Meron akong 30 min para tapusin ang blog ko! Wala akong maisip na topic... At rumoronda ang boss baka pag bintangan akong nag blog while working.
Kelangan 'kong mag karoon ng entry ngayon! *Shouting* Tag ulan ba talaga pag Ber month?! Last time I check pag "Ber" month daw e parang christmas in our hearts na. Anyways, Alam nyo bang rainy season ang favorite season ni Jepoy? well next to spring pero wala namang spring sa Pinas kaya dun nalang tayo sa tag ulan.
Uhhm alam kong wala ka namang pake sa favorite ni Jepoy.
Pero, kahit slight lang alam kong mag tatanong ka kung baket?
Sagot: Dahil pag umuulan at nag eemo ka hindi halatang tumutulo ang uhog mo at luha habang nag lalakad sa ulan at na iimagine mong merong background song na *Heto akooohhhwohh basang basa sa ulan, walang masisilungan, walang makakapitan* (Kung hindi mo parin ma gets, kanta ng Aegis yan) tapos sasabayan mo ng pag se-self pity na parang pinag sakluban ka ng langit at ng lupa. Na ikaw ang pinaka kawawang nilalang sa mundo. Sawi sa pagibig and All.
Super Cheesy ba?!
Maari nga. Pero ang katotohanan jowk lang ang sagot ko sa taas. Duh! ang keso keso naman nun. Ang katotohanan pag tag ulan kasi besides sa sex masarap matulog. Masarap may kayakap. Masarap may kabulungan sa Tenga. Masarap ang chumpurado.Masarap ang sinangag at tuyo na sinawsaw sa suka. Mainit na milo na nilagyan ng Mik-Mik (Kung di mo alam ang Mik Mik sosyal ka!). At higit sa lahat parating posponed ang pasok. Yehey!
Pero ang mundo nag e-evolve. Sa ngayon merong Global economic crisis na mas kilala sa tawag na recession. At malapit na rin ang Election 201o. At ang sinigang mas masarap kung meron Okra at Kangkong tapos may sawsawan na patis at tatlong kalamansi (Oo tatlo lang dapat hindi pwedeng sumobra). At wala akong suut na brip ngayon sa opis di pa natuyo kasi sa likod ng ref namin. Oo alam kong walang relasyon ang mga pinag sasasabi ko. Magalit ka na kung magagalit. Na sobrahan lang ako sa pag singhot ng Katol kaya hindi ko ma organize ang thoughts ko.
Aktuli brokli baka maka limutan ko yung answer sa last post ko. Ang ginawa ko nga pala ay tinakpan ko ng panyo ang panty ni Ate, at iniwan ko na sakanya.
At bago ko matapos ang likhaing ito gusto kong i-share na kung kelan ako hindi nag brip papasok sa office saka naman ako nadulas sa MRT habang bumababa, tanginang shet! (Again hindi po ako nag mumura sa personal). Pero dahil meron akong mentos sa bibig nung mga oras na yon nag panggap akong tinutupi ko lang ang laylayan ng pantalon ko habang naka salampak sa basang hagdan. Kung hindi mo alam ang relasyon ng mentos sa pag kakaisip ko ng sulusyon e panoorin mo nalang to para ma ma alala mo ang lumipas.
waaah, namimiss ko na ang bagyo sa Pinas...ang ulan kase dito parang nagdidilig lang...sandaling-sanadali lang di pa lumalamig tila na ulet...di ka tuloy makapag-emo ng malupet, nyahahaha:D
ReplyDeletepalitan mo na ang ref niyo ndi umiinit...ndi tuloy natuyo yung brip mo,hehehe
hahaha ganyan siguro talaga ang nagagawa ng ulan sayo pareng jeps... di mo maorganize ang thoughts mo.hihi pero pareho tayo, lurve na lurve ko rin ang tag-ulan, at actually may 4 na bagyo daw ngayong september kaya ang malamig na -ber months ay nabwena manuhan ng bagyo month..
ReplyDeletePagkatapos kong basahin ang blog mo feeling ko ang jutax ko eh nagkandasabog-sabog at biglang nabuo sa pagiisip dun sa part na, nadulas ka sa MRT nang walang brip at lahat ng tao nagtatawanan dahil habang tinutupi mo ang laylayan ng pantalong mo eh nakikita ang hati ng wetpaks mo wwhahahah!!!
ReplyDeletealab ol yor posts jeps!!!
Mik-Mik? Para bang Choki-Choki 'yun? Kung hindi mo alam ang Choki-Choki, sosyal ka din. LOL
ReplyDeleteWahahaha papasok ng wlang brip! Eh di parang bayabas yun na kakalog kalog..ano ka amerkano di nagbi-brip hahahaha..
ReplyDeletemag bibrip ka kase.
ReplyDeletehahahaha. di ka pa rin po pala nag reresign nakakasira sa pag boblog yan. . .
alam mo ba may paki alam talaga ako sa paborito mo. di nga ako makatulog minsan sa kakaisip kung ano ang paborito mong panahon.
ako paborito ko ang panahon ng eleksyon. nakakayaman eh
nakakaluslos yung hindi nagbibrip,haha laylay ang bayag mo,
ReplyDeletepanalo ang mentos commercial. haha! namimiss ko nga din ang tag-ulan sa pinas..pero ung baha ndi. hehe.
ReplyDeletegusto kitang makitang nage-emo. LOL!
sarap mag-emote pag umuulan.. lalo na pag bumabagyo.. sabayan ng batchoy at pandesal. tapos lalaro ng tong-its...
ReplyDeletekaso pagkatapos naman... hirap maglinis ng bakuran :(
Di ka nagbibrip bro?eh di ba masakit yun kasi kumakaskas ang ano mo sa damit, pwera na lang kung hindi ka pa tuli?Hahhaha
ReplyDeleteAko gusto ko rin ang umuulan basta nasa loob ako ng bahay kasi masarap magba.................. magbabad sa tv.
Ingat
di ka nagbrip kuya? di naman ba uncomfortable yun? hehehehe. ala lang natanong ko lang...
ReplyDeleteyung mik mik ba yung choco powder? tz ang choki choki, yan yung nasa parang tube na chocolate.. hehehe
kuya jepoy, di ko alam na meron pa palang mikmik. huling tikim ko ata nito, isang dekada na ang nakaraan. di ko pala kaya lumbas na walang suot na brief, mahirap na, baka gumana ang inosente kong pagiisip. hehe.
ReplyDeleteok lang alang brip basta lang ba naka boxers... jijijijij
ReplyDeletewahaha natawa naman ako dun sa comment ni ate yanie, haha
ReplyDeletegusto ko rin kapag umuulan pero dapat walang pasok, ayoko kasing naglalakad sa ulan papasok ng school, naiistress ako kung pano maglakad ng di matitilansikan ang uniform ko. Hmmmm..naiistress talaga ako, nweiz, bakit ka pumasok ng walang brip kuya?naubosan ka ba ng malinis na brip?haha
noong grade1 din ako gustong gusto kong umuulan pag uwian na namin...yun kasi yung time na lagi na lang akong napaihi sa panti...pag umuulan ayos na ayos kasi akala lang nila nabasa ng ulan ang binti ko,hihihi
ReplyDelete@Deth Wag mo ng ma miss ang bagyo dito, nakakairita :-D At wala akong pambili ng ref lolz
ReplyDelete@PinkNote Tama pag umuulan ang hirap mag organize ng thoughts
@Yannie Natawa po ako sa comment mo.LoL
@Gasul Mali ka! Hindi mo talaga alam ang Mik Mik kasi Sosyal ka! :-D Wag ka na po mag trying hard kasi hindi bagay ang puti mo kasi parang kutis artista lang :-D At Oo alam ko ang Choki Choki, kala mo ha. Ito ung sinisip sip na choco choco na naka plastic tube. Nga pala ang Mik Mik ay powdered milk or chocolate na hinigigop gamit ng maliit na straw, fyi ;-D
@Kablogie Bayabas talaga lolz ang dami daming prutas bayabas pa talaga ikinumpara?! LoLz
ReplyDelete@Paps Sige.sige. Second na peyborit ko ang panahon ng Eleksyon para yumaman narin ako :-D
@Hari ng Sablay Ang bastos mo po, I hatechu!
@Chikletz Ayokong mag emo specially kung makikita mo LoL
@Azel Awwwwwww gusto ko narin ng batchoy at pandesal, yum yum
ReplyDelete@Drake Sinabi mo pa! at pag di ka naka brip ipagdasal mong wag kang tigasan kasi mag kakaroon ka ng kahihiyan sa Madlang public.
@Patola Sobrang uncomfortable feeling mo na nude kang nag lalakad
@Nigtwalker aba alamo mo ang Mik Mik. I'm impressed!
@iamXprosaic E wala nga, kasi basa pa. Nasa likod pa sila ng ref :-D
ReplyDelete@Superjaid Uu naubusan na. Ayokong mag side B. Nakaka sulasok iyon
@Powkie Ang baboy mo po nung grade one ka lolz
Nyahahaha basa kang pumasok nun
ReplyDeletedi ako susyal pero di ko alam yung mik-mik. ano yun? OP ako. :c
ReplyDeletenaalala ko tuloy si ate mrt. buti naman at tinakpan mo. haha
i read somewhere na sobrang screwed up na ng time natin kaya umuulan pag ber months, mainit pag pasko at malamig pag pebrero. tignan natin kung magkakatotoo.
re:commandosaoffice ayus lang yan! haha lahat tayo may ganyang days. sarap nga eh. so free. haha
re:emo sa ulan kurekted by ka diyan! nakakailang ganyan narin ako. kaya ata ako tinrangkaso. haha
pareho tayo, nagrou-round ang boss ko para tingnan kung nakabukas na naman ang blog ko! haha
ReplyDeleteif i know, nagbabasa din sya nun.. nalaman nya kasing nasuntok ako eh. ;D
you never fail to make me smile/laugh with your posts.. he he
ReplyDeleteemo ang nga tao kapag maulan!
ReplyDeletewhha!
wahahahha.. cool kuya jeps! naku naku, parang mga batang muslim dito smen, walang brief! hahaha.. tapos mahilig naman maligo sa ulan. ako gusto ko ng snow. echos! hahaha
ReplyDeletemedyo magulo nga ang tuts mo, di ko masyadong nasundan isa lang naintindihan ko, di ka nagbrip ung araw na nadulas ka. ahahaha.... wawang bata. may tanong ako, nag-aairg ka ba dati? mukha kasing pamilyar email mo sa akin.lol. wala lang.
ReplyDelete"Ang katotohanan pag tag ulan kasi besides sa sex masarap matulog. Masarap may kayakap. Masarap may kabulungan sa Tenga."
ReplyDeleteI agree pero dun lang sa part na masarap matulog, masarap may kayakap at masarap may kabulungan sa tenga. hehe yun lang :)
aha! Blogging ulit!
ReplyDeleteBaka mamaya andyan na si sir mo sa tabi mo at mahuli ka nanaman tulog sa iyong desk at nakabukas ang facebook. lol! joke.
wala kang brip? sana tinape mo na lang. hehe
@Glentot Hindi ako basa, nag patuyo muna ako.
ReplyDelete@cb ang mik mik ay powdered milk na sinisip sip sa pamamagitan ng straw. Hindi mo alam 'yun kasi Sosyal ka! :-D
@Chyng Salamat sa pag add sa facebook :-D
@Raye Really now :-D I love eet
@mark Masarap kasi mag emo
ReplyDelete@Kox Snow ka pala ha :-D
@PinoyAlaskador Ah ganun! Pwes humanda ka sa next post ko lolz
@Elay Hala ka! Kunyari ka pa. Amplastic mo po
@Isitbi Hinahanap ka nya lolz
lol XD adik ka talaga... kaya nakakatuwa blog mo eh... XD
ReplyDeleteSana makita kita one day ng-eemo sa ulan. Sige para sayo ako bahala sa background song mo. XD