Friday, September 25, 2009

Go Canada!

Ako po ay medyong naging busy sa nakalipas na araw kung kaya ako ay medyo nawalan ng time sa aking blogging career. Una kasing reason ay na block ang facebook at blogspot sa office which kind of frustrates me, buti naka ututang dila ko si Glentot sa pamamagitan ng YM kaya naman hindi ako masyadong na frustrate sa trahedyang iyon sa Office, Na sad ako sa thought na hindi na ako makakapag bloghop at blog sa Opis. Pero, isang araw lang naman na block so na ka move on narin ako kaagad.

But wait theres more!

Naging bisibisihan parin ako sa sumunod pang mga araw. Naging busy ako sa pag kamot ng betlog ko, jowk lang po 'yun. Ang totoo nyan minsan ko ng na ikwento senyo na pangarap kong maging OFW, medyo na mulat lang ako sa aking ulirat na hindi ito mangyayari kung wala akong gagawing move, so these past days ay talaga naman kinarir ko ang pag gawa ng paraan kung paano ko ito maisasakatuparan.

First Move- Research and Gather information. Oo parang scientific method lang. Ang una kong target ay maging immigrant sa Canada para maging Fedaral Skilled Worker. Kaya para sa gustong mag migrate sa Canada eto ay makaka tulong na information sa inyo.

Nalaman kong meron tatlong Category ang Federal Skilled Worker Visa at feeling ko ay pasok ako sa Category 1.

Anu ang Category 1? Ito 'yung 38 high Demand Jobs doon sa bansang may isnow. So ang ginawa ko ay bonggang bonggang basa sa website nila at forum to-the-ultra-mega-max ang pangungulit ko sa kaka tanong doon dahil wala akong pambayad sa Canadian Consultancy Ek ek na yan. True enough, I got the information I needed. Syempre nag punta rin ako sa website ng Canada para sa online eligibility assesment kung pasado ba ako sa pointing system, share ko ang screenshot

So 'yun pumasa naman kahit hindi ako marunung mag French. At nagkaroon din ako ng additional points dahil sa mga relatives ko na nasa Ontario, Yey!. Matagal tagal narin akong iniencourage ng tita at tito ko na mag apply doon pero dahil bata pa ako 'nun hindi ko alam kung paano mag start. Anyway highway, after kong mag assesment ay sumige pa ako ng kakabasa hanggang dumating ako sa proof of funds. Gusto kong mahimatay dahil kelangan ko ng 10K CAN dollars para sa aking show money, fuck the what?!!! Saan naman ako dudukal 'nun?! kakarampot lang ang aking savings. Pero marami akong nabasang secret kung paano sya ma lalagpasan. Edi basa basa parin ako. Hanggang sa dumating sa point na natuklasan kong hindi pala pasok ang aking work experiences sa 38 On Demand Job sa Canada. Fuck talaga! So I think back to square one ulet sa paghahanap ng ibang option. Nag bumalik tuloy sa isip ko na sana ay nag TNT nalang ako sa US of A noon ang hirap palang lumbas ulit ng Pilipinas.

Natanong ko tuloy ang Sarili ko. Baket ko nga ba gustong mag punta sa Canada kung na bubuhay naman ako ng matiwasay kasama ang mahal ko sa buhay dito sa Pilipinas? Kumikita naman ako ng more than enough para sa pang araw araw na pangagailangan ko tulad ng Jollibee at Mcdonalds at Pambayad ng Internet at Meralco. Nakakabili naman ako ng Damit sa Bench kahit hindi kasya sakin. Nakakabili naman ako ng Boxers sa Marks and Spencers kahit isang piraso lang every Christmas. Nakaka pag save naman ako monthly para may huhugutin for rainy days kung sakaling maging biktima ako ng recession. Ano nga ba ang nakatagong dahilan kung baket ko gustong mag abroad?

Ang sagot.

Dahil sa snow. Oo gusto ko ng snow. Ayoko ng masikip na parking. Ayoko ng siksikan sa SM. Ayoko ng traffic sa Edsa. Ayoko sa Pilipinas! Jowk lang po nag prapraktis lang ako sa nalalapit kong pag aartista.

Ang totoo talaga ay gusto kong kumita ng mas malaking pera upang mapag aral ko ang aking anak sa Ateneo habang nag prepreschool palang sya. Habang si Misis naman ay nag shoshopping sa rockwell, ang susyal! Jowk lang ulit

Ang totoong dahilan ay eto na. Not a long time ago probablly around 2005, nag kasakit ng breast Cancer ang tita ko, sya 'yung kapatid ng Mom ko. Wala syang naging anak parang kame na ng utol ko 'yung naging anak nya. Gustong gusto kong ipa-chemo sya nung nasa unang stage palang pero wala naman akong pera. When she was in pain, ang iniinum lang nya ay pain killer. We couldn't afford any strong Pain Killer because of money problem medyo mahal kasi specially 'nung nag metastases na ang Cancer cells sa katawan nya. I feel like I'm dying too. Well, ayokong mag emo hindi ko kaya. Stop ko na ang kwento it brings back a lot of sad memory. So after that incident, Ipinangako ko sa sarili ko na mag sisikap ako para wala ng mauulit na mamatay ng hindi na kakalasap ng maayos na hospitalization sa mga loveones ko.

And I'm still working on it. Si Papa Jesas ang backup ko. Go Canada!



20 comments:

  1. wahahaha.. balak mu din maging artista ah! hahaha.. go kuya! gudlak sa mga plano at pag kakamot ng iyong *toot* hahaha..

    ReplyDelete
  2. ay una ako! hahaha

    ReplyDelete
  3. GO Canada! Go! Go!

    Bawasan mo na kasi ang kamot kamot jan, more effort para sa paghahanap ng ibang options..

    oo nga pala, di ba may POGI sa Canada?? Bakit hindi na lang siya ang magbigay ng ilang tips, kung paano sya nakapunta dun, lolz!

    Go Pogi, kwentuhan mo kami, hehhehe!

    ReplyDelete
  4. @Kox matulog ka na mag aalas dos na! :-D

    @BatangHenyo Si KosaPogi ata ang tinutukoy mo. Busy ata sya. Tama ka more more options sa pag hahanap ng ibang options :-D

    ReplyDelete
  5. pag-aartista? wag mong papasukin yan. mas mahirap buhay artista kaysa sa mangingibang bansa..promis..kaya nga ako nandito eh!lolz

    ReplyDelete
  6. ang payo ko eh magkamot ka pa ng magkamot ng betlog at baka dyan mo mahuhukay ang 10k dolyares na yan...isama mo pa ang pwet,hihihi

    Go Jepoy...Go Canada! GBU

    ReplyDelete
  7. @Poging Ilocano Ay ganun ba sige tatanggihan ko na offer nila LoL

    @POwkie SUper sarap mag kamot ng betlog lalo na kung may mag kakamot for you hihihihi. Salamat Ate Powkie :-D

    ReplyDelete
  8. Ganito Jepoy, before I have a Canadian Dream, ito yung mga panahon na ang pakiramdam ko ay sosyal ka, sikat, mayaman at gumugwapo kung nasa Canada ka. Hahahah

    Kaya alam ko lahat yan, dahil mas nauna ko pang niresearch tungkol sa
    Canada na yan bago ang thesis ko. At batay sa aking conclusion na ngayon ko lang napagtanto ito ang mga mangyayari

    1. Kung balak mong magmigrate sa canada bibilang ng 3-5 taon ang processing ng mga papel.

    2. Hindi priority ang mga single kasi gusto nila magparami ng tao kaysa sa tupa kaya kailangan pamilya. Pwede ang single pero kailangan nasa indemand jobs ka nakakclassify

    3. Sobrang hirap magtrabaho sa ubod ng lamig na klima, maniwala ka sa umpisa lang okay pero sa pagdaan ng mga araw isusumpa mo na.

    4. Malaki ang sweldo malaki din ang gastos,

    5. Ihanda mo na ang sarili mona hindi mo makikita ang pamilya mo ng mahabang panahon kasi mahal ang ticket pauwi at pabalik.

    Medyo nawawala na ang Canadian Dream ko bro kasi mas pipiliin ko na lang mag business sa Pinas, kahit ano pang sabihin ng iba, masarap pa rin sa atin.At mahirap pa ring maging dayuhan sa ibang bansa

    Haba nito grabe!!!!

    ingat

    ReplyDelete
  9. Brod, payo lang...pag isipan mo muna maige yan, hindi biro ang gagawin mo,dumaan na ako sa ganyan pero eto ako ngayon nagsisisi kung bakit pa ako....nag artista :D

    ReplyDelete
  10. @Drake Ay ganun.. Blog mo ba to? Kasi 'yung comment mo pang entry na eh, ahahahha Jowk lang po. Salamat sa matinding payo.

    @LordCM Aktuli, pinipilit lang ako ng manager e. Ako lang daw kasi ang makakatalo kay John Lloyd Cruz sa pag acting at kapogian LoL

    ReplyDelete
  11. Naku.. may Canadian dream ka pala... ako kase wala pero dream ata ng parents ko na pumunta ako dun... eh mahirap kaya kase malamig!!! (di kaya ng powers ko ang malalamig na countries... sakit ang aabutin ko!)

    pagisipan mong mabuti... tama si drake sa mga pointers na sinabi nya. mahaba ang proseso...

    tsaka kung hindi ka sanay na malayo sa pamilya, jan ka na lang. mahirap sa malayo.. mahirap magisa.. mahirap pag kumati ang singit mo, magisa mong kakamutin!!!

    ReplyDelete
  12. wow.. canada.. goodluck! :D

    ReplyDelete
  13. wow :) goodluck
    ka touch eh haha !

    ReplyDelete
  14. Wait, tanungin mo muna kung magkano ang show money..tapos balitaan mo ako ha, gusto ko din kasing pumunta dun..

    ReplyDelete
  15. isa naman sa ipinagmamalaki ng canada ay ang libreng serbisyo pang medikal!

    hindi tulad ng ibang mga bansa sa mundo na mamatay ka na sa sakit kapag wala kang pera, hanggang dun lang! jokeness.

    huh? nagse-save ka ng pera para sa rainy days? lols
    akin na ang ipon mo at bibigyan kita ng payong..lol

    sige sige parekoy, goodluck sa byaheng kanada...kitakits!

    ReplyDelete
  16. @Raye THanks! Long process pa 'to :-D

    @Jancaholic Thanks po for visiting :-D

    @RUel 'yun nga more than 10K Canadadian dollars for you kung may family ka iadd mo pa iyon.

    @Kosa Yeah, I have heard of that kaya nga parang interested, well sana nga at ako ay mag tanggumpay! Salamat sa pag GoodLuck! Kitakits dyan (as if) ahahah

    ReplyDelete
  17. Ohhh! So Sad naman your story! (crying! hikbi!) But anyway, Sabi mo nga back natin lahat si Papa Jesas wag tayong mawawalan ng pag-asa!

    Just hope na di kayo binaha ni Ondoy!

    ReplyDelete
  18. akala ko puro joke nalang e haha...

    pero honestly... i was touched with your story. bihira mag-other side ka e hehe pero your story is truly inspiring. the fact na u are aiming for canada for the sake of other people and not for your own self is a huuuuge wow. kaya nga bayani mga nagpupunta sa ibang bansa e. :) aanhin mo nga naman kung puro sa'yo noh? well --marami pero mas inspiring kapag may ibang taong involved. aun... la lang. halos lahat naman ganon intention e pero point ko is good thing ur one of those :) pinahaba pa kwento e noh haha

    ReplyDelete
  19. di naman masikip ang parking sa sm. nag ssnow din naman sa pilipinas.

    dito ka na lang., mag blog saka mag facebook.

    lols

    haha ingat po sa pag oofw. penge pera pag mayaman ka na. haha

    ReplyDelete
  20. @Kablogie Tama ba nasa likod natin si Papa Jesas

    @Traveliza Nag blush ako ng konti sa sinabi mo :D

    @Paps Mas mauuna kang yumaman sakin!

    ReplyDelete