Friday, June 4, 2010

Randoms

June.

Tag ulan na ulet. Ito yung panahon na pag bumubuhos ang malakas na patak ng ulan ang sarap mag lakad sa labas kasi habang nag lalakad ka hindi halata ang pag tulo ng luha sa kaliwang mata mo na may acceleration na 1 meter/48hrs. Ito 'yung perfect timing kung saan walang mangungutya sa pag ka lalaki mo dahil sinasabayan ng pag buhos ng ulan ang pag patak ng luha mo kasabay ng pag bugso ng bigat ng dibdib mo na matagal mo ng gustong ubulalas pero wala lang pag kakataon dahil masikip sa bahay nyo baka mahahalata ang pag eemo mo mautusan ka pa ng nanay mong mag saing bigla, masisira ang moment. Pero pag umuulan ng malakas at ikaw ay nag lalakad pwede ka pang mag make face na tila baga pinag imbutan ka ng langit at lupa. Masakit. Sobrang sakit. Pero sige ka lang sa pag buhos ng sakit ng dibdib mo para maibsan ito sabay ng pag agos ng luha mo sa bugso ng ulan.

Chos!

Kala nyo kung ano na noh?! Wala lang akong maisip na intro. Sa katunayan wala din akong maisip na maisulat. Nakakailang Pukang Amang draft na ako pero wala akong na bubuo. Unang draft ko ay kwento tungkol sa mga pangarap ko noong bata pa ako, nakita ko kasi yung notebook ko sa GMRC noong grade four tapos merong activity na Diary shit. Pangalawang draft ko naman ay emo shit agad ko itong binura. Ikatlong draft naman ay tungkol sa college life untold story ko pero binura ko rin.

May mga pag kakataon talaga na ang hirap mag sulat lalo na pag pinipilit mong mag sulat dahil may pwersang nag tutulak sayo na mag sulat. Pero sa kabilang banda, wala ka namang maisulat talaga. Bweset! Pero sa totoo lang ang hirap mag sulat para mapasaya mo lang ang sarili mo sa kada pilantik ng daliri mo ay nabubuo ang mga talata na nakakaaliw para sa sayo, maaaring nakakaaliw din para sa makababasa nito pero ang hirap aliwin ng sarili lalo pa't hindi naman iyon ang tunay na nararamdaman mo. Gaya ngayon.

Marahil preoccupied kasi ang isip ko matapos kong makachat ang isang kaibigan mula sa Singapore at nalaman ko na ang laki laki ng sweldo nya. Inggit me much pareho naman kameng semi kalbo (kuneksyon?). Joke lang! Pero totoong pre occupied ang utak ko dahil matatapos na ang bond ko sa aming kumpanya next month pero wala parin akong Job Offer sa abroad, pinangako ko kasi sa sarili ko na dapat pag tapos ng bond ko eh fly na ako abroad pero parang hindi yata ganun ang mangyayari. Ang hirap talaga pag katiting lang ang skillset mo tapos kung makapag demand ka ng sweldo eh bonggalore. Nalulungkot ako sa totoo lang dahil sa Edad kong ito na 22 eh wala pa akong enough savings. Hindi ko rin maintindihan baket kating kati akong lumabas ng Pilipinas eh nabubuhay naman ako ng matiwasay at nabibili kahit papaano ang gusto kong bilihin sa kakarampot na sweldo ko dito sa lupang hinirang. Hindi ko alam. Putangina much! happy horse please...

Sorry nag vent out lang ng slight!

Gusto ko pa sana mag vent out pero inaantok na me.

Mamya-maya lang ay ipipikit ko ang aking mga mata para mag gudnyt sleep at sana kahit sa panaginip lang eh makasama kitang muli. Makatabi ulit at mayakap dahil alam kong sa panaginip lang kita pwedeng ariin sapagkat sa muling pag mulat ng mga mata ko alam kong iba na ang yayakap sa'kin at iba na rin ang aakap sa'yo. Tangina ang keso kinikilabutan me much! Tama na nga!

Kthanksbye

25 comments:

  1. may pilantik talaga ng daliri ano?

    kainggit naman ang kaibigan mo nayan.sana ganun din sweldo ko. tsk.

    yown lang.

    ReplyDelete
  2. Bakit wala kang ipon....eto lang mga naiisip ko based sa kwento mo.

    1. Kasi tuwing weekend pag gising mo sa hapon diretso ako agad sa MOA para mag "breakfast" sa FRIDAYS! (tama ba naman yun? breakfast) Hindi lang weekends pero minsan kapag naisipan mong mag FRIDAYS during weekedays. Pwede naman kumain ng pandesal at sabay sa bahay.

    2. Mahilig kang kumaskas..in short laging nangangati..masyado kang maLi*** Tuwing lalabas kelangan mo kasing gamitin ang Citibank card mo ng bonggang bongga at ikaskas...sabi nga namin pwede mag Paylite sa citibank as long as umabot ng 3k yung bill..Pero mayaman ka ayaw mo.

    3. Lahat ng movie pinapanuod mo kahit korni?

    Joke lang jepoy..sana libre mo kami sa ofis. Isipin mo nalang yung additional benefits mo bilang isang night person.

    ReplyDelete
  3. DISCLAIMER: Hindi ako ang tinutukoy ni Jepoy na kaibigan niya na nasa Singapore na malaki sweldo. LOL

    Ako nga eh ang tanda ko na pero wala din akong ipon. Dami kasing gastos. Kaya nga hindi na ako nagke-credit card.

    ReplyDelete
  4. emo mode ka na naman ampf! pero ok lang yan kaya nga nagsusulat, partly, to vent out.. outlet natin ang blog natin diba..

    chill ka lang friend.. you'll be fine.. baka nga ngayon ayos ka na ulit eh. hehe.

    ReplyDelete
  5. tigilan mo na kasi ang pagiging pokpok mo para makaipon ka naman! har har har!

    ReplyDelete
  6. sa blog ni silent assassin eh umiiyo. dito naman eh umaari. ambabastos. pumatak lang ang ulan, wet na kayo shyayt.

    ReplyDelete
  7. ang emo much. may bigat sa dibdib na gustong ilabas, haha.

    ReplyDelete
  8. @Joel

    Baket bawal pumilantik ang daliri pag nag type?! Edi na stroke ka sa kakapigil!

    Oo nakakainggit naman ang mga SAP consulatant noh? Mayaman much?

    yown lang din!

    @Stibi

    Tama ang mga points mo. Ikalawa baket ko kayo ililibre eh ako ang lowest paid employee sa atin remember?! AT nga pala, malapit ng mawala ang night person incentive ko baka malipat na ako ng APAC or EMEA :-D Malungkot much, mas lalong walang saving.

    @Gasul

    Dumisclaimer kagad?!!! LOL

    Kaya ka walang ipon kasi ang landi landi mo kung saan saan ka nag papabook ng lipad para jumerjer! Tapos nung nag pa mudmud ka ng yaman sa pinas hindi pa ako invite. Sows naman!

    ReplyDelete
  9. @Chikletz

    Na miss kita chiki-chiki! True outlet natin ang blog.. I know I'll be fine. Thanks much! *Smack*

    @Indecent mind

    Putakels! Pok Pok mo betlog mo. Virgin pa kaya me. hak hak hak.

    @THe Reviewer

    Naaalbad-baran ako sa The Reviewer na name mo, mas gusto ko yung dati. Ikaw bashtush you! Kelan mo ko ililibre? Pupunta ka n'at lahat lahat sa Latin America hindi mo manlang ako ilibre?! Mag pa reserve ka na sa Circles o kaya sa sofitel bilis!

    @Olyabut

    Skip read much???!!!

    ReplyDelete
  10. haha..nakakaaliw ka talagang magsulat semi kalbo..tsugz!..hehe.. jowk lng... buti nga ikaw 22 ka pa lang..kamusta nmn ako...23 na..ala ding ipon,, haha...:P
    wag kang mag alala..maniwala ka sakin..pagdating natin ng edad na trenta tsaka tayo makakapga ipon.. waappaakk!.. matagal much?>? hehe..

    ReplyDelete
  11. sana malibre mo rin ako sa starbucks kapag nakipagkita ako sa inyo ni glentot at iba pang bloggers!

    ReplyDelete
  12. kuya jepoy 22 k rin? pareho pala taoo..imbentor ka..hahaha..

    oo minsan ang damidam mo gusto kwento pero wala ka anamn mtype.hehe

    nangyayari namn sa lahat yan..

    ReplyDelete
  13. akala ko emo entry na ang post mo...

    sad naman... joke lang!

    =)

    ReplyDelete
  14. nag vent out ng slight? slight lang tlga to?

    hehe. dapat sineshare mo sakin blessings mo. wag sa iba, para dumoble yan. :P

    ReplyDelete
  15. hindi ako nagskip read, epal!
    Napansin ko lang na ung first at last paragraph mo e parang may dinaramdam ka. parang may gusto kang iparating na hindi mo masabi ng diretso.
    walang kinalaman ung mga knwento mo, divert much? hehe
    At oo, inaanalyze ko ang posts mo, ahahah.

    ReplyDelete
  16. tanong ka pa nang tanong kung bakit eh alam mo naman ang dahilan, sadya lang na nilikha kang likas na inggitero sa mga mas malalaki ang sweldo sayo. ang dapat sayo ay ilagay sa buhay ng isang pulubi at malamang bigla mong maappreciate ang sweldo mo ngayon ambitious shrimp!

    ReplyDelete
  17. @Leng

    basta maaliw ka masaya na me. hihi haist hirap mag ipon

    @NoBenta

    Koya dapat ikaw kaya manlibre sakin kasi ikaw ang nag tra-trabaho abroad. Sige sabit natin si Glentot yun mayaman yun sakanya tayo pa libre.

    @kikilabotz

    Kelangan mo bang ibuko me much?! Hmp!

    @Mervin

    Ay may ganon...LOL Muka naman me 22 diba? Tapos isip 22 din bwahihihi

    ReplyDelete
  18. @Bulakbulero.sg

    Hindi pwede tumawa! Ikaw na ang magaling mag poker fine! LOL

    @Stone cold Angel

    Ay ganun, ayoko na nga mag emo entry pre eh!

    @Toilet Thoughts

    Slight lang talaga mr. Abs LOL. Ikaw dapat ishare mo ang blessing sa madrasta mo give her a big hug hihihihi

    @Olyabut

    Gagu natawa ako sa comment it's so nakakainis much! LOL

    ReplyDelete
  19. @Glentot

    Putakels kang talakitok ka! Sinisira mo ang emo much ko..Hmp! Ang hirap hirap me kasi...

    ReplyDelete
  20. Crying in the rain ang gustong eksena ni koya hehehe...

    Ok lng yun, hindi k nmn patatalsikin after ng bond mo hehehe...makakahanap ka din for sure kasi mataas na ang value mo hehehe...

    ReplyDelete
  21. 22 years old ka lang??? KALOKOHAN MUCH!

    hayan skip read na kung skip read kasi nawalan ako ng gana dahil sa 22 years old na yan. bwahihihi!

    ReplyDelete
  22. magandang ideya yan. mag-hotel buffet tayo nina tot. bring your own wet tissue in case pumurotput kayo hehe. wala pa naman sureness yung trip. visa approval muna. balitaan kita.

    ReplyDelete
  23. 22 years old ka lang??? KALOKOHAN MUCH!

    hayan skip read na kung skip read kasi nawalan ako ng gana dahil sa 22 years old na yan. bwahihihi!

    ReplyDelete