Wednesday, November 10, 2010

Balakubak

Ayoko pa sanang mag blog ngunit anong magagawa ko kung sobrang petiks ngayon. Kung meron lang gintong medalya na igagawad ang kinauukulan dito i'm sure ako ang top 1, "Most Petiks". Anong magagawa ng katawang lupa kong hot kung wala talagang work. Equiped pa naman ako ng kasipagan and loyalty today, kaso wala eh. Kaya nabaling nalang sa new entry.

Dahil naduduling na 'ko sa kaka facebook ko at lahat na yata ng kakilala ko na-invite ko nang maging fb friend subalit hindi nila inaapprove. WTF, mga artista?! ayaw pa invite sa non-showbiz friends?! Fine kebs...

Moving on...

Meron akong problemang gusto ko nang solusyonan. Meron akong sakit sa balat na malubha. Makati. Nakakdiri. Eiw.Nakamamatay. Kilala ito sa tawag na balakubak.

I know nakakasuka! Ako nga nasusuka sa tuwing may makikita akong flakes sa shirt ko. Gusto kong mag tago at wag nang lumabas pa sa bahay hanggang sa tubuan na me nang ugat at mamunga ng lemons and rambutan.Parang gusto kong magalit kay Angel Locsin at Manny Pacquiao dahil hindi naman effective ang head and shoulders isama mo narin si Piolo sa commercial ng Clear, eh kung isaksak ko kaya sa ngalangala nila ang mga shampoo na yun na hindi naman effective, Pota shet! Actually, nagamit ko na ata ang lahat ng paraan para macure ang malubha kong karamdaman. Nariyang nagsayaw ako ng macarena sa kagubatan para maawa ang mga anito at magamot ako. Nariyang mag atang ako sa kapre ng lakampana cigarette at Unsweetened Suman na nakabalot sa dahon ng Nyog. Effort!!!! Nariyang kumain ako ng buhay na manok at tumawid sa alambre na may nagniningas na apos sa ilalim. Okay exag lang.

Pero believe me, gumamit na ako ng nizoral, neutragena. Nagpakalbo nako, nagpa Mohawk. Subalit,pag tubo ng buhok voila! meron na ulet. Gumamit na ako ng kalamansi sa ulo. Toyo. SUka.Vetsin.Bawang. Adobo?! Pero wala talaga! Next week mag papakunsulta na ko sa Dermatologist kahit takot me sa Doctor dahil pati ang kilay ko at bigote ay may flakes narin. Buti nalang yung bulbul ko wala pa. Meron akong ginagamit na ointment effective kaso pag tapos mong ipahid at mawala, after sometime babalik nanaman sya. Putangina lang right.

Diniagnose ko ang sarili ko na meron akong psoriasis dahil na pa-paranoid ako. Nag google ako buong araw para maghanap ng cure. Puro ganun naman sinasabi walang cure. Eh gusto kong mawala ang flakes!!!!

Pag wala na kong makain uulamin ko nalang ang balakubak ko para mag kasilbi sya sa mundo.

I'm so lost and down. I feel like i'm unclean. ARTE?!

Kthanksbye...

45 comments:

  1. ikaw na ang idle. :D

    Baka kailangan mo try ang shampoo ni manny pacquiao. Hid in shuldirs.

    Pero mas okay nga sa derma ka siguro pa-check para mas may epek ang reseta :D

    ReplyDelete
  2. nice post. ahahha ching!

    nakikidalamhati ako sayo. (hindi yung sa fb part, tse!)

    binabalakubak din ako nang bonggang-bongga. sa batok nga lang. sa pawis for sure. pero dahil, di ko sila madalas makita, di ko na lang iniintindi. bahala na yung mga nasa likod ko na sumalo ng snow flakes

    ReplyDelete
  3. swerte mo naman at petiks mode ka sa office, may sweldo kahit nagbablog lang. XD

    pag may balakubak, ugali ko dati ang ipagpag ang buhok ko sa ibabaw ng dark shirt/towel/table (kahit saan basta may contrast sa kulay ng balakubak) at mamangha sa dami ng naipon ko pagkatapos.

    wag ka magsuot ng dark shirts para hindi halata ang flakes.

    ang dami mo na palang na-try, freshmilk kaya, baka gumana sa flakes. XD

    ReplyDelete
  4. ang cute ng jepoy na kalbo...parang...anyway, tmang magpachek na sa doc pra mwala ang praning feeling.sobrang oily lang siguro kasi scalp kaya ganon...

    ReplyDelete
  5. Binabalakubak din ako dati, pero wala na ngayon. Effective sa 'kin Gard Shampoo (Meron pa ba nun?), saka lagi din akong may 'suyod'.

    ReplyDelete
  6. kaswerte naman at papetiks petiks lang sa opis! Sa office ko dati bawal ang blogspot at facebook. Swerte mo! Balakubak? hirap nyan, effective sa akin ang Head & Shoulder..pero depende yun sa ulo mo kung ano hiyang sayo..try mo nizoral.

    ReplyDelete
  7. @Khantotantra

    Petiks talaga sir eh, i didn't wish for this. Arte?!

    Oo nga papa derma na ko heyrett..

    @Mots

    TSE!

    @Yffar

    Minsan lang naman to. LOL

    Kadiri ung ugali mo dati sa balakubak mo. LOL halo mo kaya sa ginisang amplaya para may flavoring ahahaha.

    Peyborit ko ang dark shirts kasi nakakapayat ahahha


    @2ngawski

    Cute talaga me pag kalbo hihihi parang buda lang sus! Ewan ko ba naiinsi na talaga me.

    @Gasul

    Suyod ampota! Anoyan kuto?!

    @Moks

    Minsan lang naman petiks sir. Nag skipread ka no. Sinabi ko kayang gumamit na ko ng nizoral. HULI KA! Skip reading much?!


    SALAMAT SA INYONG COMMENTS! Ang sipag ko na mag reply no hihihihi

    ReplyDelete
  8. ang pagkakaalam ko dandruff is usually a result of too much oiliness of the skin pati ng scalp. And would you believe na seasonal changes and stress also causes that skin condition.

    pero sa tingin ko, stress talaga ang cause nyan. kasi nai-stress ka na dyan sa work mo at andami dami mo pang reklamo. At dahil nababadtrip ka, pinagpapawisan ka at lumalabas ang oil mo sa katawan, kaya ayan, balakubak ang kinalabasan. hahaha.

    (buti na lang never pa ko nagkaroon nyan.. stress-free??) lol

    ReplyDelete
  9. Tama consult na lang sa Derma. Pero, try mo rin muna kaya magpa-scalp massage sa David's??? baka may mangayari... Problem ko din yan eh, nagpapa-scalp massage ako mejo nakakatulong naman, tas alaga na lang sa VCO before taking a bath ;)

    ReplyDelete
  10. @Supladong office boy

    Buti naman napadaan karin sa bahay ko, demanding?! Pero alam mo siguro nga dahil sa stress to dahil ang dami kong iniisip araw-araw.

    Kelangan ko lang siguro ng isang out of town.

    @Avee

    Sige nga try ko mag pa scalp massage sa saturday. Mahilig pa naman akong mag black shirt. halos lahat ng damit ko black or dark color kaya haggard pag nag lalaglagan ang flakes. Bawas pogi points. BWahihihi

    ReplyDelete
  11. salamat sa iyong makabagbag damdaming liham, jipoy. paniguradong marami na naman ang naantig sa nakaririmarim mong kasaysayan.

    bueno, maraming solusyon upang puksain ang iyong NAKAKADIRING sakit.

    pwede mo itong gamitan ng tape. gumupit ka lng ng sandangkal tska idikit mo ng idikit sa anit hanggang sa mawala ang balakubak. panandalian lang yan. kung nais mong mas mahaba ang epekto, lagyan mo ng mighty bond yung tape.

    o di kaya, bili ka ng dalwang toothbrush. yung isa, pang-ngipin.

    pwede ka ring gumamit ng brush ng sapatos. lagyan mo lang ng black kiwi tska ikaskas mo sa anit mo. hindi na halatang may dandruff ka. wag kna lng magsusuot ng puting damit.

    isa rin daw mabisang paraan upang mapuksa ang balakubak ay ang pag-inom ng pinakuluan ng mga pinaghalu-halong tuyong dahon ng aratiles, buntot ng butiking bakla, pakpak ng puting buwitre, at langis ng mabait na buwaya. kung itatanong mo kung bakit, hindi ko rin alam. payo lang yan ng malantong kong lola.

    sana ay nakatulong sayo ng malaki ang tugon ko. at upang mas maramdaman mong "clean" ka, magpatuli ka lang.

    nagmamahal,

    kooooyaaaa ceeeeessssaaaaarrrr


    LOLS!
    okey payn, blog mo 'to!

    ReplyDelete
  12. Dear Kuya Donato,

    Isa lang ang katunungan ko sa iyong letter of love.

    Blog mo to?! Parang isang entry na kasi yung sinabi mo. Salamat pala sa malantong mong lola. email ko sya kamo meorn akong followup question.

    Lubos na gumagalang,

    Jepoy cute (Oo dapat may cute)

    ReplyDelete
  13. yung mild na shampoo lang ang ginamit ko nung nagkabalakubak ako. di ko na tanda ung tatak pero citrus ata yung flavor. lol. may flavor ung shampoo.

    ReplyDelete
  14. @Bulakbol

    WoW laking tulong na sana. Kaso nga lang Papi ang dami daming Shampoo na citrus flavor ahahha baka maubos sweldo ko pag binili ko lahat ng citrus flavor ahahaha

    ReplyDelete
  15. Dude, try mo na mag-Gard? balita ko effective yun e.

    ReplyDelete
  16. @Will

    Enk... Tried et. Not working for me as well :-(

    ReplyDelete
  17. kung ang dandruff ay nasa mukha na di kaya seborrhea dermatitis ang tawag dyn so mostly di na sya na cucure pero na peprevent ang pagkalat at pag dami, Hydrocortesone ba yung oinment na binigay syo ng dermatologist?

    sa hair try this one kasi mahina ang nizoral!
    1. Stieprox ( Ciclopirox Olamine)
    550 pesos per bottle
    2. Dandrazol 2% Shampoo not sure how much dahil sa UK brand ito

    ReplyDelete
  18. sus wag mag alalala! nakikiuso lang sa panahon yan..mag wiwinter na kasi..ye new..snow!!

    ako din meron..nagsawa na ako kakagamot at kakapalit ng shampoo...putsa magkasawaan na lang kami..matira matibay!! ahahahah

    ReplyDelete
  19. kuya jepoy baka naman kasi hindi ka nagwa-wash ng hair. babalakubakin ka talaga (say babalakubakin 15X) ^_^

    consult the dermatologist na nga. mas nakakatakot yata kung pati boorboor e meron na rin (read:taong balakubak). goodluck!

    ReplyDelete
  20. @MarkHK

    Montik na kong manose bleed sa comment mo. Matuwa ako sa mga suggestions mo. Mahahalikan kita sa mga suggestion mo. Eto kiss *Smack*

    San ko mabibili ung Stieprox, sa suking tindahan ba meron?

    @POwkie

    Nakikiuso nga lang ang malanding dadruff lol

    @Sikoletlover

    Mag coconsult na nga me natakot ako sa comment ni MarkHK.

    ReplyDelete
  21. Maligo ka ng muriatic acid. Para malapnos ang sumpa sa ulo mo.

    Ako rin may dandruff pero nahiyang ako sa shampoo na Clear kaya nawala na sya pati ang pangangati ng scalp nawala. Pero alam mo, isang cause din kasi nyan ay stress, at napansin ko na nung mahaba-haba ang tulog ko, like 7 hours+, nawala ang dandruff ko pati pimples. Nung nagpupuyat naman ako, dumanak ang dandruff at napuno me ng pimples. So itulog mo lang yan.

    tanga ka!

    ReplyDelete
  22. mane and tail.

    umepekto kai vice ganda yun sa petrang kabayo. malamang tatalab din yun sayo.

    :)

    ReplyDelete
  23. weee... subukan mo yung guard,... effective daw kay mudra.. wahehehe...

    ReplyDelete
  24. yung GARD shampoo ayos nga yun. well epektibo sa kin eh. i'm dandruff-free na. hehehehe :)

    ReplyDelete
  25. Una sa lahat, hindi masamang may balakubak. Welcome to the family! Haha. Sinubukan ko na din ang lahat pati yung galing abrowd na amoy gas nilagay ko na. Nagpakalbo na din ako pero home sweet home sila sa ulo ko e di fine! In a relationship with balakubak na ako. Tanggapin na lang yan. Haha.

    Pangalawa sa lahat, ang bait ng comment ni glenn. Haha. Di me sanay.

    ReplyDelete
  26. nizoral mo na lang yan

    sakin effective ang clear. mabango pa. yung gard kasi nakakapanot daw.

    ReplyDelete
  27. iwasan lang siguro maging oily... kasi diba oily tapos nag ddry tapos nagiging dandruff...

    I guess pwede ding isuggest na maging vegetarian ka na lang jepoy...


    tsaka minsan baka nasa dugo din yan CIRCULAN!

    ReplyDelete
  28. ok lang yan jepoy. matagal ko na kasing problema yan.iwan ko ba kung bakit may balakubak. i tried na head and shoulder lemon pero fail pa rin. basta dalasan na lang ang hugas ng hair mauubos din seguro ito sa dalas.

    ReplyDelete
  29. Jepoy sa Mercury drugstore meron nyan hehehe

    ReplyDelete
  30. mag head and shoulder ka jepoy. haha.
    --kikilabotz

    ReplyDelete
  31. Jepoy... all you need is a good hair brush... ang gamit ko ay Mod's... char!

    sabayan mo ang dandruff shampoo ng pagbrush sa ulo mo... pero kailangan dry siya kapag bina brush mo na ha... mga one hundred strokes before you go to bed... kumbaga parang kinakamot mo lang siya... at kusa ng malalaglag mga yan...

    yung strokes na sinasabi ko ay sa scalp mo ha, baka burat mo i-stroke mo!

    ReplyDelete
  32. Sori naman di ko alam... uhmmm mpacheck mo na lang yan or paconsult ka sa mga professionals... hehehehehehe... sige pamohawk ka uli... hehehehhe

    ReplyDelete
  33. gumamit ka ng shampoo ng aso...ahahhahaha...

    naalala ko tatay ko...shit yung flakes niya..parang tectonic plates sa laki...eh bad kid ako noong una, kaya ako parati ang inaatasan na kunin yun sa ulo niya...yuck nalang..kaya pala ang [payat ko noong una kasi wala na akong ganang kumain..ahahahhaa..

    meron din ako niyan noong una..nawala lang nung nagsimula ako mag follow ng healthy life..ching!
    tama sa glenntot...take a good rest.

    ReplyDelete
  34. try mo yung .... mga sinabi nila. di ko rin alam kase bukod sa shampoo conditioner at suyod.

    ako kase meron din... mahilig kase ko mag hairgel at kung anu-ano pang pampatigas ng buhok!!

    kaya pareho tayo meron, idol!

    ReplyDelete
  35. Araw araw talaga ang pagba-blog? Buti na lang hindi nakakasawang basahin ang post mo, meron tuloy akong ginagawa araw araw. Oo, petiks din ako. Alam mo yung Project 365? Try mo! :)

    Tungkol sa balakubak, huwag mong problemahin. Isipin mo na lang blessing yan. Kapag may pumapansin sabihin mo halo yan sa ulo na natunaw dahil sa hot mo. :D

    ReplyDelete
  36. thanks for your kind words and prayers Bro... :)

    ReplyDelete
  37. ako rin dati may ganyan buti na lang at nawala na. kusa siyang nawala... :)

    try mo mag gard shampoo. ;)

    ReplyDelete
  38. haha, nakakainggit ka naman. petiks lang. :(

    naku, best nga na pacheck ka na lang sa doktor para sure. :D

    ReplyDelete
  39. as in totoo talagang nahuhulog ang flakes sa shoulders? akala exaj lang yung sa tv commercials...lol..

    ReplyDelete
  40. @Glentot

    Dahil sa suggestion mo matutulog na me ng madaming madami para maalis ang mga flakes.Che!

    @Claudiopoi

    Mane and tail ang pota. Para sa long hair un. Gamitin mo nalang sa bulbul mo sir para maging straight ahahaha

    :-D

    @Kikomaxx

    Natry ko na ang guard hindi daw effective i heyreet

    @Bino

    Tsong hindi effective eh...

    @YOw

    Meron din kameng love heyt relationship nitong balubak and im hating it.

    ReplyDelete
  41. @Gillboard

    Na try ko na nizoral effective ng konti, kasi kumokonti pero hindi parin na aalis totally

    @Kumagcow

    Nasa dugo talaga?! Baka stress lang me kaya ganun.

    @DiamondR

    Naiinis na kasi me eh. salamat sa suggestion

    @Marhk

    Sige sige mag hahanap ako

    @Kikilabotz

    HIndi rin effective sir, skip read much ka rin?!

    ReplyDelete
  42. @YJ

    Kulet mo puta ka ahhahaa

    @Xprosaic

    mag papacheck na nga po eh...

    @Maldito

    Shampo ng aso ampota, diba pang alis ng garapata un? ahahhaa buset!

    @JasonHamster

    Sabi nila nakaka dundruff din daw conditionaire? kaya ayoko na gumamit ahahaha

    @Salbehe

    Petiks much eh, salamat naman at hindi na kakasawa. Wala kasing magawa sobra kaya nag blog nalang me ahahhaha

    @Chingoy

    No problem sir...

    @Empi

    Di effective guard shampoo sir eh. Salamat sa suggestion sir

    @Yoshke

    Hehhe wag kang mainggit may kapalit to soon ahahha

    @Jag

    oo totoo un no...hmp!

    ReplyDelete
  43. Super Petiks din ako sa bahay! Pota lang! Sana matapos na ang thesis para busy kuno na ako sa pagrereview..

    awts balakubak? hindi epekitib ang mga shampoo sa commercials? awts.

    ReplyDelete
  44. Selsun Blue po effective! nabibili un sa cash and carry.500 per bottle which is malaki naman..ako dn e, nde umepek lahat yang selsun blue lang!

    ReplyDelete
  45. stress yan bro,.gnyan dn ako dto sa taiwan,inis na inis ako kc d na naubos ubos,sb ng doctor stressdw kc kay alaga akong ulyanin na matanda kaya lgi ako stress.para mawala yan just make ur self relax and enjoyn

    ReplyDelete