Sabado ng umaga end of shift na. Nag kwekwentuhan kame ng mga ka opisina ko kasi weekend na ulit, pinag uusapan kung ano ang mga plans over the weekend at kung anu anu pa. Nag excuse ako sandali sa session para sumilip sa labas kasi alas otso na ng umaga pero madilim parin at napakalas ng ulan.
Hindi ko alinta na may panganib palang nag babadya sa kalakhang Maynila 'nung araw na 'yun ni hindi ko rin alam na meron palang tropikal depresyon na tatama sa Maynila.
As usual, natapos ang kwentuhan ng may tawanan at saka nag paalaman na sa isa't isa at nag sabihan ng Happy Weekend. Pag baba medyo mahangin at malakas ang unos ng ulan. Dumaan ako sa ATM machine para mag withdraw ng pera na gagamitin sa pag siesta para sa araw ng sabado at linggo kasama narin ang offering para kay Papa Jesus sa Sunday.
"Toot..Toot.." Pang huling sabi ni ATM Machine, sabay labas ng kaunting pera. Kinuha ko ito ng may ngiti sa labi. Dahil malakas ang ulan at hangin naisipan kong wag ng lakarin ang Ang Ortigas, Pasig palabas ng Shaw boulevard. Sinabi ko sa aking sarili na mag cab nalang ako tutal naging matipid naman ako this past week. hindi ako nag pa gasulina at hindi ako nag fast food kahit isang beses.
Dumating ako sa Unit ng mga bandang alas nuebe ng umaga malakas parin ang ulan. Dahil nga ako ay sa gabi nag tra-trabaho kinakailangan kong matulog para may sigla ako ng Sabado Nights para sa plano naming pag bibidyo-oke. Syempre kantahan yun. Dapat prepared ang boses ko para bumirit at bumangka all night.
Tumae ako. Nag shower. Nag facial wash at nag toner (susyal). At Nag basa ng Sookie Stack House book 2 (Living Dead in Dallas). Naka tatlong chapter lang ako at nag decide ng matulog. Dahil malamig ang panahon nag decide na akong wag mag aircon at kahit na gugutum ay hindi na kumain pa.
Bandang alas dose ng tanghali. Nag ri-ring ang phone ko.
"Powtangena naman, 3 hours palang ako na tutulog. Sinu naman ang tumatawag??!!!" kinansel ko ang first call
Mayaya nag ring ulet.
"Anu ba naman to!" Naiinis kong sambit. Sinilip ko ang at napansing si Mama pala ang tumatawag. Sinagot ito.
"Anak, kamusta ka dyan bahang baha na daw sa Maynila. Wag ka na munang umuwi dahil lulubog ang kotse mo sa edsa"
"Huh?! Anu ba meron?"
"Tanga! may bagyo at bahang baha na"
"'Weh Dinga?!"
"Tigilan mo ko, sinasayang mo load ko!"
"Ma, 3 hours pa lang tulog ko, wag kang mag alala safe po ako dito tsaka pag na baha ako lulutang ako kasi diba healthy nga?!. Tsaka 'Diba may dugo tayo ni Poseidon?"
"Sinu namang Poseidon yan?! Tigilan mo mga biro mo ha, basta wag kang lalabas dahil delikado ngayon"
"Wow na tats ako, Oo sige pag uwi ko bibigyan kita ng pera at hindi ako lalabas pramis..."
"Sige damihan mo ha. Sige na bye na kasi mag lilimas pa kame ni Papa mo, pinasok ang terrace natin."
"Tawagin nyo nyo kung katulong natin sya pag limasin nyo tsaka joke lang pag bibigay ko ng pera"
"Tanga! Wala tayong katulong at tsaka wala ng bawian sinabi mo na nabibigyan mo ko ng pera"
"Ok fine, Ingat kayo ni Papa. I love you"
"Love you Too. Bye"
So, hindi na ako na katulog masyado. Sumilip ako sa bintana. Nasa ika anim na floor ako. Nagulantang ako at nanlambot nahil hanggang tuhod na ang tubig sa baba e hindi naman binabaha ang lugar namin ever.
Punyeta yung babes kooooooooooooo! Kahit na ayaw mag start 'nun minsan Mahal ko parin sya dahil mabait na sya lately
hindi na ko nag brip at sinuut ko nalang ang aking padjama at butats na puting sando at dali daling tumakbo sa ground floor para i-check ang babes ko.
Pag dating sa baba
OMG! napatakbo ako at niyakap ang aking kotse habang sinusuung ang baha, isang dipa nalang aabutin na ang kanyang makina. Tuliro ako hindi ko alam ang aking gagawin. HIndi ko naman sya mailalabas kasi mas mataas na ang tubig sa labas. Ang baho ng tubig. Amoy hiningang nag breakfast ng tae. Shit! Nangigilid na ang aking luha yung para sa mga pelikula ni John Llyod ganun na ang aking tears, hindi ko naman kayang buhatin sya at hintaying humupa ang baha, effor masyado 'yun. Nan gigilid na talaga ang luha ko. at tulirong tuliro ako. Hindi ko alam ang gagawin ko.
Lumapit si Manong guard. Sabi nya.
"Sir Start nyo na po yang kotse nyo tapos lipat nyo sa second floor malapit na pong maabot ang tambutso nyo, marami pa pong slot 'dun".
Grabe.. good thing you are safe Jeps.. Umuulan pa nga rin, dito samin lalong tumataas ang tubig, sana pawala na jan sa inyo.. God bless..
ReplyDeletesana lang pagbaba mo dala mo ung susi ng kotse!!!
ReplyDeleteanong nangyari pagtapos? bitin!
Kasi naman dapat nag brip muna nang magkalaman ang utak HAHA! Seriously, good for you, may angel ka in the form of a gard LOL.
ReplyDeleteSusyal susyal mo naman kasi may kotse at aircon ka!
ReplyDeleteTanong lang paano kung nagkaasawa ka, sino ang uunahin mong iligtas yung asawa mo o si babes? (wag kang pilosopo baka ang isagot mo ay "sarili"mo muna ang ililigtas mo)
ingat
@Pinknote Sana nga tumigil na ang ulan dyan, dito medyo maraw ng konti. Stay safe!
ReplyDelete@Azel Hindi ko nga dala lolz umakyat pa ko ulet lolz Safe naman Azel. All good po. Hope your loved ones are all ok.
@Random Student Connected ba yun?! Excuse 'yung picture greeting wala parin!!!!
@Drake Susyal ka dyan! Uhmmm regarding sa question, I'll just cross the bridge when I get there sa ngayon kotse muna lolz
Chu-chal! Me tsikot! Ako nga nagji-jeep lang ako sa Pinas eh.
ReplyDeleteNabitin din ako sa kwento. Hindi ko alam kung lumutang ka nga sa baha. LOL
@Gasul Chuchal ka dyan! Lumutang ako sa baha. LoL I hatechu kaw na ang macho!!!! 'Yung picture greeting ko wala parin?!
ReplyDeleteayun naman pala! saved by manong guard!
ReplyDeletei'm glad you're safe. kahit kelan talaga benta ka sa akin! panalo yung paguututang-dila niyo ni mamâ! hehe
aaawwww...nasave mo ba si babes?
ReplyDeletebilib it or not, may konek ang brip sa mental state of a man. anyway, trivia question ba ung whether or not lulutang ka? ano ba ending ng kwento kasi? to follow ung picture greeting, dude.
ReplyDeleteMukhang mas interesado akong malaman kung lumutang ba talaga?!... uhmm... ikaw at si babes mo kung sakali... jowk lang... jijijijiji... glad ur safe...
ReplyDeletejeps... ito lang ang masasabi ko sa post mo....
ReplyDeletehahahahahahahahahahahhahahahhahahahahha (*rolling on the floor*)
bitin! naisalba mo babes mo?
ReplyDeletein all fairness ang cool ng mom mo hehehehehe
ReplyDeletemalamang nalamigan ang betlog mo kaya todo emote ka kaagad...hihihi
ReplyDeletebuti naman at safe ka jepoy...wawa yung iba no?
@CityBuoy Cool Mom noh?! LoL Yeah Manong Guard Actually saved the day :-D
ReplyDelete@Deth Oo na save ko naman sa awa ni Papa Jesus. LoL
@Random Students Hindi pwedeng to follow kelangan ngayon na lol
@IamXprosaic Oo lumutang ako! happy?! I hatechu.LoL
@Yanie LoL, Imishu ngayon ka nalang napadaan at nag comment :-D
ReplyDelete@Achiemon Nasalba naman sa awa ni Papa Jesus. :-D
@Yj I have to agree She's so cool, really!
@Powkie Ahaha Natawa ako dun. We are all safe ate Powkie
awww...
ReplyDeletepaskay! lols
buti naman at may second floor pala yung parkingan nyo.. yung ibang mga sasakyan basang sisiw ang drama nung nakaraan.... taena yung kaisa-isang taxi na pinapasada ng erpat-erpatan ko nalunod!
@Kosa Pag uwi sige pasyal kita mag dala ka lang ng marmaing toblerone.
ReplyDeleteAwwww Kawawa naman ang erpats erpatsan mo, padalahan mo nalang ng pambili ng taxi. Mayaman ka naman e.
Chillax
Buti na lang na save mo ang baby mo kundi good bye NALA yun!! may kasamang kaskas pa sa credit card..ahihii
ReplyDelete@Istibi Buti na ngalang kung hindi ma dadagdagan ang sakit ng ulo ko and stress. Baka mag ka pimple pa ko panu na ang launching movie ko. LoL
ReplyDeleteamp bakit parang bitin? o ganun talaga. Jepoy papadala ko na yung picgreeting mo. kinuhaan ko yun habang lumalangoy ako sa baha. syempre joke yan hahaha. wala bang bloggers EB sa bday mo? lol
ReplyDeletePopoy
Eh okei naman pala yun tsikotski mo eh..teka naibigay mo ba sa mama mo yun pera? lols!
ReplyDeletetakte naman.. usapang bagyo pero nakakaaliw pa rin talaga post mo.. wheheh
ReplyDeletenangingiti tuloy ako mag isa dito. nyahahah
first of all... GLAD YOU'RE SAFE JEPOY!
ReplyDeletenatawa naman ako sa usap nio ng mom mo hahaha sweetness din in fairness...
love ko ung ending. haha. ikaw naman kasi-- drama mode agad... hahaha buti anjan kuya guard hehehe. :)
pero aun... seryosong usapan, glad you're safe. take care sa inyo ... lagay mo na lagi ung car mo sa taas
@PoPoy HOnga no magandang ideya ang bloggers EB sa burthdey ko, sige papasara ko ang edsa dun tayo mag iinum, syempre joke lang din 'yun. LoL Nasan na ang picture greeting? LoL
ReplyDelete@Kblogie Honga oki naman sya at hindi ko pa nabibigyan ng pera sa Ermats. LoL
@Raye Mapangiti lang kita masaya nako (Gumaganown! hanep!)
@Traveliz Thank you po. Pa kiss nga, mwah at reminder ang pic greeting wag kalimutan lolz
ondoy baduy
ReplyDelete@Glentot Who u? LoL
ReplyDeleteweh di nga may bagyo?
ReplyDelete@Paps Ay wala Sir likhang isip ko lang siguro 'yung bagyo. lol
ReplyDeletebuti naagapan. and nicer too know you're safe.
ReplyDeleteLOL VIDEO UNG AKIN!
ReplyDeletehaha. 9am ako umalis sa eastwood then 3hrs ko nilakad mula ofis hanggang haus namin sa Cainta. haha. pagdating dun, kinabog ko na sa paglangot si dyesebel at marina. haha.
ReplyDeleteTHANK GOD everything is ok now. Kahit ilang bagyo pa ang dumating sa buhay ko. Kahit gaano pa kalalim ang bahang lalanguyin ko. KAKAYANIN KO! :)
- Ganun talaga yung pulang lobo. Di nga raw nya maintindihan ang blog ko kasi tagalog. QUITS lang kami. kasi yung kanya, ingles kung ingles.
ReplyDeleteMoving on, I am getting there. :)
johnlloyd pala itetch!
ReplyDeletewala ka pala ke manong guard eh, cool as ice, parang taong bato lang kung mag advice.hehe.
kamusta ke babes.
yung pera ni nanay, wag limutin!
@Chyng Thanks, It's nice to know your safe too.
ReplyDelete@Traveliza WoW video talaga na excite naman ako lol
@Acryliqe I'm glad you safe :-D
@Manik Naman! :-D At 'yung picture message wala pang dumarating
jep mabuti hindi ka masyado naapektuhan ni ondoy, ingat lagi parekoy
ReplyDelete