Tuesday, July 7, 2009

Not Worth Reading

Dahil loner ako pumunta ako sa isang bahay ng mga pancake mag isa para mag breakfast ng pancake eto picture.


Inubos at kinain ko syang lahat ng walang masyadong effort at meron pang combo na fresh milk para clean living. Lately kasi puro junks ang trip trip 'kong kainin, although, Junk din naman ang pancake pero mas healthier version lang. Alam nyo naman sa panahon ngayon dapat parating healthy bawal mag kasakit (parang clusivol lang).

Habang kumakain ako sakto namang napasilip sa mga katabi ko. Medyo na sad ako ng slight, as in isang kurot ng sadness lang. Kasi lahat sila kasama either family nila or tropa or di naman kaya love birds sila sa isang sulok nag kukurutan sa tabi at nag bubulungan na 'tila kagagaling lang sa SSSShhhhhhhh. Samantalang ako ay nag iisa na kumakain ng tunay na masarap na gabundok na pancake.

Napalingon ako sa bandang likod upang humingi ng extra peanut butter kay Ate sakto namang may mga Nursing students ng Phil Docs College nag mamaarte e ice tea lang naman ang order nila buti nalang magaganda sila. Syempre hindi ko sila sinabayan ng tingin baka isipin nila easy to get ako. Bumalik ang tingin ko kay Ate sabay kaway para humingi ng peanut butter. Bumalik ako sa pancake ko at nag muni muni.

Naisip 'kong may mga bagay na magandang gawin ng ikaw lang magisa. Pero, hindi sa lahat ng pag kakataon e masayang mag isa, madalas ay nakakalungkot din ito. Yan ang lesson learned ko today

Susubukin kong i enumerate ang pros and cons ng pagiging loner:

Pros:

1. Minsan masarap mag shopping mag isa, i.e. bibili ka ng brief, 'diba mas mapipili mo ang nais mong style kung ikaw lang mag isa? Diba minsan nakakairita rin pag mamimili ka ng brief sa Bench or kahit saan, tapos may magandang sales lady na lalapit sayo sasabihin "Yes sir brief po meron kaming sizes.." like Duh! nakakahiya tuloy parang gusto mo nalang umalis kagad dahil imbes na kinky style ang mabibili mo dun ka nalang sa usual comfort zone style mo. Parang mas maganda ung check the size and style-Dampot-Bayad sa counter 'diba?

2. Mas ok mag munimuni mag isa.

3. Walang hassle sa hintayan, 'di ka mag adjust sa mga gusto mong puntahan,kainin,inumin wala kang iisiping iba.

4. Makakatipid ka kasi walang mag yayaya sayong mag lamierda at kumain sa labas at uminom mag damagan.

Cons:

1. Muka kang tanga pag na nood ka ng sine mag isa. Lalo na pag labasan na para kang galit sa mundo wala kang friendship.

2. Pag kumain ka sa fastfood chain mag isa para kang kawawa wala kang kausap parati ka nalang kakalikot ng cell phone mo kunyari maraming ka text.

3 Pag depress depressan ka mag eemo kang mag isa, mag kukulong ka sa kwarto at dadamdamin ang ang emo at lalo kang maiiyak.

4. Hindi mo halos ma panood ang mga bagong mubi dahil wala kang kasama manood. Pupunta ka nalang sa quiapo para bumili ng dbd, syempre pag punta mo dun ikaw lang mag isa kasi nga loner ka.

5. Hindi ka makapunta ng Boracay,Davao,Bohol,Singapore,Bali,Malaysia hindi dahil wala kang pera kung'di dahil ito sa wala kang kasama. Alanganamang mag travel at bakasyon kang mag isa at mag lalakad mag isa sa isang banyagang bansa at picturan ang sarili mo para ilagay sa friendster at facebook? Inshort pathetic ka! get a life!

Wala na akong maisip pa na ibang mga reason. Pag nag comment ka pwede ka maglagay ng mga pros and cons mo about being a loner.

Well hindi naman talaga ako pinanganak na loner, lately lang ito dahil nga sa hirap ng buhay dito sa atin kung kaya nag sipag liparan na ang mga tropa sa ibang bayan para mag trabaho doon upang may pambuhay sa pamilya at tumanda ng may pera sa Pinas. Ngayon ko lang na realize na nakakalungkot din pala dahil masyado 'kong na mimiss ang mga boklogs kong prens kahit tinataguan ko sila paminsan minsan pag gusto kong mapag isa, kaya to this point loner ako ng konti. ika nga nila kapag daw your not into serious relationship dapat daw parekoy you are sorounded my friends, para umikot ang mundo mo ng may kulay parang rainbow lang.

Last year noong ako'y na padpad sa States para mag training at mag trabaho naranasan ko ang matinding pag ka lungkot bunsod ng pag iisa or pagiging lonely oh Mr lonely, totoo ito mga parekoy walang halong jowk. Kahit na nabibili ko ang mga gusto kong gadgets at nakakatikim ng pinapangarap kong snow, walang tigil 'kong pinupuno ang aking balikbayan box ng cornbeef, spam, relo,tsokoleyts,shoes at kung anu anu pa everytime na may chance akong maka pamili. Parati 'kong binibilang ang araw ng pag uwi ko sa pilipinas at iniimagine ang loveones at friends na inaabutan ko ng pasalubong na tuwang tuwa.

Actually meron naman akong mabubuting kaibigan doon pero at the end of the day loner parin. Imagine, ako ang nag lalaba ng brief at damit ko at nag luluto ng kakainin ko, Ang hirap nun ha. Ayaw kong gamitin ang diswahing machine at gusto ko sinasampay ko ang mga damit ko kahit walang sampayan doon dahil dryer ang gamit nila at habang ginagawa ko ang mga gawaing ito lunkot lungkutan ang drama. Promise nakakalunkot din hindi puro saya doon.

At sa araw ng pag uwi ko sa Pilipinas ay sobrang kaligayahan ang nadama ko. Ngayon gusto ko ng bumalik sa States for Good. Walang lungkot lungkot mas mahalaga ang pera. Walang loner loner period. Kaya 'ko ng iendure yan dahil dito palang ay trained na kong maging loner. Meron namang blogosphere world para hindi maging malungkutin. Mag basa lang ng blog para sumaya dahil hindi lang si Bob Ong ang pwedeng mag patawa sakin, kahit sabihin pa ng iba na clone ni Bob Ong ang ibang blog ay wala akong pake, edi wag silang mag basa kung ayaw nila.

Hindi ko maintindihan baket ganito ang entry ko ngayon walang concrete explanation basta kusa nalang nag type ang mga daliri ko sa free flowing thoughts na dumadaloy sa isip ko (taray! parang river lang)

34 comments:

  1. Ay ang healthy nga nun! iyu lang din ang pwede ko kainin from now on.

    PROS:

    1. about sa brief shopping, kairita nga. kulang na lang isukat mo sa harapan nila.

    2. parang loner word nga ang munimuni

    3.Check. walang cramming

    4. kahit walang nagyayaya. laki pa rin gastos. hehe

    CONS:

    1. Ayaw ko nanonood ng sine mag-isa. DAmi nagtatanong ng oras, alam naman nilang wala akong relo.

    2. Sino mang umepal, babatuhin ko ng cellphone.

    3.EMO, hehehe

    4.Meron din sa cubaio, layo quiapo sa min. :)

    5. Nakakatawa nga ang solo vacation. Kahit mga monks may kasama. :)


    Baka nga isa sa mga sinasabing clone ni bob Ong, eh si Bob ong talaga. :)

    ReplyDelete
  2. @Acrylique Una sa lahat nagustuhan ko ang comment mo... I love the details!

    Ikalawa sa susunod sama ka mag Pancake house tayo mag kalapit lang tayo ng opis lol

    Ikatlo wala na kong maisip ahahaha.

    Ikaapat onga baka si Bob Ong nga ang clone na sinasabi nila. FYI si Bob Ong daw ay dating bloggero rin so pwede tayong sumikat nyan ahahahaha

    ReplyDelete
  3. Weird lang siguro talaga ako, pero gusto kong nanonood ng sine mag-isa. Sanay rin akong kumain sa fastfood ng mag-isa. At favorite kong mag-ikot sa mall ng mag-isa, tapos pupunta sa isang sulok ng bookstore para magbasa ng mga libro. Hindi ko magagawa iyon kung may mga kasama ako, dahil ayaw nilang magbasa in the first place. hehe

    Pero hindi ko pa na-try magbakasyon ng mag-isa. Mag-iipon muna ako.

    ReplyDelete
  4. ay pareho tayo. loner din ako lately. huhuhu.. engeng pera. haha!

    ReplyDelete
  5. salamat sa pagdaan sa blog ko! x-links tau?

    ReplyDelete
  6. hehehe... may poing ka pare.. ^_^

    ReplyDelete
  7. Ganeng. May loner emote? Naku Jepoy, basahin mo muna ang ate nateng si Keith Ferrazzi. Look mo ang book nya na "Never Eat ALone". Maganda ang chuva nya dun.

    ReplyDelete
  8. Papa Jay, you're so wafu ha. naiinlab na ako sa yo. buti pa si jepoy madalas mo bisitahin. :(

    ReplyDelete
  9. @Shatter Shards Medyo weired nga pero ganun din ako sa bookstore nasa sulok at nag babasa minsan pag walang pambili tatapusin ko ang book sa bookstore lol Wag ka namang mamasyal ng mag isa lol

    @Chiklets sige libre kita pancake tapos libre mo ko sa ihop ha :-D

    ReplyDelete
  10. @Kuri Sure parekoy addkita sa blogroll ko basta mag comment ka lang parati masaya na yun lol

    @Enjeyner ayos ba ang point? Tee hee

    ReplyDelete
  11. @Anufi sige titignan ko ang ate nating yan...

    Excess kelangan merong landiaan sa comment section ko?! ahahaha

    ReplyDelete
  12. @Anufi kelangan morin akong sabihang so gwapo mag tatampo ako nyan Bwahahahah

    ReplyDelete
  13. Sarap ng fud! yum yum! Kaso tumaas sugar level ko ngayon siguro sa sobrang gala at puro processed foods at fast foods kasi tinitira ko... jijijijiji...

    Ok naman sa akin ang magisa... gaya ng pros mo ganun nga! jijijiji.. Cons?! Ala akong maisip eh pwera lang sa minsang nagmumukhang tanga pag narealize mong ala ka na ginagawa at tumatambay na lang mag-isa...jijijijiji...

    ReplyDelete
  14. Ngek! ang taas ng naman ng pancake mo..nakaya mo ubusin? Pero infairness mukhang masarapa sya hehehe..

    ReplyDelete
  15. namiss ko bigla ang pancake house...

    medyo nakakasanayan ko na rin ang mag-isa, ndi naman sa loner pero mas nakakagalaw lang ako ng walang masyadong inaalala na baka pagod na maglakad kasama ko, or naenjoy niya ba pinapanood or gusto ba niya yung resto...chenes chenes...

    pero syempre mas masaya pa rin ang may kasama...

    ReplyDelete
  16. Ok lang kaya mag isa! Saka wala iyon kung mukha kang kawawa, lalo sa fasfud chain o sa sine, eh ano? Sobrang sarap naman ng kinakain mo, ang isipin mo nalang, mas kawawa ang mga taong di mo kasama sa oras na iyon, dahil di nya napanuod iyong maganda mong napanuod, or di nya natikman ang masarap mong natikman.

    Cheers!

    ReplyDelete
  17. huhuhu

    gusto mo na bumalik sa states

    siya nga pala dumating na visa ko.
    kailangan daw magamit hanggang dec 12. huhuhu

    tapusin ko lang ang sem tapos ayun.. gamitin na

    ReplyDelete
  18. masarap mag isa kapag:
    magsashopping.. proven un.. lalo na kung books bibilhin mo..

    pero dapat may ksama kapag:
    gigimik, manonood ng sine, plays, shows, concerts, gigs.. hehe..

    ReplyDelete
  19. wala ka kasama?sama mo ko..hehehe..para nman mkpmasyal ako hehehe...

    "baka isipin nila easy to get ako"-hahahaha...kulet

    ReplyDelete
  20. sarap ng pankeyk!


    loner pros:

    mas kumportable pag nag nature call ka, kesa me kasama ka sa c.r.

    loner cons:

    mahirap makipagchess at makipagtong-its sa sarili. di mo alam kung sino nanalo.

    ReplyDelete
  21. @Xprosaic Tama ka parekoy masarap din mag isa paminsanminsan :-D at oo masarap ang pancake ahahah

    @Kablogie hindi ko kinayang ubusin lahat kasi nga ang dmi inuwi ko ung iba ahahah

    ReplyDelete
  22. @Deth Dali uwi na at mag pancake house tayo para may kasama ka :-D

    True masaya din may kasama sa mga gigs :-D

    @Keb I like the comment. Paki nila no?! Basta ako enjoy enjoy lang ahahah

    ReplyDelete
  23. @Pablong pabling Huwaw naman congrats parekoy sa VIsa mo. Makakapag kalat ka na ng lahi sa esteyts....

    At

    Doon mo nalang ituloy ang aral mo

    @Rwetha Tama ka masarap mag isa pag shopping at masarap may kasama pag may gig :-D

    ReplyDelete
  24. @Rico De Buco tara na pasyal na parekoy!

    @Reigun Oo masarap talaga ang pancake at oonga mahirap makipag chess at tongits sa sarili baka pag kamalan akong aning aning :-D

    ReplyDelete
  25. Jepoy mukhang naghahanap ka ng lab lyf..hahahaha!

    ReplyDelete
  26. Isa lang kasagutan dyan.....Ligawan mo na kase yung nis-spotan mo na babae!! TORPE KA KASE!! BOOOO!!!

    ReplyDelete
  27. Ms. Anonymous isa ka pa! Issue ka. I just keep my personal life private. Super private kaya wag mo kong intrigahin kung hindi. Itatago ko ang laptop mo ahahah

    ReplyDelete
  28. Basa kita jeps! Lovelife ang katapat nyan.. Ahahaha.. Punta ka kasi dito pagfeeling lonely ka..

    Con: minsan walang makakapagbigay ng PIECE of mind pagkelangan mo...

    Pro: minsan may PEACE of mind pag mag isa..

    ReplyDelete
  29. @ ROse I love your too cents...Inspiring ;-P

    ReplyDelete
  30. tama yung mga sinabi mong pros and cons,haha

    ako din mnsan mas ayos pang mg-isa kakain tas lalapitan may mkikishare ng table,tas mkikishare ng pagkain...namamalimos pala,lols

    ReplyDelete
  31. @ Hari ng Sablay dapat bigyan mo ang na mamalimos lol

    Kuha lang ng pancakes :-D

    ReplyDelete