Saturday, October 24, 2009

Kwento ko Today!

Hindi naman sa lahat na pag kakataon lagi nalang nakakatawa ang nangyayari sa buhay natin. Tulad nalang sa buhay ko minsan naiinis din ako or madalas pala, pero lagi lang akong naka smile kasi ayokong mag karoon ng pait sa puso ko, baka mamya neto ma istroke pa ko, haller!

So kanina pinag mamasdan ko ang mga langgam habang nakahiga ako sa pang mahirap kong bed, kakatapos ko lang noon mag basa ng tatlong chapters ng Sookie Stackhouse fourth book: Dead as Doornail. Minamasdan ko ang mga langgam at naisip kong Sana ginawa nalang akong langgam ni Papa Jesus para hindi ko nararanasan ang hagupit ng mundo at emo emohan na dulot ng kung anumang sirkumstansya sa buhay at higit sa lahat naisip kong ang langgam ay marunung mag save for rainy days pero ako hindi. Kaya nga ang ginawa ko nalang ay bumangon at nag punta ng MOA (Oo favorite ko ang MOA or ang Mall of Asia na mas kilala sa tawag na MUWA. Baket MUWA? Kasi 'yun ang tawag ng mga manong kunduktor sa kanto namin pati kundoktor sa baba ng MRT at LRT)

Malapit lang ako sa MUWA limang tumbling lang at kalahating Cartwheel nandun na ko kaya naisip kong pumunta doon kasi hindi ako makatulog.

Pag dating ko sa MOA tinanong ko ang sarili ko "Ano ang gagawin ko sa MUWA?" Medyo na hahawa na ako sa mga pananalita nila manong Kundoktor na BISACOL kasi sila ang kabonding ko sa yosian sa baba namin. (Ang BISACOL ay BIsayang BIcolano, FYI lang)

So tuloy ang kwento...

Pagdating ko sa North Wing ng MUWA nakita ko ang flirtness first staff, merong chika bebe na tinanong ako kung gusto ko bang mag pa member sa halagang 2K monthly through credit card, naka suut sya ng super pekpek skirts at fitness first shirt na maikli tapos pa ex ang back strap, yummy! dahil matabil ang dila ko at pag nag salita ako ng english ay para akong naka tira sa Ayala Alabang at tunog mayaman din ay nag lumapit ang mga ibang staff para tulungan si chikabebe na mag up-sale ng bonggang bongga, syempre naki usi naman ako at nag pa tour sa flirtness first dahil parang gusto ko narin mag ka six pack abs (Gudluck!)

So tinour tour ako ni Miss Chika bebe na nag ngangalang Arizona (Susyal ang Pangalan parang Amerika lang) Pag tapos nya ako itour para makita ang facilities nila, take note naka angkla ang hands nya sa may siko ko ha while we are walking around the Gym (Parang luneta lang) pero syempre wala lang sakin 'yun syempre naman malinis ang aking isip sa mga ganyan ganyan. Pagtapos ng tour tinanong na nya ako kung mag papa member na ako today at hinihingi na nya ang credit card ko.

Bigla kong naalala ang mga langgam na nag lalakbay sa tabi ng higaan ko kanina at naisip ko na kelangan mag save for rainy days dahil I'm not getting any younger anymore. Kaya sinagot ko sya ng matamis na Ayako.

Nalungkot si Arizona dahil hindi sya na ka upsale. At dali dali akong umalis dahil baka ma-pa-Oo ako ng bigla dahil sa nakakaawa nyang muka at mura nyang katawan.

30 comments:

  1. Hehehe :D Sayang ang oras sayo ni Arizona, buti na lang di ka pa pinameryenda lolzz

    ReplyDelete
  2. @LordCM sya nalang papa Miriendahin ko next time

    ReplyDelete
  3. May gas... kala ko ang bisakol ay "bisayang nag****col" ahahahhahaha... jowk lang... jijijijiji

    ReplyDelete
  4. @Xprosaic Ang bashtush mo po Xprosaic! Magagalit si Papa Jesus sayo sige ka

    ReplyDelete
  5. talagang inangklahan ka ni Arizona?
    naka-suit ka ba nun? baka akala mayamang-mayaman ka!!! lolz!

    ReplyDelete
  6. Grabe namang mahal ng gym na yan! Eh halos sweldo na yan ng isang construction worker na babad na babad sa init ng araw at hirap na hirap kakagawa ng building. Tapos yang gym na yan, binabayaran mo na nga pinahihirapan ka pa. Linsyak na yan.

    Pre doon ka na lang sa gym na tig titrenta per session. Ganun din naman yun pagpapawisan ka rin.

    Ingat

    ReplyDelete
  7. hahahahaha

    that surely beats boredom ei?

    ReplyDelete
  8. shet di ko kaya 2k buti na lang sa YMCA dito sa baguio e P250.00 lang. nyahahah. Salamat sa langgam at nakatipid ka! heheh...

    ReplyDelete
  9. Smile lang ng Smile....
    Dati akong member ng FF.
    Ayun nag pina close ko account ko'
    mahal na kase eh hehe.
    ang alam ko almost 3k na ang monthly pag new member na.
    pero din offer na corporate account.
    nasa 1k+ : )

    ReplyDelete
  10. ayus lang yan. i'm sure sanay na si ate. wag siyang ambisyosa. haha part ng sales ang rejection.

    sana di ka na ma-sad. pero kung sad ka, ayus lang naman ikwento mo dito. everyone gets a little emo every now and then.. (kaso ako parang ilang buwan na haha)

    ReplyDelete
  11. @Azel HIndi naka fave outfit lang ako nun shorts shirt and sleepers :-D Ang yummy ni Arizona ahahaha

    @Drake May point ang maganda mong suhistyon mag hahanap ako ng mumurahing gym lolz

    @Meeya Woi first time ka po dito sa bahay ko, salamat sa comment at balik po ulit at totoo bang ambidextrous ka?

    ReplyDelete
  12. @YJ Ang galing mo po mag english, pwede paturo? lol

    @Kokoi Waaaaaaaaa Kamusta na si Ayumi?! LoL

    @Wait Onga sobrang mahal not worth it, dibale hanap tayo mas mura mura dyan lolz

    @Citybuoy Tama ka Sir, hindi kasi ako marunung mag emo post pero one of these days i try try ko :-D

    ReplyDelete
  13. Sounded like a good deal. Pero shempre kailangan ng full dedication jan parekoy. Good luck to us!

    ReplyDelete
  14. grabe!kinawawa mo naman si arizona.
    kala nya matatangay nya credit card mo sa kanyang murang katawan at kepkep shorts. buti na lang matigas ka..este matatag ang iyong paninindigan at kapit sa wallet.
    pag nabore ulit, magsarili ka na lang
    (ng pageehersisyo)
    lalaki pa ang kwan mo...massel.

    ReplyDelete
  15. hahahha gusto ko din pumunta ng muwa!!! hahahaha nakakatawa ka prin kahit kelan pre..mabuti nlng di ka na bumalik at baka maawa ka sa mura niyang katawan hahahaha

    ReplyDelete
  16. @Angel Tama ka kelangan ng dedication kaya itry ko nalang muna ang herbalife ahahaha saka ang ehersisyo

    @Reigun Bashtush mo po! Ahahaha

    @Rico Tara minsan sama ka sakin sa MUWA lolz

    ReplyDelete
  17. isang beses pa lang ako nakapag-muwa...hehehe
    tsk tsk...kawawang arizona hindi nakuha ang matamis mong...credit card...ahahahaha

    ReplyDelete
  18. hahaha.. arizona! cool name! natawa naman ako dun, nakakapit p tlaga ah. hahaha..

    uu nga MUWA nga tawag nila manong, cool. hahaha..

    kawawa naman si ate, pero oks lang, tama ang iyong naging desixon. hahaha..

    ReplyDelete
  19. puro sugar ka 'ata jep kaya nilalanggam na

    ReplyDelete
  20. Akala ko nais mong maging langgam dahil gusto mong mangagat ng betlog.. aruy! hapdi nun.

    nangyari na kasi minsan yan eh, habang nag aalmusal ako. bigla may kumagat na langgam sa betlog ko. tiniris ko nga..

    sabi ko:

    letseng langgam na ito, eto nga patuyo-tuyo lang ulam ko, gusto pa ng langgam na ito ay Itlog.

    ReplyDelete
  21. mag MRT ka nalang every day. good work out 'yun. free pa. basta 'wag ka lang sasakay. pagpanhik mo, baba ka uli.

    ReplyDelete
  22. anlakas ng influence ng langgam hahaa. ganyan din ako ksi mejo langgam season na naman at ung foot ng bed ko mejo dinadaanan ng langgam papunta sa laptop ko (oo, ginawa nilang colony ung loob ng laptop ko...grrr) . . . haha at napapaisip din ako minsan sa mga langgam kung naging langgam nlng ako hahaha. actually dhl din sa knla napapaisip ako sa purpose ko sa mundo kso yan ang ibablog ko nxt tym kaya d na kita sospoilin hahahahhahaha ... sayang nga lang si arizona... akala ko ininspire ka ng mga langgam na magpaka-busy rin sa buhay kaya idadagdag mo ang gym sa sched mo lol--magsesave nga naman pala hahahaha

    ReplyDelete
  23. HAHA! Congrats on resisting the tukso!!! Haha! Ganyan din ako lately, nikkeep ko self ko from things na alam kong pagkakagastusan nanaman. Hehe! ^^

    Natawa ako sa name nung girl... HAHA! XD

    ReplyDelete
  24. hahaha buti di ka binatukan ni arizona.... nakaka ilang ang pangalan niya... kulang nalang eh "Ms." at parang pang miss USA na siya...

    teka anung pekpek skirt? yun ba yung isang dangkal lang ang haba?

    ReplyDelete
  25. na try ko din ang ganyan kahit naaawana ako sa mukha ng nakikiusap sa akin ay tumanggi talaga ako, ako pa naman ang uri ng tao na maawain, talagang mapapa-oo ako. same reason, kailangang mag ipon.. hehe add kita sa blogroll ka ah! ^__^

    ReplyDelete
  26. @Deth Pag uwi pasyal ka ulit sa MUWA tama kawawa asi Arizona :-D

    @Kox Tama ka, tama ang desisyon ko koxie girl lol

    @Random Students And where is the comment commin from?! I hatechu!

    @Alkapon Kung magiging langgam man ako Pre hindi Betlog ang kakagatin ko kundi ung reversals nya! Bashtush mo po

    ReplyDelete
  27. @Mesg Sent eto na nga po nag eemrt na everyday akyat at panaog at lakat ng super layo mula shaw hanggang One San Miguel. Whew!

    @Traveliztera Ah langgam season pala ngayon! Kaya pala mmmmmm

    @Rich Kelangan talagang pag labanan ang tukso lol

    ReplyDelete
  28. @Saul Krishna Oo yun nga yun pre nakuha mo!

    @Cyderellaz Sure naman, salamat po sa pag comment. Add din kita sa br ko :-D Ingats

    ReplyDelete
  29. One san miguel?! tsk tsk anlayo ah. wala pa namang silungan sa lalakaran mo. When I used to go that route, I always made sure to reroute inside St. Francis kasi may mga puno at maraming lilim that way pag labas ko one san miguel na, pokpok junction na. ... and nilalanggan ka na talaga sa sweetness, don't hate me haha!

    ReplyDelete