play lang ako ng music sa laptop ko para mas maganda ang effect."

"Okay lang Sir (naka smile sya), ilang hours po ba?"

"Isang oras lang, May sakit ako ngayon kaya wag masyadong hard ha pero ayoko ng soft. 'Yung tamang timpla lang ha para maalis 'yung lamig sa likod ko."

"Sige Jepoy akong bahala, tara start na tayo, pakialis nalang yung shirt at shorts"

Inalis ko ang aking sando at shorts at dumapa sa kama.

"Ate ito nalang 'yung gamitin mong mineral oil, amoy lupa 'yung oil nyo eh"

"Sobra naman!"

"Joke lang!"

Inumpisahan ni Ate ang hagod sa aking legs. Tinupi nya ng kaunti pataas ang boxers at humagod si Ate mula sa paa papuntang hita. Swabe! Nakiliti me ng kaunti pero ang sarap, so relaxing. Ang init ng mga palad nya at ang init din ng Oil na gamit nya hindi ko maiwasang ma.. forget it! Parang hinigop ang mga lamig mula sa aking talampakan papuntang likod ng aking hita. Naririnig ko ang mga hiningi ni Ate habang hinahagod ang aking mga hita. Nahirapan ata sya sa aking mga fats. Nahiya me much. Hinagod ni ate muli ang aking hita pataas ng konti at ingat na ingat na wag masagi ang mga bagay na dapat hindi sagihin. hihihi Nakaka relaks!

maya paya pa eh sumampa si ate sa likuran ko at hinagod ng maiinit na palad nya ang aking likod papuntang wetpaks. Sarap! relaxing talaga. inulit ulit na ito ng ilang strokes paakyat ng likod ko at pababa ulit. Halos mapaungol ako sa sarap. Ang galing ni Ate mag massage.

"Sir Gusto mo soapy massage?!"

"Maria Ozawa ikaw ba yan?! Syempre hindi pwede soapy massage dito sa kwarto wala akong extra bedsheet mag kakalat ang bula"

"Ah ganun ba. Okay lang ba ang pressure sir?"

"Idiin mo pa ng slight mga additonal 5% lang"

Awww, sarap.

Hinagod nya ang likod ko sa tamang pressure at ramdam ko ang pag gaan ng pakiramdam ko.

"te paki diin ng konti dyan sa may bandang baywang ko"

"Yan sir, ok ba pressure?"

"Perfect"

Ang bilis lumipas ng isang Oras parang feeling ko 10 minutes lang 'yun. Gumaan ang pakiramdam ko. At dito nag tatapos ang kwento!

Wag ka nang umapila dito talaga nag tatapos ang kwento.

Kthanksbye!

Monday, July 5, 2010

Eclipse

***************************************
Babala: If you consider chick flick films as a big bullsh*t thing and/or if you are a person who doesn't watch chick flick at all, then I must tell you that you shouldn't read this entry. Go ahead and click on the little red x icon up there on the right hand side of the screen.

Thanks!
***************************************

Alam nyo naman na mahilig akong mag basa ng books sa katunayan kung meron akong extra money instead na damit mas gusto ko pang bilhin ang books, alam 'yan ng mga close friends at opis meyts ko. Habang ang karamihan sa tropa ko eh busy sa collection nila ng PSP Games, Hot toys, Comics, Anime, Online Games, ako naman books. Bigyan mo lang ako ng isang magandang book kahit kids book pa yan tulad ng Percy Jackson at Harry Potter kaya kong mag kulong sa bahay mag hapon. Hindi ako choosy sa mga binabasa dahil mababaw na tao lang naman ako at karaniwan mga simpleng books lang naman ang binabasa ko hindi naman 'yung kasing kalibre ng Hamlet, Webster at Calculus ang trip kong basahin, Nerd?! Well no judgement sa mga nag babasa nyan kasi kanya kanya lang ng trip yan. Anyweis ang haba na ng intruduction ko. LOL

Pinanood ko kahapon ang Eclipse habang hinihintay ang mga high school classmates ko na hindi ko pa nakikita mula noong nag graduate kame kaya excited me much. Pero excited din ako manood ng Eclipse.

Baket?!

Hindi sa dahil "in" ang movie na ito kundi dahil favorite ko sa Twilight book Series ang Eclipse. Hindi ako na disappoint tulad ng ilan dahil binabaan ko talaga ang expectations ko sapagkat ang books-turned-movies ay parating panget/overrated. Ang twilight Saga ay memorable sa akin dahil meron nag bigay sa akin ng copy ng book na malapit sa puso ko (landi?!). Tsaka mababaw nga lang ako, 'pag nanonood ako ng movie hindi ako kritiko na hahanapan ng kung ano anong shit ang isang palabas, nandun lang ako para mag relaks. Sabi nga ni Glentot, wala naman daw panget na movies sa akin well, almost true naman ang statement ng putangina.

Favorite ko ang Eclipse sa 4 na books ng series na ito dahil ang daming actions and medyo less ang cheesyness, dito kasi gumawa ng Vampire Army si Victoria (kalaban) 'yung babaeng Vampire na galit kay Bella dahil namatay yung kumakalantaring Vampire sa Kanya sa Book 1. Maganda ang labanan at traning time nila para sa ambush preparation ng kalaban sa movie kahit medyo bitin. Kung na aalala nyo yung baseball scene noon sa first movie parang ganun, ang action. Pinakita ang Speed and stregth ng Vampire and Wolves.



Dito rin na intensify 'yung love triangle ni Edward, Bella, and Jacob. Obviously, this is a chick flick so maraming scenes na pampakilig at para sa akin pwede na ang pag kaka execute, no wonder kaya sya block buster hit. Well, dito kasi sa love triangle nila na represent or naipakita yung isang side na nagagawa ng love kung saan marami nakakarelate, makikita ito sa character ni Jacob. 'Yung tipong kahit ang sakit sakit na gagawin mo parin ang lahat kasi mahal mo sya? Kahit nag durugo na ang puso mo when you know the fact the 'yung mahal mo hindi ka talaga pwedeng mahalin ng ganun pero kahit na katiting na hope sa puso mo eh nag ho-hold on ka kasi for all you know mahal ka rin nya and you are doing everything you can for your love, that includes risking your own life, and that for a fact wouldn't matter to you. Mga ganong tipo. Ang kesooooooooosoooooooo Puta!!!! tumitindig balahibo ko sa kahihiyan kahit sinusulat ko lang 'to. LOL

Na kaka excite din dahil si Dakota Fanning ang gumanap na isa sa mga Volturi, kahit mga 3 scenes lang meron sya eh sulit para sa akin. And maganda rin sa movie eh, pinakita nila yung part na kung saan merong little history about some of the cullens kung baket sila naging vampire which i think is also crucial sa story line para maintindihan ng mga tamad mag basa. Kahit maiiksi lang napakita nila yung history ni Rosalie tsaka ni Jasper (dalawa sa mga cullens)


Medyo na kakasawa lang yung kaartehan ni Edward at ni Bella on some parts, tsaka yung garden na maraming bulaklak scene kung saan kumikinang si Edward eh off para sa akin. Yung transformation naman ng wolf packs is cool sana pero, hindi kasi ganun ang warewolves na expectation ko sana mas fierce pa ng konti pero ayos lang naman. Hindi ko na binasa yung book ulet bago ko panoorin yung movie kaya medyo hindi ko na alam yung complete details pero sa tingin ko nakuha naman nila overall 'yung gist ng book. It's not the best chick flick but it's for sure more than okay.

All in all, masasabi ko na maganda ang movie at hindi ako na disappoint sa version nila ng isa sa mga memorable novel na nabasa ko. And I'll pass it on to my future children.

And this is not sort of a movie review okay. Gusto ko lang i share ang aking two cents.

Thursday, July 1, 2010

Blogger of the Month -July Edition

Para sa kaalaman ng mga naligaw at ngayon lang napadaan ng blog kong walang kwenta, ang blogger of the month ay regular na ginagawa ng may akda bilang appreciation sa mga blogs na nakagawian nyang basahin na kung saan ang mga babasahing ito ay nakapag bigay ng aliw, aral at kung ano ano pang shity shits sa may akda.

Pero ang bwan na ito ay kakaiba.

Baket?


Halika lumapit ka ibubulong ko sa'yo basta wag kang maingay, ha? Lapit pa. Kasi nga sapilitan itong hiningi sa akin. Tignan mo ang cbox ko. Pressure much?! Kaya kahit na ang tamad tamad mag post ng entry eh, sige na nga't pagbigyan na dahil ma ililibre naman ako pag dalaw ko sa bansang pinag tra-trabahuhan ng animal na 'to.

Without further adieu ladies and manyaks, by the power vested in me, may I present to y'all the July blogger of the month ng Pluma ni Jepoy, ang website na tatalo sa hits ng google (in my dreams) at ang website na may pinaka poging may akda sa mata ng nanay nya.

[insert drum roll here]

Walang iba kung hindi si Bulakoblero.sg *Palakpakan mga kups*

Imagine walang laman ang about me ng putanginang 'to sa blog profile nya. tapos hindi pa up-to-date ang entry ng wolong hoyo, pero nakuha pang mag expect na maging blogger of the month, strong bones!!!!! Pero sige sige pag bigyan ang hiling. Paki click po ang kumikitang kabuhayan nya sa nuffnang dahil ipanlilibre nya sakin 'yun bwahahahaha.

Si Bulakbolero.sg ay isang SAP Fuctional developer na nag tra-trabaho sa Singapore. Naging blogger dahil akala nya magiging milyonaryo sya sa nuffnang. Hindi ko ma classify ang blog nya kung humor, personal or kung ano pang shit, basta nag susulat sya ng mga bagay-bagay na nangyayari sa paligid nya. Mahilig syang magbulakbol kung saan saan kaya nga bulakbulero ang pangalan nya. Mahilig din sya sa photography, marami kasi syang pambili ng lens dahil mayaman sya samantalang ako ni kit lense eh, wala poor kasi me. Teka hindi nga pala about me ito, about sa kanya nga pala ito.

Itago nalang natin sya sa pangalang Joel. Sabi nya kilabot daw sya ng chiks sa singapore. chiks na may betlogs bwahihihi. Gaya ng mga featured blogger ko the past months eh meron akong picture na ninenok dahil magaling akong stalker.

Meet koya joel...


Ikaw gusto mo bang maging blogger of the month? Simple lang ang dapat mong gawin kunin mo ang bank account number ko tapos lagyan mo ng pera, ang dali diba? Or pwede rin namang mag sulat ka lang ng mag sulat makikita mo naman akong mag kokoment pag nagustuhan ko ang sulatin mo, hindi mo ako kelangang i-please, sus! sulat ka lang ng sulat more writings more chances of winning.

At para sa ating featured blogger this month of July na si Joel, Congratulations sa'yo akalain mong kahilera mo na ang mga favorite bloggers ko????! WTF!!! Pwes dahil dyan busugin mo ako sa September and please note na ayoko ng indian food at ayoko ng curry at kahit anong may curry okay. Joke lang Sir!

Click nyo lang ang link to read more of his blogs!