Wednesday, November 17, 2010

Circuit Design Prototype

Isa sa pinaka masayang kwentong balik-balikan ay ang college life ko, doon kasi nag simula ang exciting experiences ko sa buhay-buhay. Kung tutuusin ko lahat ng pwedeng ikwento kahit for one year akong mag blog tungkol dito eh hindi parin yata ako matatapos sa sobrang daming pwedeng i-share. Kaya ang kwento ko ngayun ay tungkol sa isang chunk ng college life story ko.

Hindi ako ipinanganak na magaling mag integral and differential calculus. Sa katotohanan weakest subject ko ang Math noong highschool pero nag pumilit parin akong mag tapos ng isang engineering degree dahil hindi naman ako kayang paaralin ng parents ko sa Medical school para maging Doctor. Gusto ko sanang maging Surgeon kaso inilagay ko na sa baul at ikinando at itinapon ang susi sa Africa para matuldukan ang pangarap kong maging isang Doctor. Best in Biology ako noong high school kaya feeling ko ang pagiging Doctor ang dapat na maging karera ko samantalang, sa math eh umaani ako ng kamote que sa mga scores ko. Nag tapos akong Valedictorian 'nung highschool. Chos! Pang-apat ako sa graduating class sa isang pampublikong paaralan sa amin. School nang mga walang perang pang private school tulad ko. Kaya iginapang ng aking magulang ang pagaaral sa Maynila kasi matalino daw me. hihihihi

So after highschool nakapasok ako sa isang Engineering school. At dito nasira ang buhay ko. Jowk!

Katakot-takot na pag hihirap ang aking na experience. Drawing 1 palang nangangamote na ako. To think na lettering lang yung mga first few plates namin. Kasabay pa noon ang hindi kumpletong drawing materials ko. Syempre walang pambili kaya dapat mag tiis. 'Asa nalang muna sa hiram-hiram sa mga naging block mates na pinalad na makakumpleto ng gamit. Purito much?!

Kahit nag kakabagsak ako dahil sa likas na kabobohan sa math and technical related subjects eh nakuha ko paring makaabot ng 5th year dahil sa likas na charm ko. At isa sa subject namin dito ay ang tinatawag na Design. Ito yung application ng lahat ng pinagaralan namin sa Electronics at Programming. Ito yung application at gauge na pwede na kaming mag graduate at sumabak sa industry na hindi dudungisan ang pangalan ng school namin.

Group effort ito. Limang students sa isang group. Gagawa ng isang prototype design with complete documentation tapos ipre-present sa panel of board ng department namin. Dahil tanga-tangahan ako, doon ako na-asign sa pag gawa ng algorithim para sa interface ng binuo naming circuit board sa computer using machine language. Syempre isang malaking jowk hindi kaya ng brain cells ko yun! Na assign ako sa pag document ng technical specification and procedure specifics at pag present ng prototype namin sa panel dahil ako ang magaling mag English, oo ako na! Ako rin ang nag byahe ng circuit board namin papuntang school during the actual presentation.

Presentation Day.

Tuliro ang lahat. Kinakabahan. Tatlo sa mga ka-groupo ko ay graduating class. Ako hindi pa kasi bagsak ako ng Microprocessor subject kaya kebs lang me, pero syempre, hindi ko pinapahalata. yung tatlong graduating sa amin pang pitong taon na nila sa school kaya kating-kati na silang paganahin ang aming prototype. Last night hindi pa ito gumana kaya tuliro kaming lahat. Syempre medyo kinakabahan narin me ng slight. Kasi malaki-laki na yung nagastos namin sayang naman kung uulitin ko sya.

Bihis na ako. Naka longsleeves at slacks, naka necktie pa na astroboy *uso yan noon* ako ang nag dala ng circuit board para doon nalang namin bubuuin ang prototype sa school. Maulan noon at medyo baha. Sakay ako ng jeep from Quiapo kung saan ako nakatira papuntang City Hall. Para sa hindi na kakaalam, walang jeep na pumapasok ng intramorous kaya lalakarin ito papasok. Dala dala ko ang ciruit board at hindi ito maliit malaki ito. Dala ko rin ang documents at blueprint design namin na pinag puyatan ko talaga ng tunay at wagas. Nag mamadali akong mag lakad. Plantsado ang long sleeves naka tucked in. naka Gel at mabango. Sa aking paglalakad papuntang school na dulas me. Nabagsak ko ang circuit board at nag liparan ang papel at nabasa ang blue print dahil umuulan. Naputikan ang kalahati ng likod ko dahil napahiga ako sa putang walkway.

I swear gusto kong humagulgul ng iyak pero wala ng time kelangan pulutin ang mga nalaglag na papel at ang circuit board na nabagsak na syang puso ng prototype namin. Naiimagine ko na na bubugahan ako ng apoy ng groupmates ko. Parang wala na akong lakas na pumasok pa. Parang gusto kong sumigaw ng, "Lord, Kill me now". Pero syempre arte lang. Nakakahiya kayang pag tinginan ng mga dumadaan.

Pag dating ko sa school kahit putikan ang long sleeves ko binagsak ko ang big news sa kanila. Natulala sila. At nag iyakan. Lalo na yung tatlong graduating. Wala naman akong magawa kung hindi mag sabi ng sorry. Anong gagawin ko mag hiwa ng blade sa leeg? Hindi ko rin naman gustong mangyari yun eh.

Sabi ko sa kanila walang mangyayari kung mag iiyakan. isalpak na natin ang circuit board sa prototype at tignan natin kung gagana ang design kesa naman mag hagulgulan kame na parang 3 years old sa school. Syempre nag patulong ako na linisan ung long sleeves ko itim kaya ang kalahati. Spell putik. Tapos umakyat ako sa second floor para kausapin ung adviser namin. Nag makaawa me. Lumuha ang isang mata ko ng dugo. Ganto kasi un hindi haharap ng panel pag hindi gumana ang prototype. Yun ang policy. Eh oviously ung saamin hindi na gagana dahil nabagsak ko ang circuit board. Sabi nang adviser namin. Hindi daw pwede. Dinamihan ko pa ang luha ko this time sa kabilang mata naman.

Ang ending ng story...

Pumasa kame :-D


54 comments:

  1. ganun talaga ang College life. ang hirap... worth it dahil pumasa kayo. :)

    ReplyDelete
  2. haiiy...ang balak ni bheni na mag engineering ay lalong napupunta na lang sa balak..mukhang mahirap talaga ang engineering /ahuhu. hahaha chos. napadaan po :D

    ReplyDelete
  3. nakaka-miss ang mga panahon ng defense...

    mahal ang mga drawing materials, kaya hiram hiram lang din sa mga mayayaman na klasmeyts...

    pinilit kong hindi um-absent kahit isang beses sa calculus para lang pumasa... wahahaha!!! in the end, naka 3.0 ako... pasang awaw... lolz!!!

    ReplyDelete
  4. Taeng kwento ito. Tumawa lang ako nang tumawa pagkatapos ay bitinnnn!!! Pano kayo pumasa? Sa luha mo? Kapag nagkaganon maniniwala na ako sa mga virgin mary na lumuluha ng dugo.

    ReplyDelete
  5. so idedemanda ko ba ang nambagsak sa akin sa stagewise operations dahil hindi niya ako pinasa? sasabihin kong UNFAIR dahil sa isang iyak lang ni jepoy ay pumasa siya. balde balde ang iniyak ko nun ah. haha. ano yan may favoritism?!

    ReplyDelete
  6. hahahhaa. don't tell me yung luha mo ay may milagrong taglay?? hahahaha.. MAPUA ka ba kuya jepoy?

    ReplyDelete
  7. Ano ka nagpuppy dog eyes pra pagbigyang pumasa?how cute!!!Naantig ang adviser sa luha mo.in short UTO UTO siya...Buti nalang.hahahahaha!!!

    ReplyDelete
  8. hahaha, i miss this too!!!

    sa school namin nung magdefense kami nakakatawa, ang question sa akin, alam mo kong ano, itinuro ang isang resistor then sabi give the value according to color codes...hahaha, and after that defense finished sa aming lima ako ang nakakuha ng tumatagunting na 1.5 & the rest is 1.75 (at sinekreto ko na lang yun sa mga groupmates ko)...

    miss the gud ole' days!!!!

    ReplyDelete
  9. Out of topic muna: Sayo pala yung shembot song. Hinahanap ko kung kaninong blog yung may sounds.

    Grabs naman yung pinagdaanan mo na todo get-ups e may buhat kang bagay.

    Hays, namiss ko college life sa wento mo. Pero okay na din ang working life. :D

    ReplyDelete
  10. what the.... weeee... parang natatakot na ata ako ngayong finals namin... takte... di pa tapos ang system... weeee.... Oh my God Panik effect...

    ReplyDelete
  11. i crawled my way in college just to graduate. and i did. it was a momentous event in my life. ang sarap balik-balikan.

    pero mas masaya ang high school para sakin. andaming kalokohan. sa college serious mode.

    ReplyDelete
  12. Before I reply to all your comment, I would like to say that the reason I continue blogging is because you take time reading and commenting. I thank you. LOL

    eto na response ko.

    @Empi

    Hirap na masaya at nakakatuwa talagang balikan. Salamat sir!

    @Bhenipotpot

    Salamat sa pag daan, nag simula din ako sa balak balak na yan. Tuloy mo lang kung yan talaga ang gusto mo. hihi I support you. Bow.

    @Pinoy Adventurista

    Hindi ko na mimiss and defense I heyret ahahaha wala kasi akong formal wear nun e ahahha

    Buti naka 3 ka pa, saamin kebs ang attendance dapat ipasa exams ahahaha wala ngang extra points ang attendance sabi ng prof namin baket daw sya mag bibigay ng attendance e kaya nga daw kame nag babayad para pumasok eh ahahha

    @Salbehe

    Ang kyot ng profile pic mo hahaha. Ibubulong ko sayo kung paano ako pumasa ung makikiliti ka sa tenga. yung mapapapikit ka tapos mapapakagat ka sa lips mo ng slight ahahahaha

    ReplyDelete
  13. @Anna

    Sabi ko sayo meron konting power ang chubby charm ko ahahha. Ikaw kasi hindi ka pa daw nag kakabagsak kaya pinaranas sayo one time ahahha.

    @Supladong office boy

    Paano mo nalaman?! Yes ako po ay batang Mapuan school mate ko si RO Anne, Baket?


    @2ngawskie

    Puppy eye and stuff like that. hihihi may charm naman ako at konting kamandag sa mga ganyang pag kakataon ahahha

    @Scofield Jr

    Ikaw na ang madurugas na naka 1.5 ikaw na hihihi. Welcome back sa bahay ko matagal ka naring hindi dumadaan... :-D

    @Khantotantra

    Oo ang ganda ng tugtug na shembot no? ahahaha

    Uu nakakamiss ang college life pero ang hirap ng walang pera kaya pwede narin ang worki mode ahahha

    @epiphanonymous

    Ang hirap naman basahin ng blog name mo. lol

    Masarap talaga balik balikan, haist! Yung high school iba rin ung saya pero for me college life. Kasi mag isa nalang ako sa maynila nun, madami akong na experiece. Like, totally ahahhaa salamat sa pag daan po...

    ReplyDelete
  14. di ako nakarelate. di ako engineering. pero gaya nga ng sabi nila, shit happens.

    ReplyDelete
  15. di ako nakarelate. di ako engineering. pero gaya nga ng sabi nila, shit happens.

    ReplyDelete
  16. Putek! Naiimagine ko na ang second semester namin. Matinding iyakan na naman ito. Malapit na rin kami sa Thesis shit. Oh my gulay, pinakaba mo ako ng bonggang bongga kuya. Nanginginig na tuloy ako. Gusto ko nang magshift. Joke.


    Yung articles kuya, pahingi naman!

    ReplyDelete
  17. bitin ako!!!! pano kang pumasa?
    i love defense stories, nung studyante ka,un ung parang magdedefine sa buhay mo, haha.
    nung defense naman namin, sumakay kami ng taxi papuntang skul. tapos ung kagrupo namin naiwan nya sa taxi ung visual aids namin. ang malupit dun, kami ung nagpuyat dun sa visual aids, sya natulog lang nung ginagawa namin un. tapos dinedeny nya na sya ung nakaiwan e sya lang ung humahawak the whole time
    ansaya diba?

    ReplyDelete
  18. LOL!!!! jepoy san ka nadulas??? hahahaha! malapit na sa wall? hahahaha

    bat ang layo naman nung inuuwian mo? sa quiapo pa... meron dun sa likod ng mapua... libre kuryente at tubig haha alam mo yun? kanila Mayor? LOL! blacklisted ng meralco at maynilad haha

    na mis ko tuloy yung kainan sa wall...

    ReplyDelete
  19. ako college life din ang paborito ko. nung highschool kasi ako di ko magets ang mga kaklase ko o sila yata ang di makagets sa kin. hehehe. kaya bihira ang nakaadd sa fb ko na highschool friends. kumbaga konti lang ang kaibigang totoo dun. anyway, naks engineer!!! ala lang :)

    ReplyDelete
  20. Kulang bitin ang kwento hahaha pero nakakatawa lang talaga lolzz

    ReplyDelete
  21. haba naman ng storya, papasa din pala. lol. piz.

    ako naman paborito ko yung math nung HS ako.

    pero pagdating nung college. parang biglang nagbago pananaw ko sa math. haha.

    ReplyDelete
  22. I love this post! Basta mga disaster stories tungkol sa mga kashungaan mo sa nakaraan ay tawa ako nang tawa! Ang buhay mo ay isang sitcom! Bwahihihi.

    ReplyDelete
  23. umiyak si jepoy para pumasa... may kasamang abot ng sobre *bow* hehe juk!

    ReplyDelete
  24. Parang bitin nga lang? Haha. At muntik ako masuka sa mga shit na prototype at kung anu ano pa. Haha. Akala ko hindi ko maiintindihan eh. Haha. Bakit gumawa pa kayo? Eh ang susi lang pala sa pagpasa eh pagluha ng dugo. Haha.

    ReplyDelete
  25. nakarelate ako sa calculus,pinadugo din ng slight ang pekpek ko non!! slight lang kasi di ko naman natapos ang archi...ahahahaha

    ReplyDelete
  26. Asteg!!! nakarelate ako ng bonggang bongga..

    Sa amin dahil likas na purito kame, kapareho mo nagcommute ako mula sa house namin papuntang School namin dala ang prototype!! pero swerte dahil walang putik sa daan sobrang init lang at pawis na pawis ako nun at natyempong kasabay ko si crush! hahaha..

    tapos yun Defence konting treat sa prof then boom accept bwahahaha..

    I miss college life hihi

    ReplyDelete
  27. natutuwa ako kapag nakakarinig ako ng mga ganitong success stories sa buhay college. hindi ko kasi natapos ang engineering course ko dyan sa mapua dahil ipinagkait ng kapalaran (o nung isang kupal na prof) sa akin ang scholarship na abot-kamay na sana.

    mukang dinaanan ng haplos ng birheng mariya ang luha mo at pumasa pa kayo ah, hehe. gujeb! belated congratulations para sa tagumpay nyo sa panel! XD

    nga pala, 1.5 ako sa dalawang calculus noon sa mapua (wala lang - isiningit lang para magyabang, hahaha. XD)

    ReplyDelete
  28. Wala kang pics ng astroboy look mo? hahahaha!
    oh man... parang ung kena junpyo boy lang sa bago nilang series a. nasira ung model nia. hahahaha! un nga lang, talo sia. ikaw panalo!!! hahaha!

    luha lang pala e.
    tay ka.
    hahahahha!

    teka... reminds me of my defense rin. biglang d gumana ung prototype namin. wahahha! todo shake ako dun sa model namin. after a few minutes, yehey gumana na hahhaha! kaso ampanget daw ng exterior. hahaha. pasado naman haha. napaiyak namin isa sa panel kasi nga environment-friendly ung gawa namin tpos mahilig sia environment. iniiyakan non mga puno e . . . PANALO

    game astroboy!

    ReplyDelete
  29. natuwa naman ako sa last words. na pumasa kame. ramdam na ramdam ko ang hirap at pagsubok sa mga oras na kinakausap mo ang iyong adviser.

    kailangan talagang madapa para pumasa kahit di gumana ang circuit board.

    ReplyDelete
  30. katula ku naman keng istorya mo. hehehe. makasora ing milyari, kap na mu naman mipasar kayu pa. :D kagaling mu sigurong mengaga. haha!

    maiba naman, kapampangan ang comment. hihihi...

    ReplyDelete
  31. uyy congrats at nakapasa kayo noon.. mahirap kaya ang design.. nakaka-inis pa pag hindi mo napagana..

    ReplyDelete
  32. Sa Africa talaga natapon ang susi! Mag ingat ka at baka ibalik yan sayo ni Madonna kasama ng mga collection nyang African kids. Hoho.

    Enjoy raw mag Engineering kase maraming kaklaseng boys. Oops. Pero nung nabasa ko na may subject na Microprocessor dinugo agad ako. Hindi para saken ang Eng. Haha.

    ReplyDelete
  33. nalunod na ko nung binanggit ung prototype,algorithm at iba pa..tae naman..kamot betlog na lang me!

    o well kung hindi makuha sa paggana ng shits ang pagpasa edi bugahan na nga lang ng charms!bilib!

    ReplyDelete
  34. im back!!!!!!!!!!!

    feel na feel ko to. ipinasok din ako ng magulang ko sa engineering school kahit patapon ang grades ko. nung malaman kong candidate for kickout ako, nagshift na ko agad. wahahahaha!

    lintek na circuit board.

    ReplyDelete
  35. hmmmm.... nag-alay ka siguro ng virgin sa adviser at sa dean ano?!?!?!?!?!?!?!?!

    ReplyDelete
  36. hanggaling moh magkuwento jepoy... i'm so hanga sau... so arte magsalitah eh noh... lol... hanggaling... nde nakakapagod basahin kc pag akoh na nag-entry na ganyang kahaba eh it'll be like.. "eh!" la nah.. haha.. sau eh may halong comedy pah... galing... *bravo* ur such a great writer... yeah un ang gusto koh komentan sa entry moh...

    oh yeah may inalis kang post noh... lol... eniweiz isang *big hug* don sa entry nah un...

    teka.. read koh lang ung weekend post moh... brb...

    brb parang naramadaman naman eh noh... anyhoo weekend post moh... naaliw naman akoh... haha... joggin sabay "how do i live w/ out you" galing tlagah humirit sa writing... katuwa ka lang... kaya lab lab koh mga entries moh eh... nd syempre kaw.. naks... haha.... lookin' forward akoh sa pagbloblog moh sa future 'bout ur new pag-ibig naman.. hihhee... well masasabi koh lang swurte sino man syah... really.. naks...

    saglit.. ahh i think nabasa koh na ung next don.. sige un lang po... laterz ... *hugs* Godbless!

    ReplyDelete
  37. hahahahahhahah I soo miss college... lahat ng mura pwede mo nang sabihin... lalo na sa mga kukinginang projects na yan an pati holidays at strikes eh may pasok pa... hayz... lolz...

    ReplyDelete
  38. Namiss ko din ang college...mas masaya pa yata para sa akin ang college kesa sa highschool life ko...

    ReplyDelete
  39. Namiss ko din ang college...mas masaya pa yata para sa akin ang college kesa sa highschool life ko...

    ReplyDelete
  40. @Gillboard

    Pero enjoy ang college diba and you re right shit happens.

    @kaitee

    Chillax kalang you'll get through it. Basta more more sipag lang dapat. Gud Lak!

    Yung thesis articles nag search lang kame sa ibat ibang library, sa may UP madami.

    @Oliver

    True, nakaka enjoy talaga makarinig ng mga defense stories noong college, lahat yata may horror stories to tell hehehe. Ang tanga tanga much naman ng group mates nyo.

    @Ro Anne

    Hindi sa may wall sa may shed palang papuntang school. Dun ako sa may kabili hindi dun sa letran side. LOL

    Oo alam ko yung sinasabi mong black listed ahaha natawa ako na alala ko tuloy, minsan kasi dun kame nag iinuman hahaha. I miss mapua days bigla!

    At si manang porchop na miss ko din. Alam mo ba tingin namin sa inyong mga archi susyalin at madaming chicks hihihi makulay kasi ang locker nyo. LOL

    ReplyDelete
  41. @Bino

    Oo chong masarap talaga ang college life. Sus wag ka nang umatitude add mo na sila malay mo naman nag bago na sila.

    @Marhk

    Saka ko na kwento sa mga susunod na entry para hindi maubusan ng topic ahhaha

    @Bulakbulero.sg

    Skipread much again?!

    Baket naman nag bago ang tingin mo sa Math nung college? Nose bleed much?! ahahhaa

    @Glentot

    Muka mo nag skip read ka. Pag sinabi mong I love this post bigla akong nakakaramadam na nag skip read you. hihihihi

    Sitcom your betlogs. Che! Putangina mo! LOL

    @Kumagcow

    mali ang hulo mo sir ahahaha

    ReplyDelete
  42. @Ako si Yow

    At yow maiintindihan mo rin ito balang araw pag graduating ka na [insert evil laugh]

    @Pokw4ng


    ate baket ba kasi hindi mo tinapos ang Archi mo?

    @Polding

    At least sa experience mo aasim lang ang kilikili at betlogs mo hihihi sobrang saya talaga ng college life! haist! Pero hindi ko na miss ang mag paghihirap na ito..

    @Yffar

    Hindi pa huli ang lahat tapusin mo yan.

    Sige ikaw na ang 1.5. Alam mo bang take 5 ako ng integral? Spell tanga at bobo. ahahaha

    @Traveliztera

    meron akong picture nang may astroboy nectie pero im not gonna post it. NOoooooooooooooo!!!!

    Akalain mong may prototype din kayong mga nursing? lolz

    ReplyDelete
  43. @Diamond R

    Oo sarap talaga ng feeling ng pumapasa, ang pag kakausap ko sa adviser ay isang istorya na dapat ikwentu.

    @Dhang

    Gawd balu mu mangapangpangan?! hihihi

    @Postsquared

    Oi salamat pots, first time kang nag comment. Tumalon ang puso ko. Isa ako sa mga readers mo noon pamang wala pa akong blog. I swear hihihi

    @Vajarl

    Dapat nag engineering ka mag sasawa ka sa boys at amoy asim bunga ng pawis ahahaha.

    Pag sinoli sakin ni madona kukunin ko ng tunay at wagas para maging surgeon na me ahahaha

    ReplyDelete
  44. @Greta

    Charm lang talaga ang katapat. Buti marami ako nun nung college lolz

    @Allen

    Welcome back! Hows canada? lol

    Atleast hindi ka masyadong pinahirapan at nasa mabuting kamay ka na nnow hhehehehe

    @Anonhmous

    Saka ko na kwekwento abang abang lang muna. Salamat po sa pag bisita

    @Dhi

    Pinatataba mo ng sobra ang puso ko, as in. Nanginginig pati betlog ko ahaha. Thanks thanks dhi. Yung mga katulad ng comment mo ang nag pupush na mag blog pa me kahit minsan ayaw ko na ahhahaa


    @Xprosaic

    Kwento karin tungkol sa experiences mo sa college mo hehehe

    @Moks

    Sir masayang masaya nga ang college compared sa highschool. heheheh


    Sana wala akong na miss na ma replyan. dahil nag effort kayong mag comment super effort din akong mag reply. napakod me. parang di muna ko mag titikol tonight.Juk!

    ReplyDelete
  45. haha! ahh dun sa may pedicab haha... tumira ako sa likod ng mapua nung thesis LOL!!! dun kami sa 664 (tama ba?) yung tocino na mura kumakain pag wala na kaming pera haha

    ReplyDelete
  46. dami ko namang tawa sa entry na itey :D

    pinakaheytest ko ang design sa electronics. bopols kasi me dun (^_^')? pero saan ako nagwowork ngayon? sa electronics industry. ang ironic talaga ng buhay :P

    ReplyDelete
  47. nays. spontaneous. i actually love this post. the flow of the story. i like it. : ) apir.

    ReplyDelete
  48. oooh wawa!!lol okay lang yon at least dahil putik naging strong ka to surpass those tears(english) next time promise me na di ka na stupid ha?ingat ka kasi heheh (peace)

    ReplyDelete
  49. kakatuwa naman ang blog mo!

    ReplyDelete
  50. @Roanne

    Tama dun nga sa may bandang pedicap. LOL

    Akalain mong tumira ka dun, edi na dungisan ang makikinis mong kutis. Ayaw ni Bulakbulero ng ganun bwahihihi

    @Sikoletlover

    Hihihi salamat sa mga tawa sikoletlover.

    Wow nasa electronics industry ka pala. Tapos nasa japan pa. Hongtolino nomon...

    @Ahmer

    Thank you for liking it. Arte?! LOL

    @Elpi

    Tama po dahil sa putik naging strong me. Salamat po sa pag dalaw at pag commento na tats me

    @Lhai Cruz

    Salamat po at nabigyan kita ng konti tuwa *Smack*

    ReplyDelete
  51. hahaha. natawa naman ako dito. parang dapat kabahan na ako ah .... malapit na defense :S

    ReplyDelete
  52. HUTAHENA! BITIN!
    dapat ikwento mo sa akin yan para if ever may mangyaring ganyan sa amin eh alam ko gagawin ko!
    rawr!
    madaya you much!

    pero putakte! nakakaiyak yung maputikan tapos halos masira ang project! huhuhu!

    ReplyDelete
  53. Buti nabasa ko to. Inspirational. Hehe. Sana makapasa na din kami kapag ngdef kmi ng thesis to.kahit lumuha ng bato, gagawin namin. Pero sana di ako madulas. Hehehe. Sila 7yrs. Kami 6yrs. Kaya parang knbhan ako, wag n s maextend pa.syet.

    ReplyDelete
  54. watda, best in bio din ako, favorite ko ang nomenclature of natural selection, kingdom, phylum, class, order,family, genus, species yey mukha lang kong eng-eng haha!

    ReplyDelete