Thursday, November 5, 2009

Short Post "Baso"

Natabig ko ang paboritong baso ng pinsan ko, kaninang umaga. Nahulog ito at ang sumunod na narinig ko ay... Blagag! Nabasag ito ng pira-piraso. Dahan dahan akong lumingon-lingon para tignan kung nasa paligid lang ang kutchukoy. At sa sinawing palad pag sinuswerte ka nga naman saktong papalabas sya ng banyo ng naka tapis ng twalya kakatapos lang atang mag tikol.

"Kuya, anung ginawa mo sa baso ko.."

"Sorry naman nabasag ko! kasi kung saan saan mo nilalagay e, natabig tuloy..."

"Nananahimik lang ang baso ko sa sulok tapos babasagin mo. Alam mo naman na galing sa gf ko yan diba, meaning mahalaga samin yan."

"Alam ko, Correction nabasag hindi ko binasag. Sorry na nga eh. Papalitan ko na lang ng trentang baso samahan pa natin ng Coke light diba favorite mo yun?! tsaka Mura mura lang nyan sa divisoria."

"Kuya, that's not the point, hindi mo ko ma kukuha sa coke light-coke light this time gaya nung bata pa tayo..."

"I know, Sorry na nga eh, it's not like napatay ko ang alaga mong tarantula diba?!"

"It's the same level, kuya. Hindi ko tatanggapin ang sorry mo. Hindi ako Dyos para patawarin kita"

*Nag Drop Jaw*

"Huy! Malandi ka pa sa parot natin! Bakla ka ba?! Sorry na nga eh. Magkano ba yan papalitan ko nalang"

"2, 500 Plus one week kang mag huhugas ng pinggan for lunch pati dinner tapos libre mo ko ng spa sa Sunday"

"Ulol! Peperahan mo pa ko. Pumasok ka na nga Letche ka at pag ikaw nag kabagsak pa this semester pakukuhanin kita Auto Mekaniko sa TESDA instead of Mechanical Engineering dyan sa USTe, tsaka hindi mo to baso. Baso ni Manang 'tong nabasag, mag ka kulay lang"

"Ok sabi ko nga, bi-bihis na nga ko"


"Bilisan mo! bago pa ko mag incredible hulk dito"

33 comments:

  1. hindi ka rin masipag magblog noh!! batang star margarine ka ba?ako kasi batang baguio oil ako eh!

    hoy yung pic griting ko,

    ReplyDelete
  2. @Drake Hindi naman masyado. Sana hindi nag cocomment kagad at nag babasa muna ng blog diba?!

    Baket 10 pa naman ang deadline ng picture greeting mo eh. Mag hintay ka wag kang excited! I hatechu!

    ReplyDelete
  3. Crazy runs in the family.

    ReplyDelete
  4. @Glentot And you are pointing out what?!

    ReplyDelete
  5. hahhaha... ang aliw moh sa earth... ingatz... Godbless! -di

    ReplyDelete
  6. langyang baso yan, 2500?!!! lolz, may kasama atang sampung case ng beer yan eh :D

    ReplyDelete
  7. isumbong yan sa PAW, pumapatay ng enimals...pati tarantula pinapatulan...heheheh

    ReplyDelete
  8. nyaahahah, drama to da maxxx kayo ni cazinn hahaha,

    iniimagine ko yung scene... habang nakatalikod sayo si cazin, at ikaw pilit mong inaabot ang kanyang balikat at saka niya sasabihin na...

    "Hindi ko tatanggapin ang sorry mo. Hindi ako Dyos para patawarin kita"

    at may nanginglid na luha sa kanyang tenga hahahah!!!

    Kyuuut na drama por da day!

    ReplyDelete
  9. gusto kang isahan ng kapatid mo, he he he.

    ang mhal pala ng basong yan, 2,500?.. ilang kahon na red horse na yan..

    me lumang kaugalian sa probinsiya na kapag naka basag daw ng baso ay kelangan ng magbasag pa ng isa para maparesan, para ma sukal daw kung ano ang sakuna na nagbabadya..mmmm anu naman kaya kinalaman nun? ewan ko lang.

    ReplyDelete
  10. ganda ng palitan ng segunda. kakatawa yung sagot mong sinisisi mo agad sya sa location ng baso.

    ReplyDelete
  11. ahaha! pwede ipampalit baso ng nescafe?! diba sosyal may kape na may baso ka pa!

    ReplyDelete
  12. lol kung sino pa ang nakabasag, un pa ang may huling halakhak lol

    ReplyDelete
  13. haha. basag ang kapatid! langhiya. haha.

    ReplyDelete
  14. @Dhianz Sige lang maaliw ka lang. Mwah!

    @LordCM Tama Pre dami ng mapapaligaya ng 2500 lol

    @Scofield Baket sa PAW eh hindi naman animal ang tarantula? LOL

    ReplyDelete
  15. @Yanie Bilib ako sa imagination mo LoL

    @Alkapon Hindi ko rin alam kung anu ang kinalaman ng pinag sasa-sabi mo letche ka! LoL jowk lang

    @Random Hindi parin ako nakakamove on sa hindi mo pag send sakin ng picture greeting nung birthday ko. LoL

    ReplyDelete
  16. @iya_khin Tama ka ang sosyal nga ng baso sa Nescafe dapat un ang baso sa mga hotel para ibang level na LOL

    @Steph Syempre naman! Ako pah :-D Kamusta naman ang Daddy's little girl? FYI mo ko pag babarilin na ko ng erpats mo ha LoL

    ReplyDelete
  17. HAHAHA!!! Katawa naman yang kapatid mo! May kilala ako ganyan! Haha! Ganyan yata talaga maglambing mga kapatid eh. XD

    ReplyDelete
  18. mas mapaet ka pa sa charantiya hehe ganito na lang... big winner ka naman sa M.O.R.E. Awards di ba?

    ReplyDelete
  19. wala lang naisip ko lang..walang pakelaman...hehhehe, basta sa PAW ko gustong magsumbong...hheheeh

    oo nga insect nga pala yun....hehhehe

    dumaan lang...

    ReplyDelete
  20. Jepoy,

    natawa naman ako sa komento mo, letse ka rin.. buwa ha ha ha

    yun kasi ang napansin ko sa mga kaugalian ng mga sina-unang tao, tulad na lamang yung magkapatong na plato habang kumakain,..ibig sabihin daw patong-patong din ang magiging asawa mo. he he he

    ReplyDelete
  21. psssst guapo ba yang pinsan mo?
    hahahahaha

    ReplyDelete
  22. baka yan baso na yan eh gawa sa diamond kaya napakamahal! lols!

    ReplyDelete
  23. ahahahahh syet usapang baso! jijijijiji

    ReplyDelete
  24. ang kulet nyo talagang magpinsan kuya jep..hehehe taob sya sayo!!cool..

    ReplyDelete
  25. haha
    daming drama drama!


    isang palala, na dapat kapag magreregalo sa mga syota, yung hindi nababasag. plastik nalang.lol

    ReplyDelete
  26. @Rich Pinsan ko po sya. LOL

    @Random Students, Oo na wala na kong sinabi hihihhi

    @Scofield Jr See ahahaha (Ayaw patalo eh no)

    ReplyDelete
  27. @Alkapon Ang kulet, patong patong talaga?! LoL

    @Yj Sabi nya guapo daw sya, sige pakikilala ko sayo LoL

    @Kablogie feeling ko nga eh gawa sa diamond sya hehehehe

    ReplyDelete
  28. @Xprosaic Usapang Baso talaga ito

    @Superjaid Kahit makulet sya hindi nya ko kakayanin

    @Kosa Oo kaya dapat plastic ang isuut mong condom hindi glass ok :-D

    ReplyDelete
  29. walang magawa ang younger kapatid dahil kuya pala ang nagpapa-aral sa kanya, lolz!

    ReplyDelete
  30. ano to? normal sa inyo yung ganyan? hahahaha! ang saya..pwede maki-bahay sa inyo? two weeks lang. :D

    ReplyDelete
  31. @Vince Pinsan ko po sya, ang ganda ng blog mo nose bleed ako hihihi

    @Chico Sige mag dala ka lang ng chips and coke ha LoL

    ReplyDelete
  32. hala! grabe naman yung baso! hahahaha.. pero tama ba naman na sisihin ang posisyon ng baso? haha

    ReplyDelete
  33. haha wais din yang pinsan mo. haha ipatesda mo na! go!

    ReplyDelete