Thursday, November 26, 2009

My Own Blog Chronicles

Mula ng mabasa ko ang kauna-unahang idol ko sa mundo ng blogosperyo na si badoodles (sumalangit nawa) ay nag simula akong mag sulat ng pansarili kong records ng sulatin. 'Nung simula ay nag papanggap pa akong mag sulat sa salitang english kahit na nag tatalsikan ang dugo sa ilong at tenga ko pero sige parin ako ng sige.

Hindi ko akalain na maadik pala ako at maisasakatuparan, somehow, ang pangarap kong maging isang manunulat (minus the wrong spelling and grammar error, incoherent phrases and sentence structure)

Once upon a time in a far away land ay naligaw ako sa blog ni Badoodles at napatawa' talaga ako dito ng bonggang bongga, 'yung tipong tawa lang ako ng tawa na parang bawal ng tumawa kinabukasan. Halos lumabas ang tae ko sa kakatawa habang nag babasa ng post nya. Araw araw kong inaabangan ang bago nyang post, wala akong paltos sa pagbisita sa bahay nya. Hindi ako nag iiwan ng comment sa mga entries nya kasi mahiyain pa ako noon, ni hindi nga ako naka link sa blog roll nya eh, pero hangang-hanga talaga ako sa panulat nya, para syang kamaganakan ni Bob Ong (Kung di mo kilala si Bob Ong ay Ewan ko sayo! baka taga Pluto ka)

'Di lingid sa akin na hindi lang pala nag iisa si Badoodles, napaka rami palang blogger na champion mag sulat gaya nalang ng mga nasa blogroll ko.

Nang lumaon dumami ng dumami ang mga babasahin ko hanggang na dagdagan ang grado ng mata ko dahil sa kakabasa at sabay rin dito ang pag baba ng productivity ko sa opis. Dumami rin ang nakaka appreciate ng mga sulatin ko, naks naman! tatlo lang naman sila pero para sakin madami na 'yun at na ta-tats talaga ako hanggang betlog.

Naisip kong ang blog ay isang napakalaking medium para mailathala ang gusto mong sabihin na hindi mo kayang i-express sa totoong life, nagiging vessel din ang blog para mawala ang pait ng puso mo (meganun?!). Dito walang rule. Kahit ano pwede. Kahit may sustansya o wala ang panulat go lang ng go.

Isang taon narin ang lumipas mula ng simulan ko ang Pluma ni Jepoy. Nasa Amerika pa ako noon kaya English ang pag susulat ko. Naka tatlong Header narin pala ako ang unang title ay, "Just so you know" (Pinaka Corny) ang pangalawa ay, "A Cheezy one" (Corny) ang ang pinaka recent ay ang "Pluma ni Jepoy" (Beri Beri Corny), ang cocorny ng header noh? Pero who cares because I care.

Tulad ng recent post ni Drake nag papasalamat ako sa masipag na nag babasa at nag co-comment sa mga walang ka kwenta-kwenta kong panulat. Mahirap mag catch ng attention ng isang mambabasa para pag tuunan ng panahon at basahin ang isang article kahit ako man ganun kung kaya lubos akong nag papasalamat sa mambabasa kong ta-tatlo. Mula sa kaibuturan ng puso ko Salamat sa inyo. Salamat din sa nag bibigay ng award at nag tatag. Salamat po.

Salamat din sa mga sponsors ko. Nike USA. Lacoste.Channel.Louis Vuitton.Versace.Fitness First. Golds Gym.Rolex.Bath and Body Works. Face Shop.Guess USA.Chillis.Sharila Plaza.SM SuperMalls. Thank you po. At higit sa lahat maraming salamat Papa Jesas.

Joke lang ang sponsors except kay Papa Jesus the Author and Finisher of my Faith. Amen

Bow!

38 comments:

  1. Hoy ponkan!Base ako!

    Naks special mention ako dito! well well! Palagay ko may rugby itong blogsite mo, kasi nakakaadik eh!naks meganun

    Medyo ponkan, entertaining kasi ang site mo. titingnan lang namin yung piktyur mo sa gilid natatawa na kami!whahhaha joke lang!

    Pero bibihira lang akong pumuri, kaya matuwa ka kasi pinupuri kita!Pwet ka!

    Ingat bro at maraming salamat din

    drake (pogi)

    ReplyDelete
  2. @Drake Nag bobolahan ba tayo dito?! Wag mo na tignan ung picture ko, siguro may kras ka sakin noh! Ahahaha

    Salamat parekoy!

    ReplyDelete
  3. Si Badoodles pala ang first idol mo. Mejo green yung iba nyang entries di ba?

    Congrats sayo! Kasabay ng Thanksgiving ang anniversary ng blog mo kaya pa-trukey ka naman jan!

    ReplyDelete
  4. @Chyng Oo si Badoodles ang una kong Idol, hindi medyo, green talaga na na coconvert nya into funny post. Ang galing, I wonder, nasan na kaya sya ngayon.

    Salamats po! hihihi

    ReplyDelete
  5. hey first time ko dito

    masaya naman sabahay mo at oo idol ko din si badoodles sayang wala na siyang entries

    ReplyDelete
  6. @Mac Callister Salamat sa pag daan at pag time time to comment :-D

    INgats!

    ReplyDelete
  7. ... isa kah sa kinaaliwan kong blog.. really... very entertainin'... sarap basahin... itz like 'ur sayin' somethin' in a real life then hinahaluan moh nang little comedy to it... in that way nde nabobored ang readers moh... pero sabi nga ni kuya Drake eh minsan u gotta read between the lines.. there are hidden message bawat sinasabi moh.. even siguro sometimes sa pagpapatawa moh...

    minsan den wala akong nagagawa sa buhay kc wala akong ginagawa kundi magbasa nagn blog nyoh.. haha.. nasa skul akoh ngaun and i should be doin' mah paper.. pero asan akoh?.. haha.. pero i love blogspot kc i'm learnin' a lot from u guyz..

    teka 'bout u palah toh?.. lolz.. ahlab 'ur blog and ahlab almost every one of 'ur entries na naabutan koh.. and most of d' time i tried to koment unless hiatus akoh.. sensya na lang minsan essay na ha.. lolz..

    magpatuloy ka sa pagsusulat... natutuwa kme sa iyoh.. may napupulot na aral kahit papaano.. and madalas napapatawa moh kme... 'cause of dat 'ur definitely makin' our day sometimes... so take care... Godbless! -di

    ReplyDelete
  8. Happy birthday to your bloggie! Ü

    ReplyDelete
  9. Hindi mo pinasalamatan yung mga sponsor mong food establishments. Hahaha pek pek.

    ReplyDelete
  10. kahiya! dont even know kung sino si badoodles!...pero salamat sa link mo, tama ka- kaidol idol nga sya!

    congrats sa blog mo naway marami ka pang ipopost mga entry na kapupulutan ng aral! :D

    ReplyDelete
  11. sangayon ako ke pareng drake, entertaining tong site at piktyur mo. at alam mo b na kau ni chikletz ang una sa mga nagtyagang pumallow sa sira-ulo kong bahay...heheheh

    happy tenksgiving, pa turkey k naman.

    ReplyDelete
  12. Hoy! Gising na ako ulit. BWAHAHAHAHA!

    Ang dami ko na-missed sa blog mo. :(
    Babasahin ko lahat yun at magcocoment. Yikes!


    HAVA BERDIE sa BLOG MO!

    ReplyDelete
  13. Nandyan lang si Badoodles sa tabi-tabi. Nasa Friends List ko siya sa Facebook. Sana nga magsulat na siya ulit. Mukhang busyng-busy sa pag-aalaga sa baby. :)

    ReplyDelete
  14. seriously... sino si Bob Ong? hahahaha


    siempre ni-check ko kung nasa blog roll mo ako... TSE!

    hahahahaha

    congrats sa unang taon mo sa pagboblog Jepoy.... keep making kamot of your betlog.... ay keep blogging pala hahahaha....

    ReplyDelete
  15. hello jepoy! wahahaha.
    tagal kong di nakabisita sa blog mo, di ko lam kung bakit everytime na napunta ako dito hinaharang nung anti virus ko. tanging yung site mo lng tlga yung di ko mapuntahan sinumpa na ata ng computer ko yung site mo wahahaha.

    pero dahil lab na lab ko tong site mo o cge pati ikaw lab na din kita,haha, e pinilit kong inalam kung bkit di ako mkpunta dto sa site mo,at ayun naayos ko na,

    di ko lang alam kung paano ko naayos natanggal ata yung anti virus ko kaya nkpunta ako dito hahaha.

    ayun, napahaba yung pgeexplain ko. bsta keep blogging.

    kung si badoodles ang iniidolo mo, ikaw nman ang iniidolo ko.(inuuto lang kita) wahahaha

    bsta turuan mo nman ako ayusin yung site ko, ampanget e. hahaha.
    ingat!

    ReplyDelete
  16. weee happy anniversary to your blog :)

    hahaha geeezzz natatouch ka hanggang "bet@#$" natawa naman talaga ako doon

    ReplyDelete
  17. Ok na sana sa sponsors... jijijijiji... magpapaautograph na sana ako sa iyo eh... jijijijiji... Celebriting celebrity! jijijijiji...

    Baka nga kras ka ni drake kasi ang sweet niya may tawag na siya sa iyo..."ponkan"... jijijijiji

    ReplyDelete
  18. kras kras kras ka ni drake? :

    ReplyDelete
  19. Sinu si Bob Ong?
    SInu sa Badoodldes?
    kasing sikat din ba nila si Jepoy?
    hahaha..

    talagang meganun parekoy.
    madalas talaga,
    dumarami ang nagiging pogi sa blogworld kahit hindi gaanong pogi sa personal..lols
    (hindi related sa topic mo!!)

    o sige na nga, youre welcome na muna!

    ahhh si badoodles din pala ang isa sa mga blogger na naging daan para tahakin ko ang walang kakwenta-kwentang pagba-blog.lols

    apiiiiir!

    ReplyDelete
  20. taeng mga sponsors yan, mas madami pa sa mga sponsors ko.. haha.. :D

    salamat din kuya. :)

    haha.. type k nga nyan ni kuya drake, kunwari pa yan.. uyyy.. hahaha

    nsan n kya ngaun si badoods? nawala, bumalik, nawala uli. ahahaha

    ReplyDelete
  21. musta na? anak nka ng jueteng isang taon ka na pala at siguro mga 5 buwan na kitang sinusubaybayan(kahit di ko masilayan kahit anino mo sa tahanan ko) wahahahahaha

    may sinabi ka sa post mo na talagang hanggang ngayon nahihirapan pa ako... yun yung paano ako mag susulat na swkak na swak sa panlasa ng mga mambabasa...

    corny ko kasi magsulat

    anyway congrats parekoy.... God Bless din

    ReplyDelete
  22. dami mo naman sponsor, puro matitindi pa..

    Hoy! Gising....

    special mention pa si drake ha..

    hindi ko kilala si bob ong, sino ba siya? paano na yan? taga pluto ba ako?

    ReplyDelete
  23. aww this is cute! haha at talagang may sponsors ha!

    ReplyDelete
  24. akalain mo yun bumalik ako dito! OO na jepoy KRAS kita, dahil gusto kong icrush yang mukha mo sa pader!LOl! hangsweet ko naman!hahaha

    Di pala kita kras lab na pala kita!Pakiss nga sa betlog!whahahah

    ISA KANG CERTIFIED na "Nagsasalitang PONKAN"

    ReplyDelete
  25. @Dhianz hindi ko alam kung paano ako mag thank you sa mga sinabi mo, nakakatats talaga ng betlog, hihihihi

    Maraming thank you for appreciating my writings. Pa kiss nga ulet. Mwah!

    @Angel Thank you so much Angel.

    @Glentot Sa susunod na yung mga food establishments. And where is that question coming from?! Kiki ka

    ReplyDelete
  26. @Vonfire Thank you po! Yeah Badoodles is a very good blogger, check his site.

    @Scofield Jr Thank you din Pre, more blogging year for you and more entries to read din. Ingats!

    @Acrylique Ang tagal ko ng nag hihintay sa pag babalik mo I hatechu! Hihihi Salamat Salamat ng marami

    ReplyDelete
  27. @GasDude Honga mukang busy talaga yang si Kuya Badoodles, sana nga mag sulat na sya ulet

    @YJ I hate chu! LOL Salamat sa lakambini ng Maynila hihihi Babalikan ko ang recent post mo, nabasa ko na nakalimutan ko lang mag post hihihi

    @Keso Ewan ko ba sa antivirus pwede naman yung blog ni Paps ang iblock nya bakit ung sakin pa. Ahahaha.

    Salamat keso na miss kita ng beri beri slight hihihihi

    ReplyDelete
  28. @Nash hihihihi Thank you ha

    @IamXprosaic Celebrity ka dyan! Hayaan mo na yan si Drake pag bibigyan ko rin yan one time ahaahahah

    @Anthony Tanungin mo sya ahahahah

    ReplyDelete
  29. @Kosa Dapat talagang sabihing hindi gaanong pogi sa personal?! I hate chu! Aba pareho pala tayong idol natin si Badoodles! Salamat din parekoy! Pa kiss nga mwah!

    @Kox alam mo ba na dun ko nakita ang link mo kay badoodles?! Ang dami mo kasing comment dun ahahaha Thanks Pretty kox

    @Saul Krisna ito naman matampuhing palaka! lagi kaya akong nasa bahay mo. Hindi lang ako nag cocomment minsan kasi hindi ako makarelate sa ka kesohan mo ahahhaa

    ReplyDelete
  30. @Alkapon hindi ka taga pluto, taka milkyway ka buset! LOL

    Wag kang maiingit sa mga sponsors ko, wag kang mag alala dahil sa sumisikat mong blog mag kakaroon karin nyan hihihi

    @Citybuoy Syempre naman! Hihih

    @Drake Sige na nga kiss na kita Pre mwah! Happy?! Ahahhaha

    Ingats parekoy! yung toblerone ko ha

    ReplyDelete
  31. hapi bertdey sa blog mo!

    pakamot ka naman sa betlog,hehehe

    ReplyDelete
  32. HAPPY BIRTHDAY BLOGGIE! HOPE YOU CAN STILL WRITE MORE INFORMATIVE AND TRUE TO HEART..

    ReplyDelete
  33. HELLLLLLLLLLO as in HELLLERRRR hahaha. alam mo jepoy, mas marami ka pang readers kesa sa akin. pero kasi ako nagbabase ako ng readers ko thru comments. yung mga usual na nagcocomments yun lang yung pakiramdam ko ang readers ko. ewan ko pero sige oks lang. hahaha

    ano ba tong entry mo? blog bday entry? eh kung ganun eh CONGRATS and more blog years to come - ang TEMPLATE ko sa pagbati sa mg blogkada kong nagcecelebrate ng anniv hahaha :D

    ReplyDelete
  34. CUTE naman ng blog mo....

    at may first idol ka pa....

    Well, buti at may magaling kang tutularan..

    I like your blog :)

    Love it!

    ReplyDelete
  35. @Powkie Thank you so much, pakikamot please hihihi

    @Tim I appreciate your comment, thanks

    @Popoy LOL, salamats popoy basta one thing is for sure counted ako sa mambabasa ng blog mo hihihi

    @Mangyan Adventurer Thank you so much for the comment. I appreciate it

    ReplyDelete
  36. tutoo jep mahirap maka-catch ng attention. ewan ko nga kung bakit ako andito siguro nabudol budol mo ko sampu ng iba pang mga inosenteng bloggers dito. mahuhuli ka rin ng pulis.

    ReplyDelete
  37. @RandomStudents Salamat sa pag bisita, na mimiss mo ang comment mo pag hindi ko na kikita sa mga entries ko.

    ReplyDelete
  38. love for pumaaaaaaaaaaaaaaaaaaa

    ReplyDelete