Hindi ko na alam kung paano ang gagawin ko sa putang credit card ko. Masyadong mahina ang aking katawang lupa sa mga gastusin. Eto pa't mag papasko nanaman at mapaparami ang shopping dahil sa mga christmas gifts ko Kahit wala naman talaga akong pang shopping.. feeling mayaman?! Mag tatago nalang muna ako sa mga inaanak ko sa darating na pasko dahil ang kanilang Ninong ay purito much.
Ipagpalagay na nating sumusweldo ako ng 20 pesos kada pay day. Nag babayad ako ng limang piso sa aking credit card. Tapos limang piso para sa bills at renta ng unit. Limang piso para sa baon hanggang sa susunod na sweldo at limang piso para sa future. So, sa loob ng isang buwan sampung piso ang napupunta sa utang. which is 25% ng aking buwanang sweldo. Mukang okay na sana, kaso ang catch ang dami kong kinaskas na parang wala ng bukas. Buhay mayaman much?! Pag check ko ng outstanding balance ko parang gusto kong ihagis ang monitor ko sa Opis tapos hihimatayin at magkikikisay. Syempre arte lang.
Naisip kong hindi pwedeng ganun. Hindi pwedeng para akong nag tra-trabaho para magbayad ng utang. Syempre kelangan kong gumawa ng action plan. Sabi kasi ng tatay ko dapat daw lahat ng bagay pinag pla-planuhan. Lahat daw dapat ng pera na inilalabas ko ay naka plano para daw may pinatutunguhan ang pinag papawisan ko. Tama si Pop's. Kaso lang sablay me. Kung alam lang nya ang karumal-dumal na krimen na nagagawa ko sa pag ma-manage ng aking finances. Spell failure.
So gumawa ako ng tracker. Para ma zero out ko ulit ang aking utang sa credit card. At pag nabayaran ko ito. Itatago ko sya sa baul. Tapos kakandaduhan ko at itatapon ko sa Nepal ang susi para hindi na muling magamit pa.
first plan ay wag gamitin. At patuloy na mag bayad ng 25% ng sweldo ko monthly. Puta lang! Ang hirap nun. Gawwwwwwd! So by around May next year wala na akong utang kahit singko. At yung pinang babayad ko ng card ay ma convert into savings na. Sounds like a good plan, right?! Gudlak!
So ang ganda ng brilliant plans ko ganyan-ganyan, hanggang sa... nag-chat ang putang isang sisira ng maganda kong plans hindi pa man nakakalayo ng bwan ng Nobyempre. Ang puta nag yaya mag bora at card ko ang gagamitin pamasahe, sayang naman daw kasi ang Promo. Nampota nandamay pa?! In short napapayag naman nya me. Ano gagawin ko? Tao lang ako. May needs. Ito kasing kaibigan/travel buddy kong ito kahit kelan di pa nakapuntang bora. Kaya every summer nalang ping pipilitan nya to, pero hindi sya nag tatagumpay. Subalit, ngayon nag tagumpay na sya.
Eto convo
So sa madaling sabi, nadagdagan nanaman ang utang ko. Haist! baket ba kasi hindi nalang ako naging anak ni Bill Gates. Juk! Alab my parents.
Mukang ang aking 13th month pay ay may pag kakalagyan na. Goodbye Iphone4! See you when I see you :-(
Heyret!
Ako naman di kumikita ang credit card company sakin dahil wala akong interest na bnabayaran. Sa tamang paggamit, credit cards can be very helpful. Naks!
ReplyDeleteit is very helpful. I can't deny that. Hindi ako makakalipad at makakabili ng kung ano anong shit dahil sa credit card. Ako ang may sala. Pero I can do this :-D
ReplyDeleteparang natakot naman akong mag credit card kahit wala naman talaga ako nun.
ReplyDeletepero mahirap mag-ipon. grabe much lang
dami kasing libre e. haha kung ako nalang nilibre mo, isa lang papabili ko syo e: protein bar. masaya na ako :P o hnd ka pa napagstos. :P
ReplyDeletepero damihan mo a. maraming boxes
haha panira ba ng plans yan jepoy.
nuuuuuuuuuuux bumobora nalang
mayaman ka naman e.
i agree jepoy. very useful talaga ang credit card.. hihihih. its just a matter of 'control' sa paggamit para hindi magkalubog lubog sa utang.. :)
ReplyDeleteEnjoy ur trip sa bora...Magrelax sa beach habang nakabanana hammock!woohoo!!!hahahaha!
ReplyDeleteMas tipid kung wala kang credit card at all...tukso lang kasi un.hehehe!
@Khantotantra
ReplyDeleteWag kang matakot! Disiplina lang, wag kaskas ng kaskas :-D
@Traveliztera
Oi, kelan ako nalibre??!!! Kelan???!! Gawd andyan nanaman tayo sa protein bar!
Ikaw ka umOZTRELIA! Ikaw na! Ikaw na taga alabang! mayaman much!
@Supladong Office boi
Tama it's a matter of control. Kaso wala ako nun? San ba yun nabibili, ay meron na palang konti hihihi.
@Ungaz
ayoko ko nga eh. Buset! Pero pwede na rin, matagal pa yang a summer pa. promo lang yan mura lang naman lol nag iinarte lang ako kasi nga ayoko na sanang gamitin eh nagamit pa :-D
celyn55: libre?!
ReplyDeletehahaha
ako din yan ang prob ko. bat kc nauso pa yang p*t*ng*n*ng credit card na yan. hahaha
@Donato
ReplyDeleteLOL
Ikaw kasi kuya ang dami dami mong pinag sho-shopping masyado LOL ako kunti lang...
grabe naman ang papi kung kumaskas! dati **** lang kinakaskas, luho much! loljk
ReplyDelete@Reigun
ReplyDeletemamatay na ang tumitira ng **** LOL
Maluho ng slight brad. pero ngayon hindi na, na-pa-segwey lang sa bora fair, mura kasi pamasahe kaya nag book eh.
penge nga euro para matapos na to! (kamaganak?!)
at para ikaw ay makapunta ng Nepal, kailangan mo nanaman ikaskas yang credit card mo...
ReplyDeletemay mas madaling paraan Jepoy, tuwad ako at i-swipe mo yang credit card mo sa pagitan ng aking matatambuk na puwet.... at tiyak, hindi na gagana yan hahahahaha
@YJ
ReplyDeleteLOL Ang kulet! Iba talaga pag humirit ang YJ. ALabet!
since last year i try to cut mg 6 credit cards sa 3 credit cards sana pero until now naka plan pa rin hahahaha
ReplyDeletewow - vacay! XD naku jepoy, go lang sa boracay, at sa nepal narin, shopping-galore lang, wag mong limitahan ang sarili mo dahil nakasalalay dito ang tunay na ikaliligaya mo, isa pa magpapasko na. ang saya-saya kaya ng may credit card...
ReplyDelete(insert-evil-grin-here). XD
I carry 9 atm's and only 2 credit cards.. the trick? Pag sumweldo ka ilagay mo sa different bank accounts para hiwahiwalay at mahirap magwithdraw, kung pwedeng bank book lang yun na lang gawin mo... tapos dun sa rural bank ng pampanga para layogenic LOL
ReplyDeleteganyan din ako walang control nuon pero I started saving when I couldn't access the money hehe try mo decaffeinated naman para hindi mo na hagis yung monitor sa boss mo banda para may shards at bubog so it hurts a lot!
Ikaw na kasi mayaman. Haha. Yan agad ang bilin sa akin ng aking Ina at Ate, pag daw nagtatrabaho na ako at may pera na wag na wag daw ako kukuha ng credit card na sisira daw ng buhay ko. O diba kung makapagparatang? Haha. Yamuna. Marami ka namang napapasaya sa pagiging galante mo.
ReplyDeletewell, may utang ka nga, nakapagbora ka naman.
ReplyDeletepriceless pa rin yun. ;)
buti na lang nadecline yung credit card application ko dati. hehehe
Etits lang kasi dapat ang kinakaskas. Saka pala yelo para sa halo-halo. LOL!
ReplyDeleteSeriously speaking, nagkaproblema din ako sa credit card na 'yan nung nasa Pinas pa ako. Learned my lesson, kaya ngayon, goodbye credit card na.
ayan... if ever na may trabaho na ako.. ipon p[a taaga muna.. wahehehe... katakot talagang magcredit card...
ReplyDeleteo ayan we learn lesson from jepoy about credit card di pweding laging enjoy lang ang buhay.yan credit card kasi kailangan ding kumita kaya sadyang pag hawak mo yan di pweding tangihan ang kahit anong pagkakagastusang iyong kahinaan.
ReplyDeletenahihingi ba yan..akin na lang!!! pangarap ko kasing mag ka credit card wala naman ako,hihihihi purita lang din!! para kasing ang sarap sarap ikaskas,hihihi!
ReplyDeletedi daw Bora...Boracay daw! hihihi
Ok lang iyan, di ba nga ang sabi nila it's better to give than to receive,, since pasko naman, go lang. Ituloy mo lang ang shopping kalembangers mo. LOLOLOLOLOL. Talagang nambuyo pa. :D
ReplyDeleteIkaw na kasi mayaman, Jepoy. Astoria ka pang drama?!?! Pwede mo ba akong ampunin, kahit one lifetime lang. Ahahahahah.. :D:D:D:D:D:D:D
its a good thing d naaprove ang application ko nun at wala na ako trabaho ngaun.. lol.
ReplyDeleteanyway, hero ka naman at dahil sau makakapag bora na ang friend mo.. hihi
Hoy sama ako seryoso me!
ReplyDeletemoyomon nomon! hindi ka nga anak ni bill gates....anak ka lang ni Mr. Sy. chos!
ReplyDeletekitakits sa bora sa summerr...yey!
haynaku, for me, ang credit card ay nsa wallet ko para ikaskas ng ikaskas ahahahhaha
ReplyDeleteching!
di pa ko nagcredit card ever! minsan kasi umaatake din pagiging impulsive buyer ko. now you gave me another reason why i should not get one. hehe.
ReplyDeletehahahahahha same kami ni bino! heheheheh saka dami pang freebies at perks! ayun lugi pa ata sila sa akin eh dami sila binibigay eh ehehehehhe
ReplyDeleteWow. Bora! :D
ReplyDeleteMay card din ako... di ko ginagamit... nakadikit pa sa sobre ang card. nakakatakot gamitin baka mabaon ako sa utang. :)
ayon, nadagdagan ang utang mo. hehe!
tc
huwaw jepoy! you're traveling again! i am so selos of lyn girl, wala akong kasamang pumunta ng bkk-cambodia! anyhoo, ingat at enjoy the trip!
ReplyDeleteNakakabawi kaya ng lungkot ang pagkaskas ng credit card, mapapalitan ng sakit ng ulo kung papaano ka makakabayad sa utang. :)
ReplyDeleteSame problem dito. Haha! Hirap na hirap nang magbayad ng credit card bills. Grabe! Pero ineenjoy na lang. Bahala na. As long as may trabaho, mababayran rin ang mga utang sa credit card.
ReplyDeletedito na lang ako nagkaroon ng credit card. ayaw kasi ako bigyan ng mga lech na mga credit card companies sa pinas. hate ang puritang tulad ko...
ReplyDeleteanyhoo control lang talaga ang katapat. enjoy lang ang buhay haha
Kahit in real life takot akong magkautang kaya never sumagi sa aking human braincells ang magapply ng CC hehehe.. well mukhang madali naman kasi hindi hassle tska di madaling manakaw ang pera mo kaso yun nga lang di mo maiwasang magswipe ng mag-swipe hahaha..
ReplyDeletegoodluck sa bills sir!
Ang hirap magpigil ano? Buti na lang paid off na ang cards ko! Zero utang na me! :D
ReplyDeletePS. Nagulat ako, hinanap ko kung saan yung tumutugtog na Shembot! Hahahaha
masaya gumastos sad much pag bayaran na. ewan ko ba. siguro sahil yon ang essence talaga ng pera. pero umaasa akong mageenjoy ka sa bora kasama ang isang kaibigan. :D
ReplyDelete"Pag check ko ng outstanding balance ko parang gusto kong ihagis ang monitor ko sa Opis tapos hihimatayin at magkikikisay. Syempre arte lang."
ReplyDeleteTawang-tawa ako jan. HAHAHA!
Saya muna bago lungkot kaya ayos lang 'yan. :D ENJOY!
oist, kelan yang boracay escapade mo?
ReplyDeleteSarap naman nun magboboracay! Di kinayang humindi sa Boracay hehehe Good luck!
ReplyDeleteaba aba may shumeshembot na pla dito hehehe...
ReplyDeleteninong gusto ko ng sportscar yung red hahaha yaman!!!
Para sa inyong lahat!!!! Maraming salamat sa comment. Gusto ko sanang mag comment isa-isa pero na mumuntawi ang katamaran sa katawang lupa ko.
ReplyDelete@mangpoldo welcome po sa bahay ko at salamat sa pag comment... balik po ulet...
@Fjordan Thanks din sa pag daan at pag comment ha
@Beero Oi andito na rin yo! kampay!
@Soltero Welcome back kuya Josh! kala ko nalimutan mo na ang bahay ko dahil sa sobrang daming fans mo! woot!
maraming salamat sa comment nyong lahat... na tats me!
ReplyDeleteayoko na ng credit card dahil nalubo na ako sa utang dati dyan. wala kasi akong kontrol sa pagkaskas. ayun, muntikan na akong 'di makaahon!
ReplyDeleteblogenroll \m/
Dude unang-una ok lang gumastos. There is nothing wrong with it. The problem is ano b dapat ang mga dapat pagkagastusan. Sabi nga nila treat your credit card as a real cash na madaling iwaldas. Siguro dagdagan mo lang self control mo at total determination na hindi gumastos sa mga hindi naman kelangan. Kung kaya mo mabuhay n wala sa buhay ang isang bagay then pwede mong wag mo munang bilhin...
ReplyDeletePero sa totoo ako rin taghirap now hehehe! hayst bills are coming n rin!
buti ka pa may credit card na magagamit.. ako ata kahit anong gawin kong apply.. di ako matanggap tanggap.. wala naman akong utang.. siguro mukha akong terorista kaya di approved.. sama naman sa boracay.. ehehehe
ReplyDeletehahaha. madalas naman talaga akong mapadaan dito eh. minsan nga lang magcomment :D
ReplyDeletepag nagtratrabahao na ako pipilitin kong hindi kumuha ng credit card!
ReplyDeletepipilitin ko talaga!
ito lagi ang problema ng empleyado, pansin ko lang naman...
Hi po, this is kate from GMA 7. we are doing an episode on financial literacy and we need a case study na baon sa utang sa credit card. i read this blog, pwede po ba namin kayo mainterview on saturday, at your convenient time and place? thanks po.
ReplyDelete