Tuesday, June 29, 2010

Palaka

Meron kaisa isang fierce creature na hindi ko kinakaya, as in 100% ito ang Kryptonite ko. Makita ko palang na malapit sa akin parang nanghihina na ang mga tuhod ko. Bawat galaw nya eh napapa lukso din ako.

Feeling ko baka makakapatay ako ng tao pag may nag lapit nito sa akin! Hindi ko talaga kaya.

Ito ay ang Echuserang Frog. Lalong lalo na ang bullfrog na may kulukulubot sa likod. Like Eiwwwwww!

Meron akong close encounter sa mga creature na ito and let me share these scenarios. Ito ang sumira ng career ko noong highschool.

Scene 1:

First year high school. PE Class first period. 7:00 AM. nag kakasiyahan ang lahat dahil sa labas ang klase namin. Filipino games ang aming aaralin tulad ng sepak takraw, patintero, sungka at Uno Stacko. Ay hindi pala kasali ang Uno Stacko. Meron akong kras na kras noon. Maputi sya at napakaamo ng muka, maganda talaga sya. Syempre pag first year high school fresh from elementary kaya asal bata pa ng konti. Sa may plant box merong isang echuserang frog na kasing laki ng nutri-bun na tinabay. Malusog sya at kulubot ang balat. Nag kakagulo ang ibang mga classmates ko kasi tumalon talon ang puntanginang creature.

Syempre hindi ko pinahalata na ito ang kryptonite ko. Deadma sa banga. Kunyari busy ako sa sungka. Maya maya yung kras ko dinampot nya yung putang frog on her bare hands. WTF!!!!! Tapos dinala nya sa harap ko. Putangina nya! Syempre hindi ko pinahalata na nanginginig na ang tuhold ko.

"Jepoy tignan mo oh ang taba taba ng palaka", sabi nya.

Putangina hindi ko na kaya at napaatras ako at naibagsag ko ang sungka, nag tapunan ang mga sigay. Nag lapitan ang mga letcheng kaklase ko para kutchain ako dahil na discover na nila na takot ako sa palaka na malusog. Putangina!!!!

Nag tatawanan sila pero parang hindi ko naririnig at parang bumagal ang kilos ng mga tao. Oo slomo ito. Hinabol ako ng kras ko para ipahawak sakin ang letcheng palaka. Putakels! At ang sumunod na nangyari at nagising ako sa clinic na pinapasinghot ng white flower at basa ang aking pantalon. Naihi pala me.

Scene 2:

One morning maliligo na ako to prepare to go to school. Pag pasok ko ng banyo may gumagalaw galaw sa gilid. May palaka na nakapasok sa aming banyo. Puntangina!!! Dahan dahan akong naligo kada talon nito ay sya rin namang talon ko at hindi ko ma i alis ang tingin ko dahil baka lumapit sya sa akin. Hanggang sa hindi ko na natiis. Lumabas ako ng banyo.

"Papa may palaka sa banyo alisin mo nga"

"Palaka lang edi alisin mo, kunin mo 'yung dustpan at walis tapos tapon mo salabas"

"Ayoko po!!!"

*Mayamaya pa ay may lumipad na tsinelas sa harap ko at nasapul ako sa braso*

"Ang laki laki mong tao palaka lang hindi mo maalis. Jepoy ang aga aga pinaiinit mo ulo ko. Alisin mo 'yun ngayon na"

"Opo"

15 minutes kong pinaplano ang strategy ko kung paano ko madadakot ang palakang potakels na nasa gilid ng tiles at pumipitikpitik. Eiw! And suddenly I had this bright idea! Tinawag ko ang katulong namin at sabi ko sakanya bibigay ko ang baon ko sa kanya at hindi ko sya isusumbong kay Papi 'nung pinahawak nya sakin ang susu nya basta alisin nya ang palaka at itapon sa Creek.

Scene 3.

Biology class. Kailangan mag dissect ng palaka at kukunin ang bones nito para gawing project. As usual yung kras ko eh group mate ko rin dahil pareho kameng letter B nag sisimula ang last name. Yes, you are correct, sya ang kumuha ng palaka namin na gagamitin sa biology. At kelangan daw ako ang mag di-dissect ng putanginang frog.

No choice. Pumayag akong mag di-dissect ng frog subalit kelangan nilang itali ito and make sure na hindi sya makakawala.

So dumating na ang araw ng pag di-dissect ng putang frog. Hawak ko na ang ten blade at nakatapat na sa napakaling tyan ng Bull Frog na kulubot ang likod na hindi ko maintindihan kung baket kailangan bullfrog ang palaka namin while the rest was palakang bukid lang. Putangina! Trip mode?!

Diniin ko ang tenblade sa tyan ng putang frong and guess what?! Nakawala ito at nag lulundag! naihagis ko ang ten blade at tumungtung sa chair at sumigaw ng beri beri mahina, sabi ko "waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa"

Hindi naman masyado nakakahiya kasi marami naman sumigaw at natakot 'yun ngalang ako lang ang lalaki na natakot and worst tumungtung sa chair. Putakels pahiya much!


Marami pang list pero ayoko na ishare yung iba masyado ng personal eh, nakakahiya kasi college na ko 'nun. naalala ko lang ito dahil pag pasok ko ng kwarto kanina may palakang dikit sa dingding! Putangina! Tumawag pa tuloy ako ng Janitor sa labas para damputin ito. imbis na may pang almusal ako eh binigay ko nalang sa janitor sa pag dampot nya ng palang dikit, kadireee! Promise darating ang araw hindi na ako mandidiri sa palaka at sa kahit anong cold blooded animals. Ayoko kasi ng cold blooded animals tignan ang mali sa larawan na makikita nyo


yes hawak ng dalawang chikas ang baby crocodile, ako anong itsura ko??? Scared much!

Friday, June 25, 2010

Phone Convo

Tumawag ako sa bahay kanina.

"Hello! Ma', Sorry hindi ako naka uwi last week kasi naman wala pang sweldo at late na kayong nag sabi na ako pala mag babayad ng kuryete at pambayad kay pinky.."

"Nak Okay lang 'yun na iinitindihan namin ni Papa mo, hindi nga kame kumain ng one week para lang mabayaran ang kuryete. At si Pinky naman hindi muna namin pina sweldo kaya hindi namen sigurado kung kumain din sila ng pamilya nya ng one week.."

"Sobra naman 'yun, parang kasalanan ko pa"

" Joke lang Anak di' ka naman mabiro"

"Ma hindi 'yun magandang biro and it's not funny! nag papakahirap akong mag trabaho dito t'wing gabi, lagi akong puyat. Wala me makain gulay. Hirap na hirap na ko sa gantong buhay. Ang hirap maging dukhaa. Hindi ko na kaya"

"Nak ang OA mo!"

"Sorry naman joke lang po, Wait lang 'Ma Question, saan mo dinala ang sweldo mo at sweldo ni Papa baket nyo naubos 'yun?!"

"Eh kasi may nakita akong Nara table kay Petra kinuha ko para may bago tayong dining table ang ganda ng mga curving at may Glass pa ito na malinis"

"Maaaaaaaaaaaaaaaaaaaa! May table pa tayo ah?! Ano nanaman yan!!!!"

"Anak walang glass 'yun tsaka lumang luma na yun and besides mas madali itong linisin isang dash lang ng basahan malinis na"

"Ma may pa dash-dash ka pa, eh kung 'yung pinambili mo ng mesa binayad mo ng kuryente at pinansweldo kay Pinky may sukli ka pa at may pambangko ka pa. Pakausap nga ka Papi hindi kinakaya ng powers ko ang reasons mo Ma..."

"Oh anak si Papi mo 'to anong balita sa world cup?!"

"Pa wala akong kebs sa world cup! Kunyari ka pang di mo alam na malalaglag na ang team mong Italy may utang kasakin 500 ha! Baket hinyaan nyo nanaman si Mama bumili ng mesa, ano ba?!"

"Alam mo naman yan si Mama mo 'di mapigilan, hayaan mo matanda na kasi"

"Eh ikaw bata?!"

"Slight lang"

"Haist, Pa' diba sabi nyo mag save ako baket kayo hindi nag sa-save?! Paano kung bigla kayong natumba dyan edi wala na tayong pang hospital"

"Anak edi ibalot mo na kami sa banig at ilibing sa likod natin"

"Effort naman 'Pa ako pa mag huhukay?! Ayoko!"

"Tamad mo talaga Anak! kaya ang taba mo eh, anyways, May natira naman konti at nag sa-save naman kame, nag lalambing lang si Mama mo sa'yo matagal mo na daw kasi syang hindi pinag gro-grocery"

"Pa kung meron naman eh pwede kaso bokya much ang wallet. Tsaka si Mama pag nag grocery kasi parang wala ng next month napapa tumbling ako sa bayarin."

"Sabagay my punto ka anak. Sakin mo nalang bigay 'yung pera at ako na mag grocery"

"Pa' asa! Ipangsasabong mo lang 'yun"

"Sobra ka naman!"

"Sus Pa' alam na alam ko na 'yang style mo! Hindi ako ulet uuwi next week may lakad ako"

"San' lakad mo?!"

"Basta.."

"Gagawa ka na ba ng apo namin? aba eh bilis bilisan mo.."

"Papi!!!!"

"Joke lang. Sige Anak mag iingat ka, sabi nga pala ni Mama mo nakuha na nya ang passport namin kelan tayo mag hong kong?"

"Sinabi ko bang mag hohongkong tayo?!"

"Oo"

"Pwes binabawi ko na Papi wala me budget next year nalang"

"Pwes ikaw na ang mag kuskus ng boxers mo"

"baket ganun Papi?!"

"Joke lang, sige sige basta ingat ka Anak I love you"

"Love you papi bye na rin kay Mama labas tayo pag uwi ko kain tayo sa Jabi"

"Ayaw namin ng Jabi"

"Choosy?!"

"Slight"

"Okay bye na po! Ingat kayo parati sabihin nyo Kay Mama wag masyadong mag papagod ha. Bye!"

Wednesday, June 23, 2010

Untitled

Sa office...

kung hindi ako nag twi-twitter eh nag blo-blog ako pero multitasking naman ito dahil habang ako'y nag iisip ng aking iblo-blog busy naman ang aking tweetdeck sa kaka tweets ng kung ano-anong shit at sabay naman 'nun ang pag intindi ko sa mga planta ng aming cliente na wag sumabog bunga ng failing Turbines at kung ano ano pang makinarya ng planta na mine-maintain ang kalusugan gamit ang aming equipments at software. In english machinery health management.

One day ang isang kaoffice mate ko ay nakuhanan ako sa akto habang nagtratrabaho. Nahiya me much.

Teka share ko ang picture.


Bwahihihi. Naka idlip lang naman ng konti kasi na stress me. Kakatapos ko lang atang makipag sagutan sa email noong panahon na 'yun kaya napagod me much. take note, hindi ako nakipag sagutan sa cliente ko kundi sa bossing ko ako nakipag sagutan. Attitude much?!

Ayokong mag bigay ng mga reklamo tungkol sa work basta thankful ako kay Papa Jesas dahil may pambayad ako ng bills tuwing mag daratingan ang mga putanginang umuubos ng kayamanan ko. So it's just fair to not talk bad things about my work.

sabi nga ng aking kaibigan sa fezbuk

Yes, isa ako sa nag like sa status nya and I so agree. Aanhin ko ang mataas na sweldo kung hanggang bahay at vacation ko ay nag tra-trabaho ako at mawawalan ako ng time uminom kasama ang friends. Or 'di naman kaya eh, nasa kalagitnaan ako ng party and some stuff that I should not write here tapos biglang may tatawag sakin about work stuf, WTF! Pero sometimes I would like to experience how does it feel to be working my ass hard just like that.

Anyway high way, segway muna ako ng konti nakita ko kanina 'yung dati kong office mate na lagi kong kainuman dati, kwentuhan lang konti then paalaman na. Suddenly I just realized it is indeed a reality that people come and go in our lives, they say hi for a while then boom coco crunch gone. Question is, did I make an impact to them that they would remember such significant act of goodness from me? Kindness perhaps, true friendship? act of happiness to cheer them up while their sad? encouragement? Or nothingness? 'yung tipong you just came across with them at one point tapos na kasama mo for a while then gone.

It has been my goal to give an act of kindness to the people I chose to be close with. In layman's term, friend. I offer what I have without hesitation without asking for anything in return, because I think somehow when they get to talk about Jepoy to anyone they would see kindness, friendliness and be able to do it to others as well that is how I define my influence. I believe that people matter (parang miss universe lang) and every person who has the opportunity to know us deeper than usual deserves an act of genuine kindness if you know what I'm talking about. to treat them right.

I guess what I am trying to say is cherish every moment that you are with these kind of people that you choose to be friend with, there will come a time that you will not be able to do the things you were doing right now. Because people come and people go. if you choose to be remembered badly then that's your choice that's probably who you really are and I respect that.

Gutum lang me kaya kung ano ano napag sususulat ko at dahil dyan nakapag practice ako malapit na ulet ang IELTS test ko kaya kelangan lang mag sulat ng konting english.

yown lang bow!

Monday, June 21, 2010

Emote

Feeling ko naging fruitful ang weekends ko, infact sa sobrang fruitful until now wala pa rin akong tulog, putangina!

Hindi ako umuwi ng probinsya dahil biglang humingi si Mudrax ng pambayad ng kuryente at pambayad ng katulong at sinabayan din ng text ng tita ko na bilhan ko daw sya ng one month supply ng maintenance ng kanyang presyon sa dugo. Ewan ko ba baket bigla nalang nag panting ang tenga ko eh regular ko naman 'yun ginagawa at higit sa lahat ako ang nag offer 'nun sa kanila. Kabilin-bilinan ko kasi na dapat before sweldo nila sabihin kung meron silang kailangan para ma ibudget ko ito dahil hindi naman ako sumusuka ng pera kung kelan ko gusto. Hindi ako nag pasabi ni ha ni ho wala akong sinabi sa txt basta hindi nalang ako umuwi, fathers day pa naman nasira tuloy ang plano ko.

Nag kataon lang na ang dami kong iniisip at talagang pre occupied ang aking puso at isipan kaya siguro nag panting 'yung tenga ko. kesa naman sumagot ako na, "Ma ayoko, wala akong pera" eh, hindi nalang ako sumagot at nag pakita. I'm sure nag alala sila pero may idea na sila baket ako hindi umuwi.

May mga pag kakataon na gusto kong tumakas sa responsibilidad at mamundok nalang muna pansamantala para mag soul searching. Alam kong napakaliit lang ng nakaatang sa'kin kumpara sa mga anak na bread winner at taas kamay ko talaga sa kanila. Pero tao lang ako, sorry naman at minsan umiiksi ang pisi ko at nagiging honest lang ako. Kailangan ko rin namang mag save para sa kinabukasan ko at nang magiging pamilya ko, hindi naman masama 'yun diba? Okay fine magastos ako pero ginagawa ko lang naman kung ano 'yung hindi ko naranasan noon at hindi ko jinustify ang sarili ko para itama ang pananaw ko. Parehas na kumikita ang aking Mudrax at Pudrax hindi kalakihan pero meron at kahit papaano more than enough naman ito, nakaka tampo lang naman kasi simple lang ang instruction ko sabihin ito on or before ng sweldo. Ano bang ikinagagalit ko? Ang ikinagagalit ko ay nakukunsenya ako. Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa! Hindi ko sila kayang tiisin specially pag kaka pabook mo palang ng flight para mamasyal abroad at sa simpleng pambayad ng kuryete at gamot eh hindi mo magawang iabot sa kanila?! Putangina! Kunsensya much!!!!!

Hawak-hawak ko ang polo na binili ko kay Papi para sa fathers day at mangiyak-ngiyak ako sa guilt! I hate my life! Oo ako na ang pinaka masamang anak sa buong mundo!

Tao lang sorry naman!

Ang dami ko pa sanang kwento pero I need space. It's not you, it's me. Ako naman may gusto neto diba? Pero baket ang sakit sakit?

1o seconds nalang...Promise 10 seconds nalang...10..9..8..7..6..5..4..3..2..

Kthanksbye!

Saturday, June 19, 2010

Drunkeness

Kanina nag lilinis ako ng hard drive space ko. 80 Gig lang kasi ang capacity ng buset na hdd space netong laptop ko, wala na tuloy akong mapag lagyan ng mga collections kong porn tv series tulad ng heroes, grey's anatomy, House, and okay fine Glee at ng mga cam whoring moments ko. Haist!

I decided to rip some music and tv series collection sa CD para hindi sayang sa space so I can delete them na rin para hindi kumain ng malaking memory space kasi gumagapang na ang aking laffy taffy ng tunay na tunay, and besides na kaka bweset nang mag stream sa youtube ng mga music videos kasi ang bagal much, akalain mong natapos na akong mag linis ng kubeta, mag toothbrush, mag luto ng sinigang, mag tutuli, mag kuskus ng paa, mag pamasahe eh hindi pa na ngangalahati ang video na binubuffer ko, Sows!

Nag halungkat din ako ng mga pictures na maari kong idelete dahil wala naman itong kabuluhan at hindi makaka resolve na global warming ng motha neycha. Habang binubuksan ko ang folder ng mga old pictures ay nakita ko ang isang folder ng pictures that I don't remember much what happened that night because of sobrang kalasingan, depress much ako noon dahil naubusan ako ng wii at you know some cheesy part that I shouldn't explain more, not worth sharin' though (bitter?!).

Ito ay isang party some bar sa makati na napakaliit at siksikan much. Tandang tanda ko ang pangalan ng isang pitcher na drink na naubos ko, ang pangalan ay "PUNYETA". Hindi ko alam kung anong halo ng alcohol na ito pero I can remember that someone is taking a picture of me while getting hammered. And yes I kept a copy of these pictures because it was a funny and forgetful experience. And yes I wanna share it in my blog who cares!


matapos ang ilang eksena pa ng marubdub na sayawan at inuman, ito ang sumunod na kaganapan na kung saan kumalat sa email thread sa opisina namen noon, WTF! Ito rin ang dahilan kung baket hindi na ako nag papakalasing much dahil mahina ang katawang lupa ko.




Pero promise hindi ko natandaan ang mga eksenang ito, feeling ko nilagyan nila ng vetsin ang aking drinks kaya na frame up me. Halatang halata naman sa mata ni Jepoy na so much in the spirit of alcohol sya, right?!

Natuwa lang ako sa pictures kasi sinave pala sya, LOL. Well matagal na po ang pictures na iyan more than a year a go na. Nag bagong buhay na me at hindi na umiinom ng alcohol puro coke nalang po.

Lesson learned wag masyadong mag pakalasing dahil mahirap tumigas ang tite pag laseng. JOkeeeeee!

Dapat po ay drink moderately sapagkat walang masyadong maidudulot ang alcohol sa katawan. Hindi rin sagot sa problemang love life ang alcohol dahil ang sagot sa problemang love life ay muriatic acid, putakels ka! Joke lang ulit.

Hindi naman masamang uminom basta in moderation lang, lalo na ngayon fathers day masarap mag bonding kasama si Daddy on a bottle of San Mig lights habang nakikipag kwentuha. Kaya kayo batiin nyo naman si Daddy nyo ng Happy fathers day! Paki kiss narin ang inyong mga Daddy for raising wonderful kids like you!

Happy Weekend and please drink moderately!

Kthanksbye!

Thursday, June 17, 2010

One day recruitment experience-AKo at kapatid ko

Noong isang araw sinamahan ko ang aking kapatid na mag apply ng trabaho sa Makati, doon kasi sya sa Cavite nag tra-trabaho, so provincial. Matagal ko na syang ini-encourage na lumipat na sa Maynila kasi nga ang layo-layo doon tapos six days pa ang pasok nya tapos panay OT pa tapos hindi naman kalakihan ang sweldo, kamusta naman 'yun?

So nag decide sya na itry na nga sa Maynila. Dahil isa akong ulirang kapatid at labs na labs ko sya kaya sinamahan ko sya the whole day sa isang kumpanya sa Makati para mag apply kahit wala pa akong tulog kasi galing din ako sa trabaho.

Feeling dejavu ang pakiramdam ko. Naalala ko ang aking experiences sa pag hahanap ng trabaho at parang gusto ko maluha sa kaliwang mata habang dahan dahang nag slide ang likod ko sa dingding dahil naalala ko ang aking pag hihirap para makahanap ng trabaho noon. Alam mo yung feeling ng halos kalahating araw ka sa isang kumpanya sa kakahintay ng turn mo para mag exam or ma initial interview ganun na ganun din ang nararanasan nya these days, pero this time nakaagapay ako sa kanya para pasiyahin at supportahan sya, para in case na ma reject sya eh meron kagad words of encouragement tapos pwede ko pa syang i-treat ng sweets pampalubag loob.

Ang ending failed sya sa exam, tapos nag so-sorry sya sa'kin kasi feeling nya na waste lang 'yung time namin sa wala. Malungkot much sya.

Sabi ko naman sa kanya,

"Boba ka kasi"

Joke lang. hindi ko sinabi 'yun ang sabi ko OK lang 'yun ganun talaga at wag syang mag alala kasi ako hindi lang tatlong kumpanya ang na-reject ako and besides ang dami dami pang kumpanya na pwedeng pag applyan. Tapos n'ung pauwi na kame nasira ung black shoes nya natanggal 'yung swelas mag kabilang paa, naawa me much talaga sa kanya. Feeling ko na diskuraheye sya dahil sa experience na iyon, baka ayaw na nyang umulit pa.

Tinext ko lahat ng mga kaibigan ko para brasuhin na makapasok ang aking kapatid kasi feeling ko lang ha, down much sya. Tapos walang nag reply sakin :-( Buset! Wala naman akong magawa kasi hindi naman ako HR at wala akong kaibigang HR. Sabi ko nalang sa kanya atleast meron syang work kaya kahit hindi okay ang nangyari eh meron parin naman syang trabaho na papasukan kinabukasan.

sabi ko, "C'mon cheer up, bitch"

Hindi ko lang maiwasang maawa kasi nga 'yung ibang tao na ipapasok ko ng trabaho at natuturuan ko pa kung paano magpakabibo sa iterview tapos itong sarili kong kadugo wala akong magawa. I hatechet!

Okay naman sya kung tutuusin sa trabaho nya sa provincial place ng economic zone ng Cavite kaso lang hindi sya nakakauwi parati sa amin, na mimiss sya ni Mama tsaka ni Papa kaya ganun. Ang layo ng byahe nya pag uuwi sya samin mula down south papunta ng up north tapos isang araw lang rest day nya, effort much kaya hindi sya nakakauwi.

kulang kasi sya sa lakas ng loob hindi katulad ko kahit na alam kong hindi pwe-pwede pinag pipilitan ko ang sarili ko, kebs! Noong fresh grad nga ako meron akong kumpanya na inaplyan na ang primary requirement ay "with pleasing scholastic record" eh pinag pilitan ko ang sarili ko. Itago nalang natin ang kumpanyang ito sa pangalang "Smart Telecommunications" na located sa Makati. Nag apply ako bilang isa Network Engineer, inentertain naman ako at nakapag initial interview tapos pumasa din naman, subalit noong kinuha ang transcript ko at nakitang book 1 hanggang book 3 ito ay pinauwi na ako dahil binilang nya ang failing grade ko at na stress yata sya! Putangina nila! Kaya globe ako ngayon, buset sila! Oo may poot!!!!

So 'yun nga kulang kasi itong kapatid ko sa lakas ng loob kaya ngayon 'nung nag fail sya baka lalong bumaba ang self esteem nya at nasira pa ang shoes nya na matagal na nakatago sa baul, d'un kasi sa company nya sa cavite hindi kelangan naka kuntodo office attire kaya bihira nya magamit ang formal shoes nya kaya lumutung siguro at nasira ang swelas.

Dala dala nya ang black shoes nya habang pauwi kame ng bahay, pag baba namin ng taxi habang pinag mamasdan ko sya na nakapaa at dala dala ang sirang shoes eh na dudurog talaga ang puso ko. Kung sa'kin lang nangyari 'yun tatawanan ko lang at kahit pag tawanan ako OK lang pero pag sa kanya hindi ko kaya, buti nalang wala akong nakita na natawa at nalait pag baba namin dahil makikipag suntukan talaga ako pag may nanlait, Putang ina nila! Laitin na lahat wag lang Pamilya ko!


Kthanksbye!

Tuesday, June 15, 2010

Kaffe Razo

Noong Saburdey nag open ng Cafeteria ang aking kaibigan na si Kuya Chinggoy, ina-assume ko na kaibigan nya na 'ko kasi invited ako sa soft launching ng kanyang susyal na Cafeteria ang Kaffe Razzo na matatagpuan sa Aurora Blvd mga limang cartwheel lang from UERM. Go!

Dumating kame ng may pawis sa kilikili at gutum na sikmura pero sa kabila noon sinalubong parin kame ni Kuya Chingoy ng may ngiti sa labi sabay ng kanyang mainit na bro hug. Hindi lang sya basta mayaman ang buti buti rin ng puso nya kaya sya maraming blessings from Papa Jesus. Kaya naman ang maisusukli ko sa kanyang kabutihan ay ang entry na ito kasi sobra kaming pampered much we can honestly get whatever we want as in ganun ka bongga.

So what is Kaffe Razzo anyway?

Ang kafee Razzo ay mula sa root word na "delicious" at ang word of origin ay nanggaling sa english word na "small". Maliit lang kasi ang place kumapara sa ibang cafeteria pero naman! Ang pag kain at inumin ay achieve na achieve, talaganang mouth watery 'yung tipong babalik-balikan mo parang shabu lang.

Wala akong dalang Camera kaya nag concentrate nalang ako sa pag kain at pag interview sa CEO na si Kuya Chingoy. Ang isa sa favorite kong food ay ang sisig. Exceptional ang sisig nila malaput-laput at malambot sa bibig sabayan mo pa ng mainit na kanin! Yameee! This a must try on their Cafeteria...


Kung health buff ka naman eh meron din silang fresh lumpia for you. Alam mo ba na wrapper palang ulam na, what more kung may laman pa ito? Bonus pa ang special sauce na may secret ingredients. Ma fi-feel mo na ikaw si Hercules at kumakain ka ng Ambrosia. Alabet!



Aktuli, madaming madami pa silang inoofer na food at beverages. Kung gusto nyo ng picture tumingin kayo sa blogroll ko at hanapin nyo ang entry ng ibang blogger friends ko about Kaffe Razzo mas detailed 'yun. Wala kasi akong Kamera kaya inggit much nalang me habang nag pi-picutre picture sila.

Pag masdan nyo ang hanep na photographer on a dog style position, yan ang sikreto sa kanyang amazing shots hihihihi parang umiiyot lang whilte taking pictures of those yummy foods



At alam nyo ba na hindi lang masarap na pag kain, marami pa silang beverages na talaga namang sisira sa buhay ng starbucks at Cofee bean sapagkat singsarap pero 'di sing mahal na mga drinks nila. Ano pa hinihintay nyo mga bitch susme punta na kayo bukas na bukas din. Sabihin nyo lang ang pangalang Jepoy meron kayong free na na bro hug galing kay kuya Chingoy.


At bilang pangwakas ang pinaka malupet sa lahat ay ang round girl na kasama namin na tumapos ng career ng mga round girls sa boxing ring sa Nevada USA. Kayo na ang humusga



kinupit ko ang picture galing kay Alen at Enjayneer


Kung magagawi kayo sa Auro Blvd try nyo ang kaffe Razzo hindi kayo mag sisisi promise! Gusto nyo samahan ko pa kayo one time basta libre nyo lang me.

Maraming salamat kuya Chingoy! More Power sa Kaffee Razzo

Sunday, June 13, 2010

Father's Day Entry...

Ang dami kong kwento today na nag uumapaw ng kahindik-hindik at kapana-panabik na impormasyon, mapapa-backlift ka ng three times na may kasunod na hand spring at cartwheel tapos egg roll bilang finishing move at syempre meron din akong kwento tungkol sa isang bagong silang na Cafeteria na sisira ng career ng Starbucks, Coffee bean, Dencio's, Italianis at TGI Friday's dahil sa Sobrang Sarap ng mga pag kain at inumin doon, promise! ang pangalan nya ay Kaffe Razzo. Baket Kaffe Razzo? Well abangan mo sa susunod na post ko dahil meron syang special entry sa Pluma ni Jepoy hindi pa nakaka pag down payment ang may ari kasi (Peace kuya Edsel). Alabet!



Tungkol naman sa isang kwento ko tugkol sa aming lasingan session with few blogger friends at ang mga impormasyon tungkol sa mga usaping idinulot ng espirito ng Alcohol eh next time nalang, Sapagkat ang totoong dahilan ng daglian kong pag susulat (whew! lalim ng tagalog ko) ay dahil po Father's day na.

Mga echuserong Talakitok! Hindi nyo manlang binati mga erpats nyo ng happy father's day (diba glentot). Lapastangan! Nag txt na me kay Papi pero gagawa ako ng letter kasi marunong na mag internet si Papi umiemail na rin ngayon kasi 'yun. So share ko lang ang aking father's day letter to my one and only Papa.


Dear Papi,

Papa paano ba nyan sernior citizen ka na?! Mga two years nalang siguro nakabaston ka na! Wag kang mag alala bibili kita ng wheel chair at iiwan kita sa home for the aged pag pahirap ka na samin. Joke lang po! Happy Father's day Papa. Ayokong mag pasalamat sa lahat kasi responsibility mo namang palamunin me tsaka paaralin, duhr! Pero Gusto kong mag thank you talaga sa'yo. Binili kita ng Tatlong T-Shirt na may nakalagay na " Best Dad in Town". Kahit mumurahin lang yun Papi I mean that so many much. Syempre siningitan ko narin 'yung dalawang libo para naman mag date kayo ni Mudrax sa Max next week pwede na 'yun ha, tight budget me eh! Soot mo yung Polo mo ha wag y'ung pang senior citizen na hawaian shirt mo nakakaalis ng gwapo.

Salamat Papi sa pag hatid mo sa'min sa school parati 'nung elementary kahit naka bisekleta tayo habang ang mga classmates namin ay naka Pajero eh masaya naman tayo. Kasi bonding natin y'un ni Bunso. Tinatakas mo pa ang ice cream namin kasi ayaw ni Mama unhealty daw pero ikaw napaka cool mo. Papi thanks kasi kahit alam mong nandekwat ako ng matrikula one time eh na intindihan mo na paminsan-minsan kelangan ko ng perang pang motel diba?! extra cash baga, ganun naman pag college diba maraming extra curricular, Nakakahiya naman kasi sa mga boardmates ko kung papaalisin ko sila sa kwarto para lang dun. Cool ka talaga! 'Pa thank you kasi noong nag kabagsag ako tapos ayaw kong umuwi lumuwas ka pa ng Maynila sabi mo, OK lang y'un at pag nag ka bagsak pa 'ko ulet hindi mo na ako papaaralin. Nakaka pressure much y'un. Tapos 'nung nag kabagsak ako ulet hindi mo naman ako pina stop, joke time mo lang pala y'un putakels ka!

Papi salamat sa pagiging good example mo. Alam mo lagi kitang pinag mamalaki kahit kanino. Sus kung alam mo lang kaya kong makipag basagan ng bungo kahit kanino pag inaapi ang pamilya natin. Papi salamat sa pag check mo ng kotse ko parati at pag car wash sa kanya, ang kintab kintab nakaka dagdag pogi points sakin kahit hindi ako masyadong macho.

Papi alam mo hindi ito ma tatapos kung sasabihin ko lahat ng good qualities mo bilang Padre de pamilya. You did a great job. Salamat din kasi kahit hindi ako naging Pilot at naging basketball Varsity tulad mo eh Okay lang sayo. Alam kong wala ako sa kinalahati ng hotness mo 'nung nasa ganitong age ka pero you never failed to let me feel good.

Papi I would like to tell you that I love you so much. Hindi ako nahihiya na ikaw ang nag sabit ng mga medals ko. Hindi ako na hihiya na ikaw ang kasama ko na umakyat ng stage noong nag graduate ako ng College kahit wala tayong pambili ng pangkulay ng buhok mo 'nun, puru puti na kasi. Dibale hindi ka naman kalbo so steady ka lang mas pogi ka sa tatay ng classmate kong panot. Salamat sa iyo Papi see you next week, pasensya ka na at hindi ako umuwi kasi tinatamad po me. I love you Papa you will always be part of my success!

Happy Father's day!

Love,

Jepoy

Saturday, June 12, 2010

Short Post!

Pupungas-pungas pa ang aking mata ng umalis ako ng bahay para pumasok sa opis kanina para kumayod ng pambayad ng bills. Kung baket ba naman kasi kung kelan malapit na ang oras ng pag bangon eh mas masarap matulog ng mahimbing?! na te-tempt tuloy akong mag sick leave nalang subalit kelangang labanan ang tukso. Diretso akong naglakad papuntang MRT like the usual routine ko sa araw-araw na ginawa ni Papa Jesus, hindi alintana kung sino ang makakasalubong basta ang importante ay makarating sa Opisina ng hindi late. Tapos!

Gaya ng mga nakalipas na araw madaming tao ang nakakasalubong ko sa pag akyat at panaog papuntang MRT. Sa may hagdan palang siksikan na talaga. Samu't sari ang amoy, merong amoy pawis at amoy fresh (ehem) halo halo din ang mga bagay na tumatakbo sa isipan ng mga taong ito I'm sure, pwedeng problema sa love life, saya, lungkot, pera, sex at kung ano ano pang shit pero kebs ko naman sa iniisip nila like duhr! I have my own fuckin' problem.

Narating ko ang ruruok ng MRT Rotonda. Putangina! Ang daming tao, byernes nga kasi at pasukan din ng mga studyante fuck! Ayoko ng siksikan ayoko ng nadidikitan ang balat ko ng kung sino sino, maarte na kung maarte pero hindi yan ang punto ng kwento so basa kalang.

Narating ko ang MRT at sakto namang may naka stand by na tren. Inaantok parin ako. Pag sakay ko sabay din ang bukas ng malamig na simoy ng aircon, ang lamig! Chalap! at maulan din sa labas, Alabet! Maya maya pa umandar na ang tren at dumating sa Magallanes station. Hindi ko na napigilan ang pagka antok ko, napasandal ako sa stainless na hand rail at unti unting naka idlip, mahina talaga ang katawang lupa ko sa simoy ng aircon.

Pag gising ko...

"GMA kamuning station..GMA Kamuning Station" Sabi ng voice over.

Putangina!!!! lampas me!!!! Dapat Shaw boulevard lang ako eh. WTF!!! Gusto kung sisihin ang lahat ng tao sa loob ng MRT. Gusto kong mag wala. Babasagin ko ang bungo ng lahat ng makaka salubong ko. Oo galit me much. Syempre joke lang y'un. Sus!

Takbo ako pababa ng GMA at nag abang ng Taxi. Fuck walang taxi! I hate my life! Pawis na 'ko wala na ang freshness Tangena! Gising na gising na 'ko sa mga oras na y'un. Nag sindi ako ng yosi pampakalma ba habang nag aabang ng putangenang taxi!

after 15 minutes wala parin...

Umakyat ako ulit ng MRT para bumili ng sago at squidballs. at oo late ako. Tangina!

Thursday, June 10, 2010

Patalastas Post...

Others my look down on you and see you as worthless freak. Do not listen to them for they don't know what you are made of. You are special and you are loved. You maybe too tired and oblivious to turn your head to see those people who pushes you forward, to maintain your composure, to remind you to keep on fighting and never give up. I tell you now that they do exist. They are the living saints of your existence.

Don't stop believing like the Glee song says. There is more to this life than living and dieing to get through the day. Chin up, stay positive. Celebrate what you have and who's at your back. No man is an island anyways. Do not be afraid to open your heart again so that the air of healing will flow miraculously. Your heart will beat like it never died. You will remember the pain but you will not feel the excruciating pain that almost get you on your knees before.You'll be surprised. Just hang on buddy you will do great. You will be fine. You can do this.

*Jepoy is just talking gibberish shit to boost his spirit of optimism and somehow share worthless writings


Video: Don't stop believing Glee cover
Artist: Sam Tsui





Tuesday, June 8, 2010

Binyagan

Ninong ako sa Binyag ng anak ng pinsan ko. This cousin of mine is younger than me, about Uhhhhm probablly 3 years. So nakikinita ko na ang tanong ng mga kamag anak at family friends namin habang nag kakainan sa reception.

*my imagination*

Scene 1:

"Jepoy kamusta ka na?! Ninong ka pala, Ang taba mo ah papayat ka na at Ikaw kelan ka mag aasawa huh?!"

"Eerrrrrrrrr hindi ko po alam"

"Matanda ka na iho, bilis bilisan mo"

*Speechless*

Scene 2 sa kabilang table:

"Oh iho kamusta ang trabaho?! Ang laki laki mo na, parang kelan lang wala ka pang salawal patakbo takbo"

"Uhhhm kasi po matagal na po tayong di nag kita, duhr!"

"Onga naman, kelan mo ba ipapakilala 'yung fiancee mo si [insert dropping of name here]? Kelan ba ang kasal, doon ka sa tagaytay mag pa reserve ha"

"Uhhhhhmmm, Errrrrrrrrrrr, Kelan po balik nyo states? umuwi na po kayo kasi tagulan na dito.. Sige po tae lang me ha"

Scene 3 Another table

"Halika nga dito, iho kiss mo Tita mo."

*me kissing tita*

"Iho naunahan ka pa ng pinsan mo! Buntisin mo na nga 'yung gf mo ng mag kaapo na kame sa iyo.."

"Eeeeerrrr, Uuuuuhhhmm Tita marami pong nakakarinig sa'inyo, bitch!"


Okay, hindi ganyan ang esaktong nangyari pero near to that.

Nairita lang ako kasi kelangan ko bang mag explain sa lahat ng kamag anak namin kung baket hindi pa ako nag aasawa?! Kelangan ba pag dating ng mid twenties mag asawa na?! Kelangan ba may maiuwi akong apo nila pag reunion?! what the hell is wrong with our culture?! Okay bitter lang ako, fine!

Pero no joke. Nahirapan din akong mag explain lalo pa't pag kilala nila ang dating babaeng sinasama mo sa nakalipas na okasyon tapos all of a sudden biglang hindi mo na kasama ngayon. Kelangan ba mag explain sa lahat? kelangan ba agawin ko 'yung mic sa emcee at mag explain ako sa kanila? Pwede naman nilang tanungin kung saan ako nag tra-trabaho, kung anong work-ko, kung hindi ba ako mag aabroad, kung ano ang integral ng hyperbolic cosec teta. Edi mas madali sanang sagutin. Ang point ko lang, sana naman dahan dahan sa tanong dahil una sa lahat mag kwentuhan muna tayo at hayaan nyo akong mag kwento or tanungin nyo ako ng hindi na ririnig ng buong mundo. Haist!

Na lungkot tuloy me much. Napadami tuloy ang kain ko ng Letchon at Krema de potah.

Saturday, June 5, 2010

Fatness First II

Hindi ko alam kung baket gusto kong simulang mag sulat ng chubbiness entry part II marahil gusto ko lang isulat ang frustration ko sa pagkain ng two pcs chicken joy at isang extra gravy plus extra rice and cream soup, bwahihihi.

Ilang beses na akong nag attempt na mag pa slim, pero parati akong bigo ang sarap kasing kumutkut ng cheetos at uminom ng softdrinks habang na nonood ng Glee kesa mag fun run sa inet ng araw baka masunog pa ang makinis kong skin. And besides, ang sikip ng sando sa fun run sa akin. Muka akong mojako na garfield. mamya neto pag tawanan pa ako ng mga sexy chicks sa fun run. Dyahe much!

Unang attempt ko na mag papayat ay ang tinatawag na no rice diet. Oo ang dugong na nanalatay sa akin ay kanin. Kung walang kanin mamatay ako. So dahil aware ako na kapag nawala ito sa system ko ay mag kakaroon ako ng abs ng katulad ng kay Dingdong Dantes. Kaya naman noong college ginawa ko sya. No rice diet ito. Mabilis ang effect. Nag siluwangan ang polo ko at pantalon in just a span of one month. Subalit napakalaking sakripisyo nito. Habang nag ca-calculus ako noon walang ibang laman ang isip ko kundi kanin. Ang tingin ko sa jeep ay isang malaking hibla ng kanin. Tuwing dumadaan ako sa canteen naririnig ko ang tinig ng Sinigang at kanin na nag mamakaawa na kainin ko na sila. One time habang nasa ROTC ako (Okay fine inabutan ko ang ROTC) dito na ako nag break down dahil nanginginig na talaga ang aking mga kalamnan at kasu-kasuan. Kasi puro pansit canton nalang ang kinakain ko. Isang pansit canton sa isang araw. Putakels! Mahina ang aking katawang lupa kaya naman alam na ang sumunod na nangyari.

Ikalawang attempt. Wheat Bread diet. Ito yung diet na panay wheat bread lang at oatmeal ang kakainin mo for the rest of your life. Nakayanan ko sya ng One month pero hindi nag tagumpay dahil hindi na kakatuwa ang lasa ng wheat bread. Feeling ko wala ng happiness sa pag kain dahil walang lasa ito. Para akong kumakain ng bond papper. Yung oatmeal naman walang asukal walang gatas oatmeal lang lasang lupa na kulay white. Nalungkot me much kaya hindi rin ako nag tagumpay.

Sa Ikatlong attempt naman... Never mind nasasaktan na ang aking esophagus at tranchea hindi ko na kayang ikwento. Ang sakit much.

Sa totoo lang hindi ako kalakasan kumain, promise! Kumpara sa appettite ng normal na construction worker mahina talaga akong kumain. Okay minsan malakas pero sa pangkalahatan mahina lang talaga kumpara sa average. Kung kaya ang the best way na pag papapayat ay ang pag kain ng super konti (yung parang mga susyal na kumakain sa mamahaling restaurant na kurot lang ang kinakin) at excercise. At ito ang hindi ako naging successful kahit one month dahil sa sobrang katamaran mag exercise. Pero I will come there... I will...

So far,kasya pa naman ako sa pinto at kasya pa naman ako sa upuan ng sinehan at nakakabili parin naman ako ng pantalon sa mall at higit sa lahat hindi pa naman nawawala ang asim ko! Bwahihihi

Tignan mo nga picture veggies ang kinukuha ng artista. Hmp!


at kasya pa naman ako sa upuan ng coffe shop higit sa lahat ang kyot kyot ko hihihi


Subalit naniniwala parin ako na hindi healthy ang fatness kaya para naman makulay ang buhay sana this time hindi na mabigo ang aking diet plan. Cheer me up! Uhhhhm sige clean living na lang wag na diet. At sana hindi na ako tamaring sumama sa fun run. Sana naman ang Sando na pinamimigay nila na may number ay medyo maluwag saakin kasi madalas nag mumukang syang rash guard, nyeta!

Pero naniniwala ako na mas importante parin ang linis ng puso at maputing budhi at pakikipag kapwa tao. Like me amg buti-buti ng puso ko.

Happy Weekend blogger friends... Stay healthy tayo ha! Kampay!

Friday, June 4, 2010

Randoms

June.

Tag ulan na ulet. Ito yung panahon na pag bumubuhos ang malakas na patak ng ulan ang sarap mag lakad sa labas kasi habang nag lalakad ka hindi halata ang pag tulo ng luha sa kaliwang mata mo na may acceleration na 1 meter/48hrs. Ito 'yung perfect timing kung saan walang mangungutya sa pag ka lalaki mo dahil sinasabayan ng pag buhos ng ulan ang pag patak ng luha mo kasabay ng pag bugso ng bigat ng dibdib mo na matagal mo ng gustong ubulalas pero wala lang pag kakataon dahil masikip sa bahay nyo baka mahahalata ang pag eemo mo mautusan ka pa ng nanay mong mag saing bigla, masisira ang moment. Pero pag umuulan ng malakas at ikaw ay nag lalakad pwede ka pang mag make face na tila baga pinag imbutan ka ng langit at lupa. Masakit. Sobrang sakit. Pero sige ka lang sa pag buhos ng sakit ng dibdib mo para maibsan ito sabay ng pag agos ng luha mo sa bugso ng ulan.

Chos!

Kala nyo kung ano na noh?! Wala lang akong maisip na intro. Sa katunayan wala din akong maisip na maisulat. Nakakailang Pukang Amang draft na ako pero wala akong na bubuo. Unang draft ko ay kwento tungkol sa mga pangarap ko noong bata pa ako, nakita ko kasi yung notebook ko sa GMRC noong grade four tapos merong activity na Diary shit. Pangalawang draft ko naman ay emo shit agad ko itong binura. Ikatlong draft naman ay tungkol sa college life untold story ko pero binura ko rin.

May mga pag kakataon talaga na ang hirap mag sulat lalo na pag pinipilit mong mag sulat dahil may pwersang nag tutulak sayo na mag sulat. Pero sa kabilang banda, wala ka namang maisulat talaga. Bweset! Pero sa totoo lang ang hirap mag sulat para mapasaya mo lang ang sarili mo sa kada pilantik ng daliri mo ay nabubuo ang mga talata na nakakaaliw para sa sayo, maaaring nakakaaliw din para sa makababasa nito pero ang hirap aliwin ng sarili lalo pa't hindi naman iyon ang tunay na nararamdaman mo. Gaya ngayon.

Marahil preoccupied kasi ang isip ko matapos kong makachat ang isang kaibigan mula sa Singapore at nalaman ko na ang laki laki ng sweldo nya. Inggit me much pareho naman kameng semi kalbo (kuneksyon?). Joke lang! Pero totoong pre occupied ang utak ko dahil matatapos na ang bond ko sa aming kumpanya next month pero wala parin akong Job Offer sa abroad, pinangako ko kasi sa sarili ko na dapat pag tapos ng bond ko eh fly na ako abroad pero parang hindi yata ganun ang mangyayari. Ang hirap talaga pag katiting lang ang skillset mo tapos kung makapag demand ka ng sweldo eh bonggalore. Nalulungkot ako sa totoo lang dahil sa Edad kong ito na 22 eh wala pa akong enough savings. Hindi ko rin maintindihan baket kating kati akong lumabas ng Pilipinas eh nabubuhay naman ako ng matiwasay at nabibili kahit papaano ang gusto kong bilihin sa kakarampot na sweldo ko dito sa lupang hinirang. Hindi ko alam. Putangina much! happy horse please...

Sorry nag vent out lang ng slight!

Gusto ko pa sana mag vent out pero inaantok na me.

Mamya-maya lang ay ipipikit ko ang aking mga mata para mag gudnyt sleep at sana kahit sa panaginip lang eh makasama kitang muli. Makatabi ulit at mayakap dahil alam kong sa panaginip lang kita pwedeng ariin sapagkat sa muling pag mulat ng mga mata ko alam kong iba na ang yayakap sa'kin at iba na rin ang aakap sa'yo. Tangina ang keso kinikilabutan me much! Tama na nga!

Kthanksbye

Tuesday, June 1, 2010

Blogger of the Month- June Edition

Hindi na ako mag bibigay ng che-che bureche pa, ang entry ko ngayon ay ang pagbibigay ko ng parangal sa isang author ng blog sa kadahilanang nakuha nya ang kiliti ko sa kanyang mga panulat at talagang na pa "Whoa!" ako sa kanyang stilo ng pag write, you know what I mean.

Ang pag bibigay ko ng award ay isang symbolo lamang ng appreciation at pasasalamat dahil kahit walang sweldo eh tulad ko, sulat parin sila ng sulat. Ang pag pili sa awardee ay hindi naman kinakailangang puro humor blogs ang sulatin, nag kakataon lang na ito ang aking hilig basahin, siguro hindi naman kasi ako masyadong katalinuhan para mag basa ng mga blogs tungkol sa pag imbento ng HIV cure or mga blogs na nag papaka grammar police or na kikipag debate kung sino ang dapat na maging Presidente ng Pilipinas. Isa lang po akong simpleng tao nag hahanap ng ika re-relax sa mundo ng sapot.

Okay ang dami ko pang che che bureche kala ko straight to the point na. Ang napili kong blogger of the month of June ay nag mula sa planeta ng pluto. Feeling ko long lost brader ko sya kasi pareho daw kaming mataba pero payat na daw sya ngayon ayon sa kanyang recent entry. Hindi ko lang alam kung sino ang mas pogi samin kasi hindi ko ma istalk ang picture nya. LOL

Nainggit nga pala me much kasi meron silang picture ni chiksilog eto yun (hindi ka pa ba humahanga sa pagiging stalker ko?!)



Presenting the June blogger of the Month...

[Insert bonggang drum rolls here]

Ferbert Bautista of Kokey Monster dot com! Yez isa po syang sikat na blogger. Sanay na sya sa mga ganitong award. Mas bigtime pa nga ang mga awards na nakukuha nya. Isang dirt lang ang aking parangal.

Ang isa sa favorite kong article na sinulat nya ay matagal ko ng nabasa siguro mga one year ago na. Hindi ko alam na sya pala ang sumulat 'nun, hongoleng-goleng ng pag kakasulat. Inggit me much. Ito yung link.

Congratulations Ferbert! Ito na marahil ang pinaka prestigious award mo. Walang trophy. Walang cash. Walang HTML at PHP shit. Ang tanging ma ibibigay ko lang ay isang mahigpit na bro hug.

Nga pala muntik ko ng madefy ang aking rule sa blogger of the month. Ang sabi ko diba hindi ako mag feature ng blogger na walang totoong picture. 'yun kasi ang rule number one ko. Buti nalang magaling me mag stalk much.

Eto si Kokey Monster.

Lagi ko nga rin palang kinikowt ang "about me" ng mga favorite blogger ko kasi feeling ko nagiging mas close ako sa kanila pag binabasa ko ang kanilang paunang salita. Eto ang kay Kokey Monster

"Bininyagan sa pangalang John Michael F. D. mula sa bida ng 1980’s tv series na Airwolf. Pinanganak at lumaki sa probinsya sa bandang hilaga sa araw mismo na kung saan pinili si George Herber Walker Bush bilang representative ng Republican Party na kalaunan ay naging presidente ng America, sinisisi ang kanyang mga gamot sa asthma sa kanyang katabaan. Tahimik na nilalang na mahilig mag-isip at magmuni muni.

Kung si Rizal ay mayroong Dimasalang at Laong-Laan, Si Francisco Baltazar ay may Balagtas habang si Rene Requiestas ay may Chitae si Michael o Efbee (kung tawagin sya ng kanyan online friends) ay may nom de plume na FerBert Bautista. Isang katauhan na sobrang opposite sa kanya pero hindi naman gaano.

Panget ang kanyang penmanship kaya sa pag-aakalang mapapabuti ang kanyang sulat kamay kung lagi syang magsusulat ay nagsulat ito ng nagsulat simula sa formal theme writing nya sa elementarya na madalas na topic ay “WHO AM I?” subalit napatunayan lamang nito na hindi ka makakakuha ng perfection sa pagpaprapraktis lamang.

Mahilig mangarap at madalas tawaging ambisyoso. Ugali na rin nyang matulog sa jeepney kaya naman madalas itong lumagpas sa kanyang destinasyon. Nakikipagpatintero sa kalye, kumakain ng fishball sa lansangan sa awa ng Dyos eh hindi pa naman sya nagkakasakit dahil dito, ayaw kumain ng talong, paborito ang okra at saluyot, mahilig kumain chocolates pati choc nut ay hindi pinapatos.

Lumaki sa musika ng Eraserheads at tinuturing na santo si Ely Buendia. Madalas kumanta pag naglalaba, nagluluto, pag naliligo pati sa pagtulog ay kumakanta rin ito. Pangarap nyang maging rockstar na kung saan lahat ng mga dilag ay magkikipagpatayan para lamang makipagsex sa kanya.

May masteral degree sa Failure at kakambal ng hari ng sablay. Naniniwala syang ang tunay na talino ng tao ay hindi nasusukat sa mga papel na nasayang at tinta na natapon sa pag-aaral kundi sa pamamagitan ng abilidad ng taong humarap at makibaka sa hirap ng buhay. Mahiyain, Maingay kung minsan, Mabuting kaibigan, Masamang kaaway, Dating pride ng Family hanggang maging Black Sheep.

Gusto nyang isipin sya si Po Panda(bida sa animated flick na Kung Fu Panda). Clumsy, Fat and Whatever. Mukhang walang direkyon sa buhay pero destiny nya ang maging awesome Dragon Master.
"