Wednesday, September 30, 2009

Blogger ka ba?

Blogger adik ka ba? Maraming klase ng blogger pero sa sarili kong opinion at obserbasyon ito ang mga sinyales na adik ka sa blog.

1. Una sa lahat nag babasa ka ng blog ng iba. Oo nag babasa hindi nag ii-scan para lang mabisita ang blog mo. Binabasa mo ang blog nila at ni nanamnam mo ang kada tipa ng sulatin nila. Hindi naka base sa kagandahan o kapogian sa profile pix nila ang pag pasyal mo sa bahay nila kundi sa content at paraan ng pag su-sulat nila dahil kung sa profile pics ka lang mag ba-base eh masasabi kong mag fez buk ka nalang para mag lagay at ibuyangyang ang maraming pictures mo shit ka! Jowk lang hindi ako galit.

2. Ina-add mo sa blog Roll mo ang mga blog site na gustong gusto mong basahin tapos pag may bago silang post eh kating-kati ang pwet mong basahin ang entry nila. Pwede narin ang google follow. Kung minsan naman ay nag pa-pa-pansin ka sa mga blogger na gustong gusto mong basahin pero dini-dead-ma ka parin nila kasi your a shit to them, pero ok lang 'yun shit rin naman sila sayo. Pero kahit ganun ay ina-add mo parin ang blog nila sa blog roll mo kasi gusto mo naman silang basahin talaga. In the first place nag e-enjoy kang basahin ang gawa nila at kapag finaly ay pinansin ka na nila eh bonus nalang 'yun sayo, ibig sabihin lang nun eh medyo may saysay na sulatin mo for them. Wag kang mag alala kasi ganun ka rin naman.

3. Hindi ka mapakali ng madalas dahil feeling mo gusto mong isulat ang bawat sirkumstansya na nagaganap sa paligid mo. Pero madalas naman pag harap mo para tumipa at mag sulat ay wala kang masulat kamote ka! Oo parang tanga lang. Pero dahil nga adik ka gusto mo paring mag sulat at sa tuwing may nag kukumento sa gawa mo ay ang ngiti mo nga naman ay hanggang betlog.

4. Nagkukumento ka sa mga blogger idols sa nga sulatin nilang nagustuhan mo dahil kung hindi ka nag kukumento tapos binabasa mo naman ang sulating ito ay ang strong bones mo. Madalas ay nag pa-pacute ka sa comment mo pag maganda ang may akda ng isang blogsite sa profile pix nila, jowk lang 'di kasali 'yun.

5. Minsan ay magigising ka nalang at ang una mong gustong gawin ay i-check ang blogsite mo bago pa man ang ibang website. Pag dating naman sa trabho instead na unahin na icheck ang Outlook mail mo ay mas pinipili mo pang silipin ang blogsite mo or worst ay mag bloghop kaagad.

6. Pag Birthday ng blogger friend mo (like me malapit na) gagawa ka ng picture greeting at i sesend mo sa iamalivingsaint@gmail.com para batiin sya sa burtdey nya kasi gagawa sya ng video remembrance para pag sawa na mag blog merong memorabilia :-D

7. Minsan na ngangarap karing gumanda ang template mo. Pero minsan ok na sa'yo ang itsura ng bahay mo sa blogosperyo. Minsan na pwe-pwersa kang matutu ng very very slight sa mga html,php at java para ma paganda ng konti ang bahay mo. Pero kung pinakialaman mo ang template at biglang nabura ang blogroll mo or entries mo eh medyo may pag ka malas ka lang. Mag tanong ka sa susunod.

8. Dumarami ang blogger friends mo at naaliw ka dito ang iba nasa fezbuk muna ang iba katwitter mo na. Minsan nakaka inuman mo na sila or nagiging totoong tropa na. Cheers to new friendship! Not sure lang kung lumalove life 'yung iba.

9. Smart ka at competetive. You belong to class "S" na halimaw. Wait lang hindi ko alam kung paano ko i-susuport ang statement number 9. Pero agree tayo Perekoy diba?! Woot Woot!

10. Ang pang huli ay sumusulat ka ng naayon sa puso mo in a constant manner.Pwedeng tungkol sa Hurtfullness.Loveliness.Funnythings.Techyness.Informationstuff.Cookingtips. Picturefull.Personification Ilan yan sa mga makikitang laman pero ang puno't dulo galing sa puso at gusto mong i-share sa buong mundo otherwise naka secure lang ang blogmo para sa piling tao or para sayo lang.

Happy Blogging!!!!


40 comments:

  1. parang hindi naman totoo yung number 6. hahahahahah!!!!!

    the rest pwedeng totoo na. hahaha

    ReplyDelete
  2. very well said!

    dati rati puro music, movies at men lang ang kinaaadikan ko, ngayon pati pagboblog na!...enjoy naman kc talaga! :D

    ReplyDelete
  3. oo blogger ako..lols

    teka nakakalimutan ko pala yung picture greeting ko sayoo..

    magawa nga muna!
    hehe

    ReplyDelete
  4. Ay hindi ako blogger adik!... di nga... wag na kasi... di nga sabi eh... kulit eh... basta hindi... peksman! jijijijiji

    ReplyDelete
  5. @Paps naka base karin ah! Una sa lahat 'yung number six lang ang fact lolz Umayos ka wala parin ang picture greeting mo bilisan mo! :-D

    @VOnfire Thanks! Uy ngayon lang kita ulit nakita sa bahay salamat sa pag comment. Enjoy blogging din

    @Kosa Oo nga nikakalimutan mo. Hmp! Bilis gawa na!

    @Xprosaic Umayos ka! Gawin mo na ang point number six

    ReplyDelete
  6. tablado ako sa unang una pa lang ah :) kasi naman minsan mas minamabuti ko pang maglaro sa facebook, hehe naiiscan ko na lang ang ilang mga post na sobrang haba, tsaka parang hindi nga totoo yung no. 6 haha
    minsan napapanaginipan ko pa ang blog ko weh o.a. na ako :D

    ReplyDelete
  7. andaming segway....sa tingin ko ang #6 ang pinakimportante right now...heehhehehe at yung #9, pagsobra na dun super sayan ka na...

    additional, ang isang blogger adik ay laging may cbox at feedjit...

    happy birthMonth to You!!!

    ReplyDelete
  8. @Anthony Isa ka pa. Dapat mong gawin ang number six. Umayos ka!

    @Scofied Jr. Hey My Man. THanks for sending the Picture greeting nice one :-D True nakakaaliw naman kasi ang cbox. 'Yung fidjit anu 'yun donut? LoL

    ReplyDelete
  9. Ahahaha..ang bottomline ng entry nito eh yun number 6 para i-remind nya tyo na gumawa na tayo kasi nga Oct na ngaun. lols!

    ReplyDelete
  10. @Kablogie Sana hindi Judgemental diba?! Tsaka wala pakong na rereceive na picture greeting Sir

    ReplyDelete
  11. hahahaha, jeps, ang lakas ng tama ko dun sa number 2, feel na feel moko... kasi nabuburaot ako kapag inadd ko na sila sa blogroll ko tapos sila di pa nila ako pinapansin eh kyut naman ako, like you hihihi...

    at tsaka, wala pa akong nare-receive na picture greeting haaayss, pwede bang manawagan dito? hahahah!

    pero ang number 1 trait talaga na napansin ko sa isang blogger addik?? PAPANSIN! hindi naman sa KSP tayo, pero feeling lang talaga natin eh meron silang dapat pansinin sa atin...

    By the way jeps... eto pala regalo ko sa birthday mo...
    "Ina-add mo sa blog Roll mo ang mga blog site na gustong gusto mong basahin tapos pag may bago silang post eh kating-kati ang pwet mong basahin ang entry nila."
    ---> describes me towards you (nakks) pwera bola kahit mukhang bola ka na hehehe!!! (oks lang yun, kyut naman)

    ReplyDelete
  12. sumusulat ako ng mga entry dahil yun ang nararamdaman ko at gusto kong ibulalas yun. makwento akong tao sa personal pero kapag kaclose na kita.

    madali lang naman maging blogger, basta may puso ka, or kahit wala. ;)

    ReplyDelete
  13. Talagang isiningit ang picture greetings!heheheh! Teka nakailan ka na ba?Marami na ata eh!

    Medyo tama naman lahat ng sinabi mo parekoy! ako basta lahat ng nasa blogroll ko pinipili ko talaga at sinasala!naks naman!

    Pero isa lang ang masasabi ko isa kang certified "ADIK" sa dahon ng kamoteng kahoy!


    Ingat

    ReplyDelete
  14. happy birthday in advance! :D tama tong listahan mo. sige na nga, pati number 6. haha

    siguro mahina lang ako pero di ko gets yung number 9. as for the last statement in number 8.. ahihi meron diyan. madami

    ReplyDelete
  15. hahahahhaha natawa ako. lol!

    aynako...ayaw na ayaw ko ung magsascan lang ng entry ko tapos magcocomment (na halatang di nabasa kasi kunwari cocommentan nia ung first paragraph ko e may resolution naman ung sinabi ko sa last paragraph so halatang d nia tinapos kasi ung reaction nia halatang d talaga nabasa lol) tapos after non "ex links?" lol... at ang masaklap, after mo sila i-add at binisita mo sila, d ka na nila bbisitahin evur. lol. para lang ma-add sila sa blogroll mo at ma-advertise sila.evur. hahahhaa. used na used ang ending e noh? lol

    VIDEO UNG GREETING KO SAYO!

    ReplyDelete
  16. waaaahhh!!nakalimuan kong gumawa ng picture greeting..gagawin ko na to..promise..!tinatamaan lang ng pagkaulyanin..hehehe

    buong puso kong isisigaw..

    BLOGGER AKO!!hehehe

    ReplyDelete
  17. oo blogger ako... anak ka ng jueteng....

    musta ka na parekoy? binaha ka ba?

    ayus ang post mo ah...

    bigla ako napaisip sa mga sinabi mo....

    ReplyDelete
  18. Haha!

    Blogger ako at nalaman kong marunongpala ako magsulat. Nalaman ko rin na may jepoy sa mundo. at nalaman ko ring may number 6 pala!? OO,alam ko nag-romise ako. teka lang. naglilinis pa kami ng remnants ni Ondoy sa bahay. Magagawa ko rin yun ASAP! :)

    ReplyDelete
  19. agree with your post.. kaso yung number 6... uhmm, nyahahhaa...

    may bago na akong tahanan kaya inoopen ko lang blogger para magcheck kung may new post mga nisusundan ko...

    i-visit mo rin bagong tahanan ko.. :p

    ReplyDelete
  20. hmmm.. medyo lang ang pagkaadik ko..

    kating kati akong basahin kapag may bago kang post, lols..

    naisingit talaga ung picture greetings, hehehh!

    ReplyDelete
  21. @Yannie Hindi ko matatanggap ang ganung birthday gift! LoL Ang gusto ko picture greeting period ahahahaa

    @Popoy Tama ka dahil hindi lang saking ang may puso (Ang corny na) basta sulat lang ng sulat kahit anu pa yan.

    @Drake Kuya Drake hindi po kinakain ang kamoteng kahoy, FYI lang. Ang kinakain ay ang kamoteng gumagapang sa lupa

    @Citybuoy Salamat sa greeting pero mas masaya kung may picture greeting. Ahahaha

    ReplyDelete
  22. @Traveliza Agree ako sa sinabi mo mga ummiistyle lang ang mga 'yun. Ay ang tagal ng video greeting :-D

    @Superjaid Bilis gawa na! Hihihi

    @SaulKrishna Ayos naman ako Parekoy steady lang at waiting for the picture greetings ng mga ka tropa sa internet tulad mo.

    @Acrylique Hayun ang kaunaunahan kong naging friends sa blog kaya dapat may picture greeting ka sakin lolz

    ReplyDelete
  23. @Raye Sure! Anu ba ang link ng bago mong bahay?!

    @batang Henyo Syempre naman kelangan talaga yun kaya sana mag bigay ka na diba!

    ReplyDelete
  24. oo blogger ako....ng mga walang kwentang kwento,hihihi

    edvenz hepe bertdey jepey!!!

    ReplyDelete
  25. agree ako halos sa lahat ng sinabi mo dahil ganun din ako...

    yung tungkol sa 7... sa template. yup. minsan, gusto ko ring gumanda hitsura ng blog ko... pero ang paniwala ko, wala sa hitsura yan... nasa content...

    yung 9 di ko gets.

    ReplyDelete
  26. di ako blogger..hehe..mahilig lang mag blog..wala po pala ako picture greeting na maipapadala sa iyo..

    ReplyDelete
  27. may number 6 ba kuya? hahaha.. kahit nabahaan kme, at wala akong laptop, igagawa kita :)

    blogger akO! :)

    ReplyDelete
  28. Magtrabaho ka nga blog ka ng blog mamaya may mapasabog ka na namang planta.

    ReplyDelete
  29. @Arvin Ok lang po kung wala. Ingats!

    @Powkie Salamat sa pag bati, pero kelangan ko ng picture greeting at hindi walang kwenta ang blog mo. Meron meron meron!

    @Gillboard Hello Sir! :-D 'Yung number 9 binasa ko ulit ang gulo nga ahahahha Ang gusto ko lang sabihin Ang mga adik na blogger ay smart 'yun lang po :-D

    @Kox Aylovet! hihintayin ko ang gawa mo syempre :-D Excited na ko

    ReplyDelete
  30. @Glentot Walang sasabago na Planta on my Watch!!!!! Salamat sa Picture greeting mo Pareng Glentot Appreciate it!

    ReplyDelete
  31. Ngek!!Di pala ako blogger, kasi di ako makakapagpadala ng picture greeting sayo..kasi nga diba shamera chy ako? lolzz

    ReplyDelete
  32. biglang na segue ung picture ah. LOL! paalala mo ulit sakin sa FB. makakalimutin ako eh. pramis!

    ReplyDelete
  33. kailangan talaga may number 6? haha! :D

    ReplyDelete
  34. Haha... Nice!
    Guilty ako doon sa ibang items.
    Di ko pa masabi na adik ako.
    Adik na ba yung, hinihinto ko ang trabaho para lang mag-drawing para may maipost sa blog?
    Hindi naman, diba?

    Hehe.

    ReplyDelete
  35. hahahha yey nagreply ka na! hahahahhaa blogger addict. lol

    ReplyDelete
  36. babaguhin ko ung video. sabog ako ron hahahha

    ReplyDelete
  37. ay syete naman nakalimutan ko ulit.... dont worry aayusin ko yun pag uwi mamaya... pwamis!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!

    ReplyDelete
  38. @Lord CM sabagay hindi ko naman ma pipilit 'yung ayaw diba kuya?! Ang sad naman noh?

    @Chikletz sige sige papaalala ko mamyang gabi ok

    @Homer Oo naman Atty Sali ka ha :-D Pakita mo na ang pangartistahin mong picture greeting. Thank You!

    @Traveliza Oo na excite ako sa video greeting mo :-D

    @Krishna Yay! Mag madali at isend na ok!

    ReplyDelete
  39. CHORVA ang beauty mo ang demanding ... hahaha
    SOrry , di naman ako marunong gumawa ng picture greeting nyahaha! pano ba yun???

    ReplyDelete
  40. this advertisement is paid for by jepoy forever fans club

    ReplyDelete