Monday, July 20, 2009

None Sense

Kanina pa nag pupumiglas ang aking etits pingers na gumawa ng isang entry na kapupulutan ng aral. Pero dahil lunes ngayon minabuti ko munang linisin ang aking outlook at ubusin ang mga pending emails bago ako mag yummypinay.org working-harder-and-hardest mode para mag pa impress sa bossing at makita nyang si Jepoy ay isa sa modelong Employee of the year na hindi nag bro-browse ng facebook sa work, hindi nag blo-blog at higit sa lahat hindi na la-late at walang inaatupag kun'di mag trabaho ng mag trabaho to the-ultra-mega-max-raised-to-positive-infinity the whole day (Ito ay mas kilala sa tawag na "Karir")

Ang hindi lang nila alam...

Well...Tama ang akala nila dahil ayaw ko talagang mag browse browse ng mga non work related sites na yan tulad ng facebook, at hindi ako nag blo-blog sa office. anu ba yang blog blog na yan at browsing non work related?!! Yuck!

Fine!

Nag blo-blog ako pero konti lang naman at nag mu-multitasking naman e. Kasi 'diba, at the end of the day deliverables parin ang importante or yung output ng isang empleyado?!. Anyways, napapaligaya ko naman sila sa performance ko (Parang Agogo dancer lang)

Ang dumi nanaman ng isip mo! work related ang tinutukoy ko. Aga aga kamanyakan kagad! I hate your life!

Teka parang nawawalan nanaman ng moral lesson ang entry ko.

(Segway kagad)

Maulan last week at lahat ng nakikita ko sa paligid ay basa. Lahat nalang basa pati ang mga flowers basa (Flowers yan sa bakuran ng Nanay ko, tigil tigilan ha!) Dahil basa ang paligid madaling kumapal ang damuhan. nag lalaguan ang mga damuhan sa paligid ng flowers, ibat iba ang hugis may manipis na hibla meron makapal na hibla. Meron kulot meron din straight. Hindi ba't mas makikita ang mga namumukadkad na fresh flowers na mamasamasa 'pag wala ung mga makakapal na annoyance sa paligid nila?

Hindi Bulbul ang tinutukoy ko kun'di ito ay D-A-M-O, weeds sa english (Pervo!!!!)

Sabi kasi ni Mama ko linisin ko daw ang garden sa labas ng bahay alisin ko daw ung mga damo sa paligid ng halaman nyang na mumutiktik ng makukulay na bulaklak. Kasi daw pag wala ung mga weeds mas lalago ang flowers at mas magiging healthy sila.

Sinagot ko si Mama

"Mom Eiwwww Like I'm gonna touch those kadiring lupa. It's so disgusting to mga people na making daan daan sa harap natin"

Bigla akong nakakita ng three stars and a sun. Hinampas na pala nya ako ng walis ting-ting na merong handle na kahoy.

Moral Lesson: Wag mag inarte sa Nanay hindi Uubra!

-----End of Story------

26 comments:

  1. HAHAHA!!! katawa namn entry mo...

    anyway, tama ka, wag na dapat pumayag sa mga mummy... ehe! ^^

    PS okay lang magblog sa office just make sure okay na lahat ng assigned task mo... :)

    ReplyDelete
  2. hahahaha....

    sinasabi ko kase sa iyo nakaka sira sa pag blog ang pag tatrabaho wag na mag trabaho., umasa na lang kina daddy at mommy. . .

    haha. nahampas pa. you're so arte kase talaga lolz.

    ReplyDelete
  3. @Rich salamat sa nakaka tats mong advise Mami

    @Paps Tama ka nakakasira nag pag blog ang trabaho lol Ang taba talaga ng utak mo paps...Idol!

    ReplyDelete
  4. haha nakakatawa talaga to..kaya naaadik na rin ako sa blogging dahil senyo..cooL..

    anyways..dapat talaga di na kumukontra kay mommy..para di nakakakita ng 3stars and a sun..ahihihi

    ReplyDelete
  5. yan napapala ng kaartihan eh. LOL! blog lang ng blog jepoy! maganda sa health un. :P

    ReplyDelete
  6. @Superjaid Miss Cutie cute cute nakaka tats ang kumento mo :-D Keep blogging din tambay ako dyan :-D

    ReplyDelete
  7. @Chickletz Ako ay nag muslim na dahil gusto kong mapang asawa si Chickletz...Ay hindi pala sakin ung line na yun. Peace tayo miss cheklit (bisaya version)

    ReplyDelete
  8. Hehehe :D At least may natutunan ka kahit none sense lolzz

    ReplyDelete
  9. @LordCM tama po kayo dyan! :-D

    ReplyDelete
  10. KAsi naman umagang umaga eh... dapat kasi tumikol este sumipol ka na lang habang ginagawa mo yung pagtanggal ng D-A-M-O! jijijijijijij

    ReplyDelete
  11. @Xporasaic parekoy kung anu anu tinuturo mo sa inusente kong pag iisip

    ReplyDelete
  12. Wow. At ikaw ay nagbalik na! Salamt sa Pag-bate, este, pagbati sa kaarawan ko! haha

    enweis, stop being so bratty kasi you know. just suggest your to hire a gardener. hihi

    Ayos, hassle talaga sa pagbblog ang ofis. hayz.

    ReplyDelete
  13. hahahahaha...

    kase naman sinabi ng magbunot ng mga sagabal sa flowers eh nagiinarte ka pa... ayan tuloy nahampas ka ng walis! lolz!

    naaliw ako, really!

    ReplyDelete
  14. hahaha..

    ang baet naman ni mommy mo.. :D

    butihing anak ka naman din kasi e.. ahahaha

    ReplyDelete
  15. haha andami naman bulbol sa inyo este damo, kylangan ngang alisin mga yan para maaliwalas at mabangong tignan,

    ReplyDelete
  16. anak ka ng jueteng ah.... sanay na akong umilag dahil sa mga inihahagis ng nanay ko sa akin pag sinasagot ko siya....

    mag ala matrix ka na lang pag hahampasin ka ni inay mo

    ReplyDelete
  17. @Azel hayaan mo sa susunod mag bubunut na ko ng damo :-D

    @Rwetha Ganyan talaga ermats ko magaling mag deciplina kaya nga pogi ang anak e (kuneksyon?)

    ReplyDelete
  18. @ Hari ng Sablay Ang bastos!

    @Saul Krisna sa susunod iilag na ko :-D

    ReplyDelete
  19. You know it's like, if I am your Mom, I am really gonna palo you talaga! LOL...

    Hahaha. Enjoy pala tong blog mo kuya..

    Gudluck sa trabaho ah. Pag-igihan mo pa! Kuya vote mo naman ako sa Contest na sinasalihan ko. Hahahaha!! :P

    Salamat.

    ReplyDelete
  20. @Sweetham Salamats sa comment..Sure iboboto kita pero mamya na pag uwi ng bahay kasi block ang blogsite mo dito sa opis e :-D

    ReplyDelete
  21. kahit di ko pa nabasa ang ending, alam kong sasaplin ka ng nanay mo. "conio conio ka pa jan ha, etong sampal!" haha

    ReplyDelete
  22. @Chyng natawa ako sa comment mo :-D

    ReplyDelete
  23. hahahahhaha manong, can you make tusok tusok the fishball? wow ah kumokonyo haha. tama yan wag mag inartee kay mommy. hahah may pa eeew eeew pa parang si ruffa hehehe

    ReplyDelete
  24. @ Elay adik mode lang kasi nijojowk time ko lang nanay ko :-D

    ReplyDelete
  25. Ayan kasi chinika chika pa ng ganun ang nanay mo eh hindi ka talaga uubra! Heehee.

    Have a happy rainy week ahead! :D

    ReplyDelete
  26. hahahaha ayos... green pa ang font. di naman ibig sabihin green minded no.

    ReplyDelete