Nainspire ako sa post ni Ro Anne. At dahil pinanganak akong inggitero, mag kwe-kwento rin ako ng experiences ko sa ilan sa mga Job Interviews na naranasan ko. Ang kwento ko sana today eh yung tungkol dun sa putang jejemon na tumulak sa akin sa MRT kanina on my way to work , akalain mong muntik na kong masusub, eh kung mabungi ang pefect teeth ko?! WTF! Sa taas kong 6'2'' nakuha pa akong itulak. Punyeta! juk lang hindi ako 6'2''. Nagalit talaga ako doon sa jejemon, muntik ko nang ibuhol ang intestines nya sa safety hand rail.
Nag mamadali kasing lumabas. Wala namang sunog sa loob ng MRT, kung makatulak parang wala nang bukas. Letch!
Pero nag bago ang isip ko at ayoko nang balikan ang kahindikhindik na pangyayari kanina. kaya naman ang kwento ko ay tunkol sa mga job interviews na naranasan ko.
Isa sa pambato ko pag dating sa pag hahanap ng work ay ang Interviews, feeling ko kaya ko itong i-ace. Olats talaga kasi ako sa exams. Promise! Lalo na ang technical exams. So ibig sabihin pag dumating sa technical interview medyo lumalakas ang kabog sa dibdib ko. Isang example ang interview ko sa US embassy sa pag kuha ko ng visa dati, nablog ko no yun noon di ko lang makita ang link. LOL
Hindi pa man ako gruma-graduate nakapag trabaho na ako. Syempre saan pa nga ba Kundi sa... Call Cennnnerrr!
Sa gabi nag ca-calls ako sa araw naman pumapasok ako ng skul. Wala sa bukabularyo ko ang pagtulog noong mga panahong iyon. Kaya naman may abs pa ako that time. Chos!
May Job Fair sa school noon. Syempre dahil graduating class, apply-apply naman ako. Kahit na alam kong mga matatalino lang naman ang hina-hire nila. Ang daming companies ang kasali sa Job Fair P&G, Epson, Accenture, HP, Lexmark, Smart, Globe at PLDT, at kung ano-ano pa. Naka-kuntodo bihis ang mga classmates ko. Eh, ako isang pares lang ang aking longsleeves at slacks at nasa laundry pa ito. Kaya ang suut ko ay Tshirt lang at faded jeans. Purito much talaga.
Doon ako sa P&G nag apply, feeling brainy.
Una ang initial interview.
"Why should we hire you?!",Tanong sakin
Sisiw! No brainer question
Sinagot ko ang HR ng, "Thank you for that wonderful question, I believe that I am the best candidate for this post because blah blah blah" Pasok sa banga.
Eliminated ang ibang mga classmates kong umeffort sa corporate attire. Bwahihihi.
Subalit, hindi pala nag tatapos ang recruitment sa initial interview lang. Malay ko ba? first time eh.
Susunod ang technical interview.
"Mr. Jepoy given 250 workstation can you design VLAN to a 50 workstation located in 3 rooms. 25 work station would have access to everything and the rest would have limited access to company websites. Assign an IP to each workstation and define/explain the routing technique over the series 65XX cisco router to this workstation and discuss the configuration. Explain how the router works."
Pagkarinig ko ng question gusto kong kutusan ang interviewer at sabihing, "that is a very stupid question. I refuse to asnwer that." sabay walk out. Chos! Natulala ako sa tanong ni Manong. Seriously, Nag talsikan ang buo-buong dugo sa ilong ko, hindi ko na alam kung anong tahi-tahing imbensyon ang sinagot ko. Parang binigyan ko ng kahihiyan ang sarili ko.
matapos ang isang linggo naka receive ako ng regret letter galing sa P&G. Kadire!
Okay lang yun. First time eh, at dahil nag aaral pa naman ako at hindi pa naman ako techincally graduate that time, kaya no pressure for me.
Dahil nag sisimulang mag boom noon ang call center industry at sabi nila malaki ang sweldo. Go-sago sa pinaka sikat na call center noon. Kung saan halos puro mga Atenista at LaSalista lang daw ang hinahire, Duhr! Ito ay ang EChelecare (E-Telecare) sa may libis wala pang ibang site noon, dun lang.
So ang layo ko, libis at Manila. Pakamatay lang me. Hindi pa gawa ang over pass noon papuntang libis kaya traffic. Ang byahe ko noon galing ng manila papuntang libis 3 freaking hours dahil sa trapik. So apply naman ako sa Etel.
Sa may Citibank tower ang office nila. Puro susyal nga ang mga tao doon (noon). At kung makapag-English parang 48 years na sa states. Kinabahan me.
"Mr Jepoy" tingin sya sa akin.
Ako naman tumango lang, feeling ko kras ako ng HR hihihi
"Please follow me to meeting room A and fill out these forms for me, will ya" arte ni ate
"sher" sagot ko
Pumasok ako ng meeting room.
After ilang minutes. Pumasok si ate sa Room. Naiihi na me. Ang puti ni ate nakakagigil lang.Yame.
"So, according to your resume you are a graduating student?"
"Yez meeeeeym" putang accent
"Would you like ta'gow fer kestemer zerviz or Cheknikal zuppooort" kung maka american-accent si ate parang wala ng bukas.
"I'll go for CHeknikal Zuppoooort" Naki accent din me.
"Ayt then, can you tell me something about yerr self?"
"Hi tide or low tide?"
"What do you mean?"
Syempre joke yun. Eto na totoong sagot ko.
"Im sweet caring and faithful person, a team player, and goal orientiiiid persen" Pak! sweet caring talaga?! Landi much?!
"Arayyyt, why did you chooz call cenner then?"
"because I wanna take calls and earn lots of money for my tuition fee" <--- Seriously?!
"What do you know about call cennnerrrrr?" by this time kinakabahan na me
"People take in calls to help other people and they earn money for doing so"<---Seriouly?!
"Did you know that we offer lots of career other than what you know, taking in calls..."
"No meeeeym" ayoko tumigil sa pag me-meeeeym parang tanga lang.
"Okay, I guess that's et. Go to the reception area and wait. We'll give you feedback in a sec, Okay?! Good Luck!!" Edi punta naman me sa receiving area. Kinakabahan.
saka ko na itutuloy tinatamad na me. Ang haba ng ng post, baka may mag skip read lang. Sayang naman effort ko mag recall...
Kthanksbye
accent kung accent sa pagbabasa. pati ako na-slang sa pag basa. wahihihihih.
ReplyDeletenakakanosebleed ang technical interview. Parang gusto ka nilang patayin sa tanung
wow - uma-accent ah! XD natawa ako nung sinabi mong "Thank you for that wonderful question" - LOL , parang sumasagot lang ng final question sa ms.universe pageant, hehe. XD
ReplyDeletesaya siguro kung Pinas ang naging First World country at tayo ang nagtatapon ng BPO sa US, imagine then speaking Tagalog in neutral accent- haha! pero syempre, hanggang imagine lang ito.
I better stop now, sorry bout my lengthy comment. (umiinglish, lol) XD
Can I answer the technical question about the router? LOL
ReplyDelete@Kumagcow
ReplyDeleteIkaw na ang CCIE at most outstanding Network ENgineer. Che! Oo inuna talaga kita
@Khantotantra
Ahahah slang kung slang, nag balik tanaw lang. LOL
@Yffar
Bitin ang comment mo, sus baket komonti. Sana nga naging first world country tayo para hindi na kelangan ng visa pag nag tour sa mga mayayamang bansa. Heyret
Pakatandaan mo, mahaba man ang post o maikli, talagang iskip-read kung puro pagpapanggap ng American accent ang magaganap. Structure kang putangina ka.
ReplyDeleteNatawa naman ako sa Sherr ako pilit na tawa pero natawa pa rin me.
Dear Glentot,
ReplyDeletePasensya ka na kung napilit lang ang tawa mo. Hindi na ako effective na humor blogger. Mag sasara na ako ng blog.
Ikaw na ang best humour blogger for all season. Ikaw na maraming commenters na hindi mo naman ni rereplyan.
Structure ka!
Regards,
Jepoy pogi
Natawa ako! Lalo na dun sa intro sa sagot mo, "Thank you for that wonderful question." Naalala ko si Venus Raj.
ReplyDeletenamen! nextime nga ibida ko din na im a sweet loving and faithful person. wanted: wealthy lover ba ang opening?
ReplyDeleteyang etelecare na yan ang baba ng offer! For a supervisor position, pang-agent ang offer. hahahaha. I'm still working in a call center and I definitely agree that there are people who pretend to have american accent. Kaya naman bagsak sila lagi sa QA audits ko dahil di mo na sila maintindihan hehehehe
ReplyDeletemissunibers?hahahaha.....
ReplyDeletesino ba hindi magkaka almoranas sa technical question na yan...kung ako nga tinanong, hahamunin ko nalang ng suntukan..potah...nakaka insulto sila eh.
naalala ko rin yung interview ko sa convergeeesss....ahahahahhaa.para lang akong tanga na pinabenta ng apple pie sa HR....alam mo yun? todo kahihiyan..leche sila!!
ituloy mo ang kwento...hindi naman lahat ng readers nag skiskip...
charing..blogpost? may ari?ahahhaa
may-I-relate ang arrive ko sa komentaryo kasi i see myself sa entry mo some 7+ years ago... hehehe...
ReplyDeleteaccent din ako ng accent nun as if hindi ako imported galing See Dee Ow, Nhoor Thdern Mheen Duh Now!
hehhee. aylabet mars!
bwahahha seryoso tol, tawang tawa ako dun sa mga dialogs mong may accent ahahahah..WINNUR!!
ReplyDelete(jusko e inaamag nako dito sa esteyts e di pa rin ganayan ang accent ko lols)
ching!
Wow. hanep sa accent. lol!
ReplyDeletenatawa ako sa huli mong mensahe... "...baka may skip read lang."
nyahahha... ikaw na ang may interview sa call cenner na umaaccent pa.
ReplyDeleteikaw na....
at ikaw na din ang mahilig mambitin ng storya. hp7?
Gusto kong hampasin si Ate ng bonggang bongga. Kung maka-American accent naman. (bitter lang.)
ReplyDeleteSo ganiyan pala ang job interview. Mag-aaral na akong mabuti. Baka pagdiscussin pa ako about sa mga syntax ng microprocessor at ipakain ko lang sa kanila yun.
P.S. Shembot pala ang background music mo. Ngayon ko lang nalaman sa pagadadalaw ko dito. lol
natawa ko sa post mo jepoy lalo na dun sa 'sher'. ang landi ng accent! hahaha
ReplyDeleteanyway, salamat sa inyo ni Ro Anne kasi feeling ko kelangan ko na rin paghandaan ang susunod kong job interview dahil plano ko ng magresign. magdidildil nA lang ako ng asin sa aming probinsya. bwahahahah
bitin naman ang kwento, aliw na aliw pa naman ako. hehe. ui jepoy, ako hindi nagsskip read ng post mo. :D
ReplyDeletenatuwa na naman ako sa comment niyo ni glen. :D
kayong dalawa ang best humor bloggers! :D
puwes dugtungan mo yan para makapag comment ako ng maayos...
ReplyDeleteputa ka Yummy pala yun... ang basa ko eh Yeym... shet ka
Thank you for that wonderful question?Beauty contest?!hahahaha!!!
ReplyDeleteImpernez nakakadugo ng digetive system ang englishan nyo ni meym!!hanep makaaccent.Amboy?hahaha!Bitin to.
putek ka, nabitin akong hayup ka sa kwento mo!
ReplyDeletealam mo bang napamura ako nung nabasa ko ung paragraph mong tinatamad ka ng magsulat.
ituloy mo yang post mo,part 2, now na!
at puta ka ikaw pala ung tumutugtog ng shembot, anlakas lakas pa man din ng speaker ko, asa office ako, gagu ka talaga.
ReplyDeletepanalo ang accent!!!!! lolz....
ReplyDeleteparang accent ng isang jejemowwnn na taga states....
tawa ako ng tawa hehehehe nice post!!! :)
ok ah talagang nakipagsabayan sa interviewer :)) pati ako mejo naslang na rin sa pagbabasa..lol
ReplyDeletenakow pinagpala ka, ako kasi more on sa written exam. Kabado na ko makita ko pa lang yung interviewer.Nanlalamig na kamay ko.
nag-apply din ako jan sa eTel nung nag-OOjt pa ko,sa Shaw naman. I don't think I aced the interview lalo na nung simulation ba yun. Kamusta naman role playing talaga nasa harap ko siya kunwari tumatawag. WTF! Buti na lang nung total amount na yung tinanong, nasagot ko agad. haha di pa pala ako palyado sa Math. LOL
Mukhang mahaba na yung post ko. Sorry naman ginanahan lang :) Namiss ko lang magcomment dito. :)
award winning!! kabog na kabong! plangak! kabogera. haha. natawa ako sobra sa putang accent. matry nga minsan.
ReplyDeleteang haba nga... bitin pa.
ReplyDeleteyung interview part lang yung binasa ko... hehehe
at least honest. :P
hahaha, tawang tawa ako sa "kestemer zerviz or Cheknikal zuppooort" kung maka american-accent si ate parang wala ng bukas.
ReplyDeleteate, baket???
ganyan ba talaga sila magsalita sa call center? ay mali, call cennnerrrrr pala, hihihi....
hahaha! ang saya ng american accent mo... so natanggap ka ba after?
ReplyDeleteweeee.... di talaga ako nagskip read... hahaha... ngek ganun pala yung technical question... hahahha... parang imaginary lang effect...
ReplyDeletemaka-accent ung menela boy oh!at talagang sweet, caring and faithful ang sagot?pang syota!pinormahan pa ng bahagya ung hr!nice one...
ReplyDelete@Gasul
ReplyDeletePinakulit ko lang para matawa ka. hindi ka na kasi napapadaan sa kuta ko. Juk!
@Chyng
ahahaha wealthy talaga?! Ibida mo Chyng alam na alam mo yan. LOL Ayos ang Oakwood trip mo with someone special ah. hehehe
@Bino
Noong panahon na iyon kasi ETel lang ang mataas mag pasweldo, wala pang convergys and other call centers sila palang. Naks quality ikaw na...
@Maldito
Convergeeeesss talaga ahahaha naki arte?! Sige tutuloy ko dahil hindi ka nag skip read.
LOL
@Hondafanboi
ReplyDelete7 years ago? Ingkong bihasa ka na pala sa call cennerrr. LOL See Dee Ow ang kulet lang ahahaha
@Soltero
Asus nagpahumble again si Kuya Josh, may recording ka dati parang americano lang mag salita. Englishing much!!!
Ihop ko pag bakasyon mo ng pinas! Go!
@Empi
Marami kasing skip reading tulad ni Gillboard na umamin na ahahhaha
@Bulakbulero.sg
Nabitan ka ba papi? yaan mo tutuloy ko kwento pag sinipag. LOL
@Kaitee
ReplyDeleteoo mag prepare ka na para sa nalalapit na intervies na kakaharapin mo ahahah
oo shembot, ang astig nga eh. Maingay ba?! lol
@Supladong office boy
Mas malandi lang ung profile pix mo. Salamat photoshop much?! ahahhaha
Sus baket ka naman mag reresign. mag take ka na ng cpa board para mas lalong umarangkada ang malaki mong sweldo. GO!
@Dhang
Oi Dhang nakakataba naman ng puson este puso ang iyong mensahe basta na tuwa ka sa mga mumunting kwento ko eh masaya na ako. Isang dahilan para tuloy lang ang mag kwe-kwento...
@YJ
Yeym ang ampf! ahaha ang kulet lang! lolz
@Ungaz
ReplyDeleteWonderful question naman talaga, sinadya ko lang yun para dagdag pangkulet. Effective diba?!
Meym naman talaga...
@oliver
Oo sakin ang shembot. Asteeeeg no?! ahahaha
Arte mo if i know nag skip read ka rin ahahaha. Sige pag hindi ako tinamad tuloy ko ang kwento...
@egG
oi salamat sa pag comment sir sa comment. Salamat at napatawa ka ng konti. Chos!
@heartlesschiq
Hindi tungkol sa comment mo ang comment ko. Ang masasbi ko lang ay..Ay thank you! hihihi sana ay okay ka na ng slight.
@nyabachoi
ReplyDeleteang kulit ng name mo, nyabachoi ahahah salamat sa pag comment.
@Gillboard
Skipread pala, sige skipread din me sa post mo ahahah juk only
@Weng
hi baby sorry hindi ako masyadong maka reply busy lang sa meeting and stuff sa opis. I miss you much.. Take care hihihi
@Pinoy Turista
Abangan mo kwento ko next time
@kikomaxx
Talaga lang ha di ka nag skip read!!! Salamat dahil dyan may libre kang kiss *Smack* Tenchow
ikaw na ang mapuan na magaling mag-ingles! partida slang pa... salamat nadamay ako dito dami mo fans na shy me
ReplyDeletesaan na yung link ng US embassy Visa interview mo gusto kong basahin for sure aliw yun hahaha
ReplyDelete3 questions lng sa akin sa US embassy, work related, my reason pagpunta sa US at family background.....then approved! hehehe
Jepoy, unang-una, hindi ako nag-skipread, binasa ko bawat comment dito. Hahahahaha.
ReplyDeletePangalawa, nag-apply din ako sa EChelecare dati sa may Libis at parang mangmang lang sila na nagbigay sa akin ng exam para sa Cheknikal zupport kahit na kestemer zerviz ang inapplyan ko. Dumugo ang gilagid ko sa kakahula. LOLOLOLOLOL.
Pangatlo at huling-huli, kahit ilang beses kong refresh ng site mo, ayaw gumana ng shembot mo. Buti pa sila naexperience nila.. :D:D:D:D:D:D
baka lahat ng pwedeng dumugo sa katawan ko e dumugo kung tinanong sakin yung technical question na yan. o kaya mapahiling ako ng wala sa oras ng "lupa lamunin mo ako. now na!"
ReplyDeleteanong petsa na? nasan na yung karugtong??? demanding?! ^o^
Nakakapanginit ng ulo ang kabitinan nito ah. Pambihira! Natawa ako sa lahat ng sagot mo dahil naimagine ko lahat yun ng galing sayo. Haha. Sherr. Hahaha. Ikaw naaaa!
ReplyDeletende ako nag skip read... i was smiling da whole time i was reading this.. dheng u r really funny... hangsarap mo magkuwento... sometimes naiingit ako sa pagkukuwento moh...you are natural funny... oh yeah bitin pa nga ako sa kuwento moh... thanks ha... you just made my morning... mukhang tanga lang akong tumatawa on d way to work... ingatz lablab kong Jepoy... Godbless!
ReplyDeletebut naman biglang putol nabitin tuloy mo. super exciting na ang mga kaganapan. ang galing nito jepoy.like the interview portion. with all the accent.
ReplyDeleteNag-call Center ka pala dude! nakakatawa naman pati sa pagsulat mo nadama ko ang pag American accent mo hehhe! At talagang napapayezzzzzzz meeym din ako hehhe!!! Tuloy mo ang kwento next time... nabeeeten ako!
ReplyDeleteNag-call Center ka pala dude! nakakatawa naman pati sa pagsulat mo nadama ko ang pag American accent mo hehhe! At talagang napapayezzzzzzz meeym din ako hehhe!!! Tuloy mo ang kwento next time... nabeeeten ako!
ReplyDeletehahaha tae ka! kailangan may slang? hahaha. Nakarelate ako sa unang part sa mrt...tulakan siksikan...last nov23 naexperience ko yan sa ayala mrt...
ReplyDeleteHaaayyy... hindi ibig sabihin na hindi ako nagko-comment eh hindi ako bumibisita. Judgmental ka! Parang tulad nung dati na inakusahan mo akong nag-skipread, hindi naman. Ampf.
ReplyDeletelaf trip ka jepoy. panalo ang post!
ReplyDelete@Ro Anne
ReplyDeleteLOL, sus na shy kapa ang galing-galing mo kayang mag sulat. Hindi ako magaling mag ingles confident lang ahahhaha, may thin line sila kasi bwahihihi
@Markhk
Pag nakita ko post ko dito, nahiya tuloy ako puro kakabahan ang ginagawa ko dun sa embassy. Malimali ung fill out ko nang form tapos kinakabahan ako kasi ayokong ako ang kauna-unahang madeny sa ipapadala sa abroad ng company namin pota! LOL
madaming tanong sakin, nose bleed much!
@Michael
Oi salamat dahil hindi you nag skip read ahahaha. Ang masakit pa kapag cheknikal zupport eh yung technical interview parang gustuhin mong lamunin ng lupa pag hindi mo alam ang sagot ahahaha
@Sikoletlover
Asus si Ati nag pa humple pa. Kundyari di alam ung sagot sa technical question. Ikaw na ang Engineer sa Japan! Ikaw na ang magaling sa electronics. hihihi ako nga hindi ko na alam ang itsura ng collector, emitter tsaka base sa circuit diagram eh ahahahah
@Dhianz
ReplyDeletemapa smile lang kita masaya na me bnwahihihi. Salamat naman dhi at nakaka taba ng puso ang iyong comment baka ma stroke ako bukas bigla bwahihihi
Thanks Dhi!!!! God Bless you more!
@Diamond R
Sige koya pag sinipag ako itutuloy ko ang kwento...
@Dormboy
oi Sir! Sige tuloy ko kwento nag papa arte lang ako ahahaha
@Moks
Ano ginawa mo dun sa mrt experience mo? binatukan mo ba yung manong??!!!
@Gasoline dude
Sentimental gasul???!!! Senstive???!!! ahahaha sabi ko nga juk eh. Ampf!
@the scud
Oi Sir! musta?! Salamat sa pag daan at kung napa smile ka ng konti eh kewl!! arte lang... LOL
sinubukan kong mag-apply dati sa call center kaso di umubra ang pota kong dila. lagpak pa ako sa tanong na "if you were a flower, what would you be and why?". ang sagot ko ay ROSE dahil tingin ko sa sarili ko ay unique. taenang sagot yun.
ReplyDeleteblogenroll \m/
akala ko pag late na akong nagbasa eh may kadugsong na...putol pa din pala..hmp ka!!!
ReplyDeleteako din may accent!! matigas accent,hihihi
hahaha skipread, ano un? wala sa vokebulereh ko hahaha!
ReplyDeletegusto ko ako mag-interview syo. muhahahaha! NGAPALA, ang yabang mo. ANG GANDA KAYA NG AMERICAN ACCENT MO HAHA!
Lol. Mr. Jepoy tlaga hahahhahaha
Aantayin ko kasunod Mr. IELTS. hahahahaa
dahil nabasa ko 'to, kinakabahan me much tuloy sa mga interviews na tatahakin ko...
ReplyDeleteat hutahena! huhuhuhu!
anong klaseng tanong yun? may parouter router echos pa!
wala akong alam dun!
gusto ko rin itry magcallcenter! maraming pera daw dun eh!
MONEY!!!!
nakakainis nagbasa ako
ReplyDeletenabitin ako sa story mo. i worked in "EChelecare" (E-Telecare) in 2002 to 2004. i still remember the recruiter who gave me a hard time. and yes parang 48 years silang nasa States.
ReplyDeleteyou are so funny! :)
i'm coming back for more.
hello natuwa ako sa shembot blog mo. dahil diyan, ifofollow na kita. astig ka :D
ReplyDelete