Friday, January 22, 2010

Kwentong MRT

And so na buhay nanaman ang kwentong MRT series ko...

lately maaga akong nagigising masyado kasi
disturbed preoccupied ang aking brain ng mga bagay-bagay na walang kabuluhan at hindi naman makakapagpabuti ng estado ng kahit saang aspeto ng buhay ko.

Dahil nga doon, lagi akong halos muntik malate sa Opisina araw-araw dahil nakaka tulog lang ako pag malapit na ang oras para bumangon ako at maligo. Struggle ko na ito sa aking day to day regimen. Gising. ligo. kuskus singit. Sabon betlog.Apricot facial wash sa pogi at makinis kong face. Toothbrush. Bihis. Silip sa salamin. kindat ng One time sabay sabi ng Ampogi mo Jepoy pumasok ka na nga. Takbo sa MRT at kung sinuswerte minsan makakalimutan ang Company ID sa bahay at makikipag diskusyunan sa Manong Guard sa Opis na hindi ako Miron at ako ay Empleyado ng kumpanyang binapantayan nya 24/7.

Parati nalang ganyan. Walang bago. Parating boring. Nakakahugot nalang ako ng konting tuwa sa mga taong nakakasabayan ko sa MRT. Habang sila ay amoy singit na, ako naman ay fresh na fresh at poging-pogi papasok sa Opis para mag Blog. Pero madalas pag baba ko ng MRT ay looking hagard na kagad. Para lang akong binalibag ng 2o times at muka nang pang end of shift ang get-up ko.

Kanina. Pag sampa ko ng MRT, as usual sobrang daming madlang tao. Kahit na ayokong nadidikit sa balat ninoman na hindi close saakin eh, wala akong magagawa dahil hindi ko naman pag aari ang MRT. Pero my God! kung minsan gusto ko talagang bangasan ang kakiskisan ko ng balat kasi naman kaka lotion ko lang ng bath and body works (talaga may pangalan LOL) tapos didikitan ang balat ko ng maitim na manong tapos pawis na pawis sya, fuck the what diba?! Pero syempre steady lang ako kasi hindi naman nga ako ang may ari ng MRT.

Teka ang daldal ko para lang parot. Eto ang nangyari kanina. Pag pasok ko ng MRT meron akong nakasabay na apat na Nursing Students na naka school Uniform pa, 'di ko sure kung saang school sila galing or kung galing ba sila sa hospital duty. Hindi sila masyadong kagandahan pwede na sa rating 6 siguro.

Nakatayo kame sa favorite spot ko, 'yun ay sa may end ng MRT na malapit sa pinto para madaling lumabas pag baba ko ng Shaw. Tahimik lang ako habang nakikichismis sa pag uusap nila tulad ng gawain ko everyday.

Nursing Student1: Baks! Nakakapagod ang ginawa natin kanina.

Nursing Student 2: Oo Bakla buti nalang cute 'yung clinical instructor natin. Teka nag hand written ba kayo sa Diary natin.

Nursing Student 3: Baks! Ako kinopaya ko lang sa nursingjournal.com, tapos hand written lang. Bahala na silang umintindi 'dun.

Nursing Student4: Bakla ka! Winner ka talaga sa pandaraya, ako super sulat lang.

*nakikinig parin ako at nag sisimulang mag wonder baket bakla ang tawagan nila. Gusto ko tuloy silipin kung naka panty sila*

Nursing Student1: Baks! Tignan mo 'yung kuyang maputi doon oh, Panalo ang kinis ang puti at ang gwapo, nakakapanghina ng tuhod.

Nursing Student2: Bakla ka! Panalo ang sightsung mo! pero ang panget ng syota mukang matanders

Nursing Student 3: (Nakatingin dun sa maputing lalake sa kabilang tren) Kuya wag mo kong tignan ng gayan natutunaw ako at wala akong pera ngayon tsaka wag mo kong itext hindi ko matatanggap naka sun ako *Boses Nora Aunor ang pag dedeliver ng litanya nya*

Nursing Student 4: Kuya wag kang mag pa cute, wala rin akong pera. *Boses Nora Aunor din*

*Lumingon lingon ako para hanapin kung sinu ang cute na tinutukoy ng mga Students na ito. Ayun... nasa kabilang tren pala, akala ko ako (Asuming ang Negritong Jepoy?! Feeling mestiso lang?!)*

Malapit nang mag Shaw at hindi ko na makatiis kelangan kong tanungin ang isa sa kanila.

Jepoy: Excuse me, question lang.

Nursing Student 3: Ano yun Manong.

Jepoy: Manong talaga?! Jepoy nalang... Uhmm, Baket Baks ang tawagan nyo sa isa't isa bakla ba kayo.

Nursing Student 3: Ahahahhaha (Super lakas na tawa)

Tumingin sya sa mga kasama nya at sabay sabay silang nag tawanan. Feeling ko napahiya ako ng bonggalore. Malay ko bang babae sila eh kung bakla nga naman ang tawagan nila sa isa't isa ano iisipin ko diba?! Nag co-confirm lang ako, Mali ba 'yun?! Hindi ko na hinintay ang sagot nila dahil Shaw na at tatakbo pa ako papuntang One San Miguel Ave. Haist! Ang hirap mag commute. Ayoko ng masikip ayoko ng maputik<--- Drama lang.


36 comments:

  1. Hahaha hindi nga? Tinanong mo? Ampf. Nagdada-moves ka lang ata dun sa mga Nursing students. LOL

    ReplyDelete
  2. woooohhh. hahah kinuha m b ang number? hahaha. baka may tinatago din silang king cobra. ahahaha

    ReplyDelete
  3. Jepoy - i admire your guts... tinanong mo talaga cla. Best in Q and A..

    ReplyDelete
  4. ANg huling nabasa ko dito sa iyong pluma bago ko pansamantalang nilayasan ang blogging ay patungkol sa kwentong MRT.. ngayon sa muli ko ng pagbabalik ay Kwentong MRT pa rin?.. wala bang Kwentong Taxi??? yung sex scandal sa loob ng taxi o di kaya sa loob ng jeep habang binabaybay ang EDSA?..

    kung meron man abangan ko yan.

    Siyanga pala, muli akong nagbalik, matino na ngayon ang aking pag-iisip...humayo ka at muling ipagkalat sa kalawakan ng muling pagbabalik ni alkapon, ang kidlat ng malabon upang ipaghiganti ang kaapihang aking dinanas mula sa kamay ng mga mapang-api ng lipunan.

    musta nga pala?... ano na ang balita sa pugad baboy.. ehek! ekskyus mi po.

    ReplyDelete
  5. anaknang teteng talagang nirate ang nursing students 6...ahahaha

    pano na lang yung mga girls na nagtatawagan ng bru...baka tanungin mo ren sila ng, may question ako baket bru ang tawagan niyo, mga bruha ba kau? asan ang mga walis niyo? nyahahaha...

    ReplyDelete
  6. wow lufet..tinanong pa :D

    ReplyDelete
  7. hehe tinanong mo tlga kuya? wala lang samen kasi common lng ung mga ganon tawagan bakla heheh..lakas ng loob mo ah infairnss partida stranger ka.

    ReplyDelete
  8. kahit laging late, nakuha pang maki usyoso. haha.. nice one kuya..

    haha.. buti di k nila tinawag na baks. haha..

    ingat.

    ReplyDelete
  9. Jeff, napag-connect ko lang..mahilig ka sa mga babaeng nurse noh? wahahaa!!

    kasi sa entry mo nung isang araw, si Diane ay isang nursing student din..tapos eto naman, mga nurse din.

    ReplyDelete
  10. Hhmm, Shaw stn, pwedeng taga Sykes ka or IBM or Teleperf?

    Ano ba shift mo laging rush hour ang sakay mo sa MRT? Pag sumasakay ako ng LRT, mga 6 lang kaming tao dun. Haha

    ReplyDelete
  11. @Gas dude Dadamoves ka dyan, itutulad mo ko sayo chickboy! ahahaha

    @Kikilabotz Isa ka pa. Nag question lang ako

    @Dhon Yeah I asked her, curious lang ako eh. heheheh. Thanks for the comment

    ReplyDelete
  12. @Rei Style ka dyan, parang ikaw style mo siguro un hihihi. Thanks sa comment

    @Alkapon >=-S Pugad baboy ka dyan! Ayos naman ako. Ikaw naisauli mo na ba ang panty ng talipandas mo?! LOL

    @Deth Pag Bru hindi ko tatanuningin kasi hindi naman ako na niniwala sa witch sa bitch oo hihihi

    ReplyDelete
  13. @Renz Wow first time ka dito. Thanks sa pag pasok sa mundo ko. Welcome ka dito ha bisita lagi

    @Elay na curious lang baga.. Hehhehe

    @Kox pag tinawag nila akong baks tataas ko palda ni Ate or kiss ko sya sa lips :-D

    ReplyDelete
  14. @Stibi Ewan ko sayo, dami mong alam. Mag trabaho ka nga dyan...

    @Cyng Wala sa nabanggit. Anu ka ba mag ka fezbuk tayo nandoon ang company ko tignan mo kaya. I hatechu! Turuan mo ko sa photography ha!

    ReplyDelete
  15. Nakikialam ka sa usapan ng iba! Huwag kang ganun! -- *delivery mala-Nora Aunor*

    ReplyDelete
  16. sana nag ala-ate vi ka naman... "si val, si val..." hehehe

    ReplyDelete
  17. @Chingoy HIndi ko alam 'yung kay ate V eh, turuan mo ko LOL. Salamat sa pag bisita mukang first time ka po dito.

    God Bless!

    ReplyDelete
  18. pang diamond star! haha babaeng bakla pala yun.

    ReplyDelete
  19. Sana naging journalist ka na lang. O kaya market researcher na nagtatanong ng...Tao po, anong radyo ang pinakiki...

    ReplyDelete
  20. nakakaaliw naman ang pagkakuwento moh at mga hiritz nung magkakaibigan... may bago akong natutunan... matanders.. haha... hagncute.. kaaliw... nakakaaliw nga ang tawagan nilah eh... bakla.. oh devah... yan yatah ang in dyan sa pinas... akoh naaliw akoh pag ganyan ang tawagan... i had a friend one time she was like ate jokla... ahaha.. hagncute lang... eniweiz bading yung tumatawag... but i had two friends they are girlaloo.. call moh hoy bakla.. musta ka nah! ahaha.. hagncute lang... eniwekz.. yeah 'un... dehinz kc uso ang tawagan na yan here.. pauso nga.. haha... hagncute lang kc.. laterz.. Godbless! -di

    p.s. da best ka tlgah magkuwento Jepoy... i'm givin yah 4 star... kc pag five star baka nde na akoh magbasa d2.. haha.. laterz =)

    ReplyDelete
  21. Huy Jepoy you work in Ortigas pala! Lapit lang ako nakatira sa Shaw. Wehehe. Ü

    ReplyDelete
  22. haha... ayos ah... di ko ata kaya magtanung ng ganun, baka hindi na ko makababa ng buhay...haha... e bakit nga po kaya bakla ang tawagan nila?kyuryus lang...haha

    ReplyDelete
  23. @Glampinoy I know, right?! LOL

    @Dhianz Thanks sa four star, dahil dyan eto ang kiss for you :-D

    @Angel Dahil dyan i sched na ang EB..:-D

    ReplyDelete
  24. @Batanggala hayaan mo next time sisiguradhing may makukuha na kong sagot...

    ReplyDelete
  25. Kaya ansarap sa pinas eh. Ang lahat ng araw ay isang adventure!Feeling mo si Diego ka ang partner ni Dora!

    May I ask a question ka pa--bakit mukha ba silang bading?

    May ganun talaga? Rating 6?

    ReplyDelete
  26. oo nga... intrigera ka!!!

    pero if you were so curious... bakit di mo nalang nilamas ang mga dede nila.... ganun dapat tol!!!

    bwahahahahaha

    ReplyDelete
  27. Ahihihihihihi yan kasi nagtatanong pa eh.... jijijijiji

    ReplyDelete
  28. hahaha! adik! bakit kasi nakikinig sa chikahan na iba!? pinagtawanan ka tuloy! sabagay kakatawa ka naman talaga!weee!

    ReplyDelete
  29. @Ayie Masarap talaga sa pinas lalo na kung ang kikitain mo ay katulad ni Jepoy, hinding hindi ka mabibigo ahahaha. Happy Weekend sayo kaibigan!

    @YJ Buti naman at naisipan mo rin akong dalawin kamontikan na kong mag tampo ng beri beri nice. Sige sa susunod na makakasakay ko sa kanila wala ng tanong tanong pag hahawakan ko mga susu ng mga bwaka ng inang syet ahahhaha

    ReplyDelete
  30. @Xprosiac Masama bang mag tanong?! LOL

    @Iya_Khin I hatechu, ano ko clown?! Ay onga slight lang naman hihihiih

    ReplyDelete
  31. panalo! walang hiya hiya. hindi masamang magtanong diba.. at oo kelangan ko na ung video! :P

    ReplyDelete
  32. Yun oh..nurse na naman..
    Hehehe..enjoy talaga pag commute.

    ReplyDelete
  33. @Chikletz Oo na isesend na po, hanapin ko ung cable ng phone ko. edit mo ung dulo panget ng kindat ko parang tanga lang ahahaha

    @Silent Assasin Naman! Ahahaha

    ReplyDelete