Sunday, November 7, 2010

Social Network

Okay, hindi ko mapigilang mag blog about this movie. I just watched the movie kanina, nahirapan akong mag hanap kasi wala na sya MOA, eh alam nyo namang MOA lang ang alam kong puntahan na mall. Sa Shangrila pa ako napadpad para lang mapanood ito, 'yun na yung pinaka malapit ayon sa ever reliable website na clickthecity dot com. Susme!

About the movie

Reviews had been right all along. Cool sya. Nagustuhan ko ang movie. Finish! Juk unly.

Okay, para sa mga walang idea kung ano ang social network na movie. Tungkol ito sa Facebook at sa mga founders nito. True story sya on how Facebook started. Pati 'yung law suite na kinaharap nila tsaka 'yung naging issue ng mag best friend 'nung lumalago na talaga 'yung facebook.

I don't know, simple lang 'yung story but it's different. Siguro dahil mga Geeks sila tapos na manifest yung humor nang pagiging geek nung bida na si Mark Zuckerberg (founder ng facebook). Siguro para sa akin naging mas interesting sya kasi true story. And we all know facebook is facebook, right?! So it's interesting to know kung paano ito nag start.

At ito ay nag simula sa campus nang Harvard University. Una nilang ginawa ang facemash kung saan nag hack si Putang Mark ng server ng Harvard to get some profile pictures ng mga girls from 4 dormitories. Tapos nag code sya ng webside para iupload ang mga pictures tapos from there mamimili ang mga students who's hot and not. Parang process of elimination online kung baga. Tamang kulit lang ng typical college student. And It was a hit. Nag down yung server ng school dahil sa sobrang taas ng hits. Syempre, montik nang ma-kickout si Mark Zuckerberg that time. Teka, baket ko ba kinukwento. LOL Dyan nag simula ang idea pero marami pang nangyari makikita mo din si Justin Timberlake na makulit ang role nya parang satan lang ahahha kaya kung interested ka panoorin mo. Eto trailer kung tamad kang mag hanap.




After kong panoorin syempre nag search ako tungkol sa facts about Mark Zuckerberg. In fairness, hindi naman masyadong nalayo ang facts sa movie so okay lang. And I found one of His interviews from ABC world News. Eto yung totoong CEO nang Facebook. 26 years old, Harvard Drop out Billionaire Mark Zuckerberg. Puntangina!!! Inggit me!!! And besides from dreaming working for Google. I think second would be facebook. You know why? Watch the video



And this is the reason why I wanna work for Google. DEMET! baket ba kasi dinecline ng Stanford University ang aking Scholarship application noon, todo effor pa namanang recommendation ng dean namen. Heyreet! ahahaha Edi sana nasa Google na ko ngayon... Hindi pa naman huli ang lahat makakapasok din ako ng Google!!! Ahahaha



GOOGLE Hire mmmmmmmeeeey!!!!! Oo, wala na sa topic ang blog ko! LOL

23 comments:

  1. wala akong masyadong alam sa cyber world kaya di pumsok sa isip ko yung mga ganito, kaya nagulat ako ng makita kong billionare na yung founder ng facebook..hehehe ang inosente ko masyado hihihi

    ReplyDelete
  2. mukang interesting ang movie pero wala akong time magpunta sa big screen.

    Grabe, from a kickout e naging billionaire. Sana maging rich tayong lahat tulad niya. :D

    ReplyDelete
  3. i only watched d last video... dheng! i wanna work for google too... lol.... man! that's so awesome.. nd isipin moh sa CA eh free foods silah.... free coffee... may music... gym.. massage... dheng! san ka pah?... do they even still work? kalerki man!.... shoot!... naiingit akoh don ahh... wehe... kalerki.. geez... thanks for sharing dat jepoy.. ingatz.. Godbless! -di

    ReplyDelete
  4. malamang neto eh sa isang taon pa ko makapanood. maghihintay pa ko sa illegal naming cable hehe

    ReplyDelete
  5. hahaha astig talaga... i want to watch that... =]

    ReplyDelete
  6. Ah tama lang... may google translate naman kaya matatranslate nila na nagaapply ka sa kanila... hehehehehe

    ReplyDelete
  7. Ayon sa chismis, dito daw sa Singapore naka-based ngayon si Eduardo Saverin. Wala lang. LOL! Binili ko kahapon 'yung book na Accidental Billionaires kung saan hango 'yung movie. Naaliw din kasi ako sa kuwento ni Mark Zuckerberg.

    ReplyDelete
  8. grabe ah! natalo ako, milyonaryo lang kasi ako sa edad na 26. joke! joke! at joke! hehehe

    ReplyDelete
  9. abangan ko na lng to sa debede debede...lol...

    ReplyDelete
  10. woah!!!26y/o billionaire?ank ng!!!hmp!gumawa k nlng din jepoy ng ttalo sa facebook.imba!

    ReplyDelete
  11. ganda ng office ng google. sarap magwork dun. hay.

    saw social network nung friday. sobrang naaliw ako dun. not the best yet, pero one of the better films that came out ngayong taon.

    ReplyDelete
  12. baket kaya ang friendster founder walang movie na ganyan? =))

    naku gudlak sa google pangarap mo. =)) pero kung madami ka naman followers mag start ka sa youtube at maging youtube partner ka. :D yung iba $250K/year ang kita nila e.

    ReplyDelete
  13. Sarap magtrabaho sa ganyang klase ng work. Inggit din ako :P

    ReplyDelete
  14. hindi ko pa napapanood yan... gusto ko sana ngayong weekend, kaso busy lang... salamat sa review mo at mas naingganyo akong panoorin to...

    ReplyDelete
  15. what's facebook?

    meron ako ebook nung accidental billionaire, kung gusto mo msg mo ko sa facebook.

    ReplyDelete
  16. weee... gusto ko rin sanang magtrabaho sa google... wahehehe... dream ko yun... di ako interested sa mga movies basta di horror... nyahahaha

    ReplyDelete
  17. Nakaka aliw ang blog mo jepoy. Ilang araw ko na pinagbababasa ang mga kalokohan mo :p though ngayon lang ako nagcomment sensha ka na :)

    magsulat kapa. Aylabeeeeet!

    ReplyDelete
  18. ahhh..ganun pala ung kwento ng facebook..este...pede ba download sa facebook ung movie. ako na yata ung IT person na walang facebook at social networking profiles..may pagasa ka pa sa google.submit ka lang. jobs@google.com.. kung kilala mo ung blog ni "an apple a day" (aileen), she works in google but based sya sa pinas.officemate ko sya before sa YP.

    ReplyDelete
  19. Puta talaga to si Mark Zuckerberg eh no? Kahit ako naiinggit much sa kanya! Pakingteyp sing-age lang ng younger brother ko!!! Buti na lang nabanggit mo na true story ito kasi wala akong balak panoorin tong movie. Dahil jan, papanoorin ko na sya :D ...and about you working for Google, ipagpray natin yan ;)

    ReplyDelete
  20. Ang kinakainngit ko lang sa shit na yan eh may bilyones na 26 pa lang. Shet! Pero di ko pangarap na gumawa ng social network at di ko talaga kaya. Haha. Alam nyo bang di pa showing dito sa cabanatuan yan? Di ba loser? Haha.

    ReplyDelete
  21. napanood ko na rin tong Social Network na to. Astigin! Haha! At gaya mo, sobrang nainggit din ako. Aba, 26 years old tapos millionaire? Ang sarap nun! haha! At gusto ko rin magwork sa Google. Sayang lang at hanggang pangarap lang yata yun haha!

    ReplyDelete
  22. Mahgawd,, gusto ko nang magtrabaho para sa Google!! Putacles nga lang at walang kinalaman sa computer o kung ano mang shit ang course ko... Darn.. (T_T)

    ReplyDelete
  23. salamat sa inyong mga comments. Tinatamad akong isaisahin kayo sa susunod nalang. Kiss ko nalang kayo lahat.

    *SMACK*

    ReplyDelete