Tuesday, November 17, 2009

Boarding house Et Al

College years...

Taon kung saan nag su-sumigaw ang independence ko. Ito rin ang taon na makikita at mahahasa ang pagiging responsable kong anak sa aking magulang at pagiging responsable kong student. First time kong mapapalayo sa aking Mami, Dadi at Bunso para tuparin ang pangarap kong maging isang Engineer. Hawak ang sariling pera sabay walang bantay equals heaven. Ang saya!

Tandang tanda ko pa 'nung inihatid ako sa Maynila papunta sa unang Boarding house ko sa kapusuran ng Quiapo, malapit sa muslim area 'yun. Sakay ang buong Pamilya namin ng Jeep na nirentahan ni Mama para ihatid ako ay binaybay namin ang Maynila. Dala namin ang mga gamit na nai-prepare ni Mama kinagabihan palamang, O.C. kasi yun kaya kumpleto ang gamit namin parati kahit mumurahin lang ito, at gusto nya malinis lahat.

Ang dami nyang pinamili ilan dito ay ang mga sumusunod: Arinola na may pangalan ko sa side, cabinet 'yung may mga aluminum na skeleton tapos parang kapoteng de-zipper. Timba, tabo at batya na may pangalan ko din. Maliit na kaserola, Sandok,Syanse,Rice cooker na naka sulat ang pangalan ko. Halos buong bahay namin ay dala ko na.

Pag dating sa boarding house laking gulat ko ng makita ko ang room namin. walo kame sa isang kwarto. "Oh my effin' God! Buong buhay ko ay mag isa lang ako sa kwarto" bulong ko sa sarili

Matapos ma maitayo ang cabinet kong de-zipper at ma salansan ang mga gamit ko at mga damit. Binilin na ako ni Mama sa Land Lord kong Lawyer, tapos halik halik na ganyan gayan aral daw akong mabuti para daw hindi sayang ang pag kaka sanla ng kalabaw namin. Teary eyed naman ako. Sabi naman ni Papa tipirin ko daw ang allowance ko wag kong ipang iinom at wag daw akong mag drugs para daw makatapos ako kagad.

'Di lingid sa aking ulirat na punong puno pala sila ng expectations. Scarry!

Tawag namin sa Land Lord ko at Kuya Andrei, mabait sya matalino at mataba. Pinakilala nya ako sa mga house mates namin. Hindi ko na sila halos matandaan pero majority students, sakabilang room puro law students kame naman sa kabila halo halo. Merong adik, mag nanakaw, at sugarol.

Bali dalawang kwarto ang apartment namin na ito, walo isang room so all in all 16 kameng lahat. Hindi ko lubos maisip kung paano makakaraos ang isang rush-hour sa 16 katao para sa isang CR na magkasamang paliguan at taihan. Ang pinaka shocking na news pa ay bawal tumae at maligo ng MWF kasi walang tubig.

Ang dami rin naka paskil na reminder sa bawat wall ng bahay. Doon sa may bandang lababo merong naka paskil na "Putang ina mo! Hugasan mo ang pinag kainan mo" sa may loob naman ng CR ay may nakalagay na reminder "Itapon sa trash can ang Sachet ng Shampoo at pag nag tikol ay paki buhusan ang sperms hanggang ma drain, paki flush narin ang tae ng maigi wag magiwan ng mani at corn nakakasuka kasi- Management"

Sobra talaga akong na culture shock noon. Nahirapan din akong mag adjust, naisip ko nalang na nag sasakripisyo ang mga magulang ko kaya dapat ay mag sakripisyo din ako, naisip ko ang sinanla nilang kalabaw at maluha-luha ako. Hindi naman ako pumunta sa Maynila para tumira sa isang magarbong hotel kundi ay para mag aral at makatapos.

Madami akong natutunan sa boarding house namin dahil ako nga ang pinaka bunso noon ako ang baby nila. Natutunan kong mag uwi ng gf t'wing alas tres ng hapon kasi walang tao noon at patay na oras 'yun. Dito rin ako Nakatikim ng shabu (one time lang yun promise) dahil doon sa pusher na room mate ko. Dito rin ako nag simulang humithit ng sigarilyo at uminum ng red horse at Weng weng (Ang weng weng ay pinag halo halong alcohol, kaya weng weng ang tawag kasi ma we-weng-weng ka after mong uminom) Dito rin ako natutung mag Disco (ang sikat pa noon sa mga students ay Arts Venue sa may Taft area) at mag punta sa mga club na kumukutikutitap hindi pa afford noon ang Air Force 1. LOL

Marami 'din akong natutunan sa boarding house ko na iyon tulad ng friendship (Sosyal!) Kahit ganoon ang setup namin ay nag tutulungan kame. Minsan nag share kame ng pagkain tapos nag hihiraman ng tshirt pag may date. Nag tuturuan pag may assignment at nag iinuman pag may birthday!

41 comments:

  1. Hahahah kakamiss nga ang buhay boarding house... nasubukan ko na ang boarding house, dorm, apartment... kakaiba lahat... may mga iba ibang istorya... parang ibang mundo lang... jijijiji

    Base ba?! jejejejjeje

    ReplyDelete
  2. @Xprosaic Base ka pre! :-D

    ReplyDelete
  3. Naalala ko tuloy boarding house nmin sa baguio, dun ko nagawa ang lahat ng kalokohan :D

    Gagayahin ko entry mo pag sinipag ako lolzz

    ReplyDelete
  4. 2nd base ako..

    yung lumang bahay namin dati, ginawa naming boarding house, exclusive para sa babae lang... tapos me kwarto na bakante para matulugan namin.

    nagpalagay ako ng karatula na Wanted: lady bed spacer(with free abortion).. he he he

    ReplyDelete
  5. @Lord CM Gawa na bilis Hihihi

    @Alkapon hindi ka second base LoL You are everywhere ah. Wow ang dami mo namang biznis heheheh Yaman!

    ReplyDelete
  6. Bawal tumae at maligo pag MWF - hahaha, takte, ang hirap nun ah! XD

    ReplyDelete
  7. waaaahhhh, parang walang closing remarks ang kwento mo jeps ah... basta bigla ka na lang tumigil ganun? hahahaa!

    ang kwento naman nung kakilala kong nag boarding dati, yung posisyon mo daw na matulog sa gabi ay di na mababago aksi dikit dikit silang natutulog at sobrang sikip sa boarding house nila.

    At ang mga magkaka-boardmate na rin ang sho-shotahan. Di ako yun hah! Landlord kasi ako noon eh heheheehehhe!

    Hoy remind ko lang yung picture greeting ko!

    ReplyDelete
  8. masarap at masaya ang buhay sa boarding house..sabay sabay tikol, palayuan ng talsik..joke!wahaha

    ReplyDelete
  9. @Raffy True mahirap talaga

    @Yanie Sinadya ko talagang bitinin yan para ma surpirse ka. Ang picture greeting? Kelan ba kasi deadline nyan!!!!

    @Poging ilocano Ang kulet!!!! Di naman nmain ginawa yun ahahahha

    ReplyDelete
  10. oo nga bakit walang closing remarks, kumbaga parang na heart attack at bigla na lang namatay.

    Uhmm hindi ako nagboarding house kasi malapit lang naman ang bahay sa eskwelahan ko. Nung nadito lang ako nag-abroad saka lang ako nahiwalay sa amin.

    hoy ponkan baka mauwi ako ng december, ilibre mo ako ng sine sa greenbelt ha, tapos kain tayo sa outback sa may glorietta.syempre sagot mo yun kasi mayaman ka naman!

    ingat parekoy!!

    ReplyDelete
  11. kakagulat yung huli..akala ko deretsong daan pa eh bangin na pala..hulog ako..tangna..ahaha!

    kakamiss ang boarding house...dami ko ding memories dyan...

    ReplyDelete
  12. Hindi naman mashadong sugapa sa boarder ang landlord na 'to no? Intense naman yan, Jepoy! 2 rooms, 16 people? :S

    Ako din, maraming naging dorms and boarding house during college. Saya din to be living on your own. Magandang experience especially now that my siblings and I are living on our own now. Ü

    ReplyDelete
  13. nde ko naranasang mag-boarding hauz sa maynila, dugong bughaw kase ako...hehehe, pero nakikitulog ako sa boarding hauz ng taropa ko...angkukulet, alam mo yung paggising mo puro uling ang mukha mo, dahil napagtripan ka na...tandang tanda ko pa sa may likod ng adamson yun...

    ReplyDelete
  14. amp%^$

    for real may mga signs like that on the wall? 0_0

    haha

    ReplyDelete
  15. Putang-inang house rules pati tamod pinakikialaman...

    Nagdorm din ako dati eh apat naman kami sa room at lahat sila nakaaway ko ehehehehehe ang ending ako na lang naiwan mag-isa sa room sole survivor ahahaha

    ReplyDelete
  16. Good day! I am Astrid Abesamis, Communication Arts graduating student from the University of Santo Tomas. Our thesis group would like to ask for your help by answering our survey about blogging. Can I ask for your email address so that I can email the survey questionnaire? We hope for your response. Thank you so much! God bless!

    ReplyDelete
  17. @Drake Ikaw ang manilbre, pag baba mo ng pilipinas send kalang ng email sakin para ma iset natin ang panlilibre mo

    @Powkie Kelangan mong isulat ang memories mo sa boarding house :-D

    @Angel Oo meron ups and downs when living alone, pero one this is for sure- We learn a lot :-D

    ReplyDelete
  18. @Scofield Jr Isa ka talagang dugong buhaw?! Sosyal!

    @Nash Hell yeah! May mga ganung signs talaga

    @Glentot Lahat nalang inaaway mo buset ka!

    ReplyDelete
  19. @Ast Abe sure you can send the survery for, I would gladly help you. I went to your blogsite kaso didn't find any email or message box. So, here is my email then iamalivingsaint@gmail.com

    ReplyDelete
  20. nakakabitin nmn...BLUE

    ReplyDelete
  21. @Blue Isa kang malaking stalker! Pakilala ka na, now na!

    Eh kasi akala ko pag mahaba walang nag babasa kaya ganyan lang ang ending. Mahaba pa sana yan meron pa kong kwento sa kabit bahay namin na all girls at ang chekwa na tapat ng appartment namin kaso mahaba na baka hindi basahin ng mga parokyano ko! ahahahah

    ReplyDelete
  22. "Itapon sa trash can ang Sachet ng Shampoo at pag nag tikol ay paki buhusan ang sperms hanggang ma drain, paki flush narin ang tae ng maigi wag magiwan ng mani at corn nakakasuka kasi- Management"

    natawa ako dyan sa sinabi mo. puta magtitikol lang di pa buhusan ang modta. kadiri pag naapakan mo. tyanak. hahaha

    o game medyo mahaba itong kament ko:

    1. di ko naranasanang magboarding house kasi ilang sakay lang naman yung school namin mula sa bahay.

    2. di ko yata kayang magboarding house dahil maarte ako at OC.

    2a. ayokong ayokong may gumagamit ng kahit ano sa gamit ko. dahil ayokong mag-away tayo kapag nasira, naubos o naiwala mo yun. mamumura lang kita.

    2b. ayoko ng maingay kapag natutulog. hindi ako nakakatulog ng maingay.

    2c. kelangan kong magPOOPOO everyday. tikol (optional) bwahahaha. kelangan ko kasi ng privacy. hahaha

    3. hindi ako nakakatulog sa ibang lugar so malamang ikamatay ko ang walang tulog. hindi naman ako si kuya germs para gawin yun.

    4. OC ako at ayaw ng makalat na lugar. magiging cause din ito ng riot o away.

    ayun lang di pala ganun kahaba, maiksi lang pala hahahaha

    ReplyDelete
  23. @Popoy Blog mo ba to?! Parang entry 'yung comment mo Ahahahaha

    well tungkol sa comment mo, buti nalang hindi mo naranasan dahil ma papaaway ka nga. ahahaha

    Sa totoo lang sobrang hirap ng adjustment, marahil kung nakatira lang ako sa sariling bahay namin nung college ako siguro Cum Laude ako kaso hindi eh at nakalipas na ang panahon ahahahah

    ReplyDelete
  24. MWF???

    hahaha! ang hirap naman ata nun pre???

    ReplyDelete
  25. "Itapon sa trash can ang Sachet ng Shampoo at pag nag tikol ay paki buhusan ang sperms hanggang ma drain, paki flush narin ang tae ng maigi wag magiwan ng mani at corn nakakasuka kasi- Management"

    astig na reminder parekoi :)

    ReplyDelete
  26. haha! kakatuwa naman! saya! never kong na experience yan nung student pa ako kasi ayaw nila malayo ako...

    ReplyDelete
  27. sa kasamaang palad di ko man lang 'to naranasan ang mag boarding house, so i guess i missed half of my life T_T

    ReplyDelete
  28. Kala ko sa Intramuros ka din nagboard. Yung sa malapit sa gym at kumbento. Ang sikip din dun. Kaloka. Yung CR, nagiging labahan at sampayan din. Pero fun!

    ReplyDelete
  29. @Indecent Mind Sobrang Hirap tsong :-D

    @Mavs Wala paring tumatalo sa mga reminder na iyan until now LMAO

    @Iya_Khin kasi daw baka agawin ka kagad sa parents mo hihihihi

    ReplyDelete
  30. @Cynderellaz Yes you missed half of it hihihi Joke lang

    @Chyng Dun ka ba tumira?! Alam ko 'yun LOL

    Hindi ako sa intramurous tumira kasi ang liliit ng room sobra LOL

    ReplyDelete
  31. College life noh? Nakakamiss nga. Dami ko din kalokohan dati na tago kasi alam ng lahat very good student ako... haha! Di lang nila alam, pinagttripan ko na sila. Wahaha! XD

    ReplyDelete
  32. nagkaroon tuloy ako ng idea sa post mo na ito..

    gagawa ako ng post patungkol sa boarding house..

    kwentong kahalayan sa loob ng boarding house..

    at ikaw ang gagawin kong bida.. nya ha ha ha ha.

    kaya humanda ka...

    coming soon... he he he

    ReplyDelete
  33. @Rich Naks naman!!!!

    @Alkapon May pag babanta?! Ahahaha Umayos ka!

    ReplyDelete
  34. I have never read anything as makata as this. Ang galing! Go Pinoy!!! :)

    ReplyDelete
  35. @lancelonie Thank you! those nice words means a lot to me, appreciate it (napapaenglish tuloy ako)

    ReplyDelete
  36. di ko rin naranasan mag-board.. st. jo kasi ako ng-college, keribels ang araw-araw na byahe from marikina.. hehe

    di ako pinayagan sa uste e.. kung nagkataon, baka di ko kayanin ang mag-board. hehe

    ReplyDelete
  37. Thank you so much for responding.. I already emailed the survey questions.. Thank you very much! We really appreciate your participation and help.. Thank you again! Good day!

    ReplyDelete
  38. aww... gusto ko din makaranas mag apartment/boarding house. naiinggit ako sa mga friends ko, at lalo akong naiinggit sayo. hhaha.. kaso di ako pinapayagan, kase baka mag gala lang daw ako. tska di ako marunong mag luto baka himatayin ako sa gutom. hahaha

    ReplyDelete
  39. @Raye Sayang naman :-D

    @Ast Abe You are welcome

    @Kox hindi ka daw pwede kasi pasaway ka hihihihi

    ReplyDelete
  40. haha ako ndin na try ko na mag-boarding house. kaso kasama ko 2 ate ko so wala din masyadong nangyari. haha

    anyway, love na love ko ang weng weng! sana love din nya ako.

    ReplyDelete
  41. Very good post over once again. Thank you:)

    ReplyDelete