Thursday, July 2, 2009
Kwento ko today....
Meron na palang twister fries ulit sa Mcdo, alam nyo ba yun?
Pwes! kung hindi pa ay ngayon alam nyo na ito. Nakakaadik kasi ang twister fries lalo pag may partner na mayonaise at keytchup (Oo Keytchup talaga ang basa dyan) Pero hindi dyan na papatungkol ang entry kong ito.
Wala talaga akong maisip na ishare for today. Tapos si Mr Fong (Officemate ko) tinatanong nya baket wala pa daw kong entry today. Nahalata na 'ata nyang pumapasok ako para mag blog. Well, totoo naman pero slight lang naman, kasi productive naman ako noh. lol
Kaya nag back track ako ng previous experience ko last year. Ito ay ang istorya ng pag aapply ng isang probinsyanong tulad ko sa embahada ng Amerika para maka kuha ng gate pass sa "Land of Milk and honey" o mas kilala sa tawag na China ay mali Amerika pala.
Alas kwatro ng Umaga ako nagising. Excited na! nag bihis. Nag lagay ng deo na cool water na matagal kong tinago sa aking aparador (Sosyal!). Ginamit ang bagong color black na boxers (Oo dapat bago lahat). Sinuut ang puting Long Sleeves (Marks and Spencer , sosyal talaga!). Nag Nectie na kulay purple din (Marks and Spencer din, ayaw paawat!). Kinuha ang kulay black na slacks at sinoot. Nag belt. Nag wax ng buhok. Kinuha ang black shoes bagong bili din. Ang last touch ay ang Blue Jeans Versace na pabango na bigay sakin ng Kras ko.
Dinampot ko ang folder na punong puno ng requirements na naka ready na lahat. Pag labas ko ng room nakita ako ng kasama ko sa bahay sabay sabi ng...
"Oh ayos porma mo ah para kang waiter ng Steak House..."
"Gago ka! sana naman supportahan mo ko diba?!"
Hindi ko inalintana ang sinabi nya basta feeling ko this is my big day and I feel so pogi and I'm gonna get that Visa.
Kinse minutus bago mag alasingko ng umaga nag decide na kong umalis. Natanong ko ang sarili ko.
"Pak! San nga ba yung Embahada ng Amerika?!"
Bigla akong kinabahan baka malate ako at gumuho ang mga pangarap ko. Nag madali akong bumaba at nag abang ng Taxi. Madilim dilim pa noon.
"Manong Alam nyo ba kung saan yoong US embassy?"
"Hindi"
*Naku! naloko na!*
"Sige Manong basta sa Roxas alam ko nandyan lang yun"
Pinag papawisan na pati betlog ko ng malamig, mukang mag lalaho ang aking dreams. After 30 minutes nakita din ni Manong ang Embahada. Pota! Ang haba ng pila ang sungit pa ng Manong guard. Sabi nya sulatan na daw ang DS form dapat walang bura at readable daw ito. Shet wala akong dalang ballpen. Puro may dalang folder at ako lang ata naka long sleeves shet.
Maya maya pa nag simula na silang mag papasok sa loob ng Embassy. Sobrang kapal ng tao. Hoping lahat na hindi masayang ang binayad nilang limang libo para sa Personal Appearance Interview.
Nasa Pila ako. Sumigaw si Manong Guard na maiitim pakilabas lang po ang passport at print out ng reservation form nyo sa Interview. Dali dali kong binuksan ang folder ko. Shet!!!!! Hindi ko makita ang passport ko.
"Am I dreaming or what???!!!, Hindi ito nangyayari. Hindi ito pwede............"
Nang bilang may Angel na kumalabit sa likod ko
"Sir, sayo ata tong passport na nahulog dun sa yosian..."
Halos mahalikan ko si Kuya sa pag abot nya ng passport ko sakin. Mayamaya pa ay kumalamay na ang loob ko nakapag chill chill na ko ng kaunti. Medyo mahaba ang pila ng araw na yoon. Medyo chumismaks muna ako sa pila. Syempre alam nyo na dapat friendly parati.
"Ate anung gagawin mo sa US"
"Namatay kasi tatay ko, walang mag aasikaso ng bangkay nya"
"Ah, condolence and sorry to hear that"
Hindi na ko humirit pa. 'di ko alam isasagot ko sakanya e.
"Ikaw anu gagawin mo sa Amerika? Mag tour ka?"
"Ay hindi po ate, Wala akong pang tour. Kelangan lang po sa trabaho..."
"Ang swerte mo naman ang bata mo pa, mag hanap ka na doon ng aasawahin mo"
*nag smile lang ako*
May pag ka pervo itong si ate gumaganun pa. Mamya hindi ako bigyan ng Visa ni Papa Jesus kasi mali ang mutibo.
*Sa Loob ng Embassy*
Hindi ko maintindihan ang daming pipilahan, hindi ko alam ang pag kaka sunud sunud ng mga ito, pinag papawisan na ako. At pag mali ang pag kaka fill out mo ng forms back to likod ka. Sa pinaka huling pila ay binigay ko na ang passport ko at pinasa na saloob. Heto na to malapit na ko sa Interview. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Kung matatae ba ko o mauutot. Basta, iba ang feeling pag malapit na.
Nang Makaabot ako sa pila ng finger scanning bago pumasok sa pinaka loob para sa personal interview ay inihanda ko ang requirements ulet. Diploma, transcript, certificate of employment, DS106,Training Plan, Invitation letter, Priority Interview letter at marami pang iba. Medyo hinanda ko rin ang sarili ko at pinraktis ko ang mga na tutunan kong schua sound at kung anu anu pang ma kakapag pa bibo sakin.
Pag tapos ng finger scanning. Dumiretso na ako sa loob. Napansin ko yoong nakausap kong babae kanina sa unahan ng pila bago pumasok sa loob ng first processing part. Mag kasunod lamang kame sa Pila.
"Ate Goodluck nalang satin..."
Naupo kame sa malamig na sulok at nag hintay ng available window. Ang bawat tik tak ng Orasan ay parang isang linggo. Mapapansin mo ang mga pamilya at idibidwal na iniinterview, nag tatalsikan ang dugo sa ilong nila sa kaka English. Meron silang dalawang klaseng Card na binibigay isang blue at isang dilaw. Kapag Blue denied. Pag Dilaw ay pasado ka at tuloy na ang pangarap mo to leave an American Dream.
Eksena sa Window one:
Manong: Please reconsider me
Consul1: I'm sorry I can not help you *Sabay bigay ng blue card*
*Pak lalo akong kinakabahan*
Sumunod ang babaeng nakasabay ko kanina, sya na ang susunod. Tumayo sya at pumunta sa Window 2. Binigay ang mga requirements at nag simula na ang interview nila. Diba last time sabi ko malakas ang pandinig ko syempre na ririnig ko sila kasi malapit lang naman ako sa kanila.
Eksena sa Window 2:
Consul2: So why are you going to US?
Ate: Because my pader is dead. So i need to go there.
Consul2: Who's gonna pay for your stay there? Do you have an appartment?
Ate: My dad is staying in a 2 door appartment (Parang na stroke na si ate)
Consul2: Who's gonna pay for your air faire?
Ate: Me
Consul2: Are you single?
Ate: Yes
Consul2: So what's the assurance that you will return back?
Ate: Uhmmm I have friends here
Consul2: (Nag labas ng blue Card) I'm sorry I can't help you with this application..
Pak. Kawawa naman yung ate Denied sya. Umiiyak sya dun sa manong na nag iinterview pero hindi ito nag effect. Sheeeeeet! ako na susunod.
Tumayo ako at diretso sa Window 1. Kamuka ni Madam Hooch yung mag iinterview sakin. Hinihingi nya lahat ng documents. eto ang usapan namin:
Madam Hooch: Can I have your requirements
Jepoy: Sure do Mam, here you go (with confidence and clear accent)
madam Hooch: So you're company is paying for your stay there?
Jepoy: Yes Mam (Slang ulet)
Madam Hooch: Do you have a pending petetion in the US?
Jepoy: No Mam
Madam Hooch: You are applying for Specialist Visa? How long have you been in your company?
Jepoy: Yes Mam I am applying for specialist visa, I've been in the company just for a month, I am a new hire employee (Patay!)
Madam Hooch: Mmmmm one month?! Specialist Visa?! Do you have Masters Degree?
Jepoy: I don't have Masters degree Mam but I am planning to take one in the future, prolly when I get back here (Sumegway pa ko pota!)
Madam Hooch: Do you know that this Visa requires Masters Degree?! (Sarcastic na sya)
Jepoy: No Mam I am not informed of that requirement (todo kaba na to). My company decides what type of Visa should we apply for and I am just following the company policy and procedure.
Madam Hooch: Can I see your training Plan and Can you give me your diploma
Jepoy: here you go
*Nag isip si Madam hooch, sinarado and window at kinausap ang isa pang consul.
Madam Hooch: (Nag labas ng Yellow Card) Have a safe trip and please come back home
Jepoy: (Muntik ng mahimatay)
Yung kuha nga pala yan ung pag ka sampa ng US nag picturan kagad ahahahaha
****END OF STORY****
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
haha! ayos.. pati ako kinakabahan sa suspense ng story mo.. apir!
ReplyDeletecongrats! kahit matagal na.. hehe...
kala ko naman di ka natuloy. congratulations!!! (tono ng dancer sa wowowee)
ReplyDeletekinabahan naman ako. buti mabait si manong sa yosian,,
ay labas ang mga banderitas! winner ka pala dunchi! gora ulit! :)
ReplyDelete@ Chikeletz onga pag naalala ko kinakabahan parin ako lol
ReplyDelete@Stupidient Oo kinabahan din ako buti nalang talaga :-D
@Anufi Winner diba?! ahahaha Pero nag nose bleed ako ng todo sa interview :-D
Good job! So which part of the US did you visit? :D
ReplyDeleteano ang itsura ng blue at yellow card? lols
ReplyDeletebute pinayagan ka. :) haha... kinabahan din ako, :p
ReplyDelete@Angel Same as with Stell mag office mate kame :-D, sa mabundok na lugar ng Tennessee
ReplyDelete@Paps maliit na karton ahahaha
@Yza Onga e buti naka lusot. Salamat sa pag visit hehehe
Wahaha. Paksyet talaga nung perstaym ko rin magpunta sa embassy. Potang taxi driver yun, di alam kung saan. Take note nasa PADRE FAURA lang kami! Gahd!!
ReplyDeletePostNote.- Sino si ARVIN? (Nangelam noh?)
Word Verification : DEDES ??? plural?
galing mo nman parekoy swerte mo
ReplyDeletedream ko din yan kaso hangang pangarap nlang siguro ako.
@Acrylique di Arvin ung masugid na fan ni chickletz ahahaha peace chikletz....
ReplyDeleteDeDes talaga ahahah i think so ahahaha
@Jettro matutupad morin yan parekoy keep the faith!
uy, gusto ko rin ng mcdo twister fries. :D
ReplyDeletebuti nakakuha ka ng visa. pahirapan talaga kumuha nyan. nakow!
@ReyR yeah buti nalang... At pareho tayo gusto ko talaga ng twister fries lol
ReplyDeleteAhaha! wow may pa-suspense pa haha!!
ReplyDeletelaughtrip to: haha!!
"Consul2: So what's the assurance that you will return back?
Ate: Uhmmm I have friends here"
@homer :-D ayos ang sagot ni ate lol
ReplyDeleteputiks!haha ang swerti mo naman? nung ako dineny.sabi kulang daw ako ng working experience. lalaking mukhang bading kasi naginterview sakin dun eh...
ReplyDeletepero nkakuha ako ng teknik sayo,hahaha tnx pre... mgttry pa ulit ako.msubukan nga yang company chorva,hahaha
@ Hari ng Sablay Bilis subukan mo now na. heheheh
ReplyDeletehaha.. naaliw ako sa kwento mo. Btw, fave ko din ang twister fries!!! Seasonal kasi yun eh.
ReplyDeleteWow, congrats, kahit last year pa. haha!
ReplyDeleteYep, may twister fries na ulit, kaso promo lamg for Ice Age.
sana hinimatay ka kahit drama lang hahahahahaaha
ReplyDelete@Dencio salamat naman dahil naaliw ka sa kwento ko yan kasi ang pakay ko :-D
ReplyDelete@Shattershards gusto ko ng twister fries now na!
ReplyDelete@Yj maganda ang suhistyon mo, sa ibang pag kakataon gagamitin ko ang magandang suggestion na yan! go!
ReplyDelete