Sunday.
After mag simba naisip kong mag stay nalang sa bahay dahil gusto kong mag tipid. Ayokong gumastos, sa friday pa sweldo. Naisip kong mag luto ng lunch para mapractice ko ang natatago kong talento sa pagluluto habang sumasayaw (Kadire!) Syempre nagluto ako ng favorite kong Ulam. Sinigang na babskie. Una dumaan muna ako sa palengke nang libertad dala ang basket ni Mudrax. Bumili ako ng sangkap ng sinigang. Chocolate, Pringles, Cheetos at Coke. Ay mali...
Bumili ako ng kangkong, Okra,Sitaw,makating Gabi, malanding Sampaloc, maharot na Buto-buto ng baboy na double dead para mura. malungkot na Sitaw. masayang Radish.McCormic Sinigang Mix. at brown rice (PLASTIC?!)
Matapos kong mamalengke soot ang aking boxers shorts at Sando. Dali-dali akong nag patutug ng Eheads at simulan ang pag luluto.
Pag lagay nang kaldero sa kalan. Lagay tubig. Lagay baboy. Sindi ng gasul. Boom! Walang gas! PUNYETAHHH! Naiyak me ng bahagya, kalahating patak ng luha. Nilabas ko sa baul ang aking Electric Stove na napanalunan ko sa Binggo. At sinumalan ang pag luluto at pag sasaing.
after one hour and 15 minutes. TYARAAAAAAAAAAAAAAAN! Sinigang na malapot and super yummy parang yung nag luto lang ala Jepoy style!
Lumafang na me at kumain ng half rice. Fine! Two rice.
Tapos natulog me. YES patabaing baboy lang.
Nagising me ng hapon. Nagtoothbrush at nag internet. Boom! Para syang snail sa bagal. At ayaw mag load ng blogger! WTF..
Tinext ko ang mga tropa lahat may lakad. WTF! sana umuwi nalang me ng mahal kong probinsya. Heyyreet!
Time check 7:00 PM.
Nag txt 'yung kapatid ko.
"Kuya punta ako sa condo libre mo ko nood tayo ng Till my heartache end"
"Ano ba naman yan! TRON nalang"
"Tanga! Hindi pa showing ang TRON. Sige na please"
"Fine!"
So na nood kame ng 'Till my Heartache End" Ni Kim Chiu at Gerald Anderson. At ito ang totong post ko. Introduction lang yung kanina. Okay, kapuso ako kaya hindi ko kilala ang mga artistang ito. 'Yung kapatid ko lang ang kapamilya sa amin dahil yun lang ang channel sa Lugar nang pinag tratrabahuhan nya.
Game.
ALABEEEEEET! Okay, hindi ko sinasadya eh nagustuhan ko eh. LOL Barilin nyo na ko kung gusto nyo. Syempre sayang naman ang binayad ko sa movie ticket kung hindi ko magugustuhan. 'yung kapatid ko naiyak ampotah! Ako hindi na tats lang ng konti. hihihihi
Okay, magaling pala si Kim Chiu na artista. Kaya pala kilala sila sa Singapore. Marunung Umarte. Masasabi kong nag attempt ang movie na ito na mareach ang One More Chance pero syempre hindi nila yun naabot pero okay yung movie. Marami nanaman makaka relate sigurado.
Briliant ang Plot. Maganda ang script. May sablay sa bandang dulo pero all in all okay sya. Pwedeng ipanlaban sa One More Chance kahit papaano.
Parang gusto ko nang maniwala na mas magaling ang Star Cinema kesa GMA films. LOL
Okay Ganito ang Story. Si Kim Chiu ay virgin-virginan dito. NBSB ang drama ng buhay nya. Si Gerald Anderson naman. Galing sa broken family ngunit level up ang pagiging harot maraming GF. Binubuhay nya ang sarili nya kahit well off naman ang tatay, at nanay nya. Ayaw nyang umasa kaya sariling sikap. Si Kim Chiu galing bisaya para mag review ng nursing board exam tapos nagkakilala sila ni Gerald at nag kadebelopan, not sure kung nag jerjer sila walang ganong scene. Okay, Dahil nga NBSB si Kim Chiu na inlab ang hitad kay Gerald ng bongga. As in 'yung dramang tipong lahat gagawin ko para sayo. Kahit sabihin mong uminom me ng dora rat killer I'll do it. Ganown. Sensitive sya dito. Makanti mo lang iiyak na. On the other hand, si Gerald naman ay nag sumikap kasi ayaw nyang umasa sa parents. Naging Real Estate Agent sya but before that sweet-sweetan na sila ni Kim Chiu. Parang si Kim Chiu yung naging lakas nya kahit nahihirapan na sya mag hanap ng work and stuff like that. In short, in love din sya. Nawala ang pagiging palingkero ng Hayop dahil sa "Pagibig" (kaya mo pa?! kapit lang makeso pa 'to)
So nahire na nga si Gerald Anderson bilang isang real estate agent at naging top agent sya. Dumami ang kita. Dumami ang barkada. From being hampas lupa eh nag kakaroon na sya ng maraming pera at level up na tao sa paligid kasi professional na sya, which is good for him kasi nag grow sya tapos nagiging proud pa 'yung Dad nya sa kanya. Habang si Kim Chiu eh hindi nag grow ang mundo nya umiikot lang kay Gerald. Masaya na syang mag kasama sila period. Tinatamad na ko mag kwento. Panoorin nyo nalang. LOL Baka hindi nyo na panoorin pag tinapos yung kwento eh. ahahhaa
Madaming tao sa Sinehan. Nagulat ako. Puno ang sinehan. Feeling ko lang box office hit sya. Notsure di ko pa ginoogle eh Ang aking hatol sa mubi. Not the best one, but its not a trashy movie, so kung kaya mong sikmurain ang chickflick go ahead and watch this film. At ang ganda pala ni Kim Chiu. hihihi Petit. Maputi. long hair. Kayang-kayang buhatin. hihihihi.
At Oo araw-araw akong my update ahahha Sorry sinipag lang.
Pota Monday again!!!!! Heyrett!
Kthanksbye...
marami ata kasi ang kapamilya kaysa kapatid
ReplyDelete@TPG
ReplyDeleteSana kuya hindi masyadong halatang nag skip read diba?! LOL
Hmp!
Tinignan mo lang ung picture tapos nag comment ka na kagad. Sana mag basa minsan. ahahaha
well if its as good as you say it is baka panuorin ko pagbalik... o kaya antayin na lang DVD para pwede paulet ulet hehe
ReplyDeletefirst time koh sasabihin toh... wabz na kitah jepoy.. ahreally luv tong mga ganitong post moh... sarap mong ihugz... anyhoo... thanks for this post.. takte! la kc kmeng tfc eh.. naghihirap eh... lol... so nung nakitah koh post moh eh nag-search akoh kc sometimes they show some pinoy movies here... i found out its showing nga!... swit! nde koh binasa ung part na kinuwento moh pero sana awa ni God mapanood koh kung nde today w/c is sunday eh by next week... kc hanggang next week na ren lang showing here... pero yeah one of my fave movie pa ren ung one more chance... labz koh ung movie nah 'un... so yah sana mapanood koh... oo nga eh sipag moh magpost... funny kah as ever tlgah mag post... ingatz lagi jepoy! *hugz*... Godbless!
ReplyDeletep.s. btw kapamilya akoh eh... nde kapuso... sinabi lang.. lol
weee... di na nga ako magcomment... hehehe... nyaks nagcomment padin... sige na nga papanoorin ko na to... kung sinabing maala one more chance idol ang film...
ReplyDeleteKunwari ka pa! If I now ikaw ang nagyaya sa kapatid mo na panoorin ito!!!
ReplyDeletetotoo ba ang nangyari doon sa niluto mo. as in wlang gas. grabi ang effort.
ReplyDeleteanywaya parang first time mong napanood si kim chiu. sa movie at leawst napanood muna kasi kami dito sa uae never pa. sa TFC lang.
at halata naman na ikaw ay kapuso.
Salamat sa input tunkol sa laptop.
kapamilya din ako kasi yun lang din ang channel na malinaw sa baryo namin non...ahahahaha!
ReplyDeletepero sa totoong buhay eh hindi ako mahilig manood ng tv o ng film...magsasarili na lang ako( mag isa) ahahaha
ayaw ko pa namang panoorin 'to,pero sige dahil sabi mo na mejo kalevel ng one more chance papanoorin ko na din. Antayin ko bumili ng dvd housemate ko..haha
ReplyDeletesalamat sa bingo,nagkaroon ng saysay ang pagkamatay ko --- karneng botcha (tama b ang term?) lol
Kumapit na ako! ahahahahha... syet maalala ko napagtripan namin na pumasok sa isang movie nila kim at gerald tapos mga alanghiya lang kami... kasi despite na kinikilig ang lahat eh kami naman ang panay tawa dahil kinikilabutan sa mga lines...lol... in d end lumabas na kami after 30 mins dahil baka kuyugin pa kami...lol
ReplyDeleteKahapon ko lang din nalaman na may movie pala silang dalawa. Outdated kasi ako. hehe
ReplyDeleteKunyari ka pa...Maka KimErald ka pala.whahahahaha!!!!Hihintayin ko nalang sa cinema 1 yan...hahaha!!!
ReplyDeletebasta pelikula ng star cinema, hindi ko pinapalagpas, iba kasi silang gumawa ng movie. at tama ka, i lab it!!!
ReplyDeletehaha yuck kapuso! ;D sabi na nga ba jowa mo si wilma galvante
ReplyDeletedi ko pa napapanuod to. mahintay na lang sa tv. (poorita!) pero dahil kinumpara mo nga siya sa pelikula ko with bea na one more chance, aabangan ko talaga.. pero sa tv parin
gustong-gusto kong mag post sa blog ko at sa FB account ko tungkol sa movie na ito... at since mahal ko sina Kim at Gerald, hindi nalang ako nag-post at baka hindi kumita ang movie nila.
ReplyDeleteIsa lang ang masasabi ko, this is the WORST kim and gerald movie ever!!!
kailangan ba talagang naka sando at boxer short pag nagluluto ng sinigang? lol
ReplyDeleteAt malamang sa ngayon feelin gmo ikaw na si Gerald.... uyyy magpapacute na yan! hehehe
maslalo ata ako nagutom lOL!!
ReplyDeleteanyways i dont like this kind of films na romantic i dont know hahahaha
ako ay kapuso pero di ako sumasali sa mga network wars na yan kasi di naman ako yayaman diyan hahahahaha at di naman ako empleyado ng abs or gma para ipagtanggol ang tv station
Hindi ako nagbasa kasi merong spoiler. Ampf! But I like the structure of this post. Well done. LOL!
ReplyDeletereply ka nga Jepoy... namiss kong mag-reply kah... kahit akoh lang replayan moh... lol.. ingatz parekoy! =)
ReplyDeleteusually pag kimerald parang pa-tweetums movie lang pero mukang nag-evolve na ang acting prowess nila.
ReplyDeletePara sa sinigang, mas okay ata kapag puro laman at taba. hirap kasi pag buto-buto, ihihiwalay pa ang bones sa laman. :D
uy nagbasa naman haha. gawain kasi harhar. nabasa ko na sabi mo marami namang tao sa sinehan asus
ReplyDeleteKapuso daw!?! Taksil!! KimErald ka lang yata.. Go, DongYan!! Bwahhahahaha.. :D:D:D:D
ReplyDeleteisa pang bitin.hehehe. nanggaling ako kay glentot at may movie din sya na kinuwento at bitin din. ok dalawa na ang gusto ko panoorin.hehehe.
ReplyDeleteAt tungkol sa niluto mo, actually natakam pa ako.hehehe ( sensya na isa pa akong matakaw!) ^__^
nakalimutan mo lagyan ng asin ung sinigang mo... matabang yun kaya naka 2 rice ka.
ReplyDeletesana may copy na dito sa disyerto niyan.
ReplyDeletebe blessed sir!
@Kumagcow
ReplyDeleteSir para sa akin lang naman, baka hindi mo gustuhan sisihin mo pa ko ahahaha. Sige hintayin mo na sa DVD ahaha
@Dhianz
Ayan Dhi nag reply na ko, minsan kasi nakakatamad lang ahahah. Sige Sige panoorin mo na pag nagustuhan mo comment ka ulet sakin ha. *hugs*
well kapuso parin ako ahahaha
@Kikomax
Sir wag mong panoorin baka sisihin mo pa ko pag di mo nagustuhan, sa akin lang eh shinare ko na natuwa ako sa palabas LOL
@Glentot
Ko-kontra ka nanaman. Puta ka! Chey!
@DiamonR
ReplyDeleteWalang anuman sir about sa laptop info mo hehehe.
Sige intayin mo nalang sa TFC...
@Ate powkie
Paminsan minsan naman manood ka ng news hindi ung puro finger nalang inaatupag mo hihihi
@HartlessChiq
Heheheh, ewan lang ha pero first time ko kasing makapanood ng movie nila eh ahahhaa. Sige sige panoorin mo na.
@Xprosaic
Oo nga pala ayaw mo nga pala ng chickflick. Sana nag skip ka nalang ahhahaha
@Empi
ReplyDeleteAko din outdated, kaya inuupdate ko lang ang sarili ko twing weekend eh hahaha
@2ngawzki
I swear hindi ko sila kilala, nakikita ko lang sila sa billboard ng edsa pero hindi ko talaga sila kilala. Pero idol ako ng pelikulang pilipinno so baket ako mahihiya bwahihihi
@Bino
Sir happy birthday pala. Muka nalang hindi ka na nonood ng ganito plastic ahahah
@Mots
Wima galvante ang pota! Sige hintayin mo nalang sa TV. Felt na felt mong ikaw si Kuya Lloydie?! Sige ikaw na. Happy?! At baket hindi mo inapprove ang aking invite sa fb artista ka ayaw mo mag approve?! Fine! Kinancel ko na yung invite. Ahahaha Juk lang.
@Pinoy Adventurista
ReplyDeleteNgayon lang kasi ako nakapanood ng movie nila kaya pag bigyan mo na sana ang amzement ko. Sorry naman kung di ka natuwa sa palabas...
@MOks
Oo kelangan yung pawis kasi ang pang paasim sa sinigang ahahah. HIndi mas pogi ako kay gerald mataba nga lang bwahihihi.. LAKAS ng hangin noh?! ahahahha
@Hard2getxxx
Madali lang mag luto ng sinigang im sure yakang yaka mo rin un sir.
Oo marami din akong kaibigan ayaw ng chickflick. Pero steady lang. heheheh
@Gasoline Dude
mag pagaabang din sa pelikulang ito????!!!!! ahahaha
@Dhi
ReplyDeleteayan na nag reply na me napagod me mag type ahahha
@Khantotantra
feeling ko nga pa tweetums kaya ayaw kong panorrin pero pwede na may lalim naman ang movie nila so steady narin sir
@TPG
Okay fine! ahahaha
@Michael
LOL, hindi ako mahilig sa mga ganyang stupid tweetums, highschool?! ahahaha
@Darklady
ReplyDeletemasarap talaga ang singang ko hihihi
@HP@nah1l
yung user name mo mukang NT user name ng work pc mo ah ahahaha. Hindi ko nilagyan ng asin dahil timplado na ito ng McCormic sinigang mix ko hihihihi
@Pong
Mag kakameron din yan.
God Bless you too brader!
naaliw din ako sa movie. feeling ko sakto lang yung ending kasi they had to be safe. maraming tao gusto ang happy ending. most critics, ayaw ng cheesy hollywood ending. so sakto lang. lol
ReplyDeleteKIMERALD plus BEA-LLOYD = Jipoy.
ReplyDeleteImbento yung bealloyd. Haha.
Ang daming gandang ganda sa One more chance na yun eh kung hindi pa pinalabas sa cinema one di ko pa mapapanood. Haha. Sobrang cheesy naman kasi. At pati na din tong kimerald movie na to, ayoko panoorin dahil bitter ako. Haha.
gusto kong matikaman ang luto mo one time...ahahahaa..one time lang..kasi alam ko wala na yun kasunod..echus.
ReplyDeleteat oo...gusto ko tin niyang panoorin..may ticket ako...pero aanhin mo naman ang ticket kung walang oras? tae lagn ang work....
nakita ko na din yan dati si kim chu...sa personal as in..hindi ko siya pinansin nung tinawag niya ako kasi di ba...selos ako kay gerald..tapos papansin pa siya..it hurts you know.
ahahahaa
bitin yung kwento. parang gusto ko tuloy tapusin. manuod kaya ako neto. ang tagal kung hintayin ko sa cinema one. hay
ReplyDeleteat talagang kinuwento ang bawat detalye ng linggo.
feeling ko, nabuburyo ka. :P
ah
ReplyDeletekim at gerald
yung huling pelikula nila
hindi ko nagustuhan
natrauma tuloy ako panoorin ito
pero mas magaling naman talaga
ang kapamilya kesa kapuso
pagdating sa artista
hahaha nakakatuwa naman basahin ang introduction mo... nakaka-alis ng problema ng panandaliang panahon... hehehe astig...
ReplyDelete'la na ren ung cbox like glentot... so ditoh na lang... lab lab na kitah lalo jepoy... salamat sa pag-reply... kala koh iignore moh eh.. tatampo sana na akoh nagn bonggang bongga eh... lol... ingatz... pa-*hugz*... Godbless!
ReplyDeletepinanood ko yan. d ako makarelate kaya ang ingay ko sa sinehan. ksma ko kasi friend kong brokenhearted at natatamaan sa bawat scene. haylabeht. bsta ambabaw ko--tawa ako nang tawa kay matet at tibo! hahahha!
ReplyDelete@Citybuwi
ReplyDeleteAba nanonood karin pala ng tagalog films ah...
@Yow
Anong kimerald?! Ahhhh gets. Di rin first time ko lang to mapanood. Sige na ikaw na ayaw sa cheesy mubi. Ikaw na!
@Maldito
hayaan mo sa susunod papatikim ko sayo ang favorite kong sinigang sa sobrang yummy makakalimutan mo na dapat kang mag salawal pag lalabas ka ng bahay. Che!
wag kang mag ilusyon. Dot eat drugs okay.
@Guillboard
Buryong buryo sir! ahahaha
@XG
Oh may gas Chicksilog is in the house. Wuuupiii!
True agree ako na magaling ang kapamilya ahahha. Pwede ko ba mapanood ang idie film mo? ahahah
@Ailee
Heheh salamat naman at nakaalis ng konting problema kahit sanadali ang introit hihihi
@Dhianz
Malakas ka sakin eh. *hugs*
@Traveliztera
Wushuuu if i know naiyak ka ng bahagya ahahah. Sana ako nalang niyaya mong manood para hindi ka masyadong nag tatatawa. Pero syempre hindi sa ATC. Puro ka nalang ATC ahahaha
pa-hirapan talaga magbasa, yellow kse ang font, ginawan ko na lang ng paraan, kailangang walang makalagpas na post mo bwahaha, stalker mode on!
ReplyDelete