Tuesday, June 1, 2010

Blogger of the Month- June Edition

Hindi na ako mag bibigay ng che-che bureche pa, ang entry ko ngayon ay ang pagbibigay ko ng parangal sa isang author ng blog sa kadahilanang nakuha nya ang kiliti ko sa kanyang mga panulat at talagang na pa "Whoa!" ako sa kanyang stilo ng pag write, you know what I mean.

Ang pag bibigay ko ng award ay isang symbolo lamang ng appreciation at pasasalamat dahil kahit walang sweldo eh tulad ko, sulat parin sila ng sulat. Ang pag pili sa awardee ay hindi naman kinakailangang puro humor blogs ang sulatin, nag kakataon lang na ito ang aking hilig basahin, siguro hindi naman kasi ako masyadong katalinuhan para mag basa ng mga blogs tungkol sa pag imbento ng HIV cure or mga blogs na nag papaka grammar police or na kikipag debate kung sino ang dapat na maging Presidente ng Pilipinas. Isa lang po akong simpleng tao nag hahanap ng ika re-relax sa mundo ng sapot.

Okay ang dami ko pang che che bureche kala ko straight to the point na. Ang napili kong blogger of the month of June ay nag mula sa planeta ng pluto. Feeling ko long lost brader ko sya kasi pareho daw kaming mataba pero payat na daw sya ngayon ayon sa kanyang recent entry. Hindi ko lang alam kung sino ang mas pogi samin kasi hindi ko ma istalk ang picture nya. LOL

Nainggit nga pala me much kasi meron silang picture ni chiksilog eto yun (hindi ka pa ba humahanga sa pagiging stalker ko?!)



Presenting the June blogger of the Month...

[Insert bonggang drum rolls here]

Ferbert Bautista of Kokey Monster dot com! Yez isa po syang sikat na blogger. Sanay na sya sa mga ganitong award. Mas bigtime pa nga ang mga awards na nakukuha nya. Isang dirt lang ang aking parangal.

Ang isa sa favorite kong article na sinulat nya ay matagal ko ng nabasa siguro mga one year ago na. Hindi ko alam na sya pala ang sumulat 'nun, hongoleng-goleng ng pag kakasulat. Inggit me much. Ito yung link.

Congratulations Ferbert! Ito na marahil ang pinaka prestigious award mo. Walang trophy. Walang cash. Walang HTML at PHP shit. Ang tanging ma ibibigay ko lang ay isang mahigpit na bro hug.

Nga pala muntik ko ng madefy ang aking rule sa blogger of the month. Ang sabi ko diba hindi ako mag feature ng blogger na walang totoong picture. 'yun kasi ang rule number one ko. Buti nalang magaling me mag stalk much.

Eto si Kokey Monster.

Lagi ko nga rin palang kinikowt ang "about me" ng mga favorite blogger ko kasi feeling ko nagiging mas close ako sa kanila pag binabasa ko ang kanilang paunang salita. Eto ang kay Kokey Monster

"Bininyagan sa pangalang John Michael F. D. mula sa bida ng 1980’s tv series na Airwolf. Pinanganak at lumaki sa probinsya sa bandang hilaga sa araw mismo na kung saan pinili si George Herber Walker Bush bilang representative ng Republican Party na kalaunan ay naging presidente ng America, sinisisi ang kanyang mga gamot sa asthma sa kanyang katabaan. Tahimik na nilalang na mahilig mag-isip at magmuni muni.

Kung si Rizal ay mayroong Dimasalang at Laong-Laan, Si Francisco Baltazar ay may Balagtas habang si Rene Requiestas ay may Chitae si Michael o Efbee (kung tawagin sya ng kanyan online friends) ay may nom de plume na FerBert Bautista. Isang katauhan na sobrang opposite sa kanya pero hindi naman gaano.

Panget ang kanyang penmanship kaya sa pag-aakalang mapapabuti ang kanyang sulat kamay kung lagi syang magsusulat ay nagsulat ito ng nagsulat simula sa formal theme writing nya sa elementarya na madalas na topic ay “WHO AM I?” subalit napatunayan lamang nito na hindi ka makakakuha ng perfection sa pagpaprapraktis lamang.

Mahilig mangarap at madalas tawaging ambisyoso. Ugali na rin nyang matulog sa jeepney kaya naman madalas itong lumagpas sa kanyang destinasyon. Nakikipagpatintero sa kalye, kumakain ng fishball sa lansangan sa awa ng Dyos eh hindi pa naman sya nagkakasakit dahil dito, ayaw kumain ng talong, paborito ang okra at saluyot, mahilig kumain chocolates pati choc nut ay hindi pinapatos.

Lumaki sa musika ng Eraserheads at tinuturing na santo si Ely Buendia. Madalas kumanta pag naglalaba, nagluluto, pag naliligo pati sa pagtulog ay kumakanta rin ito. Pangarap nyang maging rockstar na kung saan lahat ng mga dilag ay magkikipagpatayan para lamang makipagsex sa kanya.

May masteral degree sa Failure at kakambal ng hari ng sablay. Naniniwala syang ang tunay na talino ng tao ay hindi nasusukat sa mga papel na nasayang at tinta na natapon sa pag-aaral kundi sa pamamagitan ng abilidad ng taong humarap at makibaka sa hirap ng buhay. Mahiyain, Maingay kung minsan, Mabuting kaibigan, Masamang kaaway, Dating pride ng Family hanggang maging Black Sheep.

Gusto nyang isipin sya si Po Panda(bida sa animated flick na Kung Fu Panda). Clumsy, Fat and Whatever. Mukhang walang direkyon sa buhay pero destiny nya ang maging awesome Dragon Master.
"


30 comments:

  1. Congratulations to him! Makadalaw nga din doon sa knya hehehe...

    ReplyDelete
  2. Grabe ka panay ang pasaring mo sa akin hayop ka!

    Tambay rin ako ng blog na yan noon pero there's this one time na nawala na lang sya bigla at nagpalit ng URL at hindi na ako nakasunod...

    ReplyDelete
  3. Hay, kelan kaya ako...

    hahahahaha

    biro lang.

    ReplyDelete
  4. ako nga lagi akong nagpapapansin, hindi pa din mai-feature. tse! hahahahaha!

    ReplyDelete
  5. ka-multiply ko yan! Ü

    ReplyDelete
  6. @Jag

    Sige dalawan mo and hopefully ma enjoy mo rin :-D Cool talaga ang blog nya...

    @Glentot

    Ano nanaman?! Ang axis ng solar system ang nag rerevolve sa araw hindi sayo Putakels ka!

    Oo nung nawala yung URL nya doon ko nakita yung 4 and 1/2 entry nya through chicksilog eh tuwang tuwa ako dun tapos lately ko lang nalaman sya pala sumulat 'nun. Clap Clap Clap!

    @Gillboard

    Wait lang lang, nasa checklist ka! :-D

    ReplyDelete
  7. @Caloy

    More more sulat ka kaya muna! SUs! LOL hayaan mo mag back read ako ng makeso mong blog hihihi

    @Chyng

    Ah talaga, sayang 'di ko nakita. naka stalk pa sana ako ng mga pictures na lantad face :-D

    ReplyDelete
  8. bumalik na sa wordpress si micko...at bakit micko? ahahahhaa...

    i love him. hes my bitch.ahahaha..pakyo efbe...dahil june blogger for the sex slave month ka...weee!!

    He is really a great blogger. ang lalim kung minsan, may senses kung magsulat. yung pinag isipan talaga.

    PS: Efbe purihin mo naman ako. ahahah..o di kaya libre mo nalang ako ng redhorse. wink wink bitch.

    ReplyDelete
  9. @Maldito

    lahat nalang ng magagaling na blogger friend mo! CHe!

    Buti nalang we're friends bwahihihi

    ReplyDelete
  10. hindi pa ako blogger e nababasa ko na ang kokey monster na yan. =)

    ReplyDelete
  11. Friend ko 'yan! Haha. Naalala ko, si efBee ang isa sa mga kauna-unahang blogger na nagko-comment sa blog ko nung nagsisimula pa lang ako sa blogging a few years back. Marami din akong nakilalang ibang bloggers thru him.

    Nababasa mo ba 'yung dati niyang blog before Kokeymonster?

    ReplyDelete
  12. @Paps

    So alamat na pala talaga itong si Brader kasi kilala na sya ng mga katulad nyong magagaling na blogger?!

    @Gasdude

    Hindi ko na matandaan, parang kokey monster nalang ata yung inabutan ko. Yung entry nya na 4 and 1/2 nabasa ko na noon tapos nagulat ako nung pinost nya sya pala yun. Tapos nag cocomment narin sya sa entry ko. Ang saya! LOL

    Tropa mo pala to. Pano nyan pag uwi mo grand EB na! :-D

    ReplyDelete
  13. Wehehehhehehe buti na lang pwendz kami! hehehehhehehe... naku naku maaadik naman siguro lahat ng magbabasa sa mga gawa niya... at isa nga siyang adik! ahahahahhahahahahha... congratuleyshens sa iyo FerBert! hehehehhehehehe

    ReplyDelete
  14. wow congrats!!! hehe hmmm... funny picture sa top!!! :)

    ReplyDelete
  15. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Napaka-overwhelming naman neto. I'm so touch like bonggang bonggang tinigasan ang alaga ko.

    MARAMING SALAMAT JEPOY! Mabuhay ang mga poging tulad natin! :D

    ReplyDelete
  16. Popoy Inosentes6/2/10, 7:57 AM

    si EFBEE ang unang blogger na nameet ko in person. nung time na emo emo pa yang batang yan.

    walang kasing kulit pero sweet naman iyang batang iyan. namemess ko na nga iyan.

    congrats sayo FB!!! :)

    ReplyDelete
  17. binabasa ko din yung blog ni Kokeymonster. hehe.

    sana minsan mafeature din ako dito ni jepoy.

    ReplyDelete
  18. noong araw pa lng nababsa ko na yan!aliw :D

    ReplyDelete
  19. wahahaha!!! sana ko din... lolz!

    ReplyDelete
  20. @jepoy da gwapo,
    "sana ako na lang, sana ako na lang ulit.."--- Basya

    (paramdam/bitter mode)lols


    @FB,
    ikaw na!!! congrats!

    ReplyDelete
  21. Congratulation to FerBert! =)

    ReplyDelete
  22. binabasa ko na siya ngayon....

    pero parang napadaan na ako dati sa blog niya

    ReplyDelete
  23. hehehe, jejemon actions yun ah.. hehehehehehe

    ReplyDelete
  24. @Xprosaic

    Hoy nawala ka kanina. Amps!

    @Ailee

    Thanks for the comment.

    @Ferbert

    Bro hug! Wag ka na ma overwhelmed, plastic ampotah! LOL

    Mabuhay nga ang mga poging katulad natin bwahihihihi

    ReplyDelete
  25. @Popoy Inosentes

    BUti ka pa na meet mo na si EfBee, so kamusta ang brokebackan nyo?! LOL

    Na memess ka narin daw nya, pinapasabi nga pala nya potangina mo daw. LOL

    Tenchu!

    @Bulakbulero.sg

    Mafeature kita kung makikita ko ang picture mo, sabi ko nga rule number one dapat merong picture na maayos. Hindi ung super layo na nakatingin sa dagat LOL

    @Missguided

    Uu nakakaaliw nga talaga

    @Mervin

    Sige we'll see...

    ReplyDelete
  26. @Incdecent mind

    Ampalaya?! Hindi ko kasi ma stalk ang pictures mo, masyadong right protected... Rule number 1 ko ay kelangan ng picture na totong buhay. hihihi

    @Stone Cold Angel

    Tenchu!

    @NoBenta

    Oo tsong daan ka lang sa kuta nya.

    @Tim

    Alen ang jejemon?

    ReplyDelete
  27. what? nagrerevolve ang solar system sa araw?

    all the while i thought it revolved around me....

    hindi na ako lalabas ng bahay.... ever....

    ReplyDelete
  28. yes naman! nice choice!
    hakhak!

    si kuya efbee eh talaga namang idol na idol ko yan.
    kahit medyo bastusin may punto! hahaha!

    noong dotcom pala siya eh follower na niya ako. hakhak!

    eh sa pumayat na nga siya. hahaha!

    ikaw na lang! ikaw na lang! halaaaaaaaaaa!

    wahahaha!

    ReplyDelete
  29. kelan kaya ako mepipityur sa blog ng gwapong si kuya jepoy? ubo ubo ubo! hahahaha!

    hindi lang siya gwapo ano rin cute rin si kuya jepoy ubo ubo ubo!
    hahahaha!

    joke lang!

    ReplyDelete
  30. @YJ

    LOL

    @Eloiski

    Tama ka hindi lang me gwapo cute pa bnwahihihi..

    tenchu! Hayaan mo baka maging blogger of the month ka sa susunod na mga bwan bwahihihi

    ReplyDelete