Saturday, November 7, 2009

MRT Kwento kanina

Like the usual routine. Late nanaman akong nagising. Pilit na iminumulat ang mga mata habang ini-istretch ang kamay para patayin ang analog- A/C- na-panahon-pa-ng-dinousour-age pero in all fairness, sobra parin mag buga ng lamig ito. Pag tapos kong mag struggle para patayin ito, tinignan ko ang cellphone.

5 messages received.

Tinignan ang messages *Pindot.. pindot... pindot* Pota lahat ng txt galing sa Citibank wala man lang care txt.Peste!

Tumingin sa Oras.. Powtanghenang shiyet! 9:30 PM na!!!! malalate nanaman ako.

Dali dali akong lumabas ng kwarto. Kinuha ang tuwalya. Binuksan ang shower at sumigaw ng "Tanghena ang Laaaaaaaameeeeg!" Kinuha ang dove na sabon kinuskus ang betlog para fresh. Kinuskus ang kilikili para fresh din. Nag shampoo. Kinuha ang St. Ives at kinuskus ang fez para pogi. Nag banlaw habang tumatalon-talon kasi ang lamig lamig talaga, Pasko na kasi. Pag labas ng banyo nag bihis na at nag lagay ng wax sa hair. Tingin tingin sa salamin "Ang pogi mo talaga Jepoy, Hanep!". Kinuha ang Pabango. Nag spray sa likod ng tenga . sa dibdib. At sa dalawang pulso ng kamay. Voila! Ready to face another boring day at the office.

Pag dating sa hagdan ng MRT...

Nakakaramdam na ako ng gutum. Pag akyat ko nakita ko ang Dunkin Donut stand. Hmmmm, maka pag donut na nga lang muna.

Si Ate nag liligpit na ng mga donuts at kaha ng lalagyan ng pera kasi nga late na at malapit narin mag sara ang MRT. "Hindi ito maaari", dali-dali 'kong nilapitan si Ate-Dunkin-Donut-hot-moma.

"Ate mamya ka na mag sara pabili muna ako ng breakfast ko"

"Sir, Baket breakfast e mag 1o:00 PM na"

"Eh kasi gabi ang trabho ko Ate, at kakagising-gising ko lang"

"Ah.. Call center?!"

"Lahat ba ng pang gabi call center?! HIndi ako sa call center and totoo nyan Macho dancer ako"

"Nyek! Ang taba mo namang macho dancer Sir"

"Ayus ka ah! Ok, that was mean... Akin na nga 'yung donut!!! Dalawang bavarian tsaka isang butter nut ha"

"Ito naman si Sir matampuhing palaka, joke lang 'yun"

"Kaw Ate kung hindi ka lang amoy pawis kiss na kita, O eto na ang trenta keep the change"

"Sir, kaw kaya mean. Sige nga kiss mo ko tsaka anung change ang sinasabi mo e kulang ka pa ng tatlong piso."

"Kaw talaga kiss ka dyan, Sumakay ka naman! Hindi ako easy to get tsaka katawan ko lang habol mo, that I know for a fact. Eto na limampiso keep the change. Alis na ko ma lalate ako lalo sayo txt nalang kita"

"Ingat ka Sir tsaka di po pa alam number ko tange.."

Mabilis akong umakyat ng MRT.

Habang pababa ang majority ng tao ako naman ay paakyat. Amoy pawis sila ako habang amoy fresh pa ako. Friday night ngayon at isang malaking himala ang pangyayari dahil mabibilang mo lang ang tao na nag hihintay ng tren.

"Toooot" Tunog ng tren sabay bukas at labas ng mga tao. Ako ang unang pumasok at na upo sa favorite-comfort-sit ko sa may bandang hulihan ng tren at malapit na malapit sa pinto, para kung kelangan kong mag baks out eh madali itong gawin. Pero not this time. Relaxing ang trip walang hassle, parang wala ako sa pilipinas. Hay sarap!

Dahil sa simoy ng aircon at tahimik ng mundo sa loob ng mrt medyo nakatulog ako ng konti. Konting konti lang naman.

Maya-maya pa narinig ko ang voice over sa loob ng MRT

"Cubao Station..Cubao Station"

Pek pek!!!!!!! Lumampas ako ng Shaw Boulevard. Fowtangena late na ko talaga!

At ayun nga ang nangyari. Late ako at nag taxi pa tuloy. Badtrip!

39 comments:

  1. Base! na unang pagkakataon..

    hilig mo pala sa donut.. gusto mo ng giant donut? meron ako dun, naka blog sa site ko.. magsasawa ka sa laki. ha ha ha,

    basta matataba kasi masarap matulog,kahit naka upo lang mamaya humihilik na.. kaya hayan...na late tuloy..ha ha ha ha

    next time lumaklak ka ng isang galon na kape para hindi ka makatulog sa biyahe. he he he

    ReplyDelete
  2. Kainis no?

    Lagi ko din pinagpipilitan na nagtratrabaho ako sa strip clubat di sa isang call cneter, pero walang naniniwala! Life is unfair!

    ReplyDelete
  3. @Alkapon Fine, Ikaw na payat. Buset! chubby nga pogi naman LoL. Oo next time iinum na ng copi

    @Chyng True Life is unfair! Kill me now :-D

    ReplyDelete
  4. Mamaya kunin mo na ung number ni ate ah lolz

    ReplyDelete
  5. Talagang nakuha pang makipagchikahan kay Ate sa Dunkin Donuts kahit late na! Haha.

    ReplyDelete
  6. kakagising nga lang nakaidlip pa ulit? lolz

    nakatulog o napatanga?

    hakhakhak..

    ReplyDelete
  7. yan ang nangyayari sa mga guapong katulad mo hahahahaha

    saan ka sumasayaw? puntahan kita... bigyan mo ako ng lap dance at hahagisan kita ng barya bwahahahahaha

    hugsies jepoy

    ReplyDelete
  8. hahaha... aliw kah tlgah... ahlab readin' ur entries... kc napapasmile moh akoh lagi... parang nakakatuwa ka lang tao... haha... dahil naaliw akoh sau... gusto moh libre kitah nang doughnut... ahehehe... keep d' change.. lolz... ingatz... Godbless! -di

    ReplyDelete
  9. Naks! late na nga nakikipaglandian pa ke ate sa donut station... jijijijiji... di mo kc kinuha number nun kaya ayun pinagdasal niya na makatulog ka sa mrt... jijijijiji

    ReplyDelete
  10. Sorry ignorante ako at dito ako abroad, ang MRT pala ay bukas pa kahit 10:00 PM na!Ayos ah

    Okay balik tayo sa iyo nagsasalitang ponkan! Hayan inuuna kasi ang kalandian, tuloy late ka!Hahaha! Sa susunod wag ng bibili ng donut kasi nakakadagdag libog pala yan!hahhaa

    ingat

    ReplyDelete
  11. kumerengkeng ka pa kase sa donut ni ate! lolz! ayan tuloy lalo kang na-late!

    ReplyDelete
  12. ba't kasi nakipaglandian pa sa aleng donut na may butas,hayan napala mo!

    ReplyDelete
  13. Ang kuripot mo naman! 2 pesos lang ang tip mo sa hot momma tindera ng Donut...Buti nga sayo natuluyan ka ng late ahahahaha....^_^

    ReplyDelete
  14. sayang hinde mo nakuha ung no. mi manang dunkin

    ReplyDelete
  15. gusto ko din yan..bavarian at butternut...

    naninibago ka pa ba pag late ka? ahaha mukhang hindi na ano?

    ReplyDelete
  16. yan ang 'di ko gusto 'pag may kasama sa bahay, 'di ako makapag nude unlike noong mag isa lang ako sa condo. "hindi ito maari"? haha! ayus ang determination to get a donut ah.

    ReplyDelete
  17. hirap kase sa mga ngpafranchise ng mr donut, lage sa may MRT nakpwesto kaya tuloy handaming nalelate...

    same here late ako kagabi ang ginawa ko wala ng ligo-ligo, uso naman kase sa mga chinese yun eh, mas mabaho mas sikat...hehehhe. LOLz

    ReplyDelete
  18. Ako rin, madalas late. Naka-ilang memo na nga ako, pero tuloy tuloy lang. Hindi pa naman ako pinapa-talsik, so okay pa. Ang kagandahan nito, isang tumbling at dalawang cartwheel lang ang office mula sa bahay, pero late pa rin ako. haha!

    ReplyDelete
  19. hirap ma-late pag night shift..
    wala kang mairarason na traffic.. ehehehe

    ReplyDelete
  20. ahahaha natawa ako dito ah... sana kinuha mo yung number ni tindera ng donat... putcha tagalog na tagalog ah....

    bawal ng ma late jeps...

    ReplyDelete
  21. late na late din ako sa comment na to jeps, pero oks lang, better late than not-have-the-donut diba?

    wag isisi sa donut yan, isisi yan sa pagkuskos ng dove na nauna sa b**** at pagkatapos sa kile-kile hahaha!!!

    ReplyDelete
  22. @LordCM 'di ko na nakita si Ate ulit eh LoL ibang shift na ata

    @Angel Syempre naman LoL

    @Kosa Pre napatanga nga yata, di ko na maalala ahahaha

    @YJ Barya talaga! Ang mean Oo na hindi ako kasing matcho ni Paps.

    ReplyDelete
  23. Sana nagmotel na lang kayo ni Ate Donut. Tutal tamad ka namang magtrabaho.

    ReplyDelete
  24. @Glentot Kiki ka

    @Dhianz Thanks you po! Mwah!

    @Xprosaic Hehehehe, hindi ko lang binalikan kasi nga late na kaya ganun

    @Drake Ewan ko sayo, hanggang ngayon hindi mo parin inaaunleash ang picture greeting nung birthday mo!!!

    ReplyDelete
  25. @Azel Ngayon ko nalang ulit nabasa ang word na kerengkeng ahahaha natawa ako promise!

    @Iya_Khin Hindi ako nakikipag landian, correction lang. Bumibili lang ng DONUT

    @Kblogie Kuripot na kung kuripot, mag papasko na eh LoL

    @Aika Yaan mo pag nakita ko kukunin ko :-D

    ReplyDelete
  26. @POwkie Gusto ko ulit ng bavarian, Oo nga lagi nalang akong late

    @Random Students Uy salamat sa bago kong award :-D

    @Scofield Correction Dunkin Donut po ahahahah

    @ShatterShards Mas malupet ka sakin, Oo nga wag naman sana akong mapatalsik wala akong pambayad ng bills kung nag kaganun

    ReplyDelete
  27. @Raye True, Uy na miss ko ang mga comments mo. Musta na?!

    @Saul Hayaan mo next time kukunin ko na :-D

    @Yannie Ang bastush mo ate yannie

    ReplyDelete
  28. baka cinurse ka ni ate. enchanted yung donuts. haha

    ReplyDelete
  29. @Citybuoy feeling ko nga eh LoL

    ReplyDelete
  30. award winning ang pakikipag-flirt kay ate donut habang bumibili. award winning ang nakalimutan ang pagsisipilyo. hahahaha! ano ba yan parekoy! :D

    anyway..mahirap talaga ang maging isang call center agent. bilib ako sa mga taong kayang baguhin ang timezone ng buhay nila para kumita ng pera. ang saya-saya. pero mas masaya ko, nag-aaral pa ko eh. :D hahahaha!

    ReplyDelete
  31. @Chico At nakita mo pa ang hindi ko pag toothbrush. ISA KA PA. HINDI NGA AKO sa Call center nag tra-trabaho!!!! (hindi ako galit, nag eexplain lang) LoL

    ReplyDelete
  32. Sa sunod wag na maligo... haha

    ReplyDelete
  33. hahaha! XD Kasi eh... late ka siguro natulog noh? XD

    Natawa ako kay ate donut. Kung ko siguro yung maiinis ako. May pagkamasama din kasi ako minsan eh. XD

    Next time kasi, wag matutulog sa train... hirap yun. XD

    ReplyDelete
  34. so ano moral lesson jepoy? hahaha! edi wag kumain ng 3pcs na donut bago sumakay ng malamig na mrt at makakatulog ka!

    ReplyDelete
  35. jepoy, isang simpleng tanong lang... napabayaan ka ba sa kusina? he he he jowk

    ReplyDelete
  36. @Wait magandang suhistyon yan

    @Rich hindi na nga eh, attentive na ko next time

    @isitbi Ewan ko sayo!

    @Alkapon isang simpleng sagot din. Pak u! LoL Honestly wala kameng kusina mahirap lang kasi kame. Thanx!

    ReplyDelete
  37. Was that conversation with the Dunkin Donuts lady verbatim? Haha!

    ReplyDelete
  38. Ay, sorry, Filipinong-Filipino pala dapat. So, nangyari ba talaga nang ganun 'yung usapan niyo nung babae sa Dunkin Donuts stand?

    ReplyDelete
  39. @Myk Oo ganun nga. Salamat sa pag bisita Ingats

    ReplyDelete