Sunday, June 13, 2010

Father's Day Entry...

Ang dami kong kwento today na nag uumapaw ng kahindik-hindik at kapana-panabik na impormasyon, mapapa-backlift ka ng three times na may kasunod na hand spring at cartwheel tapos egg roll bilang finishing move at syempre meron din akong kwento tungkol sa isang bagong silang na Cafeteria na sisira ng career ng Starbucks, Coffee bean, Dencio's, Italianis at TGI Friday's dahil sa Sobrang Sarap ng mga pag kain at inumin doon, promise! ang pangalan nya ay Kaffe Razzo. Baket Kaffe Razzo? Well abangan mo sa susunod na post ko dahil meron syang special entry sa Pluma ni Jepoy hindi pa nakaka pag down payment ang may ari kasi (Peace kuya Edsel). Alabet!



Tungkol naman sa isang kwento ko tugkol sa aming lasingan session with few blogger friends at ang mga impormasyon tungkol sa mga usaping idinulot ng espirito ng Alcohol eh next time nalang, Sapagkat ang totoong dahilan ng daglian kong pag susulat (whew! lalim ng tagalog ko) ay dahil po Father's day na.

Mga echuserong Talakitok! Hindi nyo manlang binati mga erpats nyo ng happy father's day (diba glentot). Lapastangan! Nag txt na me kay Papi pero gagawa ako ng letter kasi marunong na mag internet si Papi umiemail na rin ngayon kasi 'yun. So share ko lang ang aking father's day letter to my one and only Papa.


Dear Papi,

Papa paano ba nyan sernior citizen ka na?! Mga two years nalang siguro nakabaston ka na! Wag kang mag alala bibili kita ng wheel chair at iiwan kita sa home for the aged pag pahirap ka na samin. Joke lang po! Happy Father's day Papa. Ayokong mag pasalamat sa lahat kasi responsibility mo namang palamunin me tsaka paaralin, duhr! Pero Gusto kong mag thank you talaga sa'yo. Binili kita ng Tatlong T-Shirt na may nakalagay na " Best Dad in Town". Kahit mumurahin lang yun Papi I mean that so many much. Syempre siningitan ko narin 'yung dalawang libo para naman mag date kayo ni Mudrax sa Max next week pwede na 'yun ha, tight budget me eh! Soot mo yung Polo mo ha wag y'ung pang senior citizen na hawaian shirt mo nakakaalis ng gwapo.

Salamat Papi sa pag hatid mo sa'min sa school parati 'nung elementary kahit naka bisekleta tayo habang ang mga classmates namin ay naka Pajero eh masaya naman tayo. Kasi bonding natin y'un ni Bunso. Tinatakas mo pa ang ice cream namin kasi ayaw ni Mama unhealty daw pero ikaw napaka cool mo. Papi thanks kasi kahit alam mong nandekwat ako ng matrikula one time eh na intindihan mo na paminsan-minsan kelangan ko ng perang pang motel diba?! extra cash baga, ganun naman pag college diba maraming extra curricular, Nakakahiya naman kasi sa mga boardmates ko kung papaalisin ko sila sa kwarto para lang dun. Cool ka talaga! 'Pa thank you kasi noong nag kabagsag ako tapos ayaw kong umuwi lumuwas ka pa ng Maynila sabi mo, OK lang y'un at pag nag ka bagsak pa 'ko ulet hindi mo na ako papaaralin. Nakaka pressure much y'un. Tapos 'nung nag kabagsak ako ulet hindi mo naman ako pina stop, joke time mo lang pala y'un putakels ka!

Papi salamat sa pagiging good example mo. Alam mo lagi kitang pinag mamalaki kahit kanino. Sus kung alam mo lang kaya kong makipag basagan ng bungo kahit kanino pag inaapi ang pamilya natin. Papi salamat sa pag check mo ng kotse ko parati at pag car wash sa kanya, ang kintab kintab nakaka dagdag pogi points sakin kahit hindi ako masyadong macho.

Papi alam mo hindi ito ma tatapos kung sasabihin ko lahat ng good qualities mo bilang Padre de pamilya. You did a great job. Salamat din kasi kahit hindi ako naging Pilot at naging basketball Varsity tulad mo eh Okay lang sayo. Alam kong wala ako sa kinalahati ng hotness mo 'nung nasa ganitong age ka pero you never failed to let me feel good.

Papi I would like to tell you that I love you so much. Hindi ako nahihiya na ikaw ang nag sabit ng mga medals ko. Hindi ako na hihiya na ikaw ang kasama ko na umakyat ng stage noong nag graduate ako ng College kahit wala tayong pambili ng pangkulay ng buhok mo 'nun, puru puti na kasi. Dibale hindi ka naman kalbo so steady ka lang mas pogi ka sa tatay ng classmate kong panot. Salamat sa iyo Papi see you next week, pasensya ka na at hindi ako umuwi kasi tinatamad po me. I love you Papa you will always be part of my success!

Happy Father's day!

Love,

Jepoy

32 comments:

  1. Maligayang bati ng advance happy father's day sa iyong Papi! (sa a-bente yata ang pagdiriwang, sakto sa pag-uwi mo sa inyo. Dobol celeb sa bertdey ni Lolo Pepe hehehe) Tiyak ipinagmamalaki ka ng iyong mga magulang dahil ikaw ay big-hearted at busilak ang puso much! Inuman na!!!

    ReplyDelete
  2. @Taribong

    Ay next week ba ba? Na excite kasi me much kala ko toda yung fathers day, sayang sa effort na advance tuloy.

    Salamat sa pag koment po. Tama ka busilak talaga ng puso ko si Glentot hindi maitim budhi nya. Tenk you beri many. Bow

    ReplyDelete
  3. Haha next sunday pa ang father's day :) advance to your pops! Sana sa sunod kasama na kami jan :)

    ReplyDelete
  4. @Ms Roanne

    Honga na advance na excite ako at nataranta kasi hapon ko lang naalala na fathers day na kaya dali dali akong pumunta ng mall para bumili ng tshirt sa erpats ko. Hindi pa pala fathers day nakaka pressure yung decorations sa mall puro fathers day eh LOL

    Atleast na advance ko na, Syempre next time kasama na kayo sa Kaffe Razzo hihihi

    ReplyDelete
  5. for the best dad in town....rakenrol! \m/

    ReplyDelete
  6. napaka ideal naman ni papi mo hehehehe
    dahil jan nainspire din akong gumawa ng post para sa tatay ko kahit hindi naman siya ume-email
    btw nice post :) nakaka ismayl haha :D.

    ReplyDelete
  7. Haha next sunday pa ang father's day :) advance to your pops! Sana sa sunod kasama na kami jan :)

    ReplyDelete
  8. hehe next week pa pala, kinabahan din ako kasi akala ko nakalimutan ko i-greet ang tatay ko hehe.....kakatouch naman tong tribute mo sa tatay mo lalo na sa part na:
    'Pa thank you kasi noong nag kabagsag ako tapos ayaw kong umuwi lumuwas ka pa ng Maynila sabi mo, OK lang y'un at pag nag ka bagsak pa 'ko ulet hindi mo na ako papaaralin. Nakaka pressure much y'un. Tapos 'nung nag kabagsak ako ulet hindi mo naman ako pina stop, joke time mo lang pala y'un putakels ka!
    murahin ba ang sariling ama? hehe.....seriously, it's nice to see how a grown man can express his emotions esp. that of love, to his father.........

    ReplyDelete
  9. happy father's day sa lahat ng tatay sa blogosphere

    ReplyDelete
  10. emo much na yung bandang dulo. hahaha! which reminds me, kahit isumpa ko ng sampung beses yun sa ilalim ng makiling, erpat ko pa rin yun. hahaha! nice! ikaw na! blog on! hahahaha!

    ReplyDelete
  11. napakaganda naman ng liham mo para sa iyong ama. napakahusay ng istraktura!

    pero diba sa susunod pa na linggo ang araw ng mga ama? hehe

    ReplyDelete
  12. father's day ngayon? fuck that shit!

    HINDI KO ALAM! WALA AKONG ALAM! Ako si Val, si Val, si Val, puro na lang ako si Val! Si Val na walang malay. Ako na ang tanging kasalanan lamang ay makipagkantutan sa araw ng mga ama. WHUTT?

    pengeng kwento, sabi mo dun sa intro mo madami kang kwento. penge ako kahit isa, magkaroon lang ng update yung blog ko. hahaha

    ReplyDelete
  13. ndi ka excited mashado? haha! pero impeyrnes mukhang cool nga ang dad mo. sakin masungit eh. hmpf!

    ReplyDelete
  14. Wow! pareho pala tayong bumabati ng advance... hehehhehehehehe... ang kaibahan lang kasi di na ako makakauwi next weekend... kamusta naman ang budget diba?! hehehhehehehehhe... pero eto inuubos pa rin ang lahat ng sweldo ko para lang itreat sila ng mom ko... father's day pero lagi na lang parent's day...hehehehhehehe...

    ReplyDelete
  15. Syet! ang haba haba ng comment ko di ko man lang naisingit ang pagbati sa papi mo... happy father's day sa kanya! hehehehhehehehe

    ReplyDelete
  16. Sa june20 na ako mag comment pre, lolzz

    ADVANCE Happy Father's Day sa iyong Papi :-)

    ReplyDelete
  17. poy, salamat sa pagpunta nyo... :)

    at hapi dadi's day sa iyong butihing ama. at syempre sa mga dadis sa blogging world... :)

    ReplyDelete
  18. a--fathers day entry palang pala to pero me patikim na..ang galing talagang sumegway.so--ikaw na ang mabilis mag-blog.kasi wala pa kaming entry.haha.....

    ReplyDelete
  19. tama nga---few minutes palang---17 na ang comments. ikaw na ang maraming followers...lol

    ReplyDelete
  20. sa linggo pa ang father's day. dun pako gagawa ng entry. anyway, dahil nauna ka na, Happy Father's Day sa erpats mo!

    ReplyDelete
  21. Advance Happy Father's day to all the dad's you know...

    ReplyDelete
  22. wow.
    ibang klaseng Jepoy!
    hahaha. congrats sayo at sa tatay mo!
    bkit? wala lang..lols

    teka, asan na ang picture greeting para sa bday ko galing sa pinakapoging blogger?

    ReplyDelete
  23. happy father's day sa lahat ng papa...

    lalong lalo na sa mga papakels ko na mga hayup ayaw pa magsipag graduate eh hirap na hirap na ako hihihihihihi

    at sino ang pinatatamaan mong kalbo?

    glenn oh!

    ReplyDelete
  24. di ko alam kung inaasar mo lang ba tatay mo o ano sa letter.haha!

    ReplyDelete
  25. naguguluhan na talaga ako idol. kailan ba talaga ang father's day? umuwi pa ako sa amin at hinnalikan sa pisngi ang tito ko sabay bati ng happy father's day tapos sabi sa akin eh next week pa. sabi ko na lang advance kasi wala ako next week. haha. para hindi mapahiya. at bakit naman ganyan ang sulat mo para kay papi, parang nangaasar na nanglalambing. haha. ayos idol :P

    ReplyDelete
  26. pareho tayong advance sa pagbati sa father's day.hehehe kala ko nga kahapon yun.anyway ok na din yung advance mas nakaka touch yun.hihihihi. ^_^


    Advance Happy Father's Day sa iyong Papi.


    Naiinggit me sa inyong pagpunta sa Kaffe Razzo kasama ng ibang blogger.Ang saya naman nun!!

    ReplyDelete
  27. pareho tayong advance sa pagbati sa father's day.hehehe kala ko nga kahapon yun.anyway ok na din yung advance mas nakaka touch yun.hihihihi. ^_^


    Advance Happy Father's Day sa iyong Papi.


    Naiinggit me sa inyong pagpunta sa Kaffe Razzo kasama ng ibang blogger.Ang saya naman nun!!

    ReplyDelete
  28. Advanced Happy Father's Day to all the Daddies in the world!

    Totoo ba na mas malala pa mag chizmisan ang mga lalake kesa sa aming mga babae? Palagay ko lang. hahaha!

    ReplyDelete
  29. @nobenta

    Rakenrol parekoy! To the best dad in town!!!

    @BheniPotpot

    Yeah ideal dad, he has flaws too but all in he is cool. Thanks for you comment :-D

    @Roanne

    mmukang na double post yung comment ah :-D

    @Weng

    Thanks weng, na star struck nanaman ako sa comment mo :-D

    @Bluedreamer27

    advance happy fathers day cheers!

    @Caloy

    Baket sa makiling naman isusumpa LOL. Happy erpats day sa'yo caloy LOL

    @Citybuoy

    Sorry naman na pressure lang ako sa mall kala ko ngayon week na ang fathers day eh.

    @FErbet

    Pre na advance lang ahaha masyadong kang nag papanik, hindi pa tulate sir! Sus dami dami mong kwento inuuna mo pa kasi iyot kesa blog ahahhaa

    @Chikletz

    Honga excited much kasi, kamusta naman ikaw masakit pa ba? LOL

    @Iamxprosaic

    Atleast naka pag celebrate na rin ikaw para sa dad mo. Happy fathers day to your dad too

    @Pusang kalye

    Asus naka pag post ka na nga eh

    @Gillboard

    honga sir medyo na advance.. Baket hindi ka namin nakita kila kuya chingoy sayang much naman

    @Ailee

    Thanks, happy fathers day to your dad too

    @Kosa

    Oo sir mag send ako

    @YJ

    Hayan ka nanaman

    @RJ naguit

    Hindi ko inaasaw sweet nga eh hihihi

    @Nigh Crawler

    Sorry naman po kung naguluhan ka sir ahahaha next week pa daw idol ang fathers day, pero makikibati na ko ng happy fathers day sa dad mo.

    @Darklady

    Hehehe advance happy fathers day to you too sayang hindi ka nakarating sa kaffee razzo naka picture ka sana lol

    @Ayie

    Hindi totoo ang kurukuro mo tahimik lang kame.

    @Glentot

    Sorry naman, happy fathers day to you tatay hihihi

    ReplyDelete
  30. Awwwwww. This is such a sweet post. Kakatuwa. Nakaka luwag ng lungs. Kakaaliw much :D Hehehe!

    Pakainen mo naman ako sa Kaffe Razzo! LOL!

    Grabe madame dame pakong iba-backread. Whew. Hinga ng malalim. Go!

    ReplyDelete