Monday, July 13, 2009

Untitled

Mas Nakakaaliw pala talagang magbasa ng blog ng iba kesa gumawa at mag maintain ng sariling mong blog. Marahil, dahil ito sa isa sa pinaka hilig ko talagang gawin ay ang magtikol magbasa kesa sa mag sulat.

Pag nagbabasa ako mas madalas ay nakakalimutan ko ang mga problema sa life and stuff like that (Gumaganun pa talaga) at the same time meron akong natututunan, lumalawig ang aking kamanyakan kamalayan. Madalas nga, pag nagbabasa ako ng ibang blog dito sa Opis ay na pag kakamalan akong aning-aning kasi tumatawa ako mag isa sa cube ko. Syempre hindi lang naman puro tawa minsan na tatats din ako ng mga istori ng mga kapwa bloggista. Halos lahat ng mga nababasa kong entries ay may moral lesson na pwede kong gamitin sa araw araw na pamumuhay ko at meron din naman facts or experiences nila na kapupulutan ng leksyon (parang skul lang).

Well introduction lang yung dalawang talata sa taas hindi talaga yan ang topic ko ngayon period.

**Disclaimer: Emo Emohan ang mga susunod na mababasa kung ayaw nyo tumigil na kayo dito**

Para sa isang gwapong young profesional na katulad ko meron akong question, ikaw ba ay dumating na sa point na talaga namang na dedepress ka kasi feeling mo yoong career na pinangarap or pinlano mo noong nasa College ka palang is not falling into right places as what you've expected it to happen?

Ganyan kasi ang nararamdaman ko mga parekoy (Quarter life crisis kaya to?)

Bilang Panganay na anak sabi ko noon after kong grumaduate ay mag tratrabaho ako kagad sa isang Multi National na company sa field ng Broadcast Egineering at sa unang limang taon ko sa pag tratrabaho ay makapag papatayo ako ng simpleng bahay para sa aking Inay o di naman kaya ay gagawin 'kong isang grocery store ang aming mumunting Sari Sari store sa probinsya...Isang typical na pangarap ng isang simpleng Juan Dela Cruz na iginapang ang pagaaral ng kaniyang mga magulang. Yung tipong sinanla ang sakahan kasama ang kalabaw para makatapos ang anak sa pag aaral, mga ganyang makapigil hiningang eksana kung baga.

So yun nga taong 2003 ng Oktubre saktaong natapos ako sa kursong BSECE (wag mo ng tanungin baket October papahiyain mo pa ko) at sa awa ni Papa Jesus ang pinapangarap kong Broadcast Engineering job sa multinational company ay nauwi sa pagiging Technical Support Representative ng isang Call Center sa isang simpleng dahilan- mas mataas na SWELDO. Dahil hindi naman katalinnuhan noong college hindi ako nakapasok sa pinapangarap kong work at sa halip nga ay nauwi sa Call Center. Hindi naman ako masyadong na lungkot dahil competetive naman ang kita ko pero I'm not fullfiled. Ang normal na average Cadet Engineer noong panahong iyon ay nag lalaro ang basic pay sa 9K to 12K (Laguna at Cavite Technopark rate) samantalang sa pagiging Technical Support Representative ay nag lalaro ang basic pay sa 12K to 15K para sa entry level at nasa Makati pa yun, City life. Mas pinili ko ang mas mataas na sweldo "noon" at buhay City. Sa unang mga bwan ay nakaka enjoy panay yuppies Chill Chill lang, pa english english at starbucks starbucks madaming magagandang Chikas na officemates na magimik. Pero sa pag daan ng ilang taon ay patuloy parin akong nag job hunt hanggang sa maka pasok sa Engineering firm, naging succesfull naman ako after several failures. Wala naman akong mababang pag tingin sa industriya ng Call Center na bumuhay din sakin higit sa tatlong taon, talaga lang na hindi ko pinangarap na tumanda doon.

At this point I can see na ung plano ko sa career ko noon ay hindi natupad at sinabayan pa ito ng global economic problem, na kung saan ay nag titipid ang mga kumpanya. Ito ay naging instant fear ko para lumipad at sumugal para maging OFW na umaasang sa pangingibangbayan ay matutupad ko ang pangarap na bahay at grocery store para kay Mamako.

Actually meron akong nabasa from an unknown author about Quarter Life Crisis click here to read and tell me kung nararanasan mo ba at some point. Syempre hindi applicable ito sa bagets college stud.

28 comments:

  1. ay nako jepoy. hindi ka nag-iisa. dalawa na tayo. nasa quarter-life crisis din ako.. studying to be a teacher tapos nagle-layoff naman ang government ng teachers. tapos ung iba kong friends mga nurses na (although i never wanted to be a nurse). i can see that they're moving forward and it seems like i am too but very very slowly. errr!! tapos sa lovelife palpal din. LOL! (o wag kang babanat ng kung anu anu dyan...)

    ReplyDelete
  2. @Chikletz Natawa ako sa disclaimer mo Wapak! ahahaha

    ReplyDelete
  3. OMG, ACRYLIQUE is dat chu?

    Mula pagtitikol hanggang sa engineering. sa pagtatrabaho sa isang provincial rate na engineering job hanggang sa maging isang TSR sa isang colcenter ng ilang taon.

    Pareho yata tayo ng pinagdaanan, dude. ;)


    Naks, si Chikz kasi ang ganda kaya daming naaakit, :)





    Word Verification : brootera (haha!)

    ReplyDelete
  4. @Acrylique Sinabi mo pa! Pera lang sa brief moment mo sa facebook di kaya ni Jepoy yun Bwahahaha

    Teka anu ung Brootera??!!!

    ReplyDelete
  5. Hi Jepoy, same po tayo, ECE grad din me pero wala po me sa field natin, harharhar.. pero oks na in kung nasan man me ngaun nilagay ni Papa God, LoL!

    ReplyDelete
  6. Haha. Ang dami ko pang brief moments. Balak ko nga i-post sa blog ko sa darating kong bertdey. joke!



    I think pinsan ng Breetera si brootera . :)

    ReplyDelete
  7. Lahat naman yata dumaraan sa Quarter-life crisis. Paano, hindi na makapaghintay sa Mid-life, kaya 20+ pa lang, may crisis nang inaatupag. hehe

    ReplyDelete
  8. @Pickleminded Aba aba ECE din :-D

    @Acrylique Aahahhaa ayos!

    ReplyDelete
  9. @Shattershards Tama ka dun parekoy! :-D

    ReplyDelete
  10. Hayy nararanasan ko na rin yan ngayon, IT ako at nasa isang company pero narealize ko na ayaw ko ng technical kaya within the same company ay lumipat ako sa sales department, at hinihintay maapprove. bahala na si Lord...

    Pera na lang iniisip ko ngayon. Alavet.

    ReplyDelete
  11. @Glentot Ay di pala ako nag iisa, naiibsan ang aking kalungkutan dahil dyan :-D

    ReplyDelete
  12. Nakakalungkot isiping ganyan nga ang takbo ng mga trabaho ngayon dito sa pinas... totoo yun.. kung sino pa ang professional/licensed engineer eh siya pa ang madalas may mababang sahod kumpara sa call center agent... marami akong kaibigan at kakilala na ganyan din ang landas na kanilang dinaanan at kung tatanungin "praktikal" lang-- MAS MATAAS ANG SWELDO... Pero kanya kanya lang naman yan eh.. kung saan ka masaya doon ka... sa akin kasi simula pa lang inisip ko nang di ako magtatagal sa propesyon ko pero natutunan ko na rin "iembrace" (naks!) ang lahat na ginagawa ko dahil masaya na ako sa kung ano man ang narating ko sa ngayon... pero di pa rin naman ako humihinto sa pagaspire ng mas mataas para nananatili pa rin akong may direksyon sa buhay... o yan emo na kung emo! hahahhahahahhaa

    ReplyDelete
  13. anak ng jueteng ka jepoy ..... nasa ganyan crisis ako ng buhay... haaaay napaka critical now ng edad ko kasi medyo dapat na akong mag seryoso sa buhay kung ayaw kong mamalimos after 10 years ng pera pang blog ko... hahahahaha...

    it seams like lahat ng angulo ng buhay ko palpak at nakaka pressure... haaay mag patiwakal na lang kaya ako sa ilog pasig at tumalon... teka ayaw ko dun kasi mabaho at madumi... hehehehehe


    dapat ng mag seryoso ako parekoy.... haaaay badtrip

    ReplyDelete
  14. marami pala tayong pinagkapareho Jepoy.. Graduate din ako ng ECE at Octoberian din..hehe pero 2007 naman ako.. nagwork din ako sa callcenter pero 2 months lang..at tama ka, yung mga pinangarap ko rin noon malayo layo pa para abutin..hahay..ganun siguro talaga yun.. pero dipa rin ako nawawalan ng pag-asa.. Tuloy lang... Tuloy parin..=)

    ReplyDelete
  15. feeling ko, mas malaki ang incidence ng quarter life crisis sa m ga taong nagtratrabaho sa call center compare sa regular job. i should know minsan dina kong nagtrabaho jan!

    ReplyDelete
  16. maraming beses kong iniwasan ang temptation na mapasok sa call center, same reason dahil gusto ko nang career... kaya ayun nagtiyaga ako sa maliit na sweldo... okay na sana... may career path na ko kaya lang ayun nasemplang ng puso, lumayas at nagpakalayo-layo, bye bye career... and2 ko ngayon, uu malaki ang sweldo compare sa pinas pero malayo sa pinag-aralan ko, malayo sa career na pinangarap ko... kaya ayan nasa crisis din ako, siguro talagang natural na pagdadaanan natin yun, ibang iba lang sigurong aspect or reason para sa iba...

    ReplyDelete
  17. pare-parehas pala tayo puro crisis
    nag aral din ako ng comscie
    kaso bumagsak nai shift ko ng
    comprog bumagsak ako uli
    nai shift ko uli ng comptech bagsak ako uli

    ngayon... namumulot nalang ako ng sirang computer tapos binibenta ko
    sa junkshop.

    ReplyDelete
  18. hi jepoy.. ayos ang pagpasyal ko sa blog mo,, nasa quarter life crisis rin ako..
    ako naman, kung anong natapos ko, un din ang tinatrabaho ko ngayon.. kaso dumating naman ako sa realization na hindi pala ito ang gusto kong mangyare sa buhay ko... i want something more! well, sa ngayon hindi ko pa lam kung papano ko makukuha ang somehting more na yun,, masyado kasing malayo... kaya hanggang ngayon nandito pa rin ako... hehehe...

    btw,, gaya mo, nag-eenjoy pa din ako ngayong magbasa ng blog ng may blog.. mas nakakalaiw... :)

    ReplyDelete
  19. @IamXprosaic Tama ka dyan, I would have to agree. Nakakalungkot talaga dito sa bansa natin dahil Engineers here are under paid kinakailangan pumunta sa middle east para makahanap ng trabaho na bubuhay sa pamilya nila. Bangon Pilipinas!

    @Saul Krisna I'ts never too late parekoy... Mag seryoso na tayo!

    ReplyDelete
  20. @PinkNote Marami talaga yatang mga katulad nating ECE na naging ganda ang takbo ng career hayz...Pero dapat maging thankful parin tayo coz we still have a decent job sa kabila ng crisis pinansyal...

    @Wandering Commuter Tama ka, madalas kasi makakaramdam ka ng somehow dead end sa career life mo

    ReplyDelete
  21. @Deth Iba talaga kapag puso na ang at stake noh?! Emo emohan lahat ng decision minsan abrubt hayyyzzt...

    @Jettro baka pwede mo ko isama dyan sa pamumulut mo ng computer..Malaki ba kita?lol

    ReplyDelete
  22. @Gesmuds hay parho tayong nasa quarter life crisis. Una sa lahat salamat sa pag daan mo sana hindi ito ang huli...

    True mas masarap talaga mag basa :-D

    ReplyDelete
  23. quarter life crisis ba yung nagresign ka sa trabaho para sa tahakin yung isang landas na kakaiba para sa yo?

    ReplyDelete
  24. @Rwetha Sa tingin ko hindi naman. :-D

    ReplyDelete
  25. meron ako nyan! check ako dyan!!!

    akala ko ako lang ang mas mahilig magtikol este magbasa ng blog kaysa magsulat. kahit nga di ako nagcocomment. masaya lang ako na may natutunan akong bago.

    ReplyDelete
  26. @Cb dahil dyan sa check mo bibigyan kita ng cheese cake ay spag nalang pala ni chikletz

    ReplyDelete
  27. eh kasi lam ko babanat ka eh. haha!

    ReplyDelete
  28. mas magandang title netoh...

    "titled"


    para bongga... wala lang!

    chararat boomba!

    ReplyDelete