Alright, time for new entry.
Wala akong maisip na maisulat. Wala ako sa mood. Umiinom ako ng toffee nut latte para mag ka organizer ako next year at ma-organize ko ang buhay ko, hangsarap sa dila ng mamahaling drink (Oo walang es), ganun talaga siguro pag hindi ka sanay sa masasarap na inumin. Sanay lang kasi ang kissable lips ko sa home made kape na gawa sa pwet ng tutong na kanin. Dahil sa sobrang wala akong magawang matino today naisipan kong mag flashback habang nag su-sulat, parang random thoughts kung baga, anyway highway, blog ko to so walang ko-kontra, parang freely falling body lang ang pag susulat ko ngayon walang patutunguhan. Hindi physics ang tinutukoy ko.
Eto na ang ang kwento ko.
Dear ate Charo,
Isa akong typical na bata na mahilig sa pompoms chucherya at chikadiz isali narin natin ang Peewee. Batang lumaki sa probinsya, mababaw maitim at cute. Nag la-laro ng tatsing. Na ngo-ngolekta ng tansan at balat ng yosi para gawing pantaya' sa tatsing. Nang-gugulo sa mga nag chi-chinese garter at sa nag ja-jackstone na mga classmates kong girls at hindi masyadong girls. Sa t'wing party namin lagi akong kasali sa sayaw sayawan. Sumayaw ako ng Always I wanna be with you and make it harmony harmony ohhhh woooh.. na sinayaw ng UMD. Ginagaya ko din ang sayaw ng streetboys pero hindi ako marunung mag back lift kaya dun nalang tayo sa Always I wanna be with you and make it harmony harmony ohhhwohhh
Mighty kid ang sapatos ko noon. At tatlo ang ang brief ko meron nakalagay na Jepoy sa garter nito. Isang color white yung dalawa green at blue. Twing umaga nilalagyan ako ni Mama ng polbos na johnson and johnson sa leeg, kilikili, singit at likod at meron pa akong sapin na good morning sa likod para wag daw akong ubuhin.
Mahina ako sa Math pero magaling ako sa Filipino at English. Lagi akong most neat and clean. At parati akong kasali sa honor number ten parati (At least meron). Limang piso ang baon ko noon. nag lalakad lang ako papasok ng iskul kaya marami akong kuto dahil narin siguro sa init ng araw. Meron kameng sujek na HELE (Home Economic and livelyhood Eklabu) pinaka hate ko 'yun na subjek. Hindi kasi ako marunung mag running stitch na merong suut na timble. Hindi ko maintin dihan kung baket kelangan pang mag suut ng timble. Sabi ni Mam kelangan daw 'yun para hindi matusuk ang daliri. E mas lalo ako na tutusok pag may timble. Hindi lang 'yun. Gumagawa din kame ng dustpan, ayokong gumawa nun, hindi ko naman pinangarap maging karpintero. Gusto kong maging doctor. Ang favorite kong subject kasi noon ay Science. Manghang mangha ako sa manila paper na may drawing ng digestive system. Tsaka bunganga na meroon ngipin. Parang na aabsorb ko ang turo ni Mam at interested talaga ako dito. Sobrang saya ko pag Science na. Pag music pwede narin, kasi likas naman akong singer at mabilis akong mag basa ng mga so fa si la ba sa limguhit.
Tunay na mababaw at masaya ang kids days ko.
Meron din malungkot na pangyayari. Tandang tanda ko pa ang buong pangyayari na tila ba yesterday lang ito, it has been 48 years and I can still smell the freshness of the pain (Linya ni Rose yan sa Titanic Tanga!) eto na ang totoo... Kakatapos lang ng new year noon at may pasok na kinabukasan. Nag lilinis kame ng klasrum, may mga tira-tira labintador, five star,pla-pla at lusis. kinuha ko ang mga natirang pla pla at labintador. Ang sabi ng klasmeyt ko punta daw kame sa cr at pasabugin ang inodro.
Syempre sabi ko "Tara"
Tumae muna ang klasmeyt ko, sabi nya hindi daw nya flush tapos ako naman daw ang tumae. Edi tumae naman ako. Tapos tinawag pa nya ang lima pa naming klasmeyt. Tumae din sila. Pag tapos nun pinasabog namin ang inodoro.
"Boom Boom Pow" (Oo ganyan ang sound effects parang black eye peas lang)
Sinilip namin ang CR kung anu ang nangyari. Laking gulat namin nang na basag ng bonggang bongga ang toilet bowl ng CR at nag dikitan ang tae sa ding-ding.
Makalipas ang ang kalahating araw. Nag resign lahat ng Janitor dahil ayaw nilang mag linis ng CR.
Guess what kung anu ang nangyari?!
Oo tama ka. Kame ang nag linis ng CR at nag donate ang Tatay ko ng bagong inodoro. Ang pagalit sakin ni Papa ay ibang istorya na ng buhay ko.
Lubos na Gumagalang,
Jepoy
Salamat sa pag babasa! Kung binasa mo ito tapos hindi ka nag comment strong bones ka sobra ka birtch tree full cream powder milk. I hatechu!
hindi ko binasa, nag base lang..
ReplyDeletesabi mo bawal nasahin eh.
@Alkapon Thank you! :-D
ReplyDeleteAng daldal wala pang naiisip i blog ang lagay na yan!
ReplyDeleteBakit hindi mo isinama ang malakulangot na lasa ng NANO Candy, ang nagpapanggap na M&M na NIPS at SERG ang tawag. Ang cheez it na kalaban ng peewee at ritchie. Ang kool Aid na may ibat ibang flavor tulad ng orange, apple at chico. Nakalimutan mo na ba ang POSIEDON,at si HUTCH ang batang bubuyog!
Hahah Teka blog ko ba ito?Umuwi ka na nga Drake sa bahay mo!
Jeps tenk u sa pcture greetings bait mo kups!
ingat
Yuck mga trippings nyo nung bagets pa kayo magpasabog ng tae...
ReplyDeleteTeka, pano mo nasikmurang tumae sa inidorong may tae na heheheh ask ko lang pekpek.
buti na lang pala napigilan ko sarili ko na basahin, eh puro tae lang pala eh lolzz
ReplyDeletewow.
ReplyDeletesayang.. hindi tayo nagpag-abot ng kabataab.
nauna ka kase sa akin....
kung sakali pala, tayo ang nag-susuntukan sa likod ng klasrunm dahil pareho tayong pasaway at hari-harian sa klase.
kung hindi man eh magbespren..lolz
hindi ako nagbasa, talaga hindi...
ReplyDeletepero parehas tayo ng experience except dun sa makataeng paraan...
nde ko din alam sa mga gagong titser sa elementery kung bakit kelangan ng timble sa pananahi...
aha!!! ikaw pala ang anak ng huweteng na nagpasabog ng inodoro kaya superdumi at superbantot ang toilet ng iskul!!
ReplyDeletebuweyset ka!! nawalan tuloy ako ng tarbaho noon e ke aga-aga pa ng taon!
oo ako nga! - janitor
@Drake Blog mo ba to?! Ang dami mong sinabi, ung picture mo birthday greeting mo hindi pa humarap maarte!
ReplyDelete@Glentot Hindi ko rin alam LoL
@LordCM buti na nga lang hihihihi
@Kosa Oo na pre mas matanda na ako sayo ng one year, i hatechu!
ReplyDelete@Anonymous Sorry po, patawarin nyo na po ako Manong Janitor, pero patay na po kayo diba?! OMG iskeri
Tabi mo abawal batahin..
ReplyDeleteheje...
yuck! puro atae naman..
haba... tiningnan ko pa lang ang haba nalulula na ako... jowk! jijijiji... saka mas gusto ko yung gatas na galing sa dodo ng........cow! jijijiji
ReplyDeleteparang gustoo ko ulit ulitin yung salitang timble.
ReplyDeletetimble.timble.timble. hahaha..
:)) kadiri naman kau, pati walang kamuwang muwang na inidoro at tae kinawawa. hahaha..
naalala ko ang kabataan ko.halos pareho tau ng mga experiences, nagpapasabog din kami ng tae dati.heheh.
ReplyDeletesabi moh hwag basahin.. eh di hwag... haha... for d' first time eh sumunod akoh sa instruction...yahoo!... lolz...
ReplyDeletenakibasa sa komentz ni kuya drake... umuwi ka na raw sa bahay moh... wehehe...
peace out... Godbless! -di
Ampf! Walang halong joke, pero habang binabasa ko ang entry mo eh umiinom ako ng cinnamon tea. Tapos nung nabasa ko 'yung mga nag-resign na janitor, muntik ko ng mabuga ang tea. LOL
ReplyDeleteMayaman pala si Itay, nakapag-donate ng inidoro. Hahaha. = P
Dear JEPS,
ReplyDeleteMuntik akong nautot sa kapipigil ng tawa ko dito sa opisina...
Sabi nung katabi ko, "Yanie you're a LUNATIC!!!"
Tawa kasi ako ng tawa sa kwento mo hahahahahaha! Tandang tanda mo pa talaga ang nangyaring mga kalokohan mo hahahaha!!!
At oo naman, pakshet, nagbasa talaga ako kahit na walang ka-kwenta kwenta. Pag ako nasisante sa trabaho ko ikaw ang sisishin ko hahaha!!
nahilo ako sa entry mo na to jepoy.hahaha
ReplyDeletepero natawa ako dun sa pinasabog na inodoro. wahahaha. naughty student!
ewwwww! grossssssss!
ReplyDeletekakain pa naman ako! tsk!
word verification: ovelbol (???)
may tae na tumae pa ammmfff
ReplyDeletenice blogs hehehe.. nakaka tuwa :D
ReplyDeleteEto binasa ko na...
ReplyDeletewalanghiya ka jepoy, katulad din pala kita nung araw, tirador din ng inidoro.. buwa ha ha ha
nung araw ako pa ang hari ng vandalism sa mga kubeta sa eskwelahan, pero never akong nahuli.
binasa ko pa rin kahit sabi mong wag basahin..tigas ulo ko eh!
ReplyDeletepeyborit ko rin ang Science lalo na yung may drawing na laging dala ng titser namin na may nakalawit at may nakabuka, minsan nga wala titser namin yung klasmayt ko dinagdagan ng drawing na chalk na buhok, sabi ko ay may buhok pala yun?!
teka? may buhok ba ang dila at bunganga? napaisip tuloy ako...
ngek..ngek...tae mo umaalingasaw!
LOL. ang haba ng post na yun ah! XD
ReplyDeleteAnd yeah, congrats, naalala mo kasi lahat, Ako wala akong masyadong maalala sa choldhood ko. :D
haaay..ang tanda mo na pala talaga. :D
ReplyDeletepero binasa ko ah? hahaha! idol..yan pala mga nagagawa kapag walang mai-post..ang haba kaya? whahahha! ang jangas ng trip nyo. sana nung kabataan ko, sinubukan ko rin magtarantado. :D kaso, ngayong college ko naisip eh..hahahaha!
we hatechu tu hehe. kissable lips? pwe. mighty kid? naku ibang era na talaga hehe. ibang klase ka rin magdonate ng school facility, explosive.
ReplyDeleteang evil! buti hindi kayo pinagpapapalo ng mga janitor!!!
ReplyDelete@Edison Uu puro tae
ReplyDelete@Xprosaic Muka lang mahaba pero hindi hindi hindi!
@Pag naririnig ko yung timble nag iinit ang ulo ko. hihihi
@Kuri Yuck kayo! Hihihihi
@Dhianz aba mabuting bata machunurin hihihihi
ReplyDelete@Gasul Cinnamon Tea, hangsosyal talaga ng Parekoy. HIndi lang travel ng t ravel sumicinnamon tea pa ahahaha
@Dear Yannie Nambobola ka oo na mag sesend na ko ng picture greeting para sayo ahahaha Salamat sa pag papakiliti mo hihihihi
@Popoy mas naughty ka pa hihihihi
@Azel Sana kumain ka ng chumpurado kasi ganun ung kulay ng tae namin ahahahaha
ReplyDelete@Aika uu at take note anim na tao ang tumae ng walang nag flush hihihii
@Kheks Salamat po, balik po ulit
@Kuya Alkapon Mas walang hiya ka, i hatechu! LoL
@iya khin anu pong buhol un tsaka anu po ung may lawit tsaka ung naka bukaka? LOL
ReplyDelete@Princessngaako Uu sharp ang memory ka reminiscing pero pag nag aaral hindi na sya sharp :-D
@Chicomachine Ewan ko sayo, Hoy HINDI AKO MATANDA one year lang pagitan ng age natin. Hmp!
@Random Student pareho lang tayo ng Era, mayaman ka lang kaya hindi mo alam ang pinag sasabi ko kasi hampas lupa lang kame :-S
@Citybuoy hindi naman. Gusto lang nila siguro kame isumpa hihihihi
Haha naalala ko tuloy ang aking experience : D
ReplyDelete@WAIT aba meron karin palang kakulitan factor nung chikiting patrol ka palang :-D
ReplyDeleteNaman Jepoy! Tamang tama at kumakain ako ng breakfast dito habang binabasa tong post mo no! Waaaaah! :D
ReplyDeletemas gusto ko cheez it kesa peewee.. pero na-hook nga ako sa pompoms... hahaha
ReplyDeleteyuku ng last part.. ehehe. tindi ng tripping mo e.
grabehhh naman hahahahahha!!!
ReplyDeletehnagkulet jepoy, peborit ko rin ang pompoms kaya lang nauso ang hepa kaya pinagbawalan akong kumain noon...
ReplyDeleteanaknang kawawang kubeta...aahahahah
mag-share ka naman ng mga natutunan mo sa tele aralan ng kakayahan. kasi negosyete na ang naabutan ko eh
ReplyDeletekahit puno na itong comment page mo magcocoment pa rin ako...kahit wala akong maiko-koment
ReplyDeletekasi naman eh, wala ka na ngang maisip isulat, gumamit ka pa ng dilaw na font.
masakit sa mata, kaya di ko binasa, palitan mo yan jepoy, pag hindi tatamaan ka sige
@Angel Hihihi hangcute noh LOL
ReplyDelete@Raye Ang alat ng cheez it kasi lasang vetsin hihihi
@Steph Hangcute diba? Hihihihi
@Deth Oo sarap ng popoms ako rin pinagbawalan. Baket kaya wala ng picture ng popoms ngayon LoL
ReplyDelete@Random Students Anu nanaman yang tele aralan sa kakayanan na yan?! Seriously, didn't know that, Promise siguro kapanahunan mo yan lolz
@Caracas Pasensya naman po! ok lang na wag mong basahin kasi wala talagang substance eh.
Ingats!
inaabangan ko ang sunod mong kwento.. yung tungkola sa kubeta naman, bigyan mo ng konting sensation para me trill.
ReplyDeletetulad ng kung papaano mo nilalaro ang iyong betlog ganun... he he he
Grabeh nakakatawa!!! hehehe! parang sinayaw din namen yang always i wanna be with u na yan, nyahahhahha
ReplyDelete@Alkapon Mas exicited ka pa sakin, well bibiguin kita kasi wala akong kwento sa next post ko LoL
ReplyDelete@PingkleMinded Salamats po :-D
meron kaya ng mga ito sa Bookstore Sale?pangmayaman lang ata ito...wahehehehe
ReplyDelete@Aika dun ako nag reply sa recent post ko, nag kamali ka ata dapat dun ka sa recent post ko nag comment hihihi
ReplyDelete