Saturday, October 3, 2009

Prayer ni Jepoy

Dear Papa Jesas,

Ako po ay na ninikluhod sa inyong trono ng blessing na patnubayan ang aking bansang sinilangan sa pag dating ni Kuya Pepeng. Promise po mag papakabait na ako. Hindi na po ako ma lalate sa opis kahit one minute at hindi ko na po uunahin ang pag bloghop pag dating ko sa Opis. Sana po ay patawarin ninyo ako sa mga Sins na na ka hurt sainyo ng bonggang bongga. Minsan po talaga ay medyo matigas lang ang ulo ko katulad ng pinaka mamahal ninyong Israelites noong panahon ni Lolo MOses. Nabasa ko po sa banal na kasulutan na madalas nilang nakakalimutan ang himalang pag sagip Ninyo sa Ehipto na kung saan minagic nyo ang dagat at nahati ito para makatawid sila ng safe, naging matakaw din po sila dahil noong pinaulan ninyo ng pag kain (nakalimutan ko na po ang term dito parang Am ata 'yun not sure po) at sinabi nyong kumuha lang ng tama ay naging greedy ang mga Menggoy at nag store ang mga ito sa kani-kanilang kabinet, kinabukasan tuloy ay inamag at nabulok ang lahat ng ito, hindi kasi sila nakinig sa instructions nyo ang titigas ng ulo parang ako po minsan. Salamat po sa peytpulness Ninyo mula pa noon hanggang ngayon.

Itinataas ko po ang aking hands sa pagpupuri sa inyong pangalan tanda ng aking pag suko sa inyong Powers. Pasensya narin po kayo dahil hindi na ako nag lea-lead ng praise and worship t'wing Sunday Worship Service dahil sa busyness ko ay na lilimutan ko ang tunay na reason baket ako na bubuhay sa Mother Earth- Para papurihan ka ng bonggang bongga.

Inilalapit ko po sa inyo ang mga Dam sa ilang sulok ng Pilipinas at ang marurupok na bahay ng mga katulad kong hampas lupa sa lahat ng sulok ng Filifins. Bigyan nyo po kami ng more more wisdom para more more mind over nerbyosness ang magaganap sa pag hagupit ni Kuya Pepeng. Hayaan nyo rin po na mag tulungan kami para more more love and bayanihan ang magaganap.

Sana rin po ay mag padala ng picture greeting ang aking mga kaibigan sa Birthday ko. Ingatan nyo po si Mama and Papa and utol and relatives ko sa Pampangga kung saan ay Signal number 1 na. Sasabihin ko po kay Mama ko na wag na mag tapon ng basura sa creek para hindi na kame bahain.

Pero kahit anu pa po ang mangyari maganda man o ugly, masakit man o matamis, mapait man o hindi ay hayaan nyo na hindi mag bago ang love ko sa Inyo dyan sa Mansion nyo sa Heaven habang binabantayan nyo kami dito sa Mother Earth. Papa Jesus I love you po.

Nag mamahal Nyong anak,
Little Drummer Boy

28 comments:

  1. Ahahaha...siningit pa rin kay Papa Jesas ang mga frendship na di pa nagpapadala ng bday greetings pix. ^_^.. Pramis dis wikend padala na ako, minumulto na ako ng hiling mo eh ahahaha...

    ReplyDelete
  2. @Kablogie Sige Sige Brad :-D

    ReplyDelete
  3. jepoy bakit kuya pepeng...para sa babae yun no!! hihihi

    may awa si fafa jetut..dont wori...

    ReplyDelete
  4. Jesas talaga? haha!

    dont worry hindi masyadong wet si pepeng, so hindi natin sya matatawag na 'pepeng wet' or 'pepeng basa' sa tagalog haha!! konti lang kasi ulan nya hahahaha!!

    ReplyDelete
  5. MANNA ang term nun ung food na kinain ng mga Israelites. Parang nauulit lang sa atin ang nangyayari no? Tignan mo ang ilang kababayan natin nagkakagulo sa pag-aagawan sa relief goods! Likas talaga tayong mga tao na matitigas ang ulo!

    Well talagang pinapangalandakan mo upcoming bday mo ha? ha haa...sige na nga try ko padala pic greeting ko sa u! :D

    ReplyDelete
  6. hayaan mo ipag-pray mo talaga ang hindi pa nagpadala ng picture greeting..Hold-up style ito ah..tingnan mo si kablogie diba minulto na..haha

    ReplyDelete
  7. Yes, to you Papa Jesus and to our Father Almighty... we give back all the praises and glory.... Amen

    ReplyDelete
  8. ahahhaha, naisingit pa din ang greetings, sige na nga, gagawa na ako.. lols!

    ReplyDelete
  9. napa LOL ako
    "God Bless Philippines. Bangon Pinoy!"

    ReplyDelete
  10. Malapit na bday mo Jepoy! PACANTON ka naman!wahahahah!

    Ang bait bait mo naman palang bata kahit hindi halata sa iyong pagkatao!hahahahha joke lang!

    Ingat

    ReplyDelete
  11. Papa Jisas, kahit ganyan lang po si Jepoy, mabait pong bata yan kaya plis lang pagbigyan niyo na po ang mga kahilingan niya, lalong lalu na yung bagong bike... bertdey naman po niya eh...

    hehe!

    ReplyDelete
  12. happy birthday sa iyo..sana marami kang matanggap na picture greetings..

    ReplyDelete
  13. di ko alam pero mahina ata ang tinawag nilang super typhoon.. :D

    OT: salamat sa pagbisita sa bagong bahay ko.. :D

    ReplyDelete
  14. nakanaks. nag lelead ka pa pala ng praise and worship dati. ganda siguro boses ni jepoy.

    ReplyDelete
  15. Ang hirap namang maniwalang Little Drummer Boy ka LOL. Pero nice prayer. Any kind of prayer is powerful.

    ReplyDelete
  16. AMEN! mabuhay! :D hehe.. laging nasisingit ang piktyur greetings sa mga entry mo ngaun kuya ah :) hahaha..

    ReplyDelete
  17. kakaiba ang dasal na to.

    isa to sa pinaka-pawerpul na pwede nating gawin sa lahat ng oras na kailangan natin ng 2long.

    teka,
    natanggap mo ba yung pek-chur griting ko?

    ReplyDelete
  18. @Ate Powkie Onga no Pepeg parang KiKi lang noh?!

    @Atty Homer Salamat at hindi nga masyadong wet si Pepeng. LoL Bashtush mo po! I hatechu!

    @Vonfire Honga Manna nga 'yun. Sige sige hintay ko ang pic greeting mo

    @Kuri Amen and Amen

    ReplyDelete
  19. @Ruel Sana nga holdup style kaso wala akong maholdhup e lolz

    @YJ Amen and Amen

    @BatangHenyo Tawa ka dyan! E kung pinapadala mo na kaya 'yung contribution mo..Wapak!

    @MIss GUided Babangon ang Pilipinas talaga!!!!

    ReplyDelete
  20. @Drake Lika dito bibili kita ng sampung Pancit canton, ewan lang kung di ka masuka-suka!

    @Yanie LoLz Sana mag comment ka tungkol sa picture greeting diba?! LoL

    @Arvin Maraming Salamat saiyo sir Arvin

    @Raye You are so Welcome

    @Papas AkA Aki Wag ng gumanon!! LoL

    ReplyDelete
  21. @RandomStudents Kokontra ka pa eh, wala pa ang contribution mong picture greeting hmp!

    @Kox Nasan na ang pix greeting mo Mam? LoL

    @Kosa Natanggap ko na. Maraming Maramong Maramong Salamat kosa Boi. At nag reply ako sa email mo ng thank you card, Sana ay Nareceive mo ;-D

    ReplyDelete
  22. amen ... at amen

    hmmm nice post parekoy...ah parekoy favor

    may ipapacomment ako sa iyo dun sa last post ko.... article yun ni gf na ipapass sa skul paper nila

    tell me if maganda o pangit...kulit ni gf kasi ayaw maniwala na maganda yung article niya... thanks in advnce.... aadvance hapi bday nga pala

    ReplyDelete
  23. @SaulKrishna Sure will do will do

    ReplyDelete
  24. Dear Lord God,
    salamat at pinakinggan nyo ang prayers naming lahat.

    Uhm re previous entry mo. YES! I am a blog addict! Dagdag ko yung lagi kang napepressure na sumulat ng interesting entry dahil hinahapan ka ng updates ng readers mo. ;D

    ReplyDelete
  25. Nice Prayer.. it works

    ReplyDelete
  26. @Wait Tama ka. Tumatalab talaga ang prayers :-D

    ReplyDelete
  27. so cute naman!
    by da wey, MANNA po tawag dun sa food ng mga taga israelites..ehehe
    don't forget na to attend praise n worship okey para pleasing kay papa Jesas!

    ReplyDelete