Super astig ng little avatar ko sa BuddyPoke sa fezbuk. Ang sabi nga ng ilan sa officemates ko eh, kamuka ko daw. Slimmer version lang (Gumaganown pa sila). Ang totoo nyan hindi ko alam kung paano sya patatabain ng konti. I guess wala lang talagang option doon sa avatar creation or may pag ka stupid lang ako?! Not sure about that. Wala lang, I kinda thought of sharing it here. Ang pogi kasi eh, kasing pogi ko lang sa totoong buhay. Tignan nyo (Walang kokontra site ko 'to!)
Well, today is slow Monday. Gusto ko naman ng slow para makapag concentrate naman ako sa blogging career ko without compromising my output at work. Ang efficiency rate ko ay within limits parin pero syempre, hindi parin ako nag papakita na nag blo-blog ako sa kinuukulan kasi mahalaga din na i-manage ang perception ng mga nakataas sayo. Ang tawag daw doon ay Perception Management.
Alam nyo ba mga Parekoy, kahit ikaw ay istudent kelangan morin i-manage ang perception ng Prof mo sayo, kelangan mag tali-talinuhan ka sa iskul. Bibo kid ika nga nila, kahit ang totoo pa-bibo ka lang naman. Minsan ko ng napatunayan ang powers ng perception management sa work at sa iskul. Pero today ang i-she-share ko ay kung paano ko ito na patunayan sa iskul.
'Nung first year college ako meron akong subject na Chemistry lab and Lec na kung saan isa ito sa pinaka hatest subject ko in the whole wide world. Pero dahil sa alam kong mahina ako dito at hindi ako talented sa subject na ito parati akong pumapasok ng maaga at daladala ko pa parati ang makapal na book namin sa Chemistry kahit na lam kong hindi naman ito kailangan sa lecture- para lang looking nerd and istudyus kung baga.
Pag pasok ko palang ay umuupo na ako sa harapan. Oo sa mismong harap ng terror Prof. At kunyari nag babasa pa ako ng book kahit sa totoo lang dyarlong libre ang nakaipit dito at iyon ang pinag tutuunan ko ng pansin. Syempre, mabango din ako at laging naka polo at islaks lalo na pag monday (May formal day kasi kame noon pag Monday). At sa tuwing matatapos ang lecture class ay hindi muna ako lumalabas kaagad kunyari mag tatanong ako tungkol sa kaka discuss lang na topic nya, nag pa-panggap ako na napaka interested kong matutu pero naman pag exams na, Harujusko! Ang result ko ay... Parating 40% lang, kamote! Kinakabahan na ako 'nun kasi hindi ko talaga maipasa-pasa ang exams nya at na pre-preyshure narin ako kasi binigyan ako ng ultimatum ng Mama ko na isang bagsak lang sa basic engineering ay uuwi ako ng probinsya para mag farmtown. Sa totoo lang hindi talaga ako nag aaral, kasi hindi ko maintindihan talaga, feeling ko useless lang kung mag aaral ako, kaya hindi nalang para 'di sayang sa effort. 'Yung ginagawa ko sa class eh "front" ko lang sya. Pero, dahil pinalabas ko sa paningin ng Prof ko na istudyus ako at tunay dedicated student. Ay nag tagumpay ako. Paano? Kalahati ng block lang naman namin ay sumemplang sa subject na ito at ako ay may tumatginting na 2.5 na final grade. Ayus!
Sa nabanggit kong kwento makikita doon how I manage the perception. Minsan sa buhay natin kelangan natin i-manage ang tingin ng iba sa work man o sa iskul. Kelangan ma i-build natin sa utak nila na performer tayo and we can deliver results kahit sa totoong buhay ay hindi tayo performer.
Pero palala lang, at the end of the day syempre what will count the most is yung performance talaga natin. I mean, managing the perception will not do all the trick. It may add value but that's not just the secret potion para mag tagumpay.
Ah so ganun pala..buti na lang naipasa mo yun subject na yun at kundi talaga malamang sa malamang eh FARMTOWN kid until now! ^_^..pero aktuwali eh nagfa-farmtown ka naman talaga in real layp sa fekbuk nga lang wehehehe...
ReplyDeleteYeah ako una nag post ng comment! (nga ba?)
@Kablogie Naman! Sumakay kapa! Congrats dahil nauna ka :-D
ReplyDeletechemistry..aha! parang payborit subject yan ng isa nating kasama sa work diba? bibo din yun..i guess kilala mo na kung sino sya..baka pwede ka sa kanya mag paturo. hehee..joke.
ReplyDelete@Istibi Please note that there is a thin line sa pagiging bibo/pabibo sa pagiging epal. For sure, hindi ako epal :-D
ReplyDeleteAy magaling ako jan. Tinatanong ko pa dati ung pari sa school chapel namin kung kelan may schedule ng kumpisal. Pabibo!
ReplyDelete"Alam nyo ba mga Parekoy, kahit ikaw ay istudent kelangan morin i-manage ang perception ng Prof mo sayo, kelangan mag tali-talinuhan ka sa iskul."
ReplyDeleteay nako sobrang tama! pero hindi ako umuupo sa harapan laging sa likod, pero pag recitation bongga ako magtaas ng kamay at talagang iniienglish ko. Minsan kahit walang laman yung mga sinasabi ko basta english keri na tapos ung mga english words na ginagamit ko, hindi pang elementary kundi mga tipong Shakespeare ganun yeees
Wow..kamukha mo na kuya, cool!Ü anyway, gawain ko din yang perception management na yan, wala lang, malaki naitutulong eh.haha
ReplyDeletehaha. may konting hawig naman :P
ReplyDeletenatutunan ko na rin yang perception management.. kaso iba tawag ko... "charms"
wahaha... masayang umaga sayo at sa lahat :P
hahaha..
ReplyDeletenice avatar!
at
Nice tips!
pero iba na ang mga teacher at propesor ngayon! may mga nagbibigay ng points sa diskarteng ganun pero meron ding hindi nagpapadala...
madalas, kung alam nilang paepal at nagga-galing-galingan ka lang eh, para kang nagpagisa sa sarili mong mantika..lol
ako? isa sa pinakapaborito kong subject ang chemistry... nakakachallenge. haaaaa? engineer ka parekoy? eh di marinik ka sa math? di ba parang math din ang principle ng chemistry?
parang gawain ko rin 'to nung college...ahahaha,pero agree ako dun sa sinabi ni Kosa minsan depende rin sa prof. kaya ingat-ingat sa pabibo:P
ReplyDeleteAy naku pag perception management lang ang paguusapan naku baka B+ or even A pa ata ako dyan eh hahahahahhaha... lalo na sa skul noon... lagi akong maswerte sa mga ganun kasi akala ng mga profs matalino ako at mabait pa daw... hay naku... mga kaklase kong naiinggit ako naman aawayin tuwing bigayan na ng grado... sasabihin ko lang... bakit kasalanan ko bang ganyan ang binigay sa akin?! jejejejjejej... sabi ko dun kayo kay prof magreklamo jijijijiji... pero yun nga, pagmasters eto ka ngayon wahahahahhahah
ReplyDeletei lurve it! korek ang point mo pareng jeps. minsan ko na ring sinubukan yang style na yan at perception management pala ang tawag don..hehe
ReplyDeletekamukha mo naman nga yung avatar, medyo payat nga lang ang nagawa mo, busit na busit din ako sa chemistry yan,kala ko hanggang table of elements lang,meron pang mga compund chorva mga computation na nakakalito ang buset.
ReplyDeletei do not like science too... i juz don't... especiall labs and stuff.. hayz... thank God na lang tlgah nakakapasa akoh... chemistry i think aliw lang akoh dyan eh balancing equations... haha... yeah.. 'unz... so yah... walang maikomentz na matino... ingatz.. Godbless! -di
ReplyDeletetumpak XD
ReplyDeleteahaha! Ü
ayos na yung grades na nakuha mo at least hindi nasa tres nuh. XD
up up jepoy the man Ü
hays. . .brings back the memories of hi-skul and college days.. when we'r still young and foolish :)
ReplyDeleteUhmmm.. Engineering ka ba?Bat may Chemistry ka ng first year?
ReplyDeleteBTW, tungkol sa perception or impression ng tao tungkol sa iyo! Eh kumbaga sa artista kailangan may staying power yun o kaya mong pangatawan hanggang sa huli!
Pero ano pa man yan, swerte ka at mataas ang grade mo sa chem , ako bagsak!hahahha
Napatunayan ko na din yan dito sa work ko ngaun. perst impresion last kase dito. pinaelibs ko sila na malaki ang aking hyphotalamus (pano ba iespell) nung unang 6 mos ko dito, then yun until now lahat ng gustuhin ko nagagawa ko....hheheheh....chemistry, kung gaano ako kagaling nung hiskul jan (89 ang grade ko), kabaligtaran namn nung college, chem 1 & 2, tumataginting na 3.0 ang nakuha ko...dem it!!!
ReplyDeletemabuhay! hahaha.. gagawin ko din yan! astig! hehehe.. :)) sinipa mu ung character ni paps sa buddy poke. haha.. nililibre pa naman ako nun sa sine. haha
ReplyDeleteManagement perception pala ang tawag nun..cge nga maitry ko nga..
ReplyDeleteNatatawa ako sa comment ni kablogie..hehe Sigur0 nagtatanim ka rin sa farm niya sa fesbuk..hehe
sana lahat ng nakilala ko nagtake nitong perception management.
ReplyDeletemadalas kasi akong misunderstood e..
as for school, nakakapeke talaga ng prof mga pa-bibo.. sa TESDA course ko nga lang e, peborit nung trainor ung bibo (na in real life e EPAL) na studyante.. ang ending? lahat ng inako nyang tasks, palpak.. nyahahahah
so gumaganown ka na noon? pakitang tao yan inshort, hahaha...
ReplyDeleteaww bakit di ako marunong nyang perception management na yan,hehehe
ReplyDeletedapat kaklase pala kita nong college at ng naturuan mo ako nyan...so kinda hate that subject din..gash ahas na gasgas talaga!
Haha! Congrats at nakapasa ka at di nauwi sa farmtown! XD Tawa ako dun sa farmtown... XD San ba province mo?
ReplyDeleteI agree with what you said about yung perception ng others sayo. It counts syempre. Yun yung madali makita eh, yun yung madali mapansin. Pero syempre, yun nga like you already said, mas important pa din yung output or yung performance mo... ^^
@Glentot Pati ba naman pati pag ku-kumpisal ay pinapatulan mo ang pag papabibo?! Hanubayun!!!!
ReplyDelete@Elay kaya nga sundin mo ang payo ko at samahan mo narin ng totoong aral para naman mag deans list ka hindi yung puro sayaw nalang inaatupag mo! Ihatechu! LoLz
@Superjaid kasing cute ko ang avatar diba?! hehehe Tama dapat sundin mo ang perception management
@Mr. NightCrawler Baket konti lang?! >:-/
@Kosa Hindi ako matinik sa Math Tinik sakin ang Math
ReplyDelete@Deth May point kayo ni kosa
@Xprosaic Ayus ka sir ah! Masters talaga?!
@PinkNote Apir tayo kaibigang pinknote :-D
@Sablay Talagang dapat super impose ang payat at dapat mataba ang ginawa kong avatar?! I hatechu too! Ako gusto ko ng chemistry masaya kasi
ReplyDelete@Dhianz ayoko ng Balancing nakaka lito lolz ayaw mag balance parati ng mga buset na chemicals lolz
@Kryk Apir! Aktuli kahit tres masaya na ko wag lang chinko!
@Ch!e I so so Agree. Salamat sa pag koment po
@Drake Kasama po sa General Engineering subject ang chemistry koya! Aktuli sa Mapua 8 ang chem namin in two years 4 lec and 4 lab, beat that!
ReplyDelete@SCofield Jr Tandaan there is a thin line between epal ang pabibo. Mag ingat isang paalala mula sa Nestle Philippines. Baket Nestle? Wala lang...
@Kox Ah ganun baket kayo na nonood ng sine ng hindi nag yayaya?! Ihatechu two!
@Ruel Oo tama ka :-D
ReplyDelete@Raye Kaya nga dapat mag ingat lolz
@Taympers Oo gumaganown talaga
@Powkie Himissshuuu ate powkie
@Rich 'nuf said 'nuf sait
parang ako lang yan eh..kunwari laging interesado sa mga sinasabi ng prof. tapos tatanong tanong ng mga questions. di nila alam nagbblog lang ako sa library. haha!
ReplyDeletejepoy haha ang cute ng Buddy Poke mo wala pa akong ganyan eh
ReplyDeletei agree.. kamukha mo nga sya.... lolz!
ReplyDeleteand yes, you made it! one serious post... and it's really interesting. ang galing galing!
me avatar rin ako sa buddypoke
ReplyDeletehehe
napadaan lang kuya
at sumegwey
lol. ganun pala a :P hahahaha mukha ngang kung makita toh ng boss mo, patay tayo jan hahahaha
ReplyDeleteonga kmukha mo nga ung buddypoker mo
@Chiletz diba magandang move
ReplyDelete@Nash Gawa narin nakakaaliw naman e
@Azel buti ka pa nag agree hehehe
@Anthony Salamat sa pag daan at pag segwey. Daan ka lang parati :-D
@Traveliza Sana wag nyang mahuli hindi ko naman sya friend sa fezbuk e hehehe
una dun sa avatar, parang mas lamang yata ng isang paligo yung avatar. at mukang diet din siya ano?
ReplyDeletepangalawa, kailangan kong matutunan ang perception management. minsan kasi may prompt sa computer ko at pag tinanong ako, wala akong alam kasi ang window na naka open eh blog nyahaha!
Hindi, pagmasters eto ka nangamote na kasi walang alam nung college wahahahhaha... buti na nga lang at nairaos naman ng kaunting daplis lang... jijijijiji
ReplyDelete@Caracas I hatechu din, mas pogi ako sa avatar!
ReplyDelete@Xprosaic talagang mega explain?! LoL