Friday, July 24, 2009

Feature Blogger

Meron kaming kanta nung elementary ako, mga grade 5 siguro yun, pero hindi ko na matandaan eh (hindi ko nga maintindahan kung baket nakalimutan ko na kagad eh parang 7 years ago lang naman angnakakalipas). Ganito ung song...

"Skimimaringkidingkidu-Skimimaring kidu I love you...I Love you in the morning and in the efternoon. I love you in the evening and down beneath the Moon..Skimimaringkidingkidu-Skimimaringkidu [medyo bumabagal na dito] I love you..." (take note meron pang action yan)

Kanina pa kasi sya tumatakbo sa isip ko, at medyo na kakaasar na. Actually, nag try akong hanapin ang title nyan kay Kuya Google pero binigo nya ako. At wala akong balak na mag waste ng precious time ko para lang sa title ng buset na elementary song na yan. Like I care! duh!

Habang ako'y nag blo-blog hop at patagong nakikibasa ng entries ng mga blogger friends ay na realize kong napaka dami palang Pinoy na talented mag sulat. Isang malaking halimbawa dito ay makikita sa mundo ng blogosperyo. Sobra talaga akong humahanga sa mga blogsite na napupuntahan ko, syempre lalong lalo na ung nasa blog roll ko :-D [insert plugging: Gusto mo bang mapasama ang blog mo sa blogroll ni Jepoy? Gawd napakadali lang! dapat lumunuk ka lang ng blade at kumain ng apoy. Jowk! comment lang sa entry ko steady na] Nakakapulot kasi ako ng aral at na aalis ang stress ko sa mga nababasa ko. Madalas nga eh halos matae-tae na ko sa kakatawa, minsan naman halos madurug ang puso ko sa mga experiences nila na nai-ilustrate nila sa pag susulat madalas kasi nakakarelate ako, tototoo parekoy. Felt na felt ko talaga. 'Di nyo lang naitatanong si Jepoy ay emo talaga. Sabi nga sa ibang blog na nabasa ko, nasa mag kaparehong wavelength lang daw ang humor at emo kaya ganun.

Since isa sa mga addiction ko talaga ay magbasa.

Nag iisip akong mag feature ng favorite blogger of the month ko dito sa blogsite ko, eh kaso ngalang dahil stupid ako sa mga XML,HTML,PHP na yan eh baka hindi lang ma-appreciate ng ma-fea-feature kong bloggista of the month. Isang rason pa ay anu ba naman ang Pluma ni Jepoy na merong tatlong peytpul na mambabasa lamang (kasama na sarili ko sa tatlo ha) Wala daw kasing kwenta ang laman lol

Hopefully one of these days gagawa ako ng entry about my favorite blogsite pero not now muna.

Medyo na feel ko rin lately na pa bobo na ako ng pabobo. Baka' simple Alegbra lang di ko nakayang i solve ngayon, hindi katulad noong college na kahit mag integrate tayo mag hapon at mag laplace transform tayo mag damagan ay hindi kita uurungan (exag! lang yun! ayoko ng laplace transform) at isa pa dati nakaka ilang books ako sa isang month, e ngayon puro farm town at twitter nalang alam kong gawin.

Mag masters degree kaya ako?! Kaso ngalang ang GPA ko ay 2.96 lang muntik ng tres pota! Sino namang matinong school tatanggap sa'kin nyan!! Tatanggapin kaya ako ng UP? (asaness!)

Para naman madagdagan ng taba ng talangka ang utak ko nag decide ako na mag basabasa ako ulit ng books. Sa mga book lovers dyan meron ka bang ma rerekomend? Yung hindi masyadong nakaka nosebleed ha gaya ng Intermediate Physics for Modern Society ayoko ng mga ganyan. Oi sige na mag comment ka kasi daan ako ng Fullybooked sa Sabado para makapag basa na ulet.








24 comments:

  1. ikaw talaga pare kong Jepoy, masyado kang emo lately..hahaha..bakit kaya??

    Anyway dahil gusto mo maghanap ng magandang librong babasahin eto ang aking marerekomenda..

    The Simplified Handbook of Vibration Analysis by Arthur Crawford.

    Makakatulong ito sa iyo especially sa iyong trabaho. Sa tingin ko ha?! =)hahaha!!

    ReplyDelete
  2. @Istibi wander isa ka sa tinutukoy kong tatlong mambabasa ng blog ko..I loveeeet!

    At Ayoko ng WORK RELATED BOOKS!!! PERIOD!!! baka pati dugo sa tenga at pwet ko ay lumabas dahil dyan ahahaha

    ReplyDelete
  3. o yan, nadagdagan na readers mo..

    just continue writing and reading

    bago pa lang din ako sa mundong ito

    pasasaan ba at magiging sikat ka din balang araw!

    ReplyDelete
  4. @Lady in Green Ruffles Nagustuhan ko ang name mo parang shapaholic lang...

    Woi na tats naman ako dahil nag babasa ka sa Pluma ni Jepoy :-D Anyways, hindi ko naman nais na sumikat basta gusto ko lang magsulat tungkol sa mga bagay bagay.... Thanks ulit ha :-D

    ReplyDelete
  5. anak ka ng jueteng jepoy... ang drama mo.... inaagawan mo pa ako ng trono bilang pinaka emong blogger... hahahahaha joke lang... wavelength ba kamo? anu yun nakakain ba yun? pero serious muna tayo....

    magaling ka naman mag basa at alam mo ba na lagi ka dinadalaw ni gf ko kasi tawa daw siya ng tawa sa mga post mo....

    lahat tayo magailng mag sulat sadyang minsan natutuyo ang mga utak natin mga isip ng ipopost....

    ReplyDelete
  6. @Saul Krisna Salamat Brad at salamat k Gerpren mo at nakikibasa din sya :-D Pakisabi na tats ako. Dahil na tats ako gusto kong kumain ng twister fries sa mcdo now na! :-D

    ReplyDelete
  7. haha magrerecommend ako,try mong magbasa ng book ni mitch albom,inspiring lahat ng books na gawa nya, tapos pwede rin si dan brown..Ü o kaya mga books ni bossing bob ong..Ü

    ReplyDelete
  8. whooo emo,hehe cge magmaster kana lang ako din gusto ko magmaster eh... masters dgree yun ah hindi kung anu-anong master na iniisip mo,lols

    ReplyDelete
  9. pasok yang grade mo sa pagmamaster..wala namang grade grade don eh..basta lang may grip pa ang kamay mo...masterbate ba ang pinaguusapan dito???

    hihihihi...

    ReplyDelete
  10. hahaha twister fries ba kamo? sarap nun at may caramel sundae... yum yum.... patay na naman ako... sira ang diet ko hehehehe

    ReplyDelete
  11. Teka, isali moko sa bilang mo ng faithful readers ng blog mo huh? Palagi rin ako dito, nakikiemote at nakikitawa...=)

    ReplyDelete
  12. @Superjaid Uy Salamat sa recommendations mo na try ko na si Kuya Dan Brown tska si Idol Bob Ong pero Si Ate Mitch Albom di ko pa na try. Hahanapin ko sya...Salamat sa iyong suhistyon :-D Mwahhh

    @Hari ng Sablay Ang bastos mo talaga kuya ahahhaha

    ReplyDelete
  13. @Ate Powkie Ang bastos mo talaga!!! I kinda like it naman ng konti :-D Ahahaha

    @Saul Krisna Sirain na natin ang diet diet nayan umorder tayo ng 3 twister fries at sopdrink ahahahhaa

    ReplyDelete
  14. @PinkNote na tats naman ako at nag babasa ka pala parati I loveeeet! Mwahhh

    ReplyDelete
  15. Ahahahahahaha anong klaseng kanta yan?! jijijijijijiji... gawin mo na lang yung laplace transform... jijijijijiji...

    ReplyDelete
  16. @Xprosaic Hindi na kaya ng mumunting kakayahan ko sa ngayon ang laplace transform ahahaha Kamote nga ko dun dati eh..Pakshet na alalala ko si Sir Ang ahahahaha

    ReplyDelete
  17. uy kasali ako sa 3 masugid mong mambabasa. LOL! ok book suggestion ba?

    The Curious Incident of the Dog in the Night-Time by Mark Haddon

    interesting and funny. about an autistic boy's adventure of solving a crime (in his point of view).

    ReplyDelete
  18. talaga lang ha emo ka pa sa lagay na iyan.... ang mapapayo ko lang este ang librong ma iirekomenda ko ay yung mga librong text books yung text as in text sa cellphone. yung mga jokes and kowts about sa walang kamatayang pagibig.


    hahahaha. nakaka bobo yan lalo. gudluck parekoy

    i harvest mo na nga ang mga patatas ko. hahaha

    ReplyDelete
  19. @MIss Chikiletz sige sige bibilihin ko yan mamya! Yung The lightning Thief ang currently binabasa ayos din sya nasabi ko lang :-D

    ReplyDelete
  20. @ Paps Maganda ang iyong book suggestion...

    Ayokong iharvest ang patatas mo nakikiharvest na ko ng cotton balls sa iba. Ang mura mura kaya ng patatas lolz

    ReplyDelete
  21. masteral? pwede...

    about book na pwede mong basahin, trip mo ba yung mga bob ong?

    kung mahilig ka sa mga story na may halong historical twists, i can cite good authors.. :)

    ReplyDelete
  22. Kuya Jepoy, Wala lang. Namiss ko lang magcomment. Bat ka bored ha? At naghahanap ka pa ng mababasa? :)

    Hahaha. Ayoko magrecommend kasi di ko alam trip mo. Mga Sidney Sheldon kasi gusto ko eh..

    or eto basahin mu.

    48 LAWS OF POWER. Hindi ito novel ah. Basta contemporary book ito by Robert Greene. This is so helpful para sa iyo, bilang tao kung gusto mo ng pagbabago sa buhay. :)

    Tsaka anong kanta nga pala yun? Di ko familiar sa kanta na bnanggit mu. :) Hahaha.Puro I love you naman yun. :P

    May bago nga pala akong post kuya!

    Salamat.

    ReplyDelete
  23. @Sweetham Salamat sa iyong suhistyon sige bibisitahin ko ang post mo!

    ReplyDelete
  24. Tara, mag-buffet ka na lang. Ansarap kaya magbuffet weekly.

    ReplyDelete