Friday, September 11, 2009

Randomness

Habang tumitipa ang matatabang daliri ko sa mga letra ng keyboard . Sabay namang titig ng mapupungay kong mga mata sa monitor. Habang ang subconscious mind sa parte ng oblongata ko ay lumilipad, at pilit na inoorganize ang random thoughts sa kasuluk-sulakan ng kawalan ay parang 'di ko mapigilang hindi mag emo.

Baket?

Sa kadahilanang may mga pangyayari sa opisina na medyo naging kagulat-gulat para sa akin. Kahapon habang ako ay nag tratraho ng tahimik. Oo nag tra-trabaho ako. Fine! habang nag blog at nag tra-trabaho ng taimtim ay may nabasa akong isang email na tunay na nakaka pag pa back-lift sa aming lahat. Ang content ng email ay ganito:

(Tinanggal ko na ung letter bawal daw kasi, pero ang laman ay nag sibakan ulit)

Pag katapos kong mabasa ang email ay hindi kaagad nag sink-in sa akin ang gravity nito. Pero ngayong araw na ito, nang masibak ang dalawa kong kaibigan sa Istates ay talaga namang ako ay nalungkot. Kelan nga ba matatapos ang recession na ito? Hindi tuloy ako makapag abroad ulit upang tuparin ang pangarap kong maging OFW dahil sa takot na walang mag hi-hire sakin, gusto ko pa naman kumain sa IHOP.

Ang sabi kasi ng mga tropa, mahirap daw lumipad at mag hanap ng work doon. Una sa lahat, kelangan mo ng pambayad ng plane ticket, at pang tustus sa pambili mo ng long islib at islaks at kurbata para sa final interviews mo. Tapos, papasok din ang katanungan ng timeline at baon at bayad mo sa titirhan mo. Wala ng libre sa panahon ngayon. Ang easiest way ay ma-hire ako kagad sa Pinas pa lang para mag trabaho doon- saan mang lupalop ko gustong pumunta which I think is napakaliit lang ng chances specialy sa mumunting skill set na meron ako.

Hayysss!

On the brighter note, Hindi pa naman ako na sibak. Dahil sa Istates lang ito nangyari which I think is a strategy ng company kasi nga sa tingin ko taymis three ang sweldo ng isang Engineer dito kumpara sa isang Engineer doon. But that doesn't make me feel safe, maraming pwedeng mangyari sa hinaharap at tanging sa pag kapit lang kay Papa Jesas ang pag asa.

Anywho barbequeue, tinanong ako ng isang kaibigan baket daw ako nag blog at ano daw ang napapala ko dito. Edi sinagot ko sya.

"Wala"

"Nye, pwede ba yun?"
"Oo naman, dapat ba lahat ng bagay may dahilan?"
" I think so.."
"That's what you think. and what you are thinking is wrong"
"OK fine, e anong napapala mo?"
"Wala rin"
"Tsong lokohan na to!"
"Sus! Edi wag kang maniwala"
"Teka pano mo nalaman na nag blog ako? e sabi mo hindi ka nag babasa ng mga blog blog na yan"
*Silence*
"Mmmmm Siguro piniprint mo sa office at Kinokolek mo tapos nilalagay mo sa Folder para basahin ulet"
"Ulol"
"Sa susunod pag nagbasa ka mag koment ka! Bwahahaha"
"Tangina kulit mo! baket ko naman babasahin ang tungkol sa MRT experience at Blog Nomination mo"
"Huli ka!"
"Uwi na nga ko, ang init dito sa inyo tsaka amoy insekto"
"Sige Pre ingat ka ha, tsaka don't forget to comment next time"


*************The End******************************



16 comments:

  1. ayon binabasa nya rin pala ang blog mo... hehehe

    ReplyDelete
  2. nako ang hirap na talaga ng buhay dito. baon na sa utang ang amerika. tsk. daming walang trabaho ngayon. daming naghahanap.. hayyy..

    ReplyDelete
  3. haaay, kelan nga ba matatapos ang recession na ito...andame kong kaibigan na gustong pumunta dito pero sinasabihan ko sila na wag muna next year na lang pag nagstabilized na ulet kase nga super higpit na ng gobyerno ng SG sa paghihire ng foreigners kase pinapa-priority nila ang mga local workers...nagmumukha tuloy akong kontrabida sa mga friendships ko (saket sa ulo...ayoko lang naman na mauwi sa wala yung pagpunta nila dito,tsk tsk)

    nagbabasa rin deny deny pa...ahahha, siguro crush ka nun?lol

    ReplyDelete
  4. hahahaha wag ka masyadong nega... hindi ka ma sisibak dyan kasi magaling ka(yata) hahaha
    smile naman jan... tagal na din ako di nakapag comment sa iyo ah...

    ReplyDelete
  5. Tama!wag kang matakot, di ka masisibak kuya, Ü

    deny pa sya, binabasa naman pala ang blog mo, hahaha adik!Ü

    ReplyDelete
  6. ikaw pala si jepoy?!?!
    kadalasan kasi inaassociate ko
    yung mga bloggers
    sa profile pichurr nila
    at ayun
    sa wakas napangalanan ko na rin
    yung nasa utak kong
    profile pic
    ahahaha

    bakit nga ba ako nagbablog?
    hmmmm
    wala lang
    bored lang ako sa buhay ko
    hahahaha

    at oo
    ang daming utang ng nga kano
    di marunong magsibayad!
    mgahuwalanghiyasila!
    haha









    .xienahgirl

    ReplyDelete
  7. haay pahirap ng pahirap na nga ng buhay!...

    buti na lang may mundo ng blog, makapag-escape man lang sa realidad! :D

    ReplyDelete
  8. I can relate Jeps! Apir!haha

    ReplyDelete
  9. Gaya ng payo ko sau sa FB mag Japayuki ka pwedeng pwede ka pa sa mga hapon hahaha...

    ReplyDelete
  10. recession nga naman. nakakapraning.

    ReplyDelete
  11. kahit bata
    palang ako
    dama ko
    na
    hrap
    ng life
    wala
    na nga talagng
    libre
    sa mundo
    http://putokaputoko.blogspot.com/

    ReplyDelete
  12. napakahirap na talaga ng buhay, kaya dapat ipagpasalamat mo kay papa jesas na may trabaho ka at ubod mo ng lusog ngayon. Na kahit maghirap ka hindi halata!hehehe joke lang!

    Count your blessings bro (1,2,3,4,5,6)

    At tungkol sa tanong ng epal mong kasamahan kung ano napapala mo sa pagboblog, eh sana ganito ang sagot mo

    Eh ikaw ano ang mapapala mo kung sagutin ko ang wala kwenta mong tanong?heheheh

    ingat

    ReplyDelete
  13. recession din tsaka process excellence reason why andaming nawala sa mga dati kong officemate..

    buti na lang i resigned na dun.. ang laking percentage na ng mga barko ang nasa dock e.

    ReplyDelete
  14. @MarcoPolo Onga binasarin naman :-D

    @Chikletz Hayyyy Hayyy Hayyy

    @Deth Sana nga matapos na ang recession na ito

    @Saul Gumaganun pa. Welkam back sa bahay ko

    ReplyDelete
  15. @Superjaid Sana nga po

    @XG Salamat at naramdaman din kita sa bahay ko. Alam mo namang kras na kras kita ang lab na lab ko ang blog mo :-D

    @Vonfire True, ang hirap talaga ng buhay sa panahong ito

    @PinkNote Apir!

    ReplyDelete
  16. @Kablogie Ikaw nalang mag japayuki! Ihatechu :-D

    @Citybuoy Nakaka Praning talaga

    @Carl Oi salamat sa pag bisita ang pag kumento :-D

    @Drake I agree count your blessings

    @Raye haist!

    ReplyDelete