Alam nyo ba yung kanta ni Tina Paner na kay tamis ng unang halik? Sa blockbuster mubi nyang Pepay palay-pay (Sana tama ang title). Kaya' ko na itanong ito kasi nakita ko ang note book ko 'nung elementary, specificaly 'nung grade one. At biglang nag flash back sakin ang mga pangyayari ito...
Si Mama galing sa Palengke excited na ipakita sa amin ang mga pinamiling gamit sa iskul, mukang nakuha yata nya ang midyear bonus galing kay Cory, kaya naman meron syang pambili ng nokbuk namin mag kapatid para sa nalalapit na pasukan. Buwan na kasi ng Hunyo. Karamihan sa mga kalaro namin ay may gamit na at uniporme, ang iba na medyo may kaya sa national bookstore pa bumili at sterling pa ang mga notebooks nila at bagong tahi ang uniform nila, pero kameng mag kapatid eh, wala pa kahit isang monggol at 'yung uniform namin last year 'yun parin ang uniform namin. Naiintindihan naman namin ito at hindi kame nag rereklamo, masaya kame kung anu lang ang meron at kayang ibigay sa amin. Lately lang naman kasi ako naging inggitero pero 'nung time na'yun beri beri slight lang ang pagiging inggitero ko.
Ibinababa ni Mama ang isang basket na nag lalaman ng mga kamatis, okra,Upo,sitaw,Pata at kung anu anu pang pang ulam namin for the next week. Mukang puno ang basket ni Mama di katulad pag walang midyear bonus puro tokwa lang at bukayo ang laman nito.
"Anak tulungan mo nga akong ipasok itong basket at iabot mo sa Papa mo 'yung Richie na juice na naka garapon at sabihin mo i-timpla na nya yun at palamanan na nya kamo ang pandesal ng Lily's peanut butter para sa miryeda natin tutal mag aalas dyes narin naman."
"Opo Mama" Magalang kong sagot.
Na pa- smile ako kasi peyburit ko talaga ang peanut butter. Kahit matae-tae na ako sa kaka-kain nito ay hindi parin ako hihinto sa pag papak nito. Aktuli, lahat nilalagyan ko ng peanut butter ang saging, ang kanin, ang pompoms lahat talaga until now peyburit ko parin ito, nag upgrade lang ng konti from Lily's naging Skippy na these days. Naalala ko 'nung minsan nga tumitigas ang Lily's pag naubos ang mantika sa ibabaw dahil ako lang ang kumakin ay madalas sobrang tumitigas at talaga namang halos mabali ang kutsara ko sa pag kayod para lang ma kuha ang namumuo muong peanut butter habang pawis na pawis ang mura at maliliit kong mga kamay habang suut-suut ang pido dido sando an may ternong shorts na seven up at rambo na tsinelas. Enough of that stupid peanut butter! So iniabot ko na kay Papa ang Richie na juice at dali-daling bumalik kay Mama.
"Oh eto ang walong notebook mo para sa pasukan, hindi mo na kelangan ng writing notebook kasi maganda na ang sulat mo, tsaka anak wag ka ng mag notebook sa math na graphing paper page kasi grade one ka palang naman at kasama narin ang crepe paper at kartolina na idodonate mo sa class nyo sa simula ng klase, eto narin ang tooth brush mo at colgate para sa health corner nyo"
Excited kong tinignan ang cover ng nokbuk ko na bagong bili dahil ito naman ang nakaka ingganyo pag bata ka, hoping ako na sana super mario ang cover ng nokbuk ko o 'di naman kaya voltes five para sikat ako sa klasrum. Pero Na gulantang ako at nanghina nang nakita ko si Tina Paner, Isabel Granada, Keysilyn Francisco, Jestoni Alarcon ang bida sa mga notebooks ko. Napatingin ako kay Mama na maluha-luha na parang naguho ang aking mga dreams.
"Oh baket parang byernesanto ang muka mo, eto tignan mo may pancil case ka pa"
Tinignan ko ang pencil case at sa awa ni Papa Jesus that's-entertainment-na-gawa-sa-manipis-na-lata ang pencil case ko. Wala man lang itong ibat ibang level na pwedeng lagyan ng kung anu anu. Wala rin itong built in na pantasa na tulad sa mayaman kong klasmate na may ari ng patahian sa bayan. At hindi rin ito mabango. At higit sa lahat isa lang ang lapis ko, yung matabang lapis na parang charkowl at may eraser na ang dumidumi pag ginamit mong pambura sa pad paper mong pang grade 1. Syempre dahil mahal ko ang Mama ko nag thank you nalang ako at binigyan sya ng isang sweet kiss kahit masamang masama ang loob ko. Ipinasok ko sa kwarto ko ang mga notebooks na 100 leaves at binalutan nalang ng gift wrap na tinago ko pa last birthday ko at ginamit kong pang cover sa muka nila Manilyn Reynes and friends na naka smile sa notebooks ko at binalutan sila ng aseteyt.
Kaya sa araw ng pasukan. Ang mga notebooks ko ay panay nakabalot ng gift wrap na may happy birthday or minsan naman manila paper or Art paper, hindi naman ako pinag tawanan ng mga klasmeyts ko. Steady lang sila! Kung sabagay aanhin naman ang mgandang notebook nila kung mas matalino ako sa kanila. Chos!
Naka graduate ako ng elementary ng hindi naranasan ang sterling notebook. 'Yung makinis at sarap sulatan. Ay pati pala high school hindi rin ako naka ranas ng ganoong notebook kaya ngayon ang notebook s aoffice sterling at hindi ko sinusulatan ang likod panay harap lang pag puno na tatapon kuna kuha ulit ng bago :-D
"Anak tulungan mo nga akong ipasok itong basket at iabot mo sa Papa mo 'yung Richie na juice na naka garapon at sabihin mo i-timpla na nya yun at palamanan na nya kamo ang pandesal ng Lily's peanut butter para sa miryeda natin tutal mag aalas dyes narin naman."
ReplyDelete--Shameless plugging si Inay, parang naisponsor sya ng Richie at Lily's ah...
Kakatuwa itong kwento mo, hmm makapagkwento nga rin about my elementary days...
@Glentot I'm looking forward sa kwento mo :-D Dapat mapapangiti ako ha kung hindi lalagyan ko ng virus ang blogsite mo :-D
ReplyDeletepanay ang mention mo sa mga branded na produkto may bayad ba yan ha haa!
ReplyDeleteat naalala mo pa sina tina at caselyn napaghahalata tuloy ang edad natin! :D
ako nga mga cover ng notebooks ko noon sina sheryl cruz, jojo alejar, jigo garcia and the likes pero kebs pa rin! :D
kuha lang ng kuha ng sterling Jepoy...hehehe
ReplyDeleteAhahahhahahaha parang daming ads ah... ahahahhaha... jijijijijij pa ulit... at ahihihihihihihi pang pahabol...
ReplyDelete@Vonfire HIndi naman masyado sharp lang ang memory ko :-D
ReplyDelete@Marco Polo Uu kuha lang ng kuha hehehe
@Xprosaic 'di naman masyado, naalala ko lang kaya naisipan kong i share.
hahaha ako naman, tahimik lang pagkainggetera ko sa mga sterling at pencil case na matataba..haha di rin ako nakaranas kahit kelan ng sterling na notebook, pati cattleya na papel...kaya parang gusto ko, iba naman sa anak ko..nagbabalot din ako ng notebooks gamit ang manila paper dati. o kaya art paper, para matakpan yung mga artista sa notebuk, diko rin sila type..hahaha
ReplyDeletepeanut butter... yumyum...
ReplyDeletehahahahaha natuwa ako sa Jestoni Alarcon
Magkano ba binayad sayo ng mga kumpanya na yan at tadtad ng commercial itong post mo...lols!
ReplyDeleteganon yata talaga jepoy... ung mga bagay na hindi mo nakuha nung bata ka... pilit mong kukunin pag nagkaron ka na ng trabaho. kaya hindi na ako nagtataka na kung kelan tumanda tsaka madaming nahilig sa PS2/PS3 at barbie dolls, at superfriends comics...
ReplyDeleteoist... sayang ung likod ng paper.. maawa ka sa earth! don't waste paper, save our trees! hehehehe!
takte akala ko isang malaking ads itong post mo... teka mga buhay pa ba yung mga nabanggit mong mga produkto? hahahaha
ReplyDeletetakte jepoy napaghahalata mga edad natin kaya ayoko ng mag banggit ng mga artista sa notbuk ko.... secreto lang ang edad ko eh...
Richie? Sa amin uso ang Sunny Orange, gusto mo kakantahin ko pa (Sunny Orange I love you lemon, grape and strawberry....)
ReplyDeleteAko nagkaroon lang ako ng sosyal na notebuk noong fourth year highschoool na ako ,CATLEYA pa!Pero wala rin! ginawa ko lang drowingan at listahan ng utang ng nanay ko
mmm.. ayos ang blog na ito ah...makadalaw nga ng madulas.. este! madalas d2.
ReplyDeleteyan ang masarap sulatan yung notebook na sterling
ReplyDeletegamit ko noon puro tahi-tahi lang mga inipong natira nuong nkaraang taon. nakakalungkot hehe
Haha ampf! Tina Paner! 'Yan ba 'yung movie niyang sumakay siya sa isang malaking pamaypay? LOL
ReplyDeleteMas gusto ko ang Corona Notebooks kesa sa Sterling at Catleya. Tapos dapat Tombow ang bolpen, o kaya Pilot. Kawawa ka kapag Apache lang ang bolpen. LOL
Pero wala naman nga 'yan sa mga gamit. Nasa kagalingan 'yan sa pag-aaral. Naks.
haha! naaalala ko nga yung pencil case nung mga classmate ko na madaming pinipindot...inggit na inggit din ako sa kanila kasi hindi ako nagkaroon ng ganon.
ReplyDeletehay buti pa sila...pero ok lang naka graduate naman ako. ahihihi!
Saktong umpisa ng dekada nubenta ako ipinanganak. Naabutan ko pa naman ang Richie na concentrated juice. Madalas orange flavor ang nakikita ko sa ref. Hindi ko 'yun pinapansin kasi hindi masyadong masarap. Inuubo ko sa kakaiba n'yang asim at texture sa lalamunan...
ReplyDelete...2001 ng huli akong nakatikim no'n. Umuwi ang mga pinsan kong hapon at ginawa itong flavoring sa snow cone.
...Ngayon, wala na 'yon, phased out na!
Ang sarap balikan ng mga alaala. Haaay!
@PinkNote Ang akala ko kaming hampaslupa lang ang nag babalot ng manila paper sa nokbuk eh. LoL
ReplyDelete@Yj Yum Yum talaga ang Peanut butter, Salamat sa pag basa :-D
@Kablogie Mura lang ang binyad nila! Wait lang, kelangan talagang naka arabian outfit ang profile pix mo?! LoL
@Azel True pag kumikita ka na gusto mong makuha ang mga hindi mo na enjoy dati.
Sige na nga susulatan ko na ang likod ng sterling. LoL
@Saul 'Di ko sure kung buhay pa ang mga products na yun, pero yung Richie na synthetic orange juice hindi na lol
ReplyDelete@Drake Buti ka pa nag karoon nung highschool ng sosyal na nokbuk, ako hindi :-S
@Tiyo Paeng Sige po asahan ko ang madalas na pag dalaw nyo, samahan nyo narin ng pag comment lolz
@Jettro Ay gumamit din ako ng tahi tahi lang na notebooks galing sa old notebuks :-D Resourceful kaya yung ganun
@Gasul Oo nakuha mo Brad, yun nga ang movie na yun LoL
ReplyDeleteNatawa ako sa Apache.LOL hindi ko alam yung bolpen na yun. LoL
@isitbi Sus impossible na hindi ka nag karoon ng ganung pencil case. Edi kinast out ka ng mga school mate mo sa Zobel :-P
@Chio Petilla hay 90's ka pinanganak?! I feel old. Kill me now. LoL
pagod na ko at matutulog na sana. buti na lang nabasa ko tong putris na post mo. na-imagine kitang byernesanto nga ang itsura habang hawak mo yung mga notebooks. ang lupet naman ng nanay mo. walang awa. feeling ata n'ya eh s'ya ang papasok kaya naman kung ano na lang madampot sa palengke. kaya ka pala ganyan HAHA. at peanut butter? kaya naman pala rin. buti na lang marunong ka sa buhay at tinakpan mo mga covers. nakakaawa talaga pag walang leveling ang pencil case. linchak magkasing edad pala kayo ni mulong HARHAR
ReplyDeletetuwing namimili kami ng notebook
ReplyDeletesa department store
lagi kami ang pinapapili
ng gusto namin
siguro dahilan yun
para magaral kami ng maigi
parang merong hindi nasusulat na batas
na nagsasabing dapat namin pagigihan ang pagaaral
hindi nasusukat ang galing sa notebook
alam mo yan
:D
never ako nagkaroon ng artista
ang cover ng notebook
hindi ko na yata kasi panahon yan e
hahahahahah
.xienahgirl
hahaha
ReplyDeleteang galing ng pagkakakwento!
pero para saan naman to?
wow... nuon, mahirap "kuno"
ngayun naman, mayamang mayaman na?
ahhh...
wag kang shongaling!!!!
@Random Student Oist Mas matanda si Kuya Mulong noh. Hmmmp! Sharp lang ang memory ko sa mga ganyan. Don't tell me hindi mo inabot ang that's entertainment?! ako grade 1 nung nawala sila.
ReplyDelete@XG Hindi panahon?! Excuse me! I hatechu! Pakiss nga. LoLz
hahahahaha. naalala ko rin notebooks ko dati, aspen. ang cover ay si manilyn reynes, aiko melendez, gwapings. lol.
ReplyDeletenaka2tuwa nman po ngka2bukingan na tlga ng edad dhilsa cover ng nootbook..lol buti nlang ung sking art paper ung cover..hiiihih
ReplyDelete