Hindi ko alam kung baket gusto kong simulang mag sulat ng chubbiness entry part II marahil gusto ko lang isulat ang frustration ko sa pagkain ng two pcs chicken joy at isang extra gravy plus extra rice and cream soup, bwahihihi.
Ilang beses na akong nag attempt na mag pa slim, pero parati akong bigo ang sarap kasing kumutkut ng cheetos at uminom ng softdrinks habang na nonood ng Glee kesa mag fun run sa inet ng araw baka masunog pa ang makinis kong skin. And besides, ang sikip ng sando sa fun run sa akin. Muka akong mojako na garfield. mamya neto pag tawanan pa ako ng mga sexy chicks sa fun run. Dyahe much!
Unang attempt ko na mag papayat ay ang tinatawag na no rice diet. Oo ang dugong na nanalatay sa akin ay kanin. Kung walang kanin mamatay ako. So dahil aware ako na kapag nawala ito sa system ko ay mag kakaroon ako ng abs ng katulad ng kay Dingdong Dantes. Kaya naman noong college ginawa ko sya. No rice diet ito. Mabilis ang effect. Nag siluwangan ang polo ko at pantalon in just a span of one month. Subalit napakalaking sakripisyo nito. Habang nag ca-calculus ako noon walang ibang laman ang isip ko kundi kanin. Ang tingin ko sa jeep ay isang malaking hibla ng kanin. Tuwing dumadaan ako sa canteen naririnig ko ang tinig ng Sinigang at kanin na nag mamakaawa na kainin ko na sila. One time habang nasa ROTC ako (Okay fine inabutan ko ang ROTC) dito na ako nag break down dahil nanginginig na talaga ang aking mga kalamnan at kasu-kasuan. Kasi puro pansit canton nalang ang kinakain ko. Isang pansit canton sa isang araw. Putakels! Mahina ang aking katawang lupa kaya naman alam na ang sumunod na nangyari.
Ikalawang attempt. Wheat Bread diet. Ito yung diet na panay wheat bread lang at oatmeal ang kakainin mo for the rest of your life. Nakayanan ko sya ng One month pero hindi nag tagumpay dahil hindi na kakatuwa ang lasa ng wheat bread. Feeling ko wala ng happiness sa pag kain dahil walang lasa ito. Para akong kumakain ng bond papper. Yung oatmeal naman walang asukal walang gatas oatmeal lang lasang lupa na kulay white. Nalungkot me much kaya hindi rin ako nag tagumpay.
Sa Ikatlong attempt naman... Never mind nasasaktan na ang aking esophagus at tranchea hindi ko na kayang ikwento. Ang sakit much.
Sa totoo lang hindi ako kalakasan kumain, promise! Kumpara sa appettite ng normal na construction worker mahina talaga akong kumain. Okay minsan malakas pero sa pangkalahatan mahina lang talaga kumpara sa average. Kung kaya ang the best way na pag papapayat ay ang pag kain ng super konti (yung parang mga susyal na kumakain sa mamahaling restaurant na kurot lang ang kinakin) at excercise. At ito ang hindi ako naging successful kahit one month dahil sa sobrang katamaran mag exercise. Pero I will come there... I will...
So far,kasya pa naman ako sa pinto at kasya pa naman ako sa upuan ng sinehan at nakakabili parin naman ako ng pantalon sa mall at higit sa lahat hindi pa naman nawawala ang asim ko! Bwahihihi
Tignan mo nga picture veggies ang kinukuha ng artista. Hmp!
at kasya pa naman ako sa upuan ng coffe shop higit sa lahat ang kyot kyot ko hihihi
Subalit naniniwala parin ako na hindi healthy ang fatness kaya para naman makulay ang buhay sana this time hindi na mabigo ang aking diet plan. Cheer me up! Uhhhhm sige clean living na lang wag na diet. At sana hindi na ako tamaring sumama sa fun run. Sana naman ang Sando na pinamimigay nila na may number ay medyo maluwag saakin kasi madalas nag mumukang syang rash guard, nyeta!
Pero naniniwala ako na mas importante parin ang linis ng puso at maputing budhi at pakikipag kapwa tao. Like me amg buti-buti ng puso ko.
Happy Weekend blogger friends... Stay healthy tayo ha! Kampay!
ang buti buti ng puso mo saka ang humble mo pa ha....
ReplyDeleteow ow. fail na naman ikaw niyan sa diet na yan. may teorya ako pagdating sa pag papapayat e
bakit mo kailangang magpapayat kung mahal ka naman ng mga tao sa paligid mo.
Hindi nga ko love ng mga tao sa paligid me :-( I'm such a lonely camper...
ReplyDeleteTsaka gusto ko lang mag papayat kasi hindi na ako makapag tuckin much. lumilitaw ung tummy ko :-S
me alam akong paraan para mabilis kang pumayat...
ReplyDeletemag drugs ka!hahaha!
stay healthy! =)
waaah! nakakareleyt ako dito, ganyang ganyan din ako e. ang hirap kasi iwasan ng pagkain, kaya ayun, nauuwi lang lagi sa salita at plano ang dayet ko. wahaha:)) then, tinry ko na rin yung jogging, kaso, nauuuwi lagi sa pagla-lakad at pagtambay sa park.hihi:D at good luck po sa next diet plan, sana mag-work out na sya. :)
ReplyDeleteHirap din akong mag-diet. Ngayon, "Skyflakes Diet" ang ginagawa ko, pero may palaman na ham at cheese 'yung Skyflakes. LOL
ReplyDeleteako naman ay nagpapatubo ng abs pero badtrip at tiyan ang tumutubo eh
ReplyDeletepareho tayo, mamamatay ako pag walang kanin!!! i feel so weak!
ReplyDeletekung ano man yang diet recipe mo, goodluck. pero most effective yung dont eat, just pray!
sali ka sa contest ko dali, kain tayo! Ü
hello jepoy.. first time ko sa blog mo ^_^
ReplyDeletehaha ntry ko din yung no rice policy kaso di ko kinaya...
sige susundin ko itong advice mo
have a great day and happy bloggin
now following your blog
hindi ka nag iisa kuya jepoy! isa rin ako sa sumusubok na magpapayat dahil habang tumatagal lumolobo na ako. pero super hirap talaga mag diet, nung una ok ok pero nung lumaon hindi ko na makaya ang mag diet kasi nanlalata ako feeling ko wala akong lakas pag hindi ako kumain ng madaming rice.^_^
ReplyDeletekaya tandaan mo may karamay ka sa bagay na yan.^_^
yan ang isang bagay na hindi ko gagawin. magpapayat. pagpapataba ang target ko. lahat lahat na ng foods dito kinakain ko. ako na rin nagluluto para sa swak sa panlasa ko kaso wala talagang nangyayari as pagpapataba ko. i am sad.
ReplyDeleteay naku kuya jep! wag ka na magpapayat. ang cute cute mo nga eh. tapos ang buti buti mo pa. tapos ang cute cute pa. ang sarap ihug. parang bear lang. hahahahaha!
Yangina! wag kang magdiet! Wag mo akong iwan! wala na akong kasamang mataba. hahaha
ReplyDeletewala yan sa laki ng katawan papa jep ang importante eh ano ang kaya nating ibigay na kabutihan sa ibang tao! gaano kaliit or kalaki man yon! ang cute mo naman eh wag ng mag effort magpapayat sayang ang mga investment mo sa katawan umayos ka! hahaha mapupunta lang yan sa wala! hehehe
ReplyDeleteive been doing i little dose of rice for a month now & its going effective...pero namputsa tong mga tropa ko nung malaman na nagdidiet ako aya ng aya sa shabu sabu at steak hauz, tangna wala ng diet diet.
ReplyDeleteJepoy... pa-hugz pag nakita kitah.... kakaaliw ka lang... napapasmile mo ko lagi sa entry moh...nd kapag pumayat ka na dehinz ka na si Jepoy... eniweiz in our eyes you'll always be sexy... naks! kaya nde mo na kelangan magpapayat... ingatz... Godbless!
ReplyDeleteok nga eh. hindi ka naman ganun kataba eh. nasobrahan ka lang talaga ng bonggang-bongga sa pagiging healthy. :)
ReplyDeleteparang ang sarap-sarap mong kasama sa lamesa. gaganahan ako talagang kumain!
ReplyDeletepeace! \M/
@Stone Cold Angel
ReplyDeleteMasama po ang mag droga, demet! Give me piece of that shit. Let's do it! Joke hihihi
@Batanggala
Isang malaking gudluck talaga hihihi. Salamat batanggala sana okay na ang puso mo sa kunyaring fiction na sinulat mo. hehehehe
@Gasul
Kala ko ba iadd mo ko sa YM puta ka!
Isang malungkot na pag kain din ang skyflakes masarap ihalo ang skyflakes sa century tuna tapos may san mig lights bwahihihi
Hindi ka naman kaya mataba, baket ka nag iinarte ng diet? Landian much?!
@Kikilabotz
may abs ka kaya, humble?! Ayos ay tumutubo ang tyan parang halaman lang... LOL
@CHyng
ReplyDeleteKanin lover tayo.
Oo sasali talaga ako dyan sa pakulo mo. Hindi ko pa na try ang Outback dito sa pinas at mas masaya yun kung ka date kita hihihihi
@Bluedreamer27
Thanks for following my blog. Follow kita kaso ang dami mong blogs? Saan ba dun ang main blog mo? Kelangan ba talagang limang blog ang imaintain mo, effort much?
Hihhi
GUdluck sa no rice na yan... Ang sarap kaya ng kaninang lamig at mainit na sabaw ahahaha
@Darklady
Kampayan tayo tyan! Mabuhay ang rice person! Mabuhay (kumorni na)
Gudluck sa pag papa sexy mo hihihi
@Eloiski
Okay na ang cute at masarap i hug. Kelangan merong bear??!!! Sa totoo lang hindi nakakatuwang ihug ang bear try mo kayang i google. Ewan ko lang kung hindi ka kalmutin! LOL
Eh baket ka nag papataba? baka masobrahan hindi maganda sa babae ang mataba bahala ka! LOL
@effBee
ReplyDeleteIkaw kaya ang nag simulang mag diet! Sabi mo nga nag loose ka na ng 15 lbs, inggit me much...
Wag kang mag alala hot naman tayo hihihi at pogi pa...
@Poy
Kamusta naman ang emoterong bulol? hihi I agree sa sinabi mo ang kabutihan parin ng tao ang importante. Buti nalang ang buti buti ko, pero gusto ko parin pumayat like now na!
@Scofield
I love shabu shabu! Maswerte kasi authentic ang shabu shabu dyan. Talo talo na ahahaha.
At baket ka nag papapayat? Lumalaindi much?
@Dhianz
Sige pag nagkita tayo embrace din kita hihihi Nakakatats naman ang sinabi mo Dhi. Namiss ka ng blog ko bihira ka na mapadaan hihihi. Ingats kaw and happy weeekend!
@CaLOy
ReplyDeleteCHeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee! Ikaw na ang matangkad at hunk fine...
@Nobenta
mas masarap akong kasama sa kama bwahahahha HIndi nga ko matakaw pre promise! Hindi ka gaganahan tsaka umuutot me habang kumakain kaya mawawalan ka talaga ng gana ahahaha
basta huwag ka lang uutot ng tatlong araw ang tagal! bwahahaha
ReplyDeleteparang nabasa ko na tweeter ito \m/
ahaha... yung main blog ko ay yung top five hehe
ReplyDeletethanks
dapat kasi, hindi mo binigla ung katawan mo kapag magddiet. dapat, every other day, tapos after mga 1-2 weeks, every two days lang, hanggang makaya mo sya.
ReplyDeletebuti nga kaw mabilis pumayat e, 1 month pa lang may effects na.
at kelangan ng exercise, haha, apir tayo sa katamaran.
tsugz!..at hindi ka naman mataba much.. pa bear hug na lang./.hihi...
ReplyDeletedahan dahanin lang..at mag... green tea araw araw..hehe.. kung pwede mo lang ishare yang binabawas mo sa katawan ko..waappaakk!.,.
alam ko kung bakit desperado ka magpapayat.. kasi meron ka na di makita at kelangan mo pa gumamit ng salamin para masilip ito! wahahaha!!
ReplyDeletewalang diet diet sa akin..i want to be fat..as in yung mataba...hehehe/./
ReplyDeleteseriously...
yan ang gusto ko sa yo jeff, ang paborito mong gawan ng joke eh ang sarili mo hehe.....aba dapat lang, sabi nga nila, always laugh at yourself first before others do, diba?kaya mo yan, ang kailangan mo lang isang matinding motivation, halimbawa: revenge!meaning isipin mo na lang ang magiging reaction nya(kung sinuman yang nagpadugo ng puso mo na nagpapa emo sayo ng labis) pag nakita ka nyang macho at tadtad ng muscles.....hehehe.....go go go!!!
ReplyDeletenako, ako nman ngpapataba ng bonggang bongga. hindi na kain ang ginagawa ko kundi lamon, wala pa ding epekto naku.
ReplyDeletewag ka mgpapayat msyado, ayos na yan! mas cute!
Cute ka pa rin, no matter what. Ang sarap sarap mo kayang i-hug kse para kang teddy bear.
ReplyDeleteGreasing? hindi ah...luv lang talaga kita.
(antagal ng promise! yun yon eh! hahahah!)
go go go! healthy living is the best living thing on earth! korni ko..
ReplyDeletecut down on the soda and chips. that should be a start :)
kalokohan yan pagda-diet! kain lang ng kain, we'll all gonna die anyway :D hehe joke
ReplyDeletecute pa rin naman kahit chubby, lalo sa mga panahon ng tag-ulan, mas maige kaysa sa unan, grrr
jepoy!!! amishu na! bwahihihi!
ReplyDeleteheto gawin mo para medyo pumayat ka konti, oo, KONTI, bwahihihi! kumain ka ng sklyflakes or crackers (hindi watusi na firecrakcers ha?) in between meals tapos kontian mo kanin mo into 1 cup. gumana yan sa akin yan promise. tapos pagdating ng weekend eh inuman ulit! hahaha!
pahabol ka sa asong rabid. mga 3x a week. gandang workout yun.
ReplyDeleteAko rin ay isang chubby. Para akong taong tinubuan ng taba taba sa katawan. Ang dami kong pantal sa tyan sa baba at sa tyan ulit! Pero i am happy pa naman. Pero tama ka dapat maging healthy ang diet. eto nga sasali n ako sa pagtakbo every week para mabawasan ang pantal ko sa ktawan! Exercise lang yan bro!
ReplyDeleteJepoy, wrong spelling yung paper mo. hehe.. piz.
ReplyDeleteAyus lang yang mataba, ako nga nag nag gain ng 10KILOS sa loob ng ilang bwan lang. musta naman un? hehe...sarap kasi lumamon eh. pero oks lang sakin yun. dami pa rin naman nahuhumaling sa katawan ko kahit tumaba ako. anyenye.
try to consult a dietician kuya kung gusto mo talagang pumayat at maging healthy..minsan kasi papayat ka nga pero unhealthy ka parin kaya mas maganda yung magconsult muna sa tunay na nakakaalam..^_^
ReplyDeletenaduling ako---akala ko fitness first ang title...kala ko sineryoso mo usapan natin about fitness first dati.hehe.
ReplyDelete...yoko na sanang comment pagdating sa mga diet posts mo...baka di mo nako i-treat next time kaso diko matiis yung segway
""pero naniniwala ako na mas importante parin ang linis ng puso at maputing budhi at pakikipag kapwa tao.""" me ganun? hehe
@Nobenta
ReplyDeletenatandaan mo pa yung tweet ko akalain mo?
@Bluedreamer
Ang sipag naman mag sulat...
@Olyabut
Actually maganda ang suhistyon mo, hayaan mo't pag iisipan ko yan.
@leng
Hindi masarap kasi ang green tea, lasang dahon ng gumamela kasi.
@Incedent Mind
Ang bastush mo po!
@Mjomesa
OMG, okay kalang koya?! bakit naman?
@Weng
Hehehe di na kelangan hayaan na natin mga ganyan ganyan. Mag papapayat nalang ako para pag uwi mo may abs na ko (GUmaganown??!)
@Keso
ReplyDeleteSwerte ka, sexyness ka kasi hihihi... Tenchu sa pag sabi mong ang kyot kyot ko ahaha
@Ayie
Eto na po gagawin na nga kasi. Alam ko naman na kahit kasing laki pa ko ng Orca love na love mo parin ako... hihihi
@Chikletz
Go sa healthy living chiki chiki! I know I'm gonna throw my sodas on my fridge chaka chips (mayaman?!)
@Anthoyny
Tama kain lang ng kain, walang diet diet ahahha.
hindi ko nakuha yung last statement mo?
@Andy
Hoist andy ang tagal mong nag laho! oo nga kakain na ko ng crakers in between meals kahit na lulungkot ako pag kumakain ako ng crakers LOL
@Reviewer
Ang gaganda ng suhistyon mo. Lika nga dito ng masapok kita
@Dormboy
Oist first time ka dito Sir! Mabuhay ang mga chubby! LOL at oo kelangan talaga natin ng excercise talaga haist! healty living go!
Gudluck sa mga pag takbo mo Sir!
@bulakbulero.sg
Spell Checkerrrrrrrrrrrrrr?!!!!! Ikaw na! Ikaw na!!!!!
@Superjaid
wala kasi me pang consult sa dietician eh LOL
@mymervin
Go go go!
@Pusang kalye
Tama malinis na puso ang kasagutan. Hindi ako nanlilibre noh, wag kang mag imbento che!
sinubukan ko na rin yung mga yan. nakakadepress siya at my goodness, ang sungit sungit ko lang nun. i guess that's what filling your taste buds with bond paper does to you. haha
ReplyDeleteanyway, napagisip isip ko narin recently na magpapayat. lalo na't sarili ko ng nanay ang nagsabing lumalaki na daw ako. ;c kaso i love eating too much. and who wants to add more stress into their lives by limiting what they eat? ewan ko ba. hehehe
@Citybuoy
ReplyDeleteBaket ba kasi ang hirap hirap mag papayat?! nakaka stress kaya mag papayat, ryt?!
Kaya inom nalang tayo! Kampay! LOL
kurek! sabi nga ng trainee kong tandercats.. sheeyaaaat sheeyaaaat sheeyaaaat sheeyaaaat sheeyaaaat sheeyaaaat sheeyaaaat sheeyaaaat sheeyaaaat sheeyaaaat sheeyaaaat sheeyaaaat sheeyaaaat everybody!
ReplyDeletekgaya mo cute din aq..lolz!
ReplyDeletentry q na mg-no rice diet,instead of rice bread lng umaga, tanghali at gabi..feeling ko i deprived myself of some happiness (yes!rice means happiness)..tumagal aq ng 1week..kya lng one time ngbrokedown aq into tears kc inggit me much sa mga kharap q..sla very happy eating rice samantalang aq,tiis sa wlng lasang bread..
meron p nman nxt tym,try nlng ulit..
never say die!
goodluck sa mga kgaya natin cute!=)
wow ang galing....si allen yan ah! ...haha...gala mo ko pag punta ako ng maynila!!! ^^ di na baleng mataba basta kasya pa sa kung san sang upuan! at tama...kyotness first! haha
ReplyDeletedi mo naman po kailangan eliminate ung kanin :) um, try nyo po, 1 glass of water before you eat. tapos 1 cup of rice lng per meal. tpos as much as possible, may veggies ang ulam. tapos di nyo naman po kailangan sumali agad sa fun run. mag jogging lang po muna kayo :) mga 30 mins a day. everyday. or less. bsta ang importante may exercise :) don't expect fast results. it comes with time :) eventually masasanay din ang katawan mo. bibilis metabolism mo. mararamdaman mo nalang namamayat ka na :) bsta don't lose sight of your goals. maabot mo din po yan :)) goodluck!
ReplyDelete