Feeling ko naging fruitful ang weekends ko, infact sa sobrang fruitful until now wala pa rin akong tulog, putangina!
Hindi ako umuwi ng probinsya dahil biglang humingi si Mudrax ng pambayad ng kuryente at pambayad ng katulong at sinabayan din ng text ng tita ko na bilhan ko daw sya ng one month supply ng maintenance ng kanyang presyon sa dugo. Ewan ko ba baket bigla nalang nag panting ang tenga ko eh regular ko naman 'yun ginagawa at higit sa lahat ako ang nag offer 'nun sa kanila. Kabilin-bilinan ko kasi na dapat before sweldo nila sabihin kung meron silang kailangan para ma ibudget ko ito dahil hindi naman ako sumusuka ng pera kung kelan ko gusto. Hindi ako nag pasabi ni ha ni ho wala akong sinabi sa txt basta hindi nalang ako umuwi, fathers day pa naman nasira tuloy ang plano ko.
Nag kataon lang na ang dami kong iniisip at talagang pre occupied ang aking puso at isipan kaya siguro nag panting 'yung tenga ko. kesa naman sumagot ako na, "Ma ayoko, wala akong pera" eh, hindi nalang ako sumagot at nag pakita. I'm sure nag alala sila pero may idea na sila baket ako hindi umuwi.
May mga pag kakataon na gusto kong tumakas sa responsibilidad at mamundok nalang muna pansamantala para mag soul searching. Alam kong napakaliit lang ng nakaatang sa'kin kumpara sa mga anak na bread winner at taas kamay ko talaga sa kanila. Pero tao lang ako, sorry naman at minsan umiiksi ang pisi ko at nagiging honest lang ako. Kailangan ko rin namang mag save para sa kinabukasan ko at nang magiging pamilya ko, hindi naman masama 'yun diba? Okay fine magastos ako pero ginagawa ko lang naman kung ano 'yung hindi ko naranasan noon at hindi ko jinustify ang sarili ko para itama ang pananaw ko. Parehas na kumikita ang aking Mudrax at Pudrax hindi kalakihan pero meron at kahit papaano more than enough naman ito, nakaka tampo lang naman kasi simple lang ang instruction ko sabihin ito on or before ng sweldo. Ano bang ikinagagalit ko? Ang ikinagagalit ko ay nakukunsenya ako. Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa! Hindi ko sila kayang tiisin specially pag kaka pabook mo palang ng flight para mamasyal abroad at sa simpleng pambayad ng kuryete at gamot eh hindi mo magawang iabot sa kanila?! Putangina! Kunsensya much!!!!!
Hawak-hawak ko ang polo na binili ko kay Papi para sa fathers day at mangiyak-ngiyak ako sa guilt! I hate my life! Oo ako na ang pinaka masamang anak sa buong mundo!
Tao lang sorry naman!
Ang dami ko pa sanang kwento pero I need space. It's not you, it's me. Ako naman may gusto neto diba? Pero baket ang sakit sakit?
1o seconds nalang...Promise 10 seconds nalang...10..9..8..7..6..5..4..3..2..
Kthanksbye!
Putah ka.
ReplyDeletejepoy, dont worry. hindi naman porket hindi mo naibigay yang gift na polo sa tatay mo kahapon o sa araw mismo ng mga tatay eh magiging masama ka ng anak. ang importante dun eh naalala mo sya at ipinagmamalaki mong tatay mo sya at mahal na mahal mo sya. for sure proud ang tatay mo sayo. wag ka ng malungkot dyan. alam ko at alam mo sa sarili mo na maiintindihan ka nila. hindi ka naman siguro nagkukulang.
ReplyDeletetama na emote ha? smile. :)
ganyan talaga pag ulirang anak. bigay ang layaw ng magulang ehhehe
ReplyDeleteemo much. ganyan din ako minsan sa ermats at erpats ko. nakakaasar talaga 'yung walang pasabi!
ReplyDeletepopoy kaw ba yan? sa one more chance yung may 10 seconds na lang diba? tama nga ba? ^_^
ReplyDeleteHindi ka masamang anak kuya poy, hindi lang tayo perfect sa lahat ng bagay at minsan kahit gustuhin natin ibigay yung isang bagay hindi natin nagagawa kasi wala na talaga magawa. I'm sure kung meron ka magbibigay ka diba? So wag na you iyak. smile ^_^
Jepoy, its never too late para i celebrate pa ang father's day. the best gift is ung realization na nakunsyensya ka (hehe) ung polo for your dad waging wagi as gift mo. have the effort na ibigay yan, okies? in that way, ung pina book mo na trip abroad mas ma-eenjoy muna diba? list down din mga pasalubong sa kanila, isama mo na rin ung shoes ng kapatid mo as pasalubong ha?
ReplyDeletedumadaan tayong lahat sa ganyang point na tila naubos kaagad ang pasensya at biglang nag-snap. Atleast di ka nakapagbitiw ng mga salitang makakasakit ng damdamin.
ReplyDeleteminsan sa buhay natin akala natin hindi tayo naging mabuti, pero sa totoo lang marami na tayong nagawang kabutihan para sa iba. minsan kailangan din natin ng para sa atin hindi palaging para sa kanila. ano ba ang rason bat ka nag tatrabaho? para ba sa kinabukasan kanila o para ba sa kinabukasan mo? kung para sa pareho dapat pantay pantay hindi puro iyo hindi puro sa kanila
ReplyDeleteNapamura ako sa katatawa. hahahah!
ReplyDeleteJeps, true, masakit yan. Kse nga diba, kahit gusto mong sabihin sa sarili mo "I deserve this, I'm working hard, I deserve this"..parang hindi pa rin.
Sa ganito tayo pinalaki eh, eto ang moral na nakamulatan natin.
Ngayon ang pagpili na lang ng kung ano ang mali sa tama, napakahirap pang pagdesisyunan kahit na wala ka namang intensyong masama.
Goodluck!
ipa-cancel mo na lang yung flight mo para di kayo maputulan ng kuryente. hahahaha!
ReplyDeletepero seryoso, hindi mo naman kailangan obligahin ang sarili mo sa mga ganung bagay. eh syempre, may sarili ka ng buhay. dapat nag-iipon ka na sa future mo. oks lang yung bigyan mo sila ng pakonti-konti. kahit pang-yosi ng erpats mo oks na. hahaha!
pacomment ulit, kc ganyan din ako paminsan..nkakaguilty nga lalo na ang layo ko sa kanila :(
ReplyDeleteatuntil now hinde ko pa din alam i-deal un kaya GO! bigay nlng :(
ganun kasi talaga minsan pag nakadepende ng onti ang parents natin sa atin. ewan ko nga ba. pilipino talaga o. haha! eto na naman ako sa rason na "ganun talaga ang pinoy".
ReplyDeleteganyan din ako minsan. pag may gusto akong bilin di ko mabili kasi magguilty ako pag ndi ko sila nabigyan ng pera.. hayyyyst!
thats life... easy lang jep jep... :)
ReplyDeletewoah akala ko ako lang ang nagkakaramdam ng ganito.. well hinde ko rin naman sila matiis kaya bigay din pero minsan gusto ko rin tumakas sa responsibilidad ko pero di ko kaya! haha
ReplyDeletebigla akong nakarelate. as in relate na relate!
ReplyDeleteWaaaaaah!
sa tingin mo after two years ganito pa rin tayo? 3 ,4 5, 6 forever and ever..hahaha
ReplyDeletewag emo.. mahal k nila
naka-relate ako nang husto dito kasi breadwinner ako---dati. ngyn, unti nalang kasi unti unti na tumitigas pusop ko kasi me mga pangangailangan din naman ako diba. kaya alam ko yung pakiramdam ng ganyan--pero yun, maswerte ka parin much kumpara sa iba. kaya tama na ang emote. di mo bagay.lol
ReplyDeleteawww....so sad naman na hindi natuloy ung plan mo...anyway...don't feel so guilty na po kasi i'm sure they will understand......no matter what happens, magbigay ka man o hindi, they will be there for you......cheer up! you're one of the lucky ones!
ReplyDeletenaiintindihan kita parekoy. minsan, pakiramdam ko sobrang bigat ng hinihingi sa akin ng pamilya ko. nakakatakot, baka hindi ko kayang ibigay ang gusto nila. magpakatatag tayo idol :P
ReplyDelete@Glentot
ReplyDeletePutah ka rin! LOL
@Popoy inosentes
Oist na tats ako sa message mo kahit ilang beses ka nang nangindian ng EB lolz. Salamat pre isa kang tunay na kaibigan hindi tulad ng iba dyan parinig sa unang nag comment. brohug for you!
@Chingoy
Haist kuya chingoy ganun ba talaga yun?! haist
@NoBenta
Hindi na nga emo much tsong, slight nalang. Oo nakakaasar talaga pag ganun, pero ganun siguro pag tumatanda kulang sa centrum.
@Darklady
ReplyDeleteTalagang na alala mo pa ang mga quotes sa favorite pinoy movie at all time ko ha hihihi
Onga tama ka hindi talaga tayo perfect at minsan mahirap mag palaki ng magulang LOL. True True salamat dark landy! God Bless you
@Yamie
Uy salamat sa comment ha, yeah I know it's not too late pro'lly I'll celebrate it next week for my papi/ Uu na kunsyensya me watch. I appreciate your two cents. Ingats kaw Yamie salamat sa pag comment.
@Khantotantra
Pre kumukument ka na ah! Apir! Tama ka mahirap mag bitiw ng salita na sa huli pag sisisihan natin kasi tatak yun sa isip ng mga mahal natin sa buhay same way as to how we treat someone very close to us like friends, right. Nice comment.
@Paps
Is that really you?! Na appreciate ko comment mo sobra. You made your point. Tenks pare koy kampay!
@Ayie
ReplyDeleteI feel you. Haist buti nalang tawa you bwahihihi. Tama ka sa ganitong kaisipan tayo pinalaki at i guess, normal lang talaga ang gantong feeling
@Caloy
Ayoko ko nga macancel ang flight, like duhr! Sila ang mag bayad ng kuryenta mga de puta! JOKKKKKKKKKE!!! Tama ka dapat pakonti konti lang hihihi
@Aika
Thanks sa comment mo ha, baket wala kang link sayang naman. Haist bigay nalang ng bigay tama ka
@Chickletz
Yan nanaman ang mga pinoy pinoy mentality mo ha! LOL pero i think ganun naman tayo sadyang mapag mahal sa magulang and we really do value them a lot kahit pa mahirapan tayo makatulong lang.
@MarcoPaolo
ReplyDeleteI will brader tenchu!
@Buhayprinsesa
Tama ka hindi ka nag iisa dalawa tayo. hihihi minsan siguro kelangan lang natin ng break from these responsibilities you know ganun talaga.
@Oliver
At paano ka nanaman naka relate? Skip read much? LOL
@Kikilabotz
Nakikilitanya karin ng one more chance dyan ah! Mahal ko rin sila bow!
@Pusangkalye
ReplyDeleteHaist yan lang ang masasabi ko hihihi. Salamat sa kumento Parekoy
@Weng
I know! Chat tayo later ulet kasi tinulugan mo me eh lol
@Nightcrawler
Thanks for understsanding and yeah kelangan nating magpakatatag at magkaroon ng more more understanding to our loveones hihihi
sinabi mo pa jepoy....nakakatanggal talaga ng ulirat ang ganyan eksena..na bigla nalang tatawag at kailangan ang pera ora mismo. duh? Ano ako land bank of the philippines? hindi naman ako nagmimina ng piso sa coldillera region.
ReplyDeletepero kahit anong galit natin, hindi parin natin magagawang magalit sa kanila. Pamilya natin eh. bibigay at bibigay parin tayu.
suutin mo nalang ang polo.ahhaha...
ako gusto ko ring bumili ng polo para kay tatay, eh kaninao ko naman ibibigay eh 15 years nang patay yun.ahahhah
ulirang anak. ambait! pa-hug nga! Ü
ReplyDeletenararamdaman ko ang appraisal mo- palong palo!
@Maldito
ReplyDeleteEksakto pre nakuha mo!!! Sakin mo nalang bigay ung polo na dapat bibigay mo sa erpats mo kaso lang pakipalitang size na medium. Fine xl pala LOL
@Chyng
*hugs* Sana nga at mag dilang anghel ka LOL
bilib ako sayo kasi nakakapag bigay ka kahit papaano sa pamilya mo... ako, kahit gustuhin ko hindi ko pa kaya, sakto lang sa akin ang kinikita ko, minsan nga kulang pa at ako pa ang humihingi sa kanila... saludo ako sayo...
ReplyDeletemasama ang ugali ko...lols
ReplyDeletesabihin mo nagdate ka ng mga chikabebe...
kinulang ka sa budget:))
next month nalang..hehe
(tinuturuan pa kitang magsinungaling eh:D ) hehe.peace:D
@Mervin
ReplyDeleteganun ba, dibale next time makaka bigay karin
@Kosa
aba nabuhay ka!Wala ngang pandate eh penge nga dollars at gummy worms...
oo, ang SAMA-SAMA mong anak!
ReplyDeleteLOLs!
@Donato
ReplyDeleteThank you ha! Aba nag paramdam ulet hihihihi
waaaah, minsan gusto ko na din takasan ang pambayad ng kuryente namen. sobrang nakaka-relate ako lalo na tungkol sa pera. hehe.
ReplyDeletepwede mo naman ibigay ang binili mong polo sa Dad mo kahit di Father's Day : )
@Ahmer
ReplyDeleteYeah I can still give the polo to my papi, kampay tayo sa pag takas ng responsibility at some point bwahihihi
medyo late na ang comment ko, now lang kasi ako nagbasa. ganyan din ang pakiramdam ko kadalasan, lalo na sa usaping pera. muka ka namang mabuting anak eh, mas mabait ka pa nga sa akin sa palagay ko. hindi ka naman makakaramdam ng guilt kung wala ka talagang pakialam sa kanila. hindi ko masasabi na ok lang ang magkamali (mali nga eh, kaya hindi ok), pero sigurado ako...ang importante ay alam mo ang nagawa mong mali, at gagawa ka ng paraan para bumawi. XD
ReplyDelete