.bmp)
Anyways...
Meron akong small problem ngayon, at kelangan ko ng matitinding advise nyo. Meron kasing tumutubong mga maliit na nag papanggap na kalyo sa talampakan ko. Hindi ito kalyo at hindi ako GiGi (kung hindi mo alam ang GiGi mamya ko na sasabihin) muka lang itong kalyo pero 'inde talaga promise! nag papanggap lang syang kalyo. Pag hiniwakan mo nga ito ay medyo malambot at makati. Talaga namang nakaka istorbo na pag naglalakad dahil medyo may kurot ng pain ampots. Hindi tuloy ako makaabot ng Shang (Malapit kasi dyan ang opis ko) to think na tatlong tambling lang ang layo namin dyan.
Back to the problem.
So kumuha ako ng Karayom at sinawsaw sa alcohol. Dahan dahan kong tinusok ang nag papaggap na kalyong ito. Sumirit ang kulay ihing liquid. Piniga ko sya at anak baka! natalsikan ang napaka pogi kong face at mapupungay kong mga mata. Eiwww talaga! as eeennn! pero pinisil ko parin ito ng pinisil hanggang mawala ang liquid nya. at binuhusan ko sya ng alcohol after maubos ang liquid.
P-O-T-A!!!! Ang sakeeeeet naihagis ko ang karayom at natatatalon sa kama na parang 3 years old na nag lalaro ng superman supermanan. After mag subside ng pain. Hindi ko alam ang kung saan ko na ihagis ang karayom sakto naman kumatok si Mama sa Pinto.
Tok Tok Tok.
Mama: Anak nasan ang Karayom tatahihin ko ang boxers mong butas?!
Jepoy: Mama wag mo ng tahiin ok lang yan para presko
Mama: Hindi ka nalang nahiya! para kang hindi sumusweldo, akin na yung karayom bilis.
Jepoy: Hayaan mo na nga Mama, bibili ako ng benteng boxers mamaya
Mama: Ok fine! basta ibalik mo yung karayom bigay pa yon ng lola mo.
Jepoy: *Lumunok lang ng laway*
Pinagpawisan ako ng bonggang bongga. Hindi ko na makita ang Karayom, pero I'm sure nandyan lang yan. Chinek ko ulet ung talampakan ko, wala na ang tubig pero mahapdi at medyo makirut parin sya. Sinubukan kong tanungin si Kuya Google kung anu bang klaseng sakit un sa paa. Pero wala syang masagot! May kabobohan na yata si kuya Google. And as for the Karayom bahala na si Ate Loleng dyan (Sya ung labandera ni Mama na tagalinis din) Konting himas lang sa kanya hahanapin na nya ang karayom sa kwarto ko.
Natatakot akong mag pa checkup sa dermatologist. Last time kasi na nag pa facial ako parang umabot ang betlog ko sa bibig ko sa pag sundut sundut nya ng black and white heads at pimples ko, sinabi ko sa sarili kong hindi na ko babalik sa Derma ever!
Pero kelangan kong bumalik...
May cancer kaya ako?! Stage four na kaya ito?! OOOHH-EEEMMM-GHIII baka katapusan na ni Jepoy?! Hindi pa ko na kakapag kalat ng lahi ko. Anu kaya itong nag papanggap na kalyo sa Paa ko?! Waaaaaaaa!
teka... Bago mag end ang post ko ang meaning nga pala ng GiGi ay Gigiera/Gigiero narinig ko lang sa officemate ko kaya ginamit ko sa blog ko.Bow!