Thursday, July 9, 2009

Short Story (Kathang isip lang wag dibdibin)

'Di maampat ang pag luha ni Khalel sa 'di malamang kadahilanan. Pilit parin nya kasing dinedeny ang nararamdaman kahit ovious na ovious naman ito. Naniniwala kasi sya sa sinasabing the feeling is mutual na pilit nyang ikinintal sa puso't isipan nya. Sa madaling salita itong lokong Khalel ay nag assume lang ng bonggang bongga dahil nga sabay sila parati mag lunch sa iskul, na mamasyal sa SM, Nanonood ng mubi, at kumakain sa Pizza hut. Subalit, isang araw ay bigla nalamang gumuho ang mundo nya nang na realize nya na may mga bagay na nawawala ng isang iglap lang dahil sa pag kakamli at hindi ito kayang pag takpan ng pag mamahal, isang wagas na pagibig.

Alas dyes na ng umaga itong si Khalel naka baluktot parin sa double deck bed nila ng board mate nya. Si Aling Lukresya nakapag linis na't lahat lahat itong si Khalel naka nganga parin at nag hihilik.Napakalim ng tulog.

"Hoy Khalel wala ka bang pasok ngayon?! Punyeta finals nyo na ha bangon na!, Panay take 3 ka na nga sa Microprocessor at ECE Math ang tamad mo pang pumasok, pano ka gragraduate nyan?!"

Nag takip lang ng unan si Khalel at pilit pinagsasawalang bahala ang tinig ni Aling Lukresya

"Itong si Lukring nag fefeeling nanaman na Nanay ko, stage Mom ampota at mukang ibestigador pa ng units earned ko, buset!"

Dahil sa ayaw tumigil sa kaka ratrat ng salita itong si Aling Lukring, napilitan 'ding bumangon si Khalel. Dali dali Kinuha ang toothbrush nyang mag one year old birthday na ngayon at pepsodent toothpaste na isang pigaan nalang ang kaya at mag reretire na. Piniga nya ang latak nito sa toothbrush na baliko't pudpud nang bristle at nag toothbrush na. Pag tapos ay nag punta na sa CR dala ang twalya, isang brief at basket ng toiletries. Sinindihan ang tubig at nag alis ng sando, PE shorts na kulay dilaw at brief. Nakatitig lang sya sa agos ng tubig sa gripo habang pinupuno ang timba sabay kamot sa singit habang patuloy ang pag puno ng mahinang tubig sa timba. Sininghot nya ang daliring pinangkamot.

"WoW Smells good parin! Angas mo talaga Khalel"

Sa unang buhos pagkatapos tumunganga ng mga five minutes, napasigaw si Khalel

"POtaaaaa ang lameeeeeeeeeg!"

"Tanga alam mo namang stock yang tubig na yan, natural malamig dapat nag init ka ng tubig muna kaya ka bumabagsak e"

"Kuneksyon naman Manang?!! Nakaka sira ka naman ng araw e. wag ganun! tsaka baket nandyan kayo. Naninilip ka manang noh"

"Duh! baket naman ako maninilip hindi ko nga nakita na kulay black ang hinubad mong brief noh.."

"Shet.."

Syempre ang bunganga nanaman ni Aling Lukring ang narinig ni Khalel na sumagot. Matapos maligo ay nag bihis na ito. Biglang na excite dahil dadaanan nya si Ms. Ganda (Tina Paner sa tunay na pangalan) na kras na kras nya simula pa noong nag kakilala sila sa Tambayan nung first year college palang sila.

Flash Back

Pumasok si Khalel sa Physics class. Panggabi sya. Unang una nyang napansin ang mestisahing babae na nakaupo sa tapat ni Engr Chua habang nag tuturo ng Moment of Inertia. Inisip ni Khalel na nasa letter A or B ang last name ni Ms Maganda kaya sya nasa Harap. At hindi nga nag kakamali ang inituition ni Khalel. Na inspire tuloy syang mag aral ng Physics pampaimpres kay Ms Maganda. Lalong lalo tuloy syang nag kakaganang mag aral pag na iimagine nya ang mapuputing kutis ni Ms. Maganda. Parang vitamins na nag papagana sa kanyang mag aral.

Syempre hindi pwedeng lumipas ang araw ng hindi nya ito na kikilala. Saktong napadaan sya sa isang tambayan malapit sa Physics Laboratory, nag tutumpukan ang mga freshies sa bandang gilid. Naki usi sya dito at napansin nyang nandoon si Ms Maganda. Hindi nya pinalagpas ang pag kakataon. Nag suklay ng kaunti at nilapitan si Ms Maganda.

"Hi there, I think Classmate kita sa Physics kay Chua 6PM class, are you joining this org by the way?"

"Hi, sorry hindi kita napapansin sa Class, but no I am not joining. Member na ako last week pa" *sabay smile*

"Ay ganun, interested kasi akong sumali. Muka kasing masaya dito. Meron pang kantahan, gitara, at dasal dasal"

"Syempre Christian Org kasi ito baka mabaduyan ka pero we would love you to join us...Un ang gusto ni GOd e"

Naku maka Dyos pala itong si Ms Maganda. lalong nag ka interest si Khalel.

Tuwang tuwa si Khalel. Kahit bago sa kanya ang mga ispiritual na gawaing ito ay sumali parin sya. Nakiki awit pa sya ng "alive alive" at nakikipikit-pikit pa ng mata pag nag dadasal. Hanggang sa dumating sa point na naging close sila ni Ms Maganda, araw araw silang magkasama. Minsan nag kaka kis kisan ng siko, nag sasabay kumain. Parang na iinlove na talaga itong si Khalel at feeling nya na iinlove narin sa kanya si Ms. Maganda. The feeling is mutual kung baga. Eto na yata yoong tinatawag nilang mag MU na, sabay kinikilig si mokong. May time na nag share pa sila sa isang sopdriks at iisang straw lang ang gamit nila. Kung titignan mo nga sila, para talagang mag jowa. Minsan pa nga napapa kapit si Ms. Maganda sa hita ni Khalel at nagugulat ito at napapatigil mag salita. Meron atang malisya. Lumipas ang taon at patuloy sila sa kilig moments ng wala manlang confirmation kung anu nga ba talaga sila.


Back to present.

Bihis na si Khalel dadaanan nya si Ms. Maganda sa dormitory nya at nag babalak na mag tapat na ng kanyang pagibig upang bigyang closure na ang something fishy na namamagitan sa kanila para makapag move on na sila into the next level of relationship. Ang daming pumapasok sa isip ni Khalel. Nag da-day dream pa ata si Mokong. Dumaan muna sa Dangwa para bumili ng Rosas.

"Tulips ang bibilhin ko para saaking nag iisang prinsesa.."

Gumaganun ganun pa si mokong. Dala ang na save na konting pera dumaan muna sa Dangwa si Khalel at bumili ng flowers. Nag lakad nalamang sya papuntang dormitory ni Ms.Maganda. Doon nalang sya nag shortcut sa may kanto Mercury Drug at dumaan sa Jollibee papuntang Espanya. Hindi nya talaga mapigilang mag day dream patungkol sa magiging kinabukasan nila ni Ms. Maganda.

"Isusurprise ko sya today..."

Nasa dormitory na si Khalel. Nakiusap sa helpdesk kung pwedeng pasukin nya sa room si Ms. Maganda kahit five minutes lang para naman ma surpise nya ito.

"Koya Hidi pwidi. Bawal iyon"

Shit nag iinarte pa itong bisayang helpdesk na ito at gustong sirain ang magagandang plano ko.

"Sige na, alam mo may something different sayo ngayon.. Hmmm let me see... Parang medyo naka pawt ang lips mo parang kissable talaga, ang sarap i Kiss. At ang hair mo parang naka hot oil ang dulas"

"ikaw naman koya binubula mo pa aketch..."

Potang bakla to sinasayang ang oras ko pero mukang kumakagat. Nag patuloy si Khalel

"Sige na oh malalate na ko tapos finals ko pa ngayon, di ka ba naawa sa poging tulad ko...Please naman sexy oh"

"Kess mona pala..."

Pota talaga nag inarte pa! at balak pa kong chansingan. Pero wala akong choice gusto ko na talagang makita sya at finally makapag tapat ng pagibig ko. At magiging kame na sa wakas. At magiging happily ever after kame. Tapos mag sex kame sa isang malambot na kama. Tapos mag kakaroon kami ng dalawang anak isang babae at isang lalaki. Tapos magiging Engineer kame pareho. Tapos yayaman kame at mag iibigan 'till death do us part wowwwwww.

"Koya anu na ke kess mo ba ko u hendi? Alam mu na bawal ang lalaki talaga ditu sa Hall"

"Nakakasira ka naman ng momentum e...Iba nalang pagawa mo wag ng kiss"

"Alam mo koya ikaw naman nag sabi sakin na kissable leps aketch baket 'di mo patunayan"

"Fine... ng matapos na to"

"Yan geym na sa leps koya ha"

"Fuck naman oh baket sa lips pa"

"ede wag makakaalis ka na koya"

"Oo na Oo na"

Lumapit ako sa kanya at dahan dahan kong idinampi ang mga labi ko sa mga labi nya. Sabay yapos naman nya sakin. Sabay namang Bumababa si Ms Maganda para kunin ang meal stab nya sa Helpdesk.

"Khalel?!!! WHAT THE HELL??!!!"

Natulala si Khalel. Nakatikim ng malutong na mag asawang sampal with matching mura galing sa pinaka mamahal nyang si Ms. Maganda. Sabay eskapo naman nitong walang yang helpdesk na baklita. Naramdaman atang nyang makakapatay ng tao ngayon si Khalel.

"I hate you Khalel burn in hell"

Sabay takbo nya sa taas. Hindi alam ni khalel kung ano ang mararamdaman nya. Vague ang lahat. Feeling nya nawala ang pinaka malaking bahagi ng buhay nya. Kung baket nya kailangang huminga, kumain at matulog. Wala ng lahat dahil lang sa isang ipaktong helpdesk ng dormitory nila.

Pilit na kinokontak ni Khalel si Ms Maganda pero hindi na nya ma reach and cellphone nya. Hindi rin sumasagot sa txt at sa email. Hindi narin pumapasok sa iskul.

Pinatanong ni Khalel sa mga close frends nya sa tambayan kung ano na ang nangyari sakanya. Kung baket hindi na sya pumapasok.

"Huh hindi mo ba alam Khalel"

"Hindi"

"Pumunta sa thailand pinablik na nya ang dating lalaking katawan nya, mahirap daw maging babae parating na sasaktan"

Natulala si Khalel.

***End of Story***

13 comments:

  1. may dugong pag ka manunulat ka palang talaga. . .

    ano nangyari kay ms ganda. hahaha
    hindi ko pa natapos malalate na ako sa school.

    waahahay
    babalikan ko po

    ReplyDelete
  2. hango ata ito sa totoong buhay ni jepoy as khalel haha.

    ReplyDelete
  3. nyahahaha!! loko si pablo.

    si jepoy o..nagpapanggap na khalel..lol!jk!

    ang haba ng short story mo..hehe.

    ReplyDelete
  4. @Paps una nag papanggap lang na manunulat

    Pangalawa kathang isip lang talaga yan... lol

    @Chikletz isa ka pa kathang isip lamang yan ;-P

    ReplyDelete
  5. Khalel --> eto si jepoy
    Jepoy --> eto si Khalel

    Parang pag kinonek konek mo, mula dun sa pancake na entry....aba, lab lyf ito!! hahahaha!

    ReplyDelete
  6. @Anonymous na kilala ko naman Mr Fong Issue ka talaga. Si Jepoy reality si Khalel Kathang isip lamang bunga ng malikot na pagiisip!

    ReplyDelete
  7. Naku, alam talaga ang pasiko-sikot sa Dangwa? :)

    Isa lang ibig sabihin. Baklita-magnet si Khalel? :)

    ReplyDelete
  8. @Acrylique Muka nga ahahaha

    ReplyDelete
  9. ay. shorlaley pala si ms ganda.

    hahaha. si jepoy pala si khalel.

    LOL.

    ReplyDelete
  10. @Cheezy Inde nga ko si Khalel kuletz! Hmpf!

    ReplyDelete
  11. hahha.

    ikaw yun ikaw yun.

    ah bsta. bwahahah.

    ReplyDelete
  12. @Cheezy No No NO No ;-P

    ReplyDelete
  13. anu ba kayengkay! wiririt ng maya nga si jepoy si Khalel! Si khalel yung ex ni ding dong na syuta ngayun ni malian! choz! magmais tayo sa kakornihan!

    ReplyDelete