Tuesday, November 3, 2009

www.bittermelon.com

Ang lahat ng tao sa motha neycha ay nagiging bitter at some point ng existence nila ngunit, subalit, datapwat,pero kagaya ng 'di pag amin kung sinu ang umutot sa isang group ay sya namang pag deny na bitter juice sila, sa totoo lang guilty rin naman ako minsan dito. Oo minsan lang naman. At nakaka tuwang makita na sinasabi nilang hindi sila bitter pero ovious naman na ampalaya ang favorite gulay nila.

Dahil likas sa akin ang pagiging observant at tunay na hilig ko ang mag observe tapos i-blog after observing such; nag masid ako ng mga occurrences na pweding kakitaan ng pagiging ampalaya ng ilan sa aking piling piling tropa.

Scenario1:

Nakita mo ang ex gf mo na hindi naman masyado kagandahan pero pwede narin, mga six out of ten ang rating. Nag break kayo for a very lame reason at ikaw ang nakipag break sa kanya. Tapos neto nakita mo syang kasama ang bago nyang bf na lamang sayo ng isa't kalahating paligo tapos very happy sila, mag ka holding hands na may pa sway sway pa. Sakto namang nasalubong mo sa Mall habang abala ka sa pagiging loser mo, ikaw lang mag isa at walang kasamang chick. Take note, velentines day 'yun. Anu ang gagawin mo?!

Bitterjuice Reaction:

Dahil hindi daw sya bitter. Ang ginawa nya lumakad ng mabilis at sinagi ang balikat ng bf 'nung ex nya without saying hi to his ex. (Attitude talaga)

Scenario 2:

Na promote ang office mate mo na hindi masyadong kagalingan.

Bitterjuice Reaction:

Pag ka receive na pag ka receive nya ng congratulatory email na sinend ng bossing sa lahat ng employee ang intial reaction na ginawa nya ay tumayo at nangapit bahay sabay tanong sa officemate, "Alam mo ba kung baket na promote 'yun?!".... Kasunod nito ay ang di maampat ampat na pam ba-badmouth nya na may kasama pa na pag dadabog ng mga folders sa table tapos maya-maya mag aaya ng mag yosi para ituloy ang bitter juice session nya at kulang nalang sabihin na dapat sya ang na promote dahil sa pag hihirap nya at dahil magaling sya.

Scenario 3:

Nakita mo ang kababata mo na merong bagong Expedition. E lagi kang na ikukumpara sa kanya since panahon pa ng taong Java at wala pa kayong mga salawal noon. Anu gagawin mo?

Bitterjuice Reaction

"Mmmp! San naman kaya nya nahiram 'yung auto nya. If I know, kumukulimbat yan ng boggang bongga para maka bili ng ng expedition nya"

Naisip ko lang na merong thin line ang pag ka bitter at pagiging crab. Tingin nyo rin ba?
Well na isulat ko lang naman ito kasi wala akong ma ishare at satingin ko kelangan ko ng mag update ng entry ko para naman sa tatlong nagbabasa ng blog ko. 'Yan lang naman ang akin tots today. More to come. Salamat sa masugid na commenters at readers. Your time is very much appreciated.

Happy Blogging!


34 comments:

  1. So true... isa lang naman yan eh. INGGIT.

    Nagiging bitter ang isang tao kasi super inggit lang sya. Syempre nga naman bakit sya ganun, ikaw hinde, ayun, maiinggit naman itong person na to.

    Mali yung attitude na yun. :( Bakit di ka na lang maging happy para sa kapwa mo? Whether he/she deserves it or not, kahit swerte lang sya kaya nakuha nya yun, kahit na mas magaling ka sa kanya, maging happy na lang tayo for others' success. ^^

    Nice article Jepoy! Hehe! Worth reading kahit nasa office ako now at dapat magwork and hindi magbloghop. HAHA! Ang bad ko. XD

    ReplyDelete
  2. Lovely!
    Maganda minsan i-admit din ang weakness, then let go and let God.

    ;D

    ReplyDelete
  3. @Rich Thanks for the appreciation (Meganun?!) Eto kiss for you mwah!

    @Chyng Let go and let God<---- Aylabet!

    ReplyDelete
  4. Huy, baket ako favorite gulay ko ang ampalaya pero hindi naman ako bitter? Hehe. :D

    ReplyDelete
  5. Nagbabasa naman ako ah, pang apat ako :D

    Inggit lang yan! o kaya naman, nagsisisi at nakapagdesisyon sya ng mali :D

    ReplyDelete
  6. lahat naman binabahayan ng inggit sa katawan... ang tatanggi magkakakakulugo sa pwet! lolz!

    pero nasa tao kung pano magreact!

    pero kahit anong bitterness pa yan, normal lang yan! normal na normal!

    ReplyDelete
  7. Ang dali dali nyan! Meron akong bitterjuice reaction din

    @Scenario 1

    Sasabuyan ko yung BF nya ng asido sa mukha, tapos sasabihn "Ay sorry, tatanga tanga ka kasi eh!!"hahahaha

    @Scenario No.2

    Maagdidikit ako ng papel sa likod nya at ang nakalagay " AKOY DAKILANG SIPSIP"

    @Scenario No.3

    Wow ganda ng auto mo ah! Siguro maganda talaga ang kita sa CARNAPPING.

    Yan di ba mas magansa yan!heheh

    ReplyDelete
  8. Pahabol

    Hoy ponkan sorry jepoy nasan na yung picture greetings ko! Bata ang tagal!whahahha!!

    Ingat

    ReplyDelete
  9. bitterness talaga ha! payborit ko din ampalaya pero i'm so sweet naman ha! gegegeh!

    sino ba ang bitter at gawin nating ampalaya shake! sarap nun!

    ReplyDelete
  10. Count me in..pang lima ako sa nagbabasa hehehe...

    Ugali na ng pinoy ang BitterJuice reaction kasi nga naapakan ang pride tsiken nila ahahaha...

    ReplyDelete
  11. Ahahahhahah "ampalaya ang favorite gulay" ahahahahhahah... naku ang mga bitter mga insecure lang sa sariling katawan yan... jijijijijiji...

    *may pinaghuhugutan ata... jowk! jijijijiji*

    ReplyDelete
  12. Scenario 1:

    Ang gagawin ko, titigan ko ng malapot na tila hinuhubaran ko siya na tulad ng dati kong ginagawa tapos saka ko ilalabas ang aking dila na mamasa-masa sabay pahid sa bibig.. tiyak meron siyang maalala. he he he

    ReplyDelete
  13. @Angel Ikaw lang ang exempted hihihi Pero masarap nga ang ampalaya! Weeeeee!

    @LordCM salamat po sa pag babasa hihihi

    @Kosa hahaha din

    ReplyDelete
  14. @Azel I so agree with you nasa tao talaga kung pano mag re-react sa mga ganyang situation. THanks Azel!

    @Drake Ang dami mong sinabi sa picture greeting din pala ito ma uuwi! Ayoko mag pada ng picture greeting ahahahah

    @iya_kin pwede mo ba akong gawan ng bitter juice hihihi

    ReplyDelete
  15. @Kablogie Salamat naman at counted in ka ahahaha

    @Xprosaic Oo na insecure na ko sa katawan ko. Suntukan nalang oh! LOL

    @Alkapon Ang bashtush mo po! LoL

    ReplyDelete
  16. Makapagtimpla nga ng Charantia at Ampalaya Shake...

    ReplyDelete
  17. @Glentot Hindi ko alam ang charntia lolz

    ReplyDelete
  18. tatlogn nagbababasa... man!.. dehinz ka lang bitter... u also need to take math class... weheheh.... isa kme sa tatlong tiga-basa moh... happy blogging! 'la akng matinong makomentz... take care... iinom moh na lang nang juice yan.. lolz.. Godbless! -di

    ReplyDelete
  19. lolll talunan ang taong inggitera at bitter. lol. ako rin may bitter mode (sbi mo nga lahat tyo may ganon) hahaha pero may sense naman at worth pagkiabitteran kso d ko na rin nilalabas kasi mas nagiging loser dating ko lol.

    ReplyDelete
  20. aynako!
    para dyan sa mga nagsasabing lahat tayo nagiging bitter, eto lang masasabi ko:
    HMP!(walkout)

    haha.
    tol, alam ko na kung bakit 3 nagbabasa ng blog mo:
    ikaw, ako, and others.
    tama ba?wehe

    ReplyDelete
  21. pa-follow po huh...isa po akong tamad pero lagi ko binabasa yung blog mo lalo na ung sa mg mrt experience mo...ahehe

    ReplyDelete
  22. hahahaha.. tama, madami talagang bitter sa mundo. at nakakabwisit! (guilty ako. haha)

    ReplyDelete
  23. hahaha. totoo at guilty din ako!

    ReplyDelete
  24. taong java LOL! madali kasing mainggit. mas challenging to maintain a well-meaning heart. besides, if we enjoy the success of others, we are also attracting our own sense of success towards us. tsaka healthy for the heart pa. 'di tayo magpapalpitate.

    ReplyDelete
  25. wahaha mukhang may pinaghuhugutan yan ah kuya??anyway..gulity din namna ako dyan minsan di lang obvious kasi di naman ako showy..haha anyway..penge ako ng pizza..^__^

    ReplyDelete
  26. Nakakatuwa talagang dumalaw dito Jepoy. :D Lagi akong nag e enjoy pag nababasa ko posts mo. :D

    PS. tama kay may thin line nga between bitterness at crab mentality. Well, I guess if you follow what your bitterness is making you do, eh di yun na yung crab mentality. :p

    ReplyDelete
  27. Meron akong pang apat na senaryo Jeps... Paano kung nabigyan ka ng award sa blog mo tapos hindi kinolketa nung pinagbigyan mo...

    Ano ang bitter reaction niya...
    Eh di magco-comment ng ganito sa blog site ng binigyan niya ng award heheeh...

    Ayan, acknowledge mo na kasi yung award na binigay ko sayo, para maging butter, este, better na tayo hihihihi!!!

    ReplyDelete
  28. @Dhianz Salamat naman at na tats ako sa pag babasa mo. Aylabet!

    @Steph Ayan Steph na talaga ang ginamint ko, tama ka wag masyadong ilabas kasi loser na loser talaga ang dating LoL

    @Reigun Gumaganun pa?!

    @Aika Welcome to my world, at maraming maraming salamat po sa pag babasa I really appreciate it, Mwah!

    ReplyDelete
  29. @Kox cutie kox sabi na nga bat guilty ka eh, LOL

    @Princessngako Ay ikaw din pala guilty hihihi

    @Fine Life folk pakitagalog please Ahahaha Joke lang. Agree din ako sa sinabi para laging healthy ang puso :-D

    ReplyDelete
  30. @Superjaid Hello na miss ko ang comment mo. Kain ka lang pizza sige hihihi

    @Reyjr Salamat po ng marami sa pag babasa nag eejoy din ako mag basa ng blog mo. Nose bleed lang kasi english hihihi GOdbless Sir!

    @Yannie Anung award ba ito? Di ko kaya alam. weh!

    ReplyDelete
  31. Poy! tulog ka ng tulog wala kaming mabasa! Ngayon naman namukat lang ako 2 posts ka na agad! Ang gulo ng programming tsk-tsk. Anyway, sabi nga nila dito mukhang based sa experiences mo 'yan.

    ReplyDelete
  32. it is okay to admit that we are weak. kasi dami mga tao tutulong sayo, that is if you are open only..

    ReplyDelete
  33. haha sapul nanaman tong post mo. andami ko nang nameet na tulad ng mga taong to. at oo, nagi na akong situation number 1. haha

    ang bitterness, di tulad ng ampalaya. seasonal. haha o seasonal din ba ang ampalaya?

    ReplyDelete