Thursday, June 17, 2010

One day recruitment experience-AKo at kapatid ko

Noong isang araw sinamahan ko ang aking kapatid na mag apply ng trabaho sa Makati, doon kasi sya sa Cavite nag tra-trabaho, so provincial. Matagal ko na syang ini-encourage na lumipat na sa Maynila kasi nga ang layo-layo doon tapos six days pa ang pasok nya tapos panay OT pa tapos hindi naman kalakihan ang sweldo, kamusta naman 'yun?

So nag decide sya na itry na nga sa Maynila. Dahil isa akong ulirang kapatid at labs na labs ko sya kaya sinamahan ko sya the whole day sa isang kumpanya sa Makati para mag apply kahit wala pa akong tulog kasi galing din ako sa trabaho.

Feeling dejavu ang pakiramdam ko. Naalala ko ang aking experiences sa pag hahanap ng trabaho at parang gusto ko maluha sa kaliwang mata habang dahan dahang nag slide ang likod ko sa dingding dahil naalala ko ang aking pag hihirap para makahanap ng trabaho noon. Alam mo yung feeling ng halos kalahating araw ka sa isang kumpanya sa kakahintay ng turn mo para mag exam or ma initial interview ganun na ganun din ang nararanasan nya these days, pero this time nakaagapay ako sa kanya para pasiyahin at supportahan sya, para in case na ma reject sya eh meron kagad words of encouragement tapos pwede ko pa syang i-treat ng sweets pampalubag loob.

Ang ending failed sya sa exam, tapos nag so-sorry sya sa'kin kasi feeling nya na waste lang 'yung time namin sa wala. Malungkot much sya.

Sabi ko naman sa kanya,

"Boba ka kasi"

Joke lang. hindi ko sinabi 'yun ang sabi ko OK lang 'yun ganun talaga at wag syang mag alala kasi ako hindi lang tatlong kumpanya ang na-reject ako and besides ang dami dami pang kumpanya na pwedeng pag applyan. Tapos n'ung pauwi na kame nasira ung black shoes nya natanggal 'yung swelas mag kabilang paa, naawa me much talaga sa kanya. Feeling ko na diskuraheye sya dahil sa experience na iyon, baka ayaw na nyang umulit pa.

Tinext ko lahat ng mga kaibigan ko para brasuhin na makapasok ang aking kapatid kasi feeling ko lang ha, down much sya. Tapos walang nag reply sakin :-( Buset! Wala naman akong magawa kasi hindi naman ako HR at wala akong kaibigang HR. Sabi ko nalang sa kanya atleast meron syang work kaya kahit hindi okay ang nangyari eh meron parin naman syang trabaho na papasukan kinabukasan.

sabi ko, "C'mon cheer up, bitch"

Hindi ko lang maiwasang maawa kasi nga 'yung ibang tao na ipapasok ko ng trabaho at natuturuan ko pa kung paano magpakabibo sa iterview tapos itong sarili kong kadugo wala akong magawa. I hatechet!

Okay naman sya kung tutuusin sa trabaho nya sa provincial place ng economic zone ng Cavite kaso lang hindi sya nakakauwi parati sa amin, na mimiss sya ni Mama tsaka ni Papa kaya ganun. Ang layo ng byahe nya pag uuwi sya samin mula down south papunta ng up north tapos isang araw lang rest day nya, effort much kaya hindi sya nakakauwi.

kulang kasi sya sa lakas ng loob hindi katulad ko kahit na alam kong hindi pwe-pwede pinag pipilitan ko ang sarili ko, kebs! Noong fresh grad nga ako meron akong kumpanya na inaplyan na ang primary requirement ay "with pleasing scholastic record" eh pinag pilitan ko ang sarili ko. Itago nalang natin ang kumpanyang ito sa pangalang "Smart Telecommunications" na located sa Makati. Nag apply ako bilang isa Network Engineer, inentertain naman ako at nakapag initial interview tapos pumasa din naman, subalit noong kinuha ang transcript ko at nakitang book 1 hanggang book 3 ito ay pinauwi na ako dahil binilang nya ang failing grade ko at na stress yata sya! Putangina nila! Kaya globe ako ngayon, buset sila! Oo may poot!!!!

So 'yun nga kulang kasi itong kapatid ko sa lakas ng loob kaya ngayon 'nung nag fail sya baka lalong bumaba ang self esteem nya at nasira pa ang shoes nya na matagal na nakatago sa baul, d'un kasi sa company nya sa cavite hindi kelangan naka kuntodo office attire kaya bihira nya magamit ang formal shoes nya kaya lumutung siguro at nasira ang swelas.

Dala dala nya ang black shoes nya habang pauwi kame ng bahay, pag baba namin ng taxi habang pinag mamasdan ko sya na nakapaa at dala dala ang sirang shoes eh na dudurog talaga ang puso ko. Kung sa'kin lang nangyari 'yun tatawanan ko lang at kahit pag tawanan ako OK lang pero pag sa kanya hindi ko kaya, buti nalang wala akong nakita na natawa at nalait pag baba namin dahil makikipag suntukan talaga ako pag may nanlait, Putang ina nila! Laitin na lahat wag lang Pamilya ko!


Kthanksbye!

36 comments:

  1. Nice one! Yan ang kapatid! Nga pla ganun din ako 2lad n kapatid mo ai. Un nga lang wala akong kapatid na 2lad mo. Solong anak! Nice post!

    ReplyDelete
  2. This is my favorite post so far. Jowk! (Nabasa ko kasi shout-out ni Glentot.)

    Haha alam mo bang una kong trabaho eh sa SMART? HR ako dati at ako 'yung nag-iinterview dun ng mga Jinjineers. Haha oonga ganun dun kapag galing ka sa Top 4 Schools (UP, Mapua, DLSU, UST), allowed ka lang up to 4 failing grades. Kapag naman wala ang school mo sa mga nabanggit, dapat walang bagsak. So Jepoy, ilan ang bagsak mo nung college? Hehe.

    Akala ko naman ibibili mo ng bagong sapatos ang kapatid mo. Siya na lang ang tutulungan kong maghanap ng work dito sa Singapore. Nyahahaha! = P

    ReplyDelete
  3. yan ang kapatid! isa kang mabuting kapatid. nakakababa nga minsan ng self esteem na ganado ka sa umagang magapply den fail din sa huli, na experience ko na rin pero go lang ng go! habang may building sa makati, may pag-asa! :) at nagbunga naman ang tyaga.

    natawa ako sa mga tinext mong fren para brasuhin ang application. gawain ko rin yan eh :D

    ReplyDelete
  4. nice one!ang sweet na brother..

    i see myself sa kapatid mo, mhina rin kc ang loob q..the only difference may brother xang kgaya mo na very supportive..

    love ur post..

    thanks!=)

    ReplyDelete
  5. aw... ganon talaga pag nag aapply... ang hirap at nakakapagod mag hintay.... at least nag try sya. ganoon din ako pag di ako nakapasa...parang feeling nakapag bobo ko... hahaha!

    anyways, good luck sa kapatid sa paghahanap ng new work. :)

    ReplyDelete
  6. aw... ganon talaga pag nag aapply... ang hirap at nakakapagod mag hintay.... at least nag try sya. ganoon din ako pag di ako nakapasa...parang feeling nakapag bobo ko... hahaha!

    anyways, good luck sa kapatid sa paghahanap ng new work. :)

    ReplyDelete
  7. nice post poy. \m/

    isa kang huwarang kuya. sana bilang araw magkamomumento ka.

    ReplyDelete
  8. nakakatats naman ang post na ito.
    parang hindi lang ikaw, haha, joke.
    isang malaking clap clap para sa iyo.
    at sana ay makalipat na ng trabaho ang kapatid mo.

    ReplyDelete
  9. isa ka pong idol jepoy!:Dako din e,ayos lang na makipagsabunutan na ng bonggang bongga wag lang nila apihin ang mga bros ko.nyah!eniwey, marami pa naman po sigurong pwedeng pag aplayan,tyaga lang ng konti,at kapit ng mahigpit kay Bro.:)

    ReplyDelete
  10. kuya jepoy....kailangan ko po ng trabaho..wala pa po akong spatos..

    huhuuhuhuuh....

    ahahaha..jep...hahays....mahirap talaga maghanap ng trabaho...lalong lalo na kung unti unti nang nawawala ang pag asa mo..

    Ako nga pumunta ng cebu 500 [pesos lang ang pera.lols

    ReplyDelete
  11. ganun talga ang buhay ngayon..nwei sabihin mo s kpatid mo wag n siya mghnap ng work kasi ay kuya naman siyang mayamn na sumasahod ng 50 k per month. bwahahhaha

    ReplyDelete
  12. 'yan ang isa sa mga nakakabuwiset sa pinas - ang daming discrimination. bakit kailangang sabihin sa ads na dapat with pleasing personality, with good scholastic record, at came from one of the top 4 universities? paksyet, ano pa ang silbi ng pinag-aralan mo kung ganun?

    ang hirap din magtrabaho sa cavite dahil provincial rate kahit na ang cost of living ay parang manila rin naman!

    na-tats ako sa'yong pagiging butihing kuya. \m/

    ReplyDelete
  13. kawawa naman pla kapatid mo tol..sana binili mo ng sapatos..sna lumakas pa loob niya..

    ReplyDelete
  14. nice post! ang sarap magkaron ng kuya tulad mo, na-tats ako sobra, kailangan maging mabuting kuya din ako sa nag-iisa ko ng kapatid na babae (nawala na kasi yung isa pa).

    medyo naalarma din ako, kasi 1 or 2 years from now, maghahanap din ako ng trabaho bilang engineer, pota sangkatutak na ibinagsak ko! Hahaha.

    ReplyDelete
  15. hoy poy. ang haba ng ilong mo ha. tinext kita. kaso specialized yung hina-hire kong job title. kainis ka. mag-correction ka sa post mo. it's unfeeeer.

    ReplyDelete
  16. Hay naku mahirap talaga makahanap ng work ngayon. palusutan sa butas ng karayom. goodluck sa iyong kapatid!

    kthnxbye!

    ReplyDelete
  17. @Dc Thecker

    Thanks po, dibale kahit wala kang kapatid I'm sure meron ka namang mga pinsan :-D Salamat sa comment

    @Gasul

    Putakels sa tingin ko ikaw yunug nag interview sakin noon, medyo payat ka pa ng kaunti nun at ang landi landi mo mag salita, Hmp!

    At wag mo ng tanungin kung ilan ang bagsak ko, hindi naman ito lalampas sa bilang ng daliri sa kamay bwahihihihi... At buti nalang kasama ang school ko sa top 4 schools bwahihihi

    Ibibili ko nga sana sya ng shoes kaso sya na tumanggi eh.

    @Anthony

    Ganun nga talaga nakaka depress pag bumabagsak, sadness... Kala ko student ka na ulet?!

    @Lhay

    Thanks you pow ajejejejeje

    ReplyDelete
  18. @Lhay

    Marami talagang nakaka relate sa mga ganung experience I'm sure lahat naman ng yuoung profesionals nag daan sa ganun

    @MarcoPaolo

    True ang hirap hirap talaga ang madalas nakaka baba ng morale. Haist! baka may hiring dyan hhiihihi

    @Bulakbulero

    Sige Pre patayuan mo ko ng monument. TSE!

    @Oliver

    Natats ka ba?! Parang di naman... Baka my hiring dyan senyo brasuhin mo naman utol ko...LOL

    @Batnggala

    Tenchu Tenchu batanggala tama ka kapit lang tayo kay Bro

    ReplyDelete
  19. @Maldito

    Nyeta ka! Nagpapanggap ka nanaman na nakakarelate ang yaman yaman mo dyan sa Cebu "B". Ako kaya bilhan mo shoes. hihii

    Ang tagal tagal mong mag update ng blog, Close mo na nga blog mo ihatechu!

    @Kikilabotz

    50K ka dyan! Wala pa ngang sampung libo sweldo ko, buset!

    @Nobenta

    True pare, ganun talaga hindi natin minsan maiiwasan ang mga discrimination at yan ay ang sad reality sa huli naman yung skill parin ang mag mamatter so pray lang tayo kay papa jesus.

    Oo hirap nga dun kasi provincial rate tsaka parang nawawala na sya sa trend so provincial...

    @Rico

    Hayaan mo't ibibili ko sya ng shoes sa sweldo

    ReplyDelete
  20. @Goyo

    Oo naman dapat maging mabuti kang koya dahil tandaan mo sa finals kayo kayo lang din ang mag tutulungan dapat talaga mag mahalan kayo. kaya umayos ka!

    Sus wag mong isipin ang pinagsak mo basta importante wag kang ma demoralize makakayanan mo rin yan, bilisan mo grumaduate kung pareho tayo course pwede kita refer dito hihihi

    @Roadside Reviewer

    Ay oonga pala nag reply ka ng wala manlang effort na tunglong, thanks ha na tats ako...JOKE!!!!

    Yung libre ko buset ka wala parin!

    @Andy

    Aba aba aba halatang ng ski read ka! TSE! At baket mo nilagay ang picture ko sa blog mo ang lakilaki ng tyan ko dun i hate it...LOL

    ReplyDelete
  21. awwww another heart-warming post....as in nakakatouch! pero amusing pa rin! you're one of those people who can write about something touching in an amusing way! This is the most touching line for me:
    "pag baba namin ng taxi habang pinag mamasdan ko sya na nakapaa at dala dala ang sirang shoes eh na dudurog talaga ang puso ko."
    diba? sino ba namang hindi madudurog ang puso sa eksenang yan?

    sana gamitin nya tong experience na to bilang challenge na pagbutihin pa sa susunod! sana swertihin sya next time!

    ReplyDelete
  22. @Weng

    Jepoy is blushing much *mwah* Thanks!

    ReplyDelete
  23. at bakit di mo siya binili ng new shoes?

    i hetchu...

    ReplyDelete
  24. @YJ

    Hindi ko naisip, nag titipid kasi ako ahahaha

    ReplyDelete
  25. self esteemed talaga? past tense?

    Hoy may inemail ako sayo, fresh na fresh yan from HR i hopeD it helped! PAST TENSE KUNG PAST TENSE.

    ReplyDelete
  26. @Glentot

    Got your email.

    What self esteemed?! Wala naman ah! Ikaw na ang best in grammar puta ka!

    Ikaw na ang best in english!!! ikaw naaa!!!

    ReplyDelete
  27. uu nabasa ko ren yung self esteemed mowehehhehehehehe.

    bago moko umbagin, ask ko muna kung gusto ba niya dito sa min. padalhan ko na ren ba siya ng link?

    ReplyDelete
  28. @Achiemoon

    Sorry naman at tao lang at parati nag kakamali sa past tense and present tense..Ikaw na!

    Business Administration ang tinapos nya eh... Meron ba dyan?! Go!

    ReplyDelete
  29. hihi. natutuwa ako sa mga taong may malasakit sa kapatid. hayaan mo, makakahanap din yan ng work. basta andiyan ka lang palagi. :) o di kaya minalas siya kasi kasama ka niya? watchutingk? whahaha

    ReplyDelete
  30. leche sana ganyan din ang kapatid ko.. nakakainggit naman!! ayon. napadaan lang. bwiset sana ganyan din kame sa isa't isa hahahaha

    ReplyDelete
  31. @Caloy

    Echuserang froglets! Baka nga ako ang malas pero feeling ko naman lucky charm me. hihihi

    @Elay

    Dapat mag mahalan kayo, alam mo ba na pwede kang talikuran lahat ng tao pero ang iyong pamilya ay hindi ka tatalikuran forever and ever. Amen.

    ReplyDelete
  32. waaaaa. en d ulirang kapatid goes to. ME! beh! kala mo ikaw ahahha.. xge na nga... goes to.. jepoyyy..

    naks. ang bait. at cniraan mo pa ang smart ha! lolz.at xempre gnun tayong lahat.. walang pdeng gumalaw sa pamilya kundi patay ang abot nla! :)

    ReplyDelete
  33. portuguese. naiiyak ako sa posteng to. grabe. nakakalungkot.
    teka nga't ngayon pa lang kakapalan ko na mukha ko. yung tipong mas makapal pa sa libro kong communications. anakngtokwa yan!

    hindi ko naman balak magtrabahao sa smart eh. sa globe ako. o kaya sa gma o abs-cbn... malay ko ba baka artista pala ang bagay sa akin. syet! ang kapal! yan ang walangya!

    ReplyDelete
  34. bat biglang naging drama iteiz? i'm so touched! kuya, kakaiyak to. pramis!

    ReplyDelete
  35. sweeet....

    wag mo na kase pag trabahuhin ang kapatid mo tutal may trabaho ka naman supportahan mo siya hanggang mag kapamilya siya.

    ReplyDelete
  36. masama kasi ang loob ko sa smart lol

    @eloiski

    Kaya ikaw eloiski imaster mo ang communications mo isama mo na ang data com at electronics okay hihihi

    @Kokoi

    Nag try lang ako kung magiging drama nga hihihi

    @paps

    Sige hindi ko sya pag tra-trabahuhin padalhan mo ko ng dollars monthly, kamaganak?!

    ReplyDelete