Maraming pwedeng pagmulan nito. Kaninang umaga sumakit ang ulo ko ng bonggang bongga, kala ko may cancer of the brain na 'ko. Medyo weird kasi, hindi naman ako nag e-english para sumakit ang ulo ko ng ganun. Medyo iritable pa naman ako pag nakakaramdam ng hindi maganda sa katawan. Well, sino nga bang hindi, right?
baka naman masyado lang ako dedicated sa trabaho ko lately kaya ang after effect ay headache. O baka sobra lang akong mag isip sa pag solve ng physics, chemistry, calculus ganyan-ganyan kung kaya sa sobrang talino ko ay sumasakit na ang ulo ko. Jowk lang! Ang sabi nila baka daw stress. Baka nga?!
Teka...anu nga bang ginawa ko, maka pag back track nga baka doon nag mula ang headache ko.
Sunday Activity:
4:00 AM- Nagising ako, kinuha ang laptop nag fezbuk, nagbloghop, nakipaglandian sa chatrum, nag chat sa OFW friends para maalala ako sa nalalapit na krismas, uuwi kasi sila sayang naman ang toblerone white, Old Navy Shirt, at perfume,
7:00 AM- Nakaramdam ng antok at ng konting hungerness pero mas pinili kong ihiga ang likod sa kama at mag bilang ng tupa sa isip, nag kamot ng betlog at nakatulog ulit habang nag kakamot ng betlog.
9:00 AM- Gumising na ang cute na Prinsipe! ang mga cobra sa tyan nya ay nag re-reklamo na. Nag toothbrush at bumaba para bumili ng twenty pesos na pandesal. Nag prito ng pulang hotdog at scrambled egg na meron sibuyas na puti. Lumafang ng konti sabay sip ng coffee at nag smile. Yes, kasali ang pag smile doon. Wait lang, may natira sa pandesal ha, hindi ko inubos lahat 'yun (defensive?!)
9:30 AM- Nag shower habang umaawit ng po-po-poker face po-po-poker face. Kinuha ang lufa. Kinus-kus ang katawan para maalis ang dead skin cells. Nag shampoo para mabango ang hair. Nag deo at nag bihis na. Pag hahanda sa pakikipag kwentuhan kay Papa Jesus.
10:00 AM- Ini-start ang kotse, pinunasan ang maalikabok na windshield. Hinintay ang kasama. Nag drive papunta sa charch pero sumegwey muna sa gas station. Pota! ang mahal na-naman ng gas! Nag pa hangin ng gulong at dumiretso na sa charch. Walang parking slot. Umikot-ikot. Ayun! meron bakante kaso parallel parking. Pinaikot-ikot ang manubela. Konting atras konting abante ng paulit-ulit. Bali mga 15 minutes ang lumipas para shumut lang ang kotse habang pinag pa-pawisan ang singit ko ng butil-butil. Dag dag pa siguro ang Porche at BMW sa tapat at likuran ng paparadahan ko. Ayokong isipin at tangkaing gasgasan sila. Tama ka! wala kasi akong pambayad.
10:45 AM- Nag praise and worship. Nakinig kay Pastor at ninamnam ang mensahe. Nag kamustahan. Nag pray ng taim-tim kay Papa Jesus. Sabi ko sa Kanya, "Papa Jesas Sana po ay magkaroon na ng world Peace"
12:00- Nag punta ng MOA. Nag lakad lakad. Lakad at LaKad pa ulet. Oo walang kamatayang lakad. tapos, nag lunch ng bonggang bongga sa French Baker eto inorder ko: isang bowl ng soup ung naka lagay sa Bread, Hikcory Spare ribs,Isang basong Four Seasons, Isang Manggo Crepe but wait theres more isang blue Berry Danish, yes hindi ako masyadong nagugutum nyan. Then, Nagpunta ng Power Books at nag basa at bumili ng book.
4:00PM- Nag punta ng Birthday Party. Nag panggap na clown. Nakipag kwentuhan.
7:00PM-Bumalik ng MOA. Nag starbucks.
8:45PM- Bumili ng Popcorn. Nanood ng New Moon ulet.
11:30PM- Nag hatid. Umuwi. Nag basa. Natulog.
Kinabukasan-Lunes ay nag ka headache na 'ko. Tapos pag pasok ko sa opis ngayon lalong sumakit ulo ko, nakita ko kasi ang tambak ng trabaho. Katanggap-tanggap ba ang headache sa mga Sick leave? hihihi Sana maniwala sila totoo naman eh. Siguro kelangan lang ng rest. kaya eto nag susulat ako para ma relax. hihihi
Salamat sa pakikibasa!
Monday sickness lang yan. Kung taga MoA ka din, wala daw tayo pasok sa Dec2, Pasay day! wee!
ReplyDelete@Chyng kuha mo! LOL WoW sayang hindi na pasay ang work area ko. hihihi
ReplyDeleteAng amhirap nun, kung yung maliit na ulo mo sa bandang ibaba ang masakit.
ReplyDeletesosyal ka talaga jepoy, pa star-stabucks ka na lang sa MOA.. mag libre ka naman.. he he he
Baket sumasakit ba yung maliit na ulo mo sa ibaba? weird LOL
ReplyDeletehindi susyal gift certificate lang 'yun LOL
@Alkapon Baket sumasakit ba yung maliit na ulo mo sa ibaba? weird LOL
ReplyDeletehindi susyal gift certificate lang 'yun LOL
detalyadong detalyado ang buong araw ah... hehehe
ReplyDeletenagporn sabay tikol,nagkamot ng betlog at nakuha pang magpraise and worship di ko kinaya yun jepoooy ha haa! :D
ReplyDeleteSumakit din ulo ko sa kakasunod sa araw mo... ahahahahhahahaha... detalyado... kulang na lang ata maisulat dun kung kelan ka umutot at umebs... nyahahahahahaha
ReplyDeleteparang ang sarap ng buhay mo pag-sunday ah. hehe
ReplyDeleteeh bat sumakit pa ulo mo nun? :D
uy sama ako sa libre kuya..hehehe kahit french baker lang..hehehe ^__^ pero kung mapera ka talaga pati na rin sa starbucks..^__^
ReplyDeletekelangan mo lang sigurong i-TAE yan! sa dami ng nakain mo...malamang madami ng toxic sa katawan mo kase maghapon kang walang jerbs! inabot na ng monday di ka pa rin nagjerbs!!!
ReplyDeletetama kaya ako???
may manic monday sickness ka rin? :)
ReplyDeletehahaha weird.. pang-apat ka sa mga nabasa ko na masakit ang ulo...
sana makarating dito ang starbucks!
at yan ang sinasabi kong blow by blow story telling. hehe. mejo sumakit din ulo ko with all the details! nyahaha. ayos :P
ReplyDelete@Alkapon oo nga pa-libre tayo ke Jepoy hekhekhek kahit kape lang???
ReplyDeleteeasy ka lang kasi parekoy.... hehehehehehe na miss kong pumunta dito ah.... kina-career ko kasi si gerlfren eh hahahahaha
ReplyDeleteAng sosyal sosyal mo naman! French baker pa, eh kung ako panaderya lang! Starbucks pa eh ako 3 in 1 nescafe lang!
ReplyDeleteSosyal na ponkan ka Jepoy! wala akong masabi sa iyo kundi....PAUTANG
INgat
@Gillboard Hindi naman idol :-D
ReplyDelete@Vonfire hihihi Canceled nga e, naka strike ibig sabihin hindi nangyari hihhih
@Xprosaic nag rereklamo ka ba pre?! LOL
@Ch!e Sumakit siguro ang ulo ko kasi monday na LOL
ReplyDelete@Superjaid 'Yun lang pala eh, sure pero ang totoo hindi ako mapera mahilig lang ako mag share ng blessing LOL
@Azel Tama ka dahil kinabukasan na ako jumerbalets
@Roanne Sige paparatingin ko dyan ang starbucks, go out with me first hihihihi
ReplyDelete@Mr Night Crawler mag Edvil ka lang pre hihihi
@Glentot Sumusobra ka na! LOL
@Saul Krisna Ayus lang ang pag career pre dahan dahan lang ha para hindi mabuntis hihihi
ReplyDelete@Drake I hatechu!
Jepoy alam mo feeling ko either kulang lang yan or sobra sa S** (*insert taas kilay here*)
ReplyDeletehehehehe, nasosobrahan mo na kasi ata ang magkamot ng betlog... sabay kain ng pandesal nyehehehe!
sana okay ka na... (nakuha pang maging concerned no?) hahaha!
@Yannie No comment hihihihi
ReplyDeleteNakikibasa lang po...pero enjoy naman
ReplyDelete@Glampinoy Salamat sa pakikibasa, balik po ulet
ReplyDeletewag headache. migraine para mas sosyal!
ReplyDeletesus sa dami mong kinain kaya ka nagka-headache!
ReplyDeleteDIATABS.. mabisang gamot sa sakit ng ulo.
ReplyDeleteParacetamol.. para naman sa mga may tulo.
TOGMOLODON.. pinakamabisa sa lahat para sa sakit ng ulo.
(UnTOGMO uLOmoDON sa pader)
paracetamol lang ang katapat nyan jepoy. ang dami mo kasing kinain kaya sumakit ulo mo. maniwala ka, karugtong ng ulo ang tiyan basta maniwala ka sa akin. hahahaha
ReplyDeletesumasakit ang ulo ko pag nakikita kong wala na akong panggastos, kasabay nyan lilingon ako sa kalendaryo at makikitang ilang linggo pa ang lilipas bago ang susunod na sweldo... :)
ReplyDeletesinasabi ko na nga ba e. pareho tayo ng sakit... monday sickness, yan ung tinatawag na bitin pa... till now naghahanap ako ng kandidatong susuportahan na gawing weekend din ang monday at tiyak dipa sya tumatakbo e panalo na sya, maraming susuporta, isa nako (magpa flying voters rin ako)
ReplyDelete@Citybuoy Susyal naman nun
ReplyDelete@iya_khin siguro nga, nagugutum ako eh
@Alkapon Nakakatawa naman po kayo hihihihi
@Popoy honga noh, nakalimutan ko na paracetamol pala gamot doon
@Anthony Ay ganyan din pala ako LOL
@Lee True True so true
kisses para mawalaheadache mo.. mwuah!
ReplyDeleteBLUE