Wednesday, July 22, 2009

Disposition Check

Meron kaimbentuhan itong ka blog natin na ikubli nalang natin sa pangalang Mystery Girl. Naitag nya ang Pluma ni Jepoy sa tinawag nyang Dispo check. Muntik na akong mag nose bleed dahil hindi ko alam ang dispo check.

Naisipan kong gamitin ang maalikabok kong English-Tagalog dictionary para alamin ang ibig sabihin ng disposition sa salitang Filipino nang bigla kong na realize na alam ko pala ang ibigsahin nito.

Ito pala ay ang mga positions. Pero baket Disposition Check?! eto kaya ung mga sikat na positions sa favorite ni Paps na book na kamasutra?! like 69,helicopter,missionary mga ganun ganun... Naku medyo may kamanyakan pala itong si Mystery Girl na-kaka turn off naman, cute pa naman sya. Pero bago ako mag conclude Binasa ko ang tag nya.

(Basa...Basa..Basa...)

Yun naman pala. Na kuha ko din. Malinis pala ang meaning ng disposition check. So bago pa lalong humaba ang titi entry ko, e-explain ko na kung paano ba ito. Simple lang ang Mekaniks merong apat na P na given tapos disposition check na tayo dun parekoy. Hindi Pekpek ang P ha malinis ito. Kinaklarify ko lang para malinis tayo dito. Ayaw ni Papa Jesus ng mga ganyan ganyan. PG 13 ok.

Umpisan na'to.

Pamilya
-Steady lang naman si Mama at Papa. Retired na si Papa sa Philippine Airforce at nag babantay sya ng tindahan namin sa probinsya. Si Mamako naman ay working Mom parin. Sister naman working Hard din. Inshort, I am blessed with wonderful family. Kahit mahirap kame 'inde kame pina babayaan ni Papa Jesus. Meron kaming pandesal sa almusal, coffee na galing states (taray!) at peanut butter na palaman. Pag sumusweldo ako minsan na mamasyal kaming lahat at nag shoshopping. So far so good. Hindi man masyadong mayamang pinansyal pero puno ng pag mamahalan (teary eyed si Jepoy)

Pag-ibig
-Next Question please?! Sensya na hindi pa ko handang mag kwento pag ok na promise mag kwento na ko. For now sabihin nalang nating steady lang. (Hanep!)

Pinansyal
-Well Well Well next question ulit...Jowk! Ayos lang naman nakaka bayad naman ng bills at may konting Savings for the rainy days. Actually I'm like gonna go chillin' sa US with some of my friends e. JOWK LANG! sakay ka ng sakay kasi. Masasabi kong steady lang din ang mga pera ko sa Swiss Bank lol. Honestly, tamang tama lang ang kaperahan yung tipong may konting pang luho at pang savings at pang treat sa family at pang date mga tipong ganun. Minsan nag pre-pray ako kay Papa Jesus na makabalik ako ng US at maka kuha ng mga dollars ulit para mag improve naman ang pinansyal life ko ahahaha.

PagKilos
-Walang gig eh. Kaya pag free time dito tayo sa blogging Industry nag papart time lol. Swabe parin naman ang mga moves ko, like my hair style looking clean and grean parang puno lang (ay walang kuneksyon, korny ko noh). Active ako sa mga gawain ni Papa Jesus dati mga singing singing sa church and all, ngayon inde na masyado. Mmmmm anu pa ba pwede kong idagdag sa pag kilos?! Ahhhh merong pag kilos na hindi na dapat ikwento dito sa blog (Yan ka nanaman!)


So yan ang apat na P ni Mystery Girl.

Ginawa ko ang tag na ito bilang tanda ng pasasalamat sa pag basa nya sa aking mga entry kahit hindi naman sya nag cocomment jowk lang! this is for you and for other readers....

Hindi na ko mag name drop pero ikaw anu ang masasabi mo sa APAT NA P NG BUHAY MO?! Tinatag kita!!!!!!! Oo ikaw wag ka nang lumingon at mag turo pa.

I handa ang Pluma at sumulat na! Go!

22 comments:

  1. haha pwede na ba ako gumawa nito?hehe;)

    ReplyDelete
  2. Eh pano naman ang tungkol sa pag-uhmm... o di kaya ang pag---aahhh... jijijijiji...jowk lang...

    ReplyDelete
  3. teka, pre, titingnan ko lang kung ano meaning ng "pluma" muna hehe

    ReplyDelete
  4. hahaha.. buti n lng binasa mu mabuti. :) hahaha..

    ReplyDelete
  5. hehe akala ko pekpek talaga haha. sige kunin ko yang tag na yan.

    ReplyDelete
  6. @Pink Note sige gawa narin masaya to!

    @IamXprosaic Anu ba yun ang baboy! lol

    ReplyDelete
  7. @Usapang lalaki sige tignan mo muna tapos gawa ka narin :-D

    @Kox Onga buti binasa ko muna lol

    ReplyDelete
  8. @Kheed 'inde nga pekpek hanubayun sige gawa ka narin!

    ReplyDelete
  9. Oy kuya, sosyalin ka ha. Pa-US-US ka na lang dyan. Dalhin mo ako dun. Sakay ako sa mga bagahe mu. Or kung ayaw mo, pahingi na lang ako ng dolyar. :D

    Mejo hindi pang minor talaga ito kuya noh. Errr, inosente po akong bata. Hahahaha, joke! Ako? Inosente? :-S At ano nga ba ang pluma?? Isa ba itong panulat? LOL.

    Grabe, nag-enjoy naman ako sa entry na ito. Hahaha! Salamat po ulit.

    ReplyDelete
  10. @Sweetham ikaw nga pa UK UK lang e lol.

    Yer welkam miss beautipul :-D

    ReplyDelete
  11. @Travliztera Sus wala nga po akong kakuletkulet super serious mode nga po itong entry ko e :-D

    @Lady in Green Ruffles Parang may nalala ako sa blog name mo...Nalalapit sa movie na Shapaholic?! lol

    Yep I consider myself lucky po at nag papasalamat ako kay Papa Jesus dahil dyan.

    ReplyDelete
  12. hmm parang gusto ko ding may i answering ito,hihihi pero sayang walang Pag gagahasaan,hihihi ulit!

    salamat po sa pagtambling sa aking kubo...

    ReplyDelete
  13. ah yung pala yung p na yan, sablay ako lahat diyan,lols

    ReplyDelete
  14. Haha. Yun pala yung P nya. mmmm :)


    Pag-ibig?

    ReplyDelete
  15. hala bat ako nadamay diyan sa mga kamasutra na iyan. haha

    ang libog mo talaga parekoy halata sa mga sulat mo. hahaha

    ReplyDelete
  16. @Pokwang Sige gumawa narin ng Dispo check go!

    @Hari ng Sablay Kasi greenies ang laman ng isip mo parekoy ahahaha

    ReplyDelete
  17. @Acrylique adik ka! aahaha Pagibig talaga?!

    @Paps Syempre naman kelangan masama ka paps :-D

    note: Hindi ako mal*bog state of mind mo lang yun lol

    ReplyDelete
  18. jepoy na iadd na po kita sa listahan ko ng mga pautang,hehehe

    salamat!

    ReplyDelete
  19. @Ate Powkie thanks mucho Mwahhh

    ReplyDelete
  20. gagawin ko pa din pala ung akin. nai-tag din ako ni Mystery Girl. hehe. wala lang, gusto ko lang sabihin dito.

    ReplyDelete