Tuesday, November 30, 2010

Christmas Wish List

Dahil wala akong maisip na maipost at tinatamad akong mag kwento (nag blog pa ko!) maglalagay nalang muna ako ng mga Christmas wish list tutal malapit naman na ang pasko. Sige, lilimitahan ko na, baka sabihin nyo pa napaka-sakim me.

Okay, simulan na natin. Gow!

1. Sana materminate ang Boss ko. Okaya naman, makalunok sya ng buto ng porchop tapos yun ang ikamatay nya. Puta Sya! Juk!

2. Sana ma realize ng boss ko na hindi nasusukat ang kagalingan ng isang manager kung management lang ang na plea-please nya. At sana ibalik na nya ako sa EMEA shift.

3. Gusto ko nang bagong bossing na Hindi lang sunod ng sunod sa gusto ng management at higit sa lahat ay walang peyboritism (puro work related?)

4. Sana may bagong JO na ko soon para maipatayo ko na nang maganda bahay si Mudrakels *Pleassse Lord*

5. iphone4

6. Bagong North Face bag, yung kulay black. Gusto mo makita ito click mo.

7. Gusto ko ng Nike livestrong na baller band. baka may ma tats pwede nyo na 'to bilhin para sakin.

8. Yung bagong book ni Bob Ong tsaka yung Organizer na "relaks malayo sa bituka yan" tsaka yung "akala mo wala ng slumbuk pero meron, meron, meron". more details here

9. bagong boxers tsaka medjas.

10. World Peace! I thank you...

39 comments:

  1. pipili ba kami sa list mo kung saan ang joke o hindi totoo?Ok...ang joke para sakin is 10...

    awts..wish list pala...ahahahaa....


    wala akong maibibigay sayo jepoy...kundi respect, care and out most honesty.echos.

    ReplyDelete
  2. Ako na bibili sa yo ng # 10 ahahha available ba un sa Amazon.com? ahahahhaha

    ching!

    ReplyDelete
  3. ang gift ko sa'yo, kasi la akong kayang ibigay sa listahan mo...

    laging magbabasa ng blog mo. yun na lang siguro. walang skip read. :)

    ReplyDelete
  4. Napakabusilak talaga ng puso mo, kitang-kita sa mga wishes para sa boss mo. LOL! Hoy kakabili mo lang ng North Face bag ah.

    ReplyDelete
  5. yes! panalo din toh impeyrnes.

    putek naman ang mahal na nung livestrong band. $1 lang dati un eh. $3 na ngayon?! haha! meron ako kaso pang kids size ung akin :P

    apir tayo sa #10. world peace yo! LOL!

    ReplyDelete
  6. Yung nike livestrong yun ba yung yellow na may livestrong lang na nakasulat pero walang nike na logo sa baller band?! Hmmmm... wala lang...

    ReplyDelete
  7. yung book ni bob ong na "Mga kaibigan ni Mama Susan" today(nov. 30) na ang release!Yan ang gift ko sau.ang info!whahahaha...walang kwenta!

    May all your wishes come true...

    ReplyDelete
  8. wish ko matupad ang ika-apat sa listahan mo para kay mudrakels. XD

    wala bang may alam sa opisina nyo ng blog mo? baka makarating kay boss mo ang unang wish mo. XD (di kita tinatakot...lol)

    ReplyDelete
  9. mas majority ang work related ah. :D

    Since may nag-pledge na ng book sa iyo, yung world peace nalang :p

    ReplyDelete
  10. Naku po, mahirap ang number 10, pero yung planner at slumbook mabibili mo sa Cubao X,, haha

    ReplyDelete
  11. hindi ka naman bitter sa boss mo no? ehehehehe

    ReplyDelete
  12. Isali mo ito sa paraffle ko, baka manalo ko ng milyones. Million kisses. Bwahahah!

    ReplyDelete
  13. sana matupad lahat ng wish mo. :D

    ReplyDelete
  14. gusto ko yong huli, boxer at medyas.. butas butas na kasi sa akin eh. hehehe

    ReplyDelete
  15. nararamdaman ko ang galit mo sa boss mo. valid sa Christmas wishlist mo yan. alam mo sana pagabot natin sa ganyang level, hinde tayo maging tulad nila.

    puwede kaya yon? :)

    ReplyDelete
  16. ah gift ko nalang eh yung di na ako magskiskip read sa blog mo this december... wahehehehe

    ReplyDelete
  17. Wala pa akong christmas wish. Siguro by january na lang. Haha. Well, mukhang natigbak ka ng boss mo. Daganan mo ng di makahinga. I didn't mean anything. :])

    ReplyDelete
  18. magpapasko na, sinusumpa mo p rin bossing mo. try mo ksing romansahin.

    ReplyDelete
  19. Isang kiss-sabayhug na lang, it's the tot dat counts, hindi ba?? Ahihihii.. :D:D:D:D:D:D

    ReplyDelete
  20. makagawa nga din ng wish list. sana di mabasa ng boss mo ng wish list mo sa kanya though joke lang naman.Mag bago na kasi siya.

    Sana makuha mo lahat ng wish mo.lalo na ang wish no.4.

    ReplyDelete
  21. parang anlaki ng galit mo sa boss mo. tara, abangan natin mamya sa labas.

    yung no.1 nlng sana kaya lng bad yun sabi ni papa Jesas. ang gift ko sau, hindi na lng cguro kta lalaitin sa mga comment ko. parang ang hirap nman ata nun :(

    lol

    ReplyDelete
  22. Patulan mo na boss mo baka crush ka naya? bruhahaha

    ReplyDelete
  23. Naintriga ako sa "THE "Relaks, puso lang yan, malayo sa bituka" PLANNER 2011"... Kaya, bibili na ko! Hehehe.

    ReplyDelete
  24. parang pareho tau ng sentimyento sa boss, hehe

    ReplyDelete
  25. Jepoy gusto kong matupad mo lahat yan,hihihi

    sige tutulungan na kitang ipag pray ang boss mo,ahahahaha!

    hapi pasko!! (ang aga lang)

    ReplyDelete
  26. yun oh, ilang liters yang TNF bag? mukhang balak magbackpacking europe ha.. wagi!!

    ReplyDelete
  27. benta ang wishlist na to. natetempt akong gumawa rin ng wishlist. haha.

    pero i swear sobrang ganda nung slumbook na yun!! shet wit ko nose na may planner sila! makabili nga. :) loving your blog.

    ReplyDelete
  28. Kung maka-wish ka akala mo naman napakabait mong tao! Pero sana matupad yung mga work related wish ahahaha.

    ReplyDelete
  29. hindi kaya pag nabasa ito ng boss mo, e ikaw ang iterminate niya ?? hehe

    ReplyDelete
  30. at ang wish ko for christmas ay...


    sana walang matupad sa mga wish mo

    ahahahahaha

    sorry Jepoy hindi pala ako inlab... libog lang pala yun... so i am back!

    ReplyDelete
  31. hindi naman halatang galit ka sa boss mo.

    lol.

    ReplyDelete
  32. hay naku, sana matupad ung number 4 mo, ipagppray kita ng tunay dyan, haha.
    at wag ka namang magwish nung number 1, hayup haha. sana matupad na lang ung wish 4 mo para everybody happy.

    ReplyDelete
  33. gusto kitang regaluhan ng boxers kaso ok lang kung hello kitty? :P

    ReplyDelete
  34. Buti kapa jepoy, malaya mong naipapahayag ang pagkadismaya mo sa boss mo. gusto ko ring gawin yan, pero this time, pisikal ang usapan. Babalutin ko ang muka ko para hindi nya makikilala, tapos magsusulat ako, at ipapadala tru lbc. Pisikal.

    ReplyDelete
  35. Jepoy akala ko b wish list mo rin ang DSLR Nikon D90?

    ReplyDelete
  36. maraming salamat sa inyong mga comment, hindi ko na kayo ma iisa isa saka na ha sa susunod nalang. I thank you so very many.

    ReplyDelete
  37. Hehehe. Puro work-related nga. =p

    ReplyDelete
  38. hindi ko kaya ibigay yan jepoy--WORLD PEACE lang maibibigay ko sayo hehehe

    ReplyDelete