Usong uso ngayon ang photography. Noon pama'y inaasam ko ng maging isang magaling na potograper bukod sa pagiging Engineer at Doctor. Pero naisip ko kung magiging isang hobby or pampalipas oras ko lamang ito e kamusta naman ang bulsa ko?. Nag tingin tingin ako ng mga ibat ibang uri ng DSLR camera sa internet merong Pula, itim,blue, green at na tuklasan kong hindi sya mura nakakapanlumo ang mga presyo nila, pwera pa ang lenses nito ha. Kaya sa tuwing napapadaan ako sa mga tindahan ng Camera sa Shoe Mart sa Pasay o mas kilala sa tawag MOA ay hanggang tingin na lamang ako, tila isang bata na tumitingin at nag nanais sa isang bar ng Toblerone pero Serge lang ang kayang bilihin.
Sa isang mahirap na katulad ko siguro'y pangarap nalamang ang mag karoon ng isang DSLR D90X na camera ng Nikon or Cannon. Tama na siguro sakin ang mumurahin 'kong kamera na nilalagyan ng film. Take note wala itong screen na gaya ng mga digital cam ngayon kaya dapat matindi ang talent mo sa pag kokodak dahil kung hindi ay.... Kapag pinadevelop mo ito puro exposed or puro walang kwenta ang maiuuwi mo at mailalagay sa poto album mo kasi hindi mo naman ito maitratransfer sa laptop mo kasi nga walang USB connection ito wala ring Serial connection. Inshort wala talagang paraan para ma connect sa PC.
Marami akong mga kaibigan na merong magagandang kamera. Hindi naman ako na iinggit sa kanila, slight lang pala...Sa totoo lang ang kuha sa profile picture ko ay kuha sa Nikon D40X sa isang Gubat sa Knoxville Tennessee, diba't ang ganda?! buhay na buhay ito ang ang pogi ko?ahhaa
Gusto mo bang makakita ng mga pictures na kuha sa DSLR Cam? Meron akong mga sample shots galing sa aking kaibigan na nag ngangalang Rommel (Ayan Rommel special mention ka). Nag paalam ako sa kanya na ilalagay ko ito sa blogsite ko para pag nabasa ng kamag anak ko sa ibang bansa ay baka padalhan nila ako ahahaha
lalagyan ko ng captions ang bawat isa nito.
Ang unang shot na napili ko ay isang group jumpshot sa isang sinag ng araw na papalubog na. Hindi ko alam kung sa boracay ba kuha ito or kung saan beach. Pero ang galing ng kuha diba? Merong shadow effects pa pero makikita ang purple na kulay ng langit at na ngingitab na sand. Sya nga pala wala ako dyan sa shot na yan :-D
Pangalawa naman ay isang kuha sa Corregidor sa Bataan (Bataan nga ba yoong Corregidor?). Ang ganda ng sky shot at color blue pa at higit sa lahat merong watawat ng Pilipinas na pumapagaypay, nakaka tats talaga. Pag tinitignan ko ito ay na rerelaks ako. Anu bang meron sa corregidor? dati pa itong paaaralan? Sorry wala akong history class noong college.
Ang next naman na kuha ay ang paborito kong Eng bee Tin hopia tindahan. Napakaganda ng ilaw at may kulay orange pa na chinese characters sa taas. Alam nyo ba kung ano ang meaning ng nakasulat doon? Ang ibig sabihin noon ay "Wag bumili kasi nakakalason.." chos! di ko rin alam kung Eng Bee Tin nga ba ito at kung anu ang meaning nung Chinese characters sa taas. Basta parang ang sarap ng Tinda nya. Ewan baket walang Tindera. Siguro masarap din yoong tindera.
Ang Next naman ay isang patunay ng kagandahan ng kalikasan. Ang sarap kausapin si Papa Jesus pag nakakakita ako ng ganyang eksena sa environment, malambot kasi ang puso ko sa kagandahan ng kalikasan. Papa Jesus sana bigyan nyo po ako ng DSLR promise pipicturan ko po ang mga poor kids.
Ito naman next pekture ay ang matamis na peporit kong dessert ang tamis tamis at tunay na napaka linamnam. Minsan nga pag nakakakain ako nito ayaw ko ng pumasok sa work gusto ko nalang manood ng mubi at mag lakwatsa (wag kang mag hanap ng kuneksyon dahil walang kuneksyon ang pagkain nito sa pag lalakwatsa ko)
Ang last naman na pekture ay ang kumuha ng lahat ng shots na yan. Bilang pagpupugay ay nag lagay ako ng karesperespetong pekture nya para makakuha sya ng maraming clients/appreciation. Seriously, ako'y tunay na nag papasalamat sa pag papahintulot nya na gamitin ko ang mga ilan sa favorite shots ko para mailathala sa aking blogsite. Ito sya
Ang pinaka last naman ay ang pekture ng may pasimuno ng entry na ito isang anghel na nag katawang tao na merong cute na pak pak at tunay na pogi :-D
nagulat ako..tinitingnan ko ung mga pictures.. sakto nung andun na ko sa ulap na may sinag sinag ng araw, biglang tumugtog intro ng halo ni beyonce sa player mo. kala ko tinatawag na ko ni Lord. LOL!
ReplyDelete@ Bb. Chickletz mas natawa pa ko sa comment mo kesa sa entry ko ahahaha :-D
ReplyDeleteaba aba aba..si ka-jepoy ay bibili na ng kanyang pinapangarap na DSLR kamera. Siguro kahit itoy napakamahal, sulit na sulit naman dahil magagamit mo ito lalo na at mahilig ka mag sulat ng blog.
ReplyDeleteBalita ko pa, malaki ang kinikita mo sa trabaho mo at yakang-yaka mo bumili ng ganitong klaseng kamera.
Kahit anong kamera pa gamitin mo basta magaling ang iyong imahinasyon, sigurado maganda ang kalalabasan ng iyong kuha.
Ika nga, wala sa pana yan, asa indyan.....
pangarap ko rin na magkaroon ng magandang camera dahil hilig ko rin (sana) ang photography. lalo ngayon na may photo exhibit ang mga empleyado dito sa amin sa opisina. naiisip ko tuloy na kung may camera lang ako, mas magaganda at mas mabibili agad ang mga kuha ko (3,000 ang bawat kuhang naka frame!)
ReplyDeleteat dahil anak mahirap din ako, nagtya-tyaga na lang ako sa nokia 6600 na pangkuha ng litrato sa pangit kong makha!
@ Mr Anonymous na hindi naman Anonymous dahil alam kong ikaw ay Si Mr Fong (Kala mo ha)
ReplyDeleteUna sa lahat hindi ko kayang bumili ng mamahaling kamera
Ikalawa Hindi malaki ang kita ko sa trabaho malaki lang ako pero ang kita hindi ahahah
Kukupinin ko nalang ang Kamera mo pag nalingat ka!
@Mr Karakas natawa ako 6600 talaga! pa humble ka pa sir!!! wuushhuuuuu!
ReplyDeletepaki charge na lang sa credit card ko, bili ka na ng camera mo. kahit yung pinakamahal.
ReplyDelete- libre ang mangarap
- nangangarap lang na may credit card ako. haha
-nice yung jumpshot photo jan.
@Paps Una sa lahat tama ka mangangarap ako pangalawa peram ng credit card. Pangatlo Ibili mo ko sa US ng Camera ha :-D
ReplyDeletewow, ang nice ng mga pics...actually I have a friend din na idol talaga, as in ang lupet ng mga kuha niya, and gusto niya D90 na ang kunin kong DSLR but i settled at D60 kase yun lang ang kaya ng budget ko (namumulubi na ko upgrade na lang siguro kapag natuto na ko. at kapag may pera na ko.
ReplyDeleteNice ng mga shots ng friend mo, sana maging kasing-husay niya rin ako...hehehe. O libre daw ang mangarap di ba...nyahaha
@Deth Oo malupit talaga yang friend ko :-D
ReplyDeleteAba buti ka pa naka D60 ang sosyal :-D Post mo rin ang mga obra Maestra mo ha :-D
Ang sarap ngang mangarap. Kasama rin sa listahan ko ang makabili ng ganitong camera. Kaso hindi talaga kayang ipagpilitan sa budget ko. Maghihintay na lang siguro ako ng mabait na nilalang na magreregalo sa akin ng ganitong laruan.
ReplyDeletepautangin kita parekoy... hahaha 10% per month... wahahahah lki ng tubo ah... anyway gusto ko din ng camea kaso ayaw sa akin ng camera.... laging nasisira eh....
ReplyDelete@ShatterShards haaaaayyyyzz kaya yan ahahaha
ReplyDelete@SaulKrishna ang laki naman ng tubo mo parekoy..Liitan mo naman ng konti, small time lang to ahahaha
haha! gulat talaga ko pramis. ang lakas pala kasi ng volume ko. langya.
ReplyDeleteanyway.. nakalimutan kong sabihin na.. magaganda ung mga pics. lalo na ung jumpshot (adik na ko sa jumpshots) :)
PAPADALHAN KITA DSLR MEMYA... CHOZ! order ako sa joldafer ditey sa iskwater... m lens na un bakla! hihihi...
ReplyDelete@Chickletz gusto ko rin ng sarili kong jumpshot sa beach ;-D
ReplyDelete@Baklang maton dapat padalhan mo ko now na :-D
SHET! Napapamura talaga ako, maisip lang ang presyo ng DSLR!!
ReplyDeleteAng asteeg talaga ng shots ng Punyetang camera na yan!!
Hayop talaga ang bonggang-bonggang shutter kasabay ng kanta ni beyonce!
Sa bataan nga ang corregidor. Sarap nung food! :)
@ Acrylique Ang tagal mong nag vacation ah! Welcome Back at tama ka ang mahal ng DSLR at wala akong pambili...
ReplyDeleteGusto kong pumasyal sa corregidor para kumain ng food :-D
yan ang pangarap ng tatay ko.... na pangarap parin niyang magkaroon hanggang ngayon...
ReplyDeletekaya d na ako mangangarap magkaroon niyan....
ahahhahaahahahaha....
@Yj hayzzzt mag change na ngalang ako ng pangarap ahahahha
ReplyDeletepangarap kong matupad ang mga pangarap mo. - mar roxas
ReplyDelete@ Paps natawa ako sa quote ni Mar Roxas ahahaha. Ayos!
ReplyDeleteWinner ang pektures in fairnesses! :)bet ko magpakuha dun sa kumuha :) at un lang din ang suot nya, whipped cream (para malafez ko after...ay baztuz) :)
ReplyDelete@Anufi Sige papakilala kita...Una sa lahat papabasa ko ang blogsite mo para ma kapag bigay aliw bago ang final moment. Ang pagkain mo ng whipped cream ahahaha
ReplyDeletenice ng mga pics... pero nakucurious ako dun sa jumpshot.. yung dalawa hawak kamay pa.. amf ang sweet kakainggit.. nyaha..
ReplyDelete@Niqabi Oo nga no ang sweet ngayon ko lang din napansin ;-D
ReplyDeleteuy nabanggit ang toblerone sa comments! may website na toblerone philippines! www.toblerone.com.ph/
ReplyDelete